Chapter 13 (Cont. 1)

1739 Words
*** "SABIHIN mo nga sa'kin kung bakit kailangan mo pa akong isama rito?" Pang-sampung tanong na ni Charlotte yon kay Morgan pero iisa lang lagi ang sagot nito. "Secret." Asar na sinabunutan ni Charlotte ang sariling buhok dala ng pagka-irita. Sya lang rin yung naririndi sa sarili nya na magpa-ulit-ulit ng tanong kay Morgan dahil yung kausap nyang dinaig pa yung bato ay wala man lang pakielam sa kanya! "Bakit ba ayaw mo pang sabihin kung saan mo ako dadalhin!" Nafu-frustrate nyang sigaw dahilan pasta mapatingin yung ibang empleyado ng organisasyon na nadaraanan nila. "Gusto ko ng umuwi, okay?! Alas tres na ako nagsara ng bar ko at dapat kanina pa bukas yung clinic ko! Gusto ko na rin mahiga at matulog pero hinatak mo ko papunta rito tapos ayaw mo pa rin sabihin kung bakit ako nandito?!" Saktong huminto si Morgan sa tapat ng infirmary at hinarap si Charlotte. Nakapasok ang parehong kamay sa bulsa ng pantalon habang walang emosyong nakatitig sa kaibigan. "Can you quit talking for a second?" Saglit na tumahimik si Charlotte tapos maya-maya ay nagsimula ulit mag-reklamo. "Oh ayan! Tapos na yung segundong hinihingi mo! Baka pwede mo ng sabihin kung bakit mo ko hinatak dito?!" Morgan's eyes rolled heavenwards. "I guess your mouth really never shuts." "At talagang hindi ako magsha-shut up!" Nameywang sya. Nauubusan na sya ng pasensya at pumipintig na yung ugat nya sa noo pero isang blankong titig lang ang isinagot ng kaibigan kaya mas lalong umakyat yung inis sa ulo nya. Ang ayaw pa naman nya ay yung bina-badtrip sya kapag kulang o wala syang tulog, talagang tataluhin nya lahat si JR o Morgan man yan Pero dahil si Morgan ang kausap nya ay paniguradong mahaba-haba ang pasensyang inilaan nito para sa kanya lalo na't nakabisita na ito sa ina nya ng check up noong nakaraang araw dahil kung nagkataon ay baka magpang-abot sila. Inabot ni Morgan yung seradura at binuksan yung pinto. Iginiya nya si Charlotte papasok para lang matigilan matapos makita ang mga taong nasa loob. Nasa mahigit kinse yung bilang ng mga kabataan edad sampu hanggang disi-syete, karamihan ay babae pero may iilan ring mga batang lalaki. Kapwa nakahiga at nakaupo ang mga ito sa kanya-kanya nilang kama habang naghihintay at ang iba naman ay nagkekwentuhan pang-palipas oras, may iilang galos at sugat na malamang ay galing sa pananakit ng mga kumuha rito o kaya naman ay sa tangkang pagtakas. "JR and Chryseis got them earlier this morning, this is the first group that they have taken down out of the 6 remaining sub-units of those syndicates." Kumibot-kibot yung sulok ng labi ni Charlotte bago bumuntong hininga. Tumalikod sya tsaka dumiretso sa maliit na lababo tsaka sinimulang maghugas ng kamay. "Sana sinabi mo na lang agad." Kinuha ni Morgan yung nakatuping doctor's robe na nakapatong sa tabing mesa at iniabot kay Charlotte na kasalukuyang nagpupunas ng kamay gamit ang tissue. "I didn't told you because you'll rush here immediately out of worry for sure." Padabog nyang hinatak yung puting roba mula kay Morgan at isinuot, ganon rin yung stethoscope na isinuot nya sa sariling leeg at tsaka nya hinatak palapit yung instrument cart o yung stainless steel trolley na syang pinaglalagyan ng mga gamit pang-gamot pati na rin ang mga gamot mismo. "Anong plano ni JR sa mga taong gumawa nito sa mga bata?" Mahina nyang tanong. Seryoso na ang mukha habang isinusuot ang rubber gloves sa kabilang kamay. "She'll tour them in hell, I guess?" Panghuhula ni Morgan tsaka pinag-ekis ang mga braso sa ilalim ng dibdib. "Don't worry, JR knows what to do. She's as mad as we are." "Kapag hindi nya mapupuruhan, ako ang gagawa." Saad nya tsaka hinila ang instrument cart at nakangiting lumapit sa isa sa mga bata. Pinagmasdan ni Morgan kung paano kausapin ni Charlotte yung mga bata nang nakangiti. Nililibang nya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatanong habang ginagamot ang mga sugat at chine-check ang iba pang maaaring natamo nito. Sakto naman ang naging pagpasok ni Beau. Agad syang nilapitan ng lalaki na mukhang mas kulang ang tulog kaysa kay Charlotte dahil sa gulo-gulo nitong buhok at yung nangingitim na ilalim na parte ng mata. "I found it, Morgan." Bungad nito. Tinanguan lang sya ng babae tsaka sinenyasan na sa ibang lugar sila mag-usap kaya lumabas sila at nagtungo sa opisina mismo ni Beau. Pumasok sila sa isang kwartong napapaligiran ng mga monitors at iba't ibang gadgets na nasa mesa, tambak rin ang mga papeles sa isang gilid at mayroon ring nakakalat na sirang mga gamit sa isang sulok. Hindi na pinansin ni Morgan yung kalat at basta na lang naupo sa gaming chair ni Beau tsaka nya nilingon ang lalaki ngunit nagtaka sya sa iniasta nitong tila nagmamadali. Para kasing natataranta ito, nahirapan pang i-lock yung pinto bago sya nilapitan. "You look horrible." Komento nya na ikinasimangot nito. "Yes, I look horrible—well, actually, I look the worst." Nagkibit balikat sya. Isinandal nya ang sariling likod sa kinauupuan tsaka dumekwatro. Ang kaliwang kamay ay na sa armrest at tumatapik-tapik ang daliri roon habang ang kanang siko ay naka-tukod rin sa kabilang armrest, nakahilig ang ulo sa kanang kamay na tila ba reyna na naiinip sa kung anong sasabihin ng tauhan. "So..." Tumaas yung kilay nya. "What have you found, Beau?" "Okay, first of all, may ilang mga katanungan muna ako na sana ay sagutin mo ng diretso—" Natigilan ito nang makita kung gaano kaseryoso yung mukha nya kaya pilit itong ngumiti. "—kung yun ay ayos lang sayo syempre, I'm not commanding or forcing you to answer me, Morgan." Ngumiwi sya. "Okay." Naupo ang lalaki sa isa pang bakanteng silya tsaka sumeryoso. "Bakit mo pinapahanap yung profile nung lalaking yon?" "I'm dating him." Walang kagatol-gatol na sagot nya. "For how long?" "We've just started last week." "So hindi mo pa sya talaga kilala..." Bumuntong hininga sya dala ng pagkainip. "Just tell me straight to the point." "Okay, sige." Ginulo ni Beau ang sariling buhok tsaka inabot yung isang folder mula sa katabing mesa, hindi nya binuklat yon pero huminga muna sya ng malalim habang napahigpit ang hawak doon. Naguguluhan man ay hindi na nagtanong pa si Morgan dahil tinatamad sya. "I found Nero Orazio Arsen Mikhail Rivera's profile. He was born on 7th of November, 1986 in Florence, Italy just like what your brother said. Agad na nangunot yung noo nya at natitigilang umangat yung ulo paalis sa pagkakahilig sa sariling kamay. "Are you not mistaken? He's born in 1986?" "No, hindi ako pwedeng magkamali." Giit ni Beau. "Noam is on the same age as me. I was born in 1944." Dumilim yung mukha nya habang mariin na nakatitig sa lalaki. "If he's born on 1986 then he would be atleast 35 years old instead of 27." "Exactly!" Biglang sigaw ni Beau na sinabayan pa ng pagpitik ng daliri sa ere, bakas sa mukha ang excitement at thrill dahil