(Noam's POV)
"FIVE minutes left," nakangiting anunsyo ko habang inililibot yung paningin ko sa kanila na pawang mga nakayuko habang nagsusulat sa kapirasong papel.
Nakasandal ako sa mesa na nasa platform habang pinagmamasdan sila isa-isa, natatawa ako dahil kitang-kita ko kung sino yung mga estudyanteng may naisasagot talaga sa papel at kung sino yung hindi.
Yung iba ay nagkakamot ng ulo, yung iba umuubo-ubo kunwari, may iba na nasa kisame ang tingin, may iba na kunwaring nagsusulat kahit wala namang isinusulat, habang may iba naman na tumitingin saken sabay biglang yuyuko para magsulat na para bang saken nila nakukuha yung sagot. Halata tuloy kung sino yung hindi talaga nag-aral sa kanila.
Pantay na umangat yung kilay ko nang mahagip sa gilid ng mata ko si Salazar na tila isang giraffe dahil nagkakanda-haba ang leeg sa pagsilip sa papel ni Linus kung saan si Linus naman ang sumisilip sa papel ng katabi.
Umiling nalang ako sa kakulitan nila. Dinampot ko yung small notepad ko mula sa mesa para isulat yung mga apelyido nila.
"Verdan, Trias, minus five sa quiz."
Nanlaki yung mga mata nila kasabay ng pag-awang ng mga labi nila, dahilan para magtawanan ang iba nilang kamag-aral.
"Sir naman! Lima na nga lang yung tamang sagot ko eh!" Reklamo ni Linus na sinigundahan naman ni Salazar.
"Ako nga tatlo palang eh!"
Natawa ako sa reaksyon nila, "Bakit kasi hindi kayo nag-review?" Humalukipkip ako habang nakangiti, "Paulit-ulit ako kahapon sabi ko reviewhin nyo yung lesson natin dahil magpapaquiz ako pero halatang di nyo naman ginawa."
"Eh nakakatamad ih," sabay nilang sagot na sinang-ayunan naman ng nakararami kaya napakamot din ako sa batok ko.
"Kahit na. Wala akong mako-compute sa grades nyo kung palaging zero ang scores nyo."
"Pero sir..."
Inilingan ko sila, "Dapat makasanayan nyo na yang pagre-review para hindi na kayo mahirapan pagdating ng college."
Ngumuso sila bago nagkakamot ng ulo na bumalik ang tingin sa sariling papel kaya natawa nalang ako.
Tipikal na mga estudyante, mga pasaway talaga. Malamang ay hindi naman nag-review itong mga batang toh kahit paulit-ulit ko ng ibinilin sa kanila kahapon bago ang uwian. Hays. Sabagay, hindi ko sila masisisi, nakakatamad talaga ang mag-review pero kailangan nila yon.
Sumilip ako sa relos ko at sakto namang tumunog yung bell.
Time na.
"Okay, pass your papers to the center aisle and then forward."
Agad naman silang tumalima at mabilis na ipinasa ang mga papel kasama ang questionnaires. Kinuha ko iyon sa kanila at sinalansan para iipit sa history book na ginagamit ko sa pagtuturo.
"Class, reminders lang po ulit. This coming saturday na yung kuhanan ng report cards nyo kaya please bring your parents or guardians for attendance, may konting sasabihin lang din ako sa kanila kaya maghihintay ako until 5 pm, understood?"
"Yes sirrr!" Sabay-sabay nilang sagot na sinamahan pa ng pagtango kaya napangiti ako lalo.
"Sige, class dismiss." Anunsyo ko kaya ayon, kanya-kanyang hiyawan sila habang nagmamadaling lumabas.
"Bye sir Noam!"
"Ingat po sir!"
"Kitakits bukas seeer!"
"Labyu ser!"
Kinamot ko yung pisngi ko habang natatawang ginantihan yung mga pagpapaalam nila saken.
"Ingat din kayo."
Binura ko muna yung mga nakasulat sa whiteboard bago binitbit yung mga gamit ko, I also turned off the fan and lights before finally going out.
Medyo giniginaw ako dala ng malakas na ihip ng hangin, kahit nakalong-sleeve polo ako eh tumatagos iyon sa tela kaya nararamdaman ng balat ko.
Tumingin ako sa kalangitan, "Uulan siguro."
Madilim na kasi ala-sais na, walang mga bituin sa langit, malamang ay natatakpan ng mga ulap.
Hindi nga ako nagkamali nang magsimulang magtakbuhan ang mga estudyante para sumilong dahil biglang bumuhos yung malakas na ulan, may ibang naglabas ng payong at dumiretso sa exit gate pero may ibang wala kaya nanatili muna para hindi mabasa habang naghihintay ng sundo.
Dumiretso na ako agad sa faculty para kunin yung mga gamit ko, wala pa sina Jethro, malamang ay late dismissal nanaman silang tatlo dahil mas strict sila kaysa sa akin. Mas mabuti na rin yun kaysa sa maabutan pa nila ako, baka mamaya eh kung saan-saan pa nila ako yayain.
Isinilid ko yung mga gamit ko sa knapsack ko at inilabas ang payong bago lumabas para maglakad patungo sa terminal ng jeep. Malayo-layo kasi yung tinitirhan ko mula dito sa eskwelahang pinagtatrabahuhan ko.
Hindi maiwasang pagtinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko pero hindi na bago sa akin yon, medyo kakaiba kasi ako sa paningin nila lalo na sa mga hindi pa nakakakilala saken.
I looked like a girl, kung papatungan lang ako ng wig at bibihisan ng bestida ay talagang mapagkakamalan akong babae. Majority of them already told me how much pretty I am as a man.
I'm androgynous or in other words ay genderless. Meaning, I have both qualities in both genders.
I can make myself look like a man but I can also make myself look like a woman, pero hindi ko kinakahiya ang bagay na yon. Yun nga lang at minsan ay nalilito sila kung babae ba ako na mukhang boyish o lalake na mukhang girly. Minsan napagkakatuwaan din pero hindi ko nalang masyadong pinapansin.
I admit, I really hate myself in the past when I was still suffering. Ito kasing itsura ko ang isa sa dahilan kung bakit ako nakaranas ng mga pagpapahirap. Majority of them says that I'm lucky to have this kind of face and physique because I attract too much attention, ni wala silang ideya na ito mismo ang nagpahamak sakin, this is the reason on why I'm still having those nightmares from the past, ito rin ang dahilan kung bakit minsan ay nagdududa at natatakot pa rin ako sa mga kaedad o mas matanda pa sakin kung minsan, dala iyon ng trauma na sa tingin ko ay hinding-hindi na mawawala pa.
Sure, a lot of people are giving me plenty of compliments all the time but little did they know that I suffered so much to the point na ilang beses ko ng tinangkang patayin yung sarili ko. Luckily, I survived.
And now I'm living as a normal citizen, kahit na paulit-ulit akong binabangungot ng nakaraan ko ay hinding-hindi ko na ulit tatangkain pang magpakamatay.
***
"MAY banggaan doon sa dulo ng tulay kaya nagka-trapik!" Dinig kong sigaw nung manong na may dalang kahon ng takatak pagkalagpas samin.
Nasa harap kasi ako nakaupo, sa tabi mismo ng driver. Solo ko yung upuan dahil pang-isahan lang talaga, hindi na kakasya kung may tatabi pa sakin.
Ipinagpapasalamat ko yung pagtila ng ulan. Ang haba na kasi ng pila ng mga sasakyan dala ng traffic, it will be hard for me if the rain didn't stop from pouring while I'm stuck here in traffic.
"Baka abutin na ko ng alas-otso o alas-nuebe dito," bulong ko habang sinisipat yung relo kong pambisig.
Mag-iisang oras na mula ng mahinto sa pag-andar ang mga sasakyan, tulad nga ng isinigaw ng nagtatakatak kanina ay may banggaan na naganap sa dulo ng tulay kung saan kami kasalukuyang nakahinto. Naiinip na ang karamihan ng pasahero pero mas lamang yung pinipiniling manatili kaysa ang maglakad nalang.
Hindi naman ako naiinip dahil mataman akong nakikinig ng music mula sa suot kong earphone sa kaliwang tenga ko, mahina lang ang tugtog pero nalilibang ako kahit papano. Isa pa ay ine-enjoy ko yung natutunaw na kendi na nasa bibig ko, bumubukol-bukol kasi sa pisngi ko.
Sinasabayan ko ng mahinang kanta yung pinakikinggan ko nang may mahagip yung mata ko mula sa kabilang parte ng kalsada.
It's a woman wearing a black leather jacket, white t-shirt, black ripped jeans and chuck taylor shoes. Para syang babaeng gangster na basta nalang hinaltak palabas ng isang action teen fiction na libro dahil sa suot nya pero isa lang ang higit na nakaka-agaw pansin sa kanya.
It's her hair. Her green straight hair that has some natural curls on its tips.
"Wow," Umawang yung labi ko sa pagkamangha sa kanya, "She looks cool."
Naglalakad sya patungo sa balustre ng tulay, nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita yung mukha nya pero kahit na ganon ay pinagmasdan ko pa rin sya dahil mukhang ako lang naman ang nakakapansin sa kanya.
She held the steel railings of the bridge before leaning on it and take a look on her both sides as if she's looking for something. Her hair is being blown by the cold breeze of the wind that made it cooler in my eyes. Wala lang, nalilibang akong panoorin yung berde nyang buhok. Nakakaaliw kasi sa paningin dahil bihira ako makakita ng taong nagpapakulay ng ganyan, usually kasi blonde or burgundy yung mga nakikita ko.
I'm still eyeing her when my phone on my hand vibrated kaya doon ko itinuon yung tingin ko para tingnan kung ano yung nag-notify.
"Weather advisory lang pala."
Bahagya akong ngumuso ng konti dahil doon bago pinasyang ibalik yung tingin sa babae pero napabalikwas ako sa gulat sa sunod kong nakita. A-anong ginagawa nya!?
"H-hala, t-teka!" Bulalas ko bago walang pagdadalawang isip na bumaba mula sa jeep.
Nakuha ko yung atensyon nung ilan sa mga pasahero pero hindi ko sila pinansin dahil natuon yung pag-iisip ko dala ng pag-aalala para sa babae!
Paano ba kasing hindi ako mag-aalala!? Sumampa lang naman sya sa makapal na railings mismo! Tumawid sya sa kabilang parte ng railings kung saan isang maling hakbang o hawak lang sa bakal ay mahuhulog sya sa rumaragasang tubig ng ilog sa ilalim ng tulay!
Sinubukan ko na ding tumalon sa tulay noon pero napagtanto kong hindi ko dapat gawin yon kaya hindi ako papayag na magpakamatay din sya! Kung nailigtas ko yun sarili ko mula sa pagiging suicidal, dapat sya din!
Tumakbo na ako patungo sa direksyon nya, lalo kong binilisan nang makitang yumuko sya na tila tatalon! Ah! Mababaliw ako sa sobrang kaba at pag-aalala!
Ilang sentimetro nalang yung layo ko nang bumitaw sya sa railings kaya nang makalapit ako ay agad ko syang hinila.
"WAG!" Sigaw ko pero...
"What the...fuck?"
Parang i-slowmotion ang lahat, maski na ang nasa paligid namin. Mahigpit syang napakapit sa dalawang braso ko. Napatitig sya saken, ganon din ako sa kanya. Kitang-kita ko yung mukha nya dahil sa ilaw na nagmumula sa poste.
Maliit na hugis pusong mukha, ang kulay berdeng buhok na hinahangin sa ere, walang buhay na mga matang namimilog, salubong na mga kilay, matangos na ilong at malalambot nyang labing bahagyang nakaawang sa gulat.
Sa sobrang pagkakatitig ko, huli na ng mapagtanto kong hindi ko sya nahila.
"f**k!" Mura nya.
Naitulak ko sya...
...kasama ako.
"AAAAAAAAAH!"
Bukod sa sigaw ko ay puro malulutong na mura nya ang huling narinig ko bago ko tuluyang naramdaman yung pagbagsak ng aking katawan sa rumaragasang tubig ng ilog.
Ramdam ko yung paglubog ko, pinipilit kong umahon pero mas lalo lang akong lumulubog. Pilit kong kinakawag yung parehong kamay at mga paa ko pero hindi talaga ako makaahon, panay ang singhap ko ng hangin pero puro tubig lang din ang pumapasok sa bibig at ilong ko. Napapikit nalang ako nang mawalan na ko ng lakas para kumilos.
Matapos non ay unti-unting nanlabo yung paningin ko kasabay ng pagkawala ng pagkamanhid ng katawan ko.
(Morgan's POV)
"OH MY GAAAAAAHD! What happened to my babygirl number one?!"
His horrified face welcomed me after opening the door.
Please. Don't be confused, it's not my mom. That's my dad speaking.
"I'm fine," I replied right after stepping inside our house and I kissed his both cheeks.
The water from my wet clothes kept on dripping down to the floor. I don't feel chilling but my hands are trembling, maybe because I drove my motorcycle so damn fast just to get home in a swift.
He held my shoulders as his eyes scanned my whole body as if he's examining my inner soul. He's eyeing my face and kept on checking if there are unexpected bruises or something.
"Ih bakit basang-basa ka?!" His eyes became teary, "May baon ka namang payong ah! Waaah! Wag mo sabihing hindi mo ginamit yung payong kasi baka mabasa!?"
"No."
"Halaaa! Eh ano!? Pumasok ba sa loob ng payong mo yung maitim na ulap anak kasi sumpungin ka? Waaaah! Kawawa naman ang babygirl number one ko! Huhuhuhu! Sabi ko kasi sayo mag-smile ka ih! Waaah! Mon-mon! Yung baby mooo!"
I should what?
"I'm really fine," I assure, trying to console him because his puppy doe eyes are already on verge of crying but dad shook his head in disapproval.
"Ay hinde! Alam kong hinde ka okay babygirl number 1!" He cupped both of my cheeks before letting out a cute pout, "Sabihin mo lang kay daddy kung anong nararamdaman mo, huh? Wag kang mahihiyang magsabi sakin! Sabi nga sa ritemed, wag mahihiyang magtanong kaya dapat wag ka ding mahihiyang magsabi, okay!? Okay!?"
I just nodded, because if not, he'll be panicking again.
"What the f**k is going on there?"
My eyes went on the person behind my father that looks like just came straight out from the kitchen based on the apron that she's wearing, she's still on her corporate attire that made me conclude that she also just got home from work.
"Hi." I gave her a kiss in both of her cheeks just what I did to my dad earlier.
"Hi," She looked at me from head to toe before frowning in confusion, "What happened? You're dripping wet. You might catch a cold," Mom said while caressing my wet hair and also eyeing me from head to toe, probably checking too if I'm wounded or whatsoever.
"I fell on a river."
"Anoooooooo?!"
"I fell," pag-uulit ko, "On a river."
"Whaaaaaaat!?"
"I fell on a river, dad."
"Oo nga! Sabi mo nga pero baket!? Baket?! Baket ka nahulog?! Baket?! Baket?! Baket?!" He said while gesturing his hands on the air hysterically.
Don't worry. He's fine, my dad's a little bit exaggerated but I'm sure that he's functioning just fine.
"I saved someone."
Dad clapped his hands out of joy, his eyes are now sparkling with excitement and confidence, "Aww! Narinig mo yun mon-mon!? Narinig mo!? Hehehehe! May niligtas yung babygirl natin! Waaah! Ang galing-galing---"
"Liam?"
He pouted, "Bakit mon-mon?"
"Shut up."
"Eeeeeeeh! Mon-mon naman iiiih!" He shrieked then clinged on my mom's arm, like a baby who doesn't want to get lost.
My mom just sighed before turning her gaze on me, "Are you calm?" she asked, ignoring my father's tantrums beside her.
"Yes," I answered shortly before looking down on my cold right hand, "I guess."
She nodded and pat my head before gently pinching my right cheek, "You should change your clothes first, basang-basa ka baka magkasakit ka. We'll wait for you, sabay-sabay tayong maghahapunan kasama yung dalawang kapatid mo."
"Okay."
I walked up towards my old room, leaving my father whose now being scolded by mom because of his exaggeration.
Right after entering I immediately lean my back against the door before slowly sliding down until I finally sat down on the floor. My eyes locked on the thin air, reminiscing what exactly just happened hours ago before I got home.
"Stupid," I grunted.
I don't have any intention to jump in the river but that guy pushed me all of a sudden.
My right hand slipped and took the crumpled paper out of my pocket, only to groan after seeing it. I can't help but to irritatedly throw it away. It's completely wet. I can't see anything on it, the printed information are now smudged because of the water while the paper is tearing into pieces. What should I fuckin do with that? Tsk.
I rested the back of my head on the door and shut my eyes to take a rest for a bit but the scene earlier automatically played on my mind.
Picking it up in the side of the railings is very useless, the reason why I went on the otherside of the railings is to take this paper back because it can be blown by the wind into the water any minute but then, that suicidal idiot came out of nowhere and pushed himself into me, making us both fell on the water.
Then suddenly, his face popped up.
I'll never forget that kind of face. Manly yet feminine. I'm aware that he's a male but his face has some features of a female, same with his body that looks like have a semi feminine body frame. His skin is as white as a snow perfectly fits on his pitch black wavy hair.
Innocent black sparkling doe eyes with pretty thick and long eyelashes that flutters everytime that he blinks, semi thick eyebrows, small pointed nose, naturally blushed cheeks that perfectly matches on his small yet luscious lips.
He's exceptionally...
"Beautiful..." I uttered before opening my eyes, "...yet clumsy."
My fingers touched my lower lip as I recall on my memory how my lips brushed into his when I was giving him a CPR, blowing some air into his mouth that tasted and smelled like an ordinary menthol candy, trying to save his ass from being drowned. My forehead turned into a frown and my other hand balled into a tight fist.
Fuck. Our lips touched, does it mean I'm not a virgin anymore?