(Third Person's POV)
TATLONG magkakasunod na katok ang nagpahinto saglit kay Morgan mula sa pagsasaayos ng manggas ng leather jacket nya.
"Come in." Anya nang hindi nililingon ang pinto.
"Hello, baby girl number oneee!" Masayang bati ng papa nya, "Goodmorning-morning-morning!"
Tumango lang sya bilang sagot sa ama.
Ngumuso naman yung tatay nya na tila ba hindi na nasanay sa paraan ng pagbati ng anak sa umaga, mukha rin itong aalis base sa bihis neto.
Lumapit ito sa kinatatayuan nya tsaka dinampot ang suklay at sinimulang suklayin yung berde nyang buhok tulad ng nakasanayan. Ito kasi yung laging nag-aayos ng buhok nya simula nung bata sya eh, ngayon madalang nalang dahil malaki na sya.
"Kamusta yung tulog ng baby girl ko?"
"Good."
"Talaga!?" He giggled, "Hehehe! Mabuti naman kung ganon, pero kung may nararamdaman kang kakaiba, sabihin mo agad kay mommy't daddy huh? Kasi diba nahulog ka kagabi sa tulay? Huhuhu!" Sambit nito na tila isang batang paslit lang ang kausap, napakalambing kasi ng tono non, "Nag-aalala ako na baka lagnatin, sipunin o ubuhin ka! Kaya magsabi ka lang baby girl, magpapa-check up agad tayo!"
"Okay."
"Very good! Hehehe!"
Tatawa-tawang tinapos ng papa nya yung pagsuklay sa buhok nya, sya naman ay wala pa ring emosyong inaayos ang damit. Maya-maya'y dinampot na nya ang helmet na nakapatong sa sidetable ng kama nya tsaka hinarap ang ama.
"I'm leaving, dad."
He pouted, "Aalis ka na agad, baby girl number one?"
"Yes." Tango nya, "I'm going to work."
"Aww! Ang sipag-sipag naman ng anak ko! Manang-mana kay mommy mon-mon hihihi." Yumakap ito ng mahigpit sa kanya tsaka hinalikan pa sya sa pisngi, "Mag-iingat ka sa trabaho, hah?"
"Yes."
"Tapos, ano, wag kang papalipas ng gutom!"
"Yes."
"Tsaka mag-ingat sa pagdadrive!"
"Yes."
"Kung may problema ka, magsabi ka lang samin ni mommy mon-mon mo! Hehehehe!"
"Yes."
"Tapos... tapos..." Natigilan ang papa, tsaka kumunot ang noo at humawak pa sa baba na tila malalim ang iniisip, "Ano pa bang pwede kong ibilin?"
"I need to leave."
"Halaaa! Sige na nga!" Tila nagtatampong anya neto pero mabilis ding ngumiti, "Tara na sa baba hehehehe!"
"Okay."
Muli nanamang ngumuso ang ama nya, umangkla yung braso neto sa braso nya tsaka sabay silang bumaba. Hinayaan nya lang na lumingkis sa kanya ang ama dahil ganoon naman ito araw-araw sa kanila, sanay na sanay na sya sa mga kilos nito at paglalambing.
Kaya naman ng makababa sila at makasalubong ang bunso nila ay agad na bumitaw yung ama nya sa kanya habang nanlalaking matang nakatingin sa kapatid nya na syang kalalabas lang mula sa kusina.
"Linuuus!" Sigaw neto habang nakabuka ang mga braso sa ere, para silang magtropa na sampung taong hindi nagkita.
Ganoon din ang ginawa neto, "Daddyyy!"
"Waaaaaaaaaaaah!" Magkasabay nilang sigaw tsaka nagtatatalon bago tuluyang tumakbo patungo sa direksyon ng isa't isa.
Nagyakapan ang mag-ama habang kumekembot-kembot pa ang pwet, wala namang naging reaksyon si Morgan sa kanila bukod sa pagtitig sa mga ito. Normal na eksena lang kasi yun araw-araw sa bahay nila.
"Goodmorning, baby-baby-boy!"
"Goodmorning, daddy!"
"Papasok ka na rin, baby-baby-boy?"
"Opo, daddy! Hehehehehe! May community service ako sa school ngayon, maglilinis ako ng CR, daddy!"
"Talaga!?" Nangislap yung mga mata ni Liam tsaka pumalakpak.
"Opo! Naparusahan kasi ako ng Dean eh hehehehe!"
"Wooow! Ang sipag-sipag naman ng anak ko! Hehehehehe! Galingan mo sa paglilinis ng CR ah?"
"Syempre naman, dad!" Ngumiti si Linus ng pagkalaki-laki tsaka nag-thumbs up, "Ako pa ba!? Hehehehehe!"
Kumurap-kurap si Morgan tsaka nangunot ang noo. Hindi nya maintindihan kung ano ang nakakaproud sa paglilinis ng banyo bilang parusa ng school, pero ang mas hindi nya maintindihan ay yung paraan ng pagtawa ng mga ito. Panay 'hehehe' lang eh.
'I don't understand.' Sambit nya sa isip nya habang nakamasid pa rin sa dalawa. Kung narito lang ang sumunod sa kanya na si Monique ay malamang nakisigaw na rin ito at nakiyakap sa ama't bunso. Yung tatlong yon kasi ang pinagsisimulan ng ingay sa bahay nila, pwera nalang kung kasama rin nila yung kambal nyang mga kuya.
Malamang sasabog yung bahay nila sa bunganga nung mga yon.
Isang buntong hininga naman ang nagpahinto sa kanila mula sa likuran ng mag-ama. Naroon ang mommy nila na pinagmamasdan sila habang nakaismid, malamang nakukunsumi sa pagiging isip bata nung dalawa.
"Mon-mon! Mon-mon! Mon-mon!" Tawag ng ama nya sa mama nila, "Alam mo ba, mon-mon? Maglilinis daw ng CR yung anak natin! Hehehehehe! Ang sipag-sipag nya ano!? Manang-mana sakin—" Nahinto ito ng samaan ng tingin ng babae tsaka tila tutang yumuko at ngumuso, pinagdikit pa ang dalawang dulo ng hintuturo, "Okie, hindi na ako magto-talk, mon-mon. Hmp."
Tumikhim lang ito tsaka nilingon si Morgan, "How are you feeling? Do you feel sick or something? Like fever or coughs?"
"I'm fine. Thank you for asking."
"Hmn. That's good to hear then." Nginitian sya ng ina pero saglit lang iyon dahil bumalik agad ito sa pagiging seryoso, "Anyway, is it okay to you to drop Linus to his school? We can't do it on our own since your dad and I will be going somewhere, also because Monique left early."
"Sure, no problem, mom."
Her mother nodded before glancing on Linus, bahagya pang natigilan ang binata dahil sa masamang tingin ng ina.
"Quit messing around when you're at school, Linus, or else you'll be punished."
"O-opo, mommy!"
Lumapit ang ina nya para halikan silang magkapatid sa pisngi, hinawi pa ni Monica yung buhok nila tsaka ngumiti, bagay na hindi madalas nitong gawin.
Nagkanya-kanya na silang paalam sa isa't isa bago sila lumabas ni Linus patungo sa garahe. Sumakay na agad sya sa motor nya tsaka nabutan ng helmet ang kapatid, matapos nilang makasampa pareho ay mabilis na nyang pinaharurot ang motor paalis.
***
MABILIS nyang naihatid si Linus patungo sa eskwelahang pinapasukan neto. Hindi na rin naman sya nagtagal dahil pagkababang-pagkababa ni Linus ay nagpaalam agad ito sa kanya kaya umalis na rin agad sya.
Imbes na dumiretso sa headquarters kung saan sya nagtatrabaho ay sa bar sya ni Charlotte nagtungo. Doon ay saktong naabutan nya ang kaibigan kasama ang isa pa sa barkada nila na JR, ke aga-aga ay nag-iinuman yung dalawa. Walang ibang tao bukod sa kanila dahil sarado yung bar sa umaga pero dagsaan naman ang mga customer sa gabi.
Umungol si Charlotte nang dumapo sa kanya ang tingin nito bago umirap, kumuha agad ito ng isang bote ng beer at binuksan. Dagdag ito sa kunsumisyon nya ke-aga aga.
"Oh! Morgan!" Tapik ni JR sa kanya nang makalapit sya sa mga ito.
"Hi."
"Long time no see! Ano, kamusta?"
"Are you fuckin drunk? We just met yesterday, Jhayrein, don't you remember?"
"Biro lang." Ngumisi ito, "Oh eh napasugod ka dito?"
Nagsalubong yung kilay ni Morgan sa tanong nyang yon tsaka naupo katabi neto, "Stop bullshitting me. You texted me to come here."
"Kingina, oo nga pala!" Humalakhak nanaman ang babae tsaka umiling-iling, "Sorry, medyo lutang pa kasi yung utak ko, naiwan sa sexy chick na kalaro ko kagabi eh."
"Nakakadiri ka talaga," Ngiwi ni Charlott habang umiiling, "Sana lang talaga at hindi ka karmahin dyan sa ginagawa mong pambababae."
"Bitter mo naman. Anong masama sa pagsasaya? Ha?" Tumungga si JR sa beer nya tsaka tumawa.
"Anong masama? Masama lang naman yung ginagawa mong paglalaro sa feelings ng ibang tao."
"Lintek sa hugot! HAHAHA! Palibhasa wala kang lovelife eh kaya ganyan ka magreak."
Agad syang sinamaan ng tingin ni Charlotte, "Hoyyy! Choice kong maging single, okay!? Wala kang pakielam kung wala akong lovelife dahil hindi ako kagaya mong mahilig maglaro ng damdamin ng iba! Ang hanap ko, seryosong relasyon hindi yung palaro-laro lang!"
"Ewan ko sayo!" Iwas ng tingin ni JR, mukhang nadale sa sinabi ng kaibigan kaya sumimangot na rin ito, "Wag ka na ngang maraming satsat! Bigyan mo nalang ng beer si Morgan, hindi yung ang dami mo pang daldal!?"
"Wow! Makautos ka akala mo binabayaran mo ko ah!? Ulul! Pakyu bente ka!"
"Gago ka ah! Pakyu ka din! Baket!? Kailan ba ko hindi nagbayad!?"
"Ah tangina ka! Anong kailan ka hindi nagbayad!? Kailan ka kamo 'NAGBAYAD'!? Yun dapat ang itanong mo sa sarili mo! Gunggong!" Sabay padabog na ibinaba yung bote ng malamig na beer sa counter kaharap ni Morgan, "Lakas mo makautos akala mo naman nagbabayad ka!? Eh ni singko wala kang naibayad sa lahat ng alak na nainom mo rito! Buraot ka, BURAOT!"
Nagpatuloy sa pagsasagutan yung dalawa, ni hindi man lang nila napansin si Morgan na pasalit-salit lang ang tingin sa kanila bago tumitig sa beer na inilapag ni Charlotte sa harap nya kanina.
"Straw..." Mahinang usal nya tsaka luminga-linga sa paligid.
Nang mahanap ng paningin nya yung straw dispenser ay pinuntahan nya agad ito tsaka kumuha ng isa, pagkabalik sa kinauupuan ay ishinoot nya yon sa bote tsaka sumipsip doon. Nakasanayan na nyang mag-straw kada iinom ng beer, madalas kasi syang uminom ng mga juice-juice na nakabox or pack noong bata pa sya na ginagamitan ng straw kaya nakasanayan na nya hanggang sa paglaki na pati beer ay inii-straw pa nya.
Patuloy pa rin sa pagtatalo yung dalawa pero yung utak nya lumilipad na. Kusang umaandar sa isip nya yung nangyaring insidente kagabi, siguro nga ay hinding-hindi na nya makakalimutan pa yun dahil bukod sa nabigla sya ay talagang tumatak sa isip nya yung mukha nung lalaking engot na sinagip nya.
Humigpit bigla yung pagkakahawak nya sa bote kasabay ng pagkagat nya sa straw. Bigla nalang kasing sumagi sa isip nya yung eksena kung saan inilapat nya yung labi nya sa lalake para bigyan ito ng hangin.
'His lips is so soft.' Saad nya sa isip habang seryosong nakatulala sa mesa, 'So soft... makes me want to taste it again.'
Bumuntong hininga sya, nakuha tuloy non yung atensyon nung dalawa at natitigilang nilingon sya pero mukhang napakalalim talaga ng iniisip nya.
"Anong nangyare dyan?" Bulong ni JR kay Charlotte habang pasimpleng tinuro si Morgan na busy kakasipsip sa straw, nakatulala pa ang babae. Malamang naglalayag yung utak sa outerspace.
"Anong malay ko? Ikaw nagpapunta nyan dito eh."
"Eh pinapunta ko lang naman sya rito para utusan eh."
"Gago," Ngiwi ni Charlotte, "Hilig mong mag-utos."
Nginiwian lang din sya ni JR, "Hindi pwedeng ako eh, baka kasi imbes na bardagulin yung chix eh mauwi lang sa kaharutan yung magawa ko."
"Pakyu. Hindi kataka-taka."
Bumalik yung tingin nila kay Morgan pero sabay silang napaigtad nang masalubong nila yung tingin neto.
Kanina pa pala din ito nakatingin sa kanila.
"Dapak, Morgan Verdan?! Nakakagulat ka naman!" Si Charlotte.
"Tangina akala ko aatakihin ako sa puso!" Dagdag pa ni JR.
Pero kunot-noong nagpasalit-salit sa kanila yung tingin ni Morgan, "You're weird."
"Huh? Taena, ikaw tong nakatulala dyan kanina pa tapos kami pa ang weird!?" Singhal ni Charlotte na ginatungan ni JR ng pagtango, "Hayup pare, ayos ka lang? Mukha ka kasing sabog."
"My mind spaced out for a minute but that doesn't make me weird," Bumuga sya ng hangin tsaka ngumiwi, "Both of you are the weird ones because you're talking about me while I'm just sitting right here yet you still got surprised after seeing me looking back at you." Sabay sipsip ng beer na dumadaloy sa straw na nilagay nya.
"Paano naman kasing hindi ka namin tititigan? Para kang ewan dyan, bigla-bigla kang natutulala." Ani ni JR.
"I'm thinking about something."
"Tungkol naman saan?"
Saglit syang nag-isip kung sasabihin nya ba yung tungkol sa nangyari kagabi o kung magdadahilan ba sya.
Makalipas ang ilang minutong pag-iisip ay seryoso syang tumitig diretso sa mga mata ni JR kaya nagulat naman ang dalawa sa kanya, nakakatakot kasi yungpagiging seryoso nya ngayon. Iba kasi yung paraan ng pagkakatitig nya, parang may sinasabi eh.
"Help me."
Nanlaki yung mata nung dalawa, "Help you saan?!" Sabay nilang saad.
"I just got devirginized."
Tulad ng inaasahan ay hindi mata nung dalawa yung lumaki, pati butas ng ilong nila ay lumaki na tila ba napakaimposibleng mangyari nung bagay na yon. Halos umusok yung ilong nilang pareho, aba! Sinong di magugulat noh? Eh hindi naman umiimik sa ibabg tao tong tropa nila tas bigla nalang malalaman nilang na-devirginized ito ng kung sino!? Himala.
Isa pa ay yun ang pinakahuling salita na naiisip nilang maaaring lumabas sa bibig ni Morgan. It's a personal topic, a sensitive one yet Morgan being a straightforward person, didn't even hesitate nor flinch saying something about her virginity.
She doesn't even care at all.
"Teka teka teka! Naguguluhan ako!" Singit ni Charlotte na hinihilot-hilot pa ang sentido sa kunsumisyon, "Sinasabi mo ba saming hindi ka na virgin!?"
"Yes."
"Taena legit ba!?"
Pantay na umangat yung kilay ni Morgan, "Do I look like I'm kidding?"
Nagkatinginan nanaman yung dalawa tsaka nagsimulang mag-ingay, parehong hindi talaga makapaniwala sa narinig.
"Putanginaaa! Isa itong pangitain ng paparating na sakunaaa!" Charlotte said while raising her hand in the air, "Looord! Bakit si Morgan pa!? Bakit hindi nalang akooo!? Bahay bata ko po'y inaagiw na!"
"Gago! Inaagiw ang alin?! HAHAHA! Taena mo, Charlotte, kinikilabutan ako sayo!" Sinaid na ni JR yung natitirang alak na laman nung bote nya tsaka tumawa ng tumawa na hinahampas-hampas pa ang sariling hita, bumaling naman sya kay Morgan na tumatawa pa rin, "Naguguluhan ako pero, kingina! Paano ba kasi nangyare? Medyo gulat pa talaga ako eh."
"Me neither," Morgan nodded, "It happened so fast that I didn't even realized that it was gone, I just knew about it when I got home."
JR frowned, "Teka, how can you not fuckin notice it? Hindi mo ba naramdaman?"
"I felt it."
As if on cue, her memory of doing a CPR to the guy who caused her to fall in the river suddenly played in her mind, she can also recall the feeling of pressing her lips against the guy's soft lips.
It was so soft, she can tell just by the look of it but when her lips touched it everything went blank.
"Eh kung naramdaman mo naman pala, bakit hindi mo hininto yung ginagawa mo?" Seryoso ng tanong ni Charlotte, maski si JR ay naging seryoso na bigla yung ekspresyon ng mukha at hindi na mababakasan ng pagbibiro.
"Because it felt so good." Tukoy nya sa pagkakalapat ng labi nila noong lalaking ni-CPR nya. Totoo naman eh, it's good. Ang lambot kasi ng mga labi ng lalake, dinaig pa yung labi nya sa lambot.
It was her first kiss anyway, who would've thought that kissing feels so good? Although it wasn't intentional, she likes the feeling of being kissed even though it's just because of the CPR.
Muli nanamang nagpalitan ng tingin yung dalawa, nagdududa sila sa kung ano ba talagang nangyari pero may tiwala sila kay Morgan. Imposibleng magsinungaling ito sa kanila.
"Did you do it willingly?"
"Yes, I did it without a doubt." Nakaismid pang sagot nya na para bang hindi na iyon kataka-taka pa.
Of course, she'll do it willingly! Aba'y kung hindi nya isi-CPR ng maluwag sa kalooban yung nalunod na lalake edi namatay na yon? Tsk tsk!
"Alam ba to ng pamilya mo?" Humalumbaba si JR, "O kahit ng kapatid mong babae?
She blinked her dead eyes. "No."
"Why didn't you tell them?"
"Do I have to?" Kunot-noong tanong nya, nagtataka sa dahilan kung bakit kailangan pang ipaalam sa pamilya ang tungkol doon.
Nagkibit balikat si Charlotte, "It depends to you, it's a private and sensitive topic, you can just keep it to yourself since you're an adult already."
Sandaling nag-isip si Morgan tsaka tumango-tango, humawak pa sa baba na para bang may naintindihan nya ang punto nung dalawa.
"I see."
Bumuntong hininga sila pareho bago nagpaalam si Charlotte na kukuha lang ng panibagong bucket ng ice cubes. Kinuha naman ni JR ang pagkakataon na yon para kausapin ng mas masinsinan si Morgan.
Umisod sya palapit lalo dito, "Hoy, Verdan, hindi mo naman siguro kami jino-joke time ni Mikuzuki, ano?" Nagdududang anya habang naniningkit pa ang mga matang mala-pusa ang hugis, "Kasi kung biro lang yung sinabi mo, alam mo? Tangina mo."
"You're fuckin doubting me, Jhayrein Arriane Gonzales?" Morgan asked, "I already said it, do I look like the type of the motherfucker who jokes something about that?"
"Eh nakakagago ka kasi eh! Wala ka namang syota pero nakuha ng kung sinong poncio pilato yung bataan mo!?"
"Says by the one who lost her fuckin virginity after helping some fat ass drunkard in the bar when we we're in college?" Sagot ni Morgan na ikinaismid ni JR.
"Virginity mo yung pinag-uusapan natin, hindi yung sakin, maliwanag?!"
Hindi sya sumagot, bigla nalang kasing sumagi sa isip nya yung mukha nung lalaking yon.
Yung napakaganda netong mukha na kahit kailan ay hinding-hindi nya maikukumpara. Yung lalaking yon yung matatawag talagang 'magandang lalake' dahil mapababae o lalake ay talagang maa-attract neto.
"Why does kiss tastes so good?" Out of the blue nyang tanong tsaka curious na binalingan ulit ng tingin si JR. Pinagtaasan naman sya nito ng kilay.
"Talaga? Nasarapan ka?"
"Yes."
"Paanong masarap? Kingina kasi nung mga chix ko yung iba hindi marunong humalik."
Tumingin sya sa boteng iniinuman habang inaalala yung pakiramdam na yon, "His lips is so soft and smooth, I want to taste it again. I'd like to press my lips against his to feel that unknown feeling on my stomach. It's all new to me, but I really want to do it again." Tukoy nya sa pagdidikit ng labi nila.
Sunod-sunod na pumalatak si JR sa kanya na sinabayan pa ng iling. Halos magsuntukan na tuloy yung dalawang kilay nya dahil sa inastang yon ng kaibigan nya.
"Patay tayo dyan, sa halik talaga nag-uumpisa yang mga ganyan eh!"
"Really?"
"Naman!" Umakbay ito sa kanya, "Alam mo, Morgan, hindi masama yung makaranas ng ganyang mga 'adult stuffs' kasi nasa tamang edad ka na rin naman katulad ko pero sa tuwing gagawin mo yan, dapat meron kang proteksyon."
Morgan frowned again in bafflement, "Protection from what?"
"Proteksyon para hindi ka mabuntis."
Doon na nanlaki yung mga mata nya na bibihirang mangyari. Nagugulat sya sa mga sinasabi ni JR, hindi nya akalain na pwede pala yon.
"R-really?"
"Oo."
Bumadha yung pag-aalala sa mukha nya ng maalalang basta nalang nagdikit yung labi nila nung lalake ng walang kahit na anong harang, "f**k, what should I do if I really get pregnant?"
"Tanga, edi hanapin mo yung lalake!" Lumayo na si JR sa kanya tsaka sumandal at ipinatong ang makabilang siko sa counter, "Isipin mo yung magiging reaksyon ng mga kuya mo kapag nalaman nilang nakipag-s*x ka sa hindi mo kilala."
Seryoso syang tumulalang muli sa bote ng beer na nasa counter. Hindi naman sya nag-aalala masyado, pero iniisip nya kung paano hahanapin ang lalaking binigyan nya ng CPR gayong hindi nya alam kung saang ospital ito dinala.
(Noam's POV)
"SIGURADO ka bang ayos ka na?" Inalalayan nya akong makatayo pagkalabas ko sa kotse nya habang sya na rin yung nagbitbit ng bag ko, "You may absent for a day if you're not feeling well."
"Maraming salamat, Jethro pero ayoko kasing um-absent eh."
"Papayagan ka naman ng department head natin. It will be good for you, makakapagpahinga ka pa ng mabuti."
"I don't want to absent, mali-late sa lesson ang mga bata." Umiling ako, "I need to focus on them, hindi sila pwedeng ma-late sa lesson, ayoko silang ma-rush kapag malapit na ulit ang exams."
Kumurap-kurap sya, halatang gustong magpumilit pero pinipigilan lang ang sarili. Palibhasa'y hindi nya talaga ako mapipilit.
"Are you sure?"
Ngumiti ako. "Oo naman."
Mariin nya akong tinitigan na para bang sinusuri nya kung talaga bang nagsasabi ako ng totoo, kapagkuwan naman ay bumuntong hininga lang sya tsaka kami nagsimulang maglakad paakyat sa 2nd floor ng apartment kung nasaan yung kwartong inuupahan ko.
"Nga pala, ano ba talaga kasing nangyari sayo? Paano kang nahulog doon sa tulay?"
"Uhm... M-mahabang kwento, hehehe." Palusot ko na mukhang hindi naman bumenta sa kanya dahil pinaningkitan lang nya ako ng mata.
"Paikliin mo, makikinig naman ako."
"Ano, basta n-nahulog lang ako ng h-hindi sinasadya."
"Hindi sinasadya?" Kumunot nanaman yung noo nya, "Is that even possible?"
"O-oo naman."
Nag-iwas nalang ako ng tingin para hindi maiwasan ko yung pagkautal. Hindi naman na sya nagtanong pa at nagkwento nalang tungkol sa party na pinuntahan nila nung isang gabi na hindi ako sumama, mataman naman akong nakikinig sa kanya.
Si Jethro ang namulatan ko pagkagising na pagkagising ko sa ospital kagabi, may tumawag daw sa kanya gamit yung phone ko at pinapunta sya agad sa ospital kung saan ako dinala ng medics. Sya ang nag-asikaso at nagbantay sakin magdamag kahit uuwi naman na sana ako dahil hindi naman malala yung nangyari sakin, ang kaso ay nagpumilit syang doon na ako magpalipas ng gabi para kung sakaling may nararamdaman akong kakaiba ay maagapan daw agad ng doktor.
Pinamulahan ako ng pisngi noong maalala ko yung nangyari kagabi. Grabe, nakakahiya yung ginawa ko! Imbes na makatulong ay nakaperwisyo pa ako!
Noong mawawalan na ako ng malay habang nasa ilalim ng tubig ay nakita ko pa syang inaabot ako, malamang ay hinatak nya ko paangat ulit pero hanggang doon nalang ang naalala ko. Nag-aalala ako sa kanya, kamusta na kaya sya? Sana walang masakit sa kanya, nakakahiya talaga yung ginawa kong pagtulak sa kanya kagabi.
"Noam?"
"Hmn?" Lingon ko sa kanya matapos nyang pukawin yung atensyon ko.
Medyo may kalabuan sya sa paningin ko dahil wala na yung salamin ko pero kahit papaano ay nakikita ko pa rin naman sya.
Ngumiti sya, dahilan para maglitawan yung biloy sa magkabilang pisngi nya. "Gusto mo bang mag-almusal kasama ko? My treat."
"Huh? Naku wag na, nakakahiya," Agarang pagtanggi ko na may kasamang pag-iling at pagsenyas ng kamay, "Ano, i-ikaw na nga nag-asikaso sakin magdamag t-tapos hanggang sa agahan ba naman ikaw pa rin."
"Walang nakakahiya roon, ano ka ba naman?"
"Pasensya na, Jethro, pero kasi nahihiya na talaga ako. I also have a lot of things to do before going to school."
"Kahit saglit lang?" Kunwaring nagtatampong anya pero nginitian ko lang sya.
"Pasensya na talaga."
Hindi na sya nagpumilit at tumango-tango nalang.
Saktong huminto rin kami sa tapat ng inuupahan kong kwarto. Kinuha ko na mula sa kanya yung bag ko tsaka nakangiting pinasalamatan sya, sinimulan naman nya akong bilinan na para bang isa akong batang nag-aalangan nyang iwan.
"Tawagin mo lang ako kung may masakit pa sa katawan mo, o kung may nararamdaman ka pang kakaiba, sasamahan agad kita sa ospital, maliwanag ba?"
"Okay. Salamat ulit, Jethro."
Sumilay nanaman yung ngiti sa labi nya tsaka ipinatong yung palad nya sa ulo ko para guluhin yung buhok ko, "Wala yon."
Tuluyan na syang nagpaalam kaya pumasok na rin ako sa loob.
Hindi ko alam kung dala lang ba ng pagod pero basta nalang akong napasandal sa pinto at padausdos na napaupo sa sahig. Parang bigla nalang kasing nanlambot yung tuhod ko at nawalan ng balanse sa pagtayo.
"A-ano ka ba naman, Noam. Kung ano-ano kasing ginagawa mo, tingnan mo tuloy, naka-abala ka pa sa ibang tao." Pagsuway ko sa sarili ko.
Pero totoong nag-aalala ako sa kanya. Hindi biro yung nangyaring yon samin kagabi, there's a possibility that one of us could die just by falling on that river.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Sana okay lang sya."
***
TOTOO yung sinabi ko kay Jethro na marami akong aasikasuhin bago pumasok sa eskwelahan. Dahil sa nangyari kagabi ay napurnada yung plano kong pagchi-check ng papers ng mga bata kaya ayun ang ginawa ko ngayon, sinulat ko na rin yung scores nila sa record book ko bago ako nagbasa ng ilelesson ko. Matapos non ay naghanda na akong pumasok sa eskwelahan.
Hindi katulad kagabi ay naging mabilis lang ang byahe ko ngayon na syang ipinagpapasalamat ko naman.
Sa gate palang ay panay na ang pagbati ng mga estudyanteng nakakakilala sakin, wala rin naman akong ibang ginawa kundi ang batiin sila pabalik. Nahinto lang ako nang may humarang sa dinaraanan ko.
"Hi, sir mabait! Good morning!" Masayang bati ni Linus na sinuklian ko ng ngiti.
"Good morning din, Verdan."
Kumunot yung noo nya, "Nasaan yung salamin mo sir?"
"Ah, naiwala ko." Palusot ko, "Pero bibili naman ako ng bago, wag kang mag-alala."
"Oh, okay!" Nag-thumbs up sya tsaka nakangiting nagtungo sa gilid ko, "Pasabay ako maglakad sir ah? Pupunta din po akong faculty nyo nina sir pogi eh."
Tumango ako habang sabay nga kaming naglalakad, "Sure, pero anong sadya mo doon? May problema ka ba sa subjects ng mga kasama ko?"
"Ay hindi sir!" Agad nyang pagtanggi na may kasama pang pag-iling at pagwasiwas ng kamay tsaka ngumiti ng malapad, "Magpapasa lang po ako ng sample art ko kay sir Enzo sa Mapeh, ako pinambato nya sa poster making contest eh!"
"Wow, talaga?" Tumango sya na ikinangiti ko naman lalo, "Galingan mo sa contest ah? Susuportahan ka namin ng mga kaklase mo, dala-dala mo pangalan ng buong section natin."
"Syempre naman sir! Hindi ko ipapahiya yung section natin, advisory mo kame eh! Hehehe!"
Ginulo ko yung buhok nya tsaka tumawa kami pareho.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating rin kami sa faculty room kung saan naabutan nga namin ang mag co-teachers ko na nag-aayos ng gamit. Sabay-sabay silang napatingin samin tsaka ngumiti, pinandilatan naman ni Andrei si Linus.
"Oy, Verdan! Anong ginagawa mo rito ha?!" Pabirong anya tsaka nilapitan ang estudyante ko para akbayan, "Balita ko may kalokohan nanaman kayong ginawa ni Trias ah!"
"Sir pogi naman, hindi naman kami yung may kasalanan nun eh! Mga pa-epal lang talaga yung ibang grade 12!"
"Kita mo tong—talagang sa senior highschool ka pa nakipag-rambol?! Grade 10 ka palang ah! Lokong to!" Sabay gulo sa buhok ni Linus.
"Tigilan mo nga yan, Andrei at ako ang pakay nyan," Sumenyas si Enzo kay Linus, "Tara rito, Verdan. Patingin ako nung gawa mo."
"Aye, aye, sir pogi!"
Inilingan ko nalang sila tsaka ako dumiretso sa table ko para ayusin ang dapat ayusin. Medyo napanatag naman ako kasi hindi ako inatake ng anxiety ko, kahit papano medyo ay at ease akong makitungo kayna Andrei, Enzo at Jethro.
Naramdaman ko agad yung paglapit ni Jethro sa gilid ko, ngiting-ngiti sya habang nanonood sa ginagawa ko.
"May gagawin ka ba mamaya?"
Huminto ako sa ginagawa tsaka takang nilingon sya, "Mamaya?"
"Hmn. As in, dismissal." Humalumbaba sya sa mesa ko habang hindi inaalis yung titig sakin.
"Wala naman, diretso uwi lang tulad ng dati."
"Great, sama ka samin mamaya nina Andrei at Enzo sa bar."
"H-hah?" Lumunok ako sabay umiling, "A-ano, hindi ako pwede eh."
"C'mon, Noam, ngayon lang ako nagyaya sayo. Never ka pang sumama sa mga gimik namin, kahit ngayon lang sumama ka."
"H-hindi ko alam, Jethro." Nag-iwas ako ng tingin tsaka ipinagpatuloy yung pag-aayos sa mga gamit na dadalhin ko sa classrooms na papasukan ko, "Ayoko kasi sa mga matataong lugar. A-ayaw kong pumunta sa mga lugar na maraming t-tao."
Hindi sya sumagot kaya akala ko ay hindi na sya mangungulit, ang kaso ay namilog yung mata ko sa gulat nang bigla nyang hawakan yung kanang kamay ko kaya natigil ako sa ginagawa ko.
Naguguluhan ko syang nilingon pero hindi talaga maawat ngiti nya.
"Please?" Mas lumawak yung ngiti nya tsaka bahagya pang tumabingi ang ulo, "I promise, tayong apat lang nina Andrei at Enzo sa VIP room."
Saglit ko syang pinakatitigan bago nilingon sina Andrei at Enzo na busy pa rin sa pakikipag-usap kay Linus, pakatapos non ay bumaling ulit ako kay Jethro na nakangiti pa rin.
Lumunok muna ako tsaka dahan-dahang binawi yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
"Pag-iisipan ko muna." Saad ko tsaka nagpakawala ng pilit na ngiti bago binuhat yung libro't iba pang gamit ko at naglakad na palabas ng faculty.