bahagya na syang nakangisi. "Exactly, Morgan! He should be 35 years old by now but he isn't!" "What are you trying to say, Beau?" "What I'm trying to say is that he's not the real 'Noam'." Walang naisagot si Morgan. Nanatili syang nakatitig kay Beau pero walang mababasa na kahit anong emosyon sa kanya kaya sunod-sunod na napalunok ang lalake. "The real Noam, or let's just call him Nero—he came from a wealthy family, he's involved in an accident when he was 5 years old that caused his legs to be permanently paralyzed kaya lagi lang syang naka-wheelchair. He doesn't have any school records dahil home schooled sya at bibihira lumabas and I retrieved one of his photo as a proof na ibang Noam ang kilala mo." Binuklat ni Beau yung hawak nyang folder tsaka ipinakita sa babae. Naroon ang mga papeles na binanggit nito kasama ng iilang litrato. Lalong nagsalubong yung mga kilay ni Morgan nang makita yung litrato nung binatang nakaupo sa wheelchair at masayang nakangiti. Sa mabilis na pagpasada ng tingin nya sa litrato ay alam na nya agad kung gaano kalaki ang pagkakaiba ng sinasabi ni Beau na totoong Noam sa kilala nyang Noam. Ang binatang nagngangalang 'Nero' ay nagtataglay ng maputing kulay pero hindi tulad kay Noam na mas maputi. Ang buhok nito'y kulay kayumanggi at bahagyang may pagkakulot pero si Noam ay itim at bagsak ang buhok. Berde ang kulay ng mga mata nito habang si Noam naman ay purong itim. Sa hugis ng katawan ay masasabi ni Morgan na mas malapad ang mga balikat nito at mas matangkad panigurado kay Noam kung makatatayo. Tama si Beau. Hindi iyon ang Noam nya. Isang malalim na pagbuntong hininga ang ginawa nya tsaka ibinalik kay Beau yung folder. Sinimulan nya rin na hilot-hilutin yung sentido nyang biglang nanakit. "Where could I find this Nero? So that I could talk to him and discover things by myself. My Noam will not easily reveal this information to me for sure." "No, you can't talk to them anymore." "Why not?" "Because it's not just his birth certificate that I found, but also his death certificate." Saad ni Beau na nagpahinto sa kanya. "Kinse anyos nang mamatay si Nero kasama yung buong pamilya nya sa Venice, Italy kung saan sila nakatira. They were murdered and burned inside their very own mansion. The suspects were not detained even though there's strong evidence and you will not believe what I have discovered about the suspects. "The suspects are their former business partners pero hindi sila nakulong dahil sa koneksyon na meron sila. In december 2001, the Rivera Family were murdered but the suspects got away from the case and just three years after this the suspects were also got killed in an ambush by an anonymous—which I found out that it is our organization." Nakita ni Beau kung paanong bumakas yung pagtataka at pagkalito sa mukha ni Morgan. Mukhang iniisa-isa pa ni Morgan sa isip nya lahat-lahat ng sinabi ni Beau. "Ang pumatay sa pamilya Rivera ay ang mga Veratti—na inubos naman ng organisasyon natinbtatlong taon matapos nung insidenteng yon." Pagpapatuloy ni Beau. "Coincidence lang ba talaga na nagkakilala kayo nung Noam na dine-date mo? I don't really think so." Unti-unting kumuyom yung kamao nya at nagdilim ang mukha nang may mabuong ideya sa utak nya, Medyo natakot tuloy si Beau pero nagpakawala sya ng buntong hininga bago muling nagsalita. "The Noam that you're dating is really a fake, Morgan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD