(Jethro's POV)
"WHO'S that?"
I'm referring to the boy walking towards one of the guest rooms. I think he's just 4 to 5 years younger than me, mga nasa edad siyam o sampu. He's wearing a servant's uniform but it was torn, he also looked tired and obviously cried for an hour or more based on his reddish puffy eyes and nose.
He looks... unusual. I thought he's a girl at first glance, he's slim and has white skin near to being pale. Has a deep black hair and dead pair of eyes, like a mannequin that came into life.
"He's Nero's servant, young master."
I frowned before glancing at the person who spoke.
It's my father's right hand, Leonardo.
He's wearing his usual cold expression, blood was splattered on his coat and tie. Araw-araw naman syang umuuwi ng ganito galing sa trabahong inuutos ng tatay ko pero ngayon ko lang sya nakitang nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa batang tinutukoy ko.
"Nero?" Bumalik yung tingin ko sa pintuang pinasukan ng bata na ngayo'y binabantayan na ng dalawang tauhan. "The only heir of Rivera empire?"
"Yes."
"Then why is that kid here?"
"The Riveras are dead." He said that made me stunned a bit. "It's your father's order."
I went silent for a second. Sanay na ako dahil sa tuwing nakakausap ko si Leandro ay ganon ang sinasabi nya. I feel pity for that kid but I know I can't do anything for him...
...not now.
"What's his name?"
"His name is Noam." Sabat ng pamilyar na boses kaya otomatiko akong napasimangot.
He walked towards my direction. Giving me a smug face as if he did something great again, something that he should be proud of.
Great my *ss.
Sinenyasan nya si Leandro kaya yumuko ito bilang paggalang bago umalis, dahilan para maiwan kaming dalawa.
"Benedict." I called when he finally stopped in front of me. "Why did you bring that kid here?"
"He's here to be my playmate."
"Playmate?" I glared at him. "What do you mean by that?"
Ngumisi sya. "Oh, you'll know soon."
Lumapit sya sa'kin at sinubukang guluhin yung buhok ko pero tinapik ko yung kamay nya palayo. I clenched my fist while still glaring at him pero tinalikuran na nya ako agad. He walked towards the direction of that kid's room and enter with a grin on his face.
"HOY, ba't ang lalim ng iniisip mo?" Putol ni Andrei sa malalim kong pag-iisip.
Bumuntong hininga ako. "I'm just thinking about something."
Hindi nya ako sinagot kaya nilingon ko sila. Nagbubulungan na naman sila ni Enzo pero imbes na makunsumi ay inilingan ko na lang.
"Bakit parang ang la-lalim yata ng iniisip ng mga tao ngayon? Si Noam rin kanina bago umalis parang lutang eh." Banggit nya ulit tsaka siniko ang katabi. "Diba?"
"Yeah." Pag-sang ayon ni Enzo na bibihira nitong gawin lalo na kapag si Andrei ang kasama. "Ano bang problema? You can also talk to us if may problema ka, Jethro."
I badly want to tell them but I can't. Hindi nila ako maiintindihan, this is far from the regular problems that could be solve by talking and advices. This one is impossible to solve.
More than suntok sa buwan kuno kung ma-resolba.
"Medyo pagod lang ako." Palusot ko na lang.
Nagkibit balikat na lang sila kaya hindi ko na dinugtungan pa. Mas maganda na rin ang ganon kaysa naman magtanong sila ng magtanong, mahihirapan pa akong magsinungaling para lang sagutin sila.
Saktong tumunog yung phone ko kaya sinenyasan ko silang mauna na. Naiwan naman akong nakatayo sa isang gilid.
"Hello, si Jethro 'to."
"Jethro, huh? Why did you change your real name? Don't you like it anymore, hmn?"
Saglit akong natigilan nang marinig yung pamilyar na boses na yon pero imbes na magalit at mainis ay dinamba ako ng matinding kaba.
Hindi para sa'kin, kundi para kay Noam.
Napahigpit yung hawak ko sa cellphone at masama ang tingin kahit na hindi ko sya kaharap, pero ramdam ko rin na nakangisi sya ngayon sa kabilang linya.
"What the f*ck do you need, Benedict?"
(Third Person's POV)
TILA pagod na pagod si Noam nang makapasok sya sa tinitirhan. Wala naman syang ibang ginawa maghapon kundi ang magturo tulad ng usual na ginagawa nya bilang guro pero pakiramdam nya ay tumakbo sya ng milya-milya.
Halos kaladkarin na nya yung sarili nya patungo sofa kung saan pabagsak syang naupo ron. Bagsak ang mga kamay sa kinauupuan na para bang wala na syang lakas at tsaka itinuon ang atensyon sa kisame para mag-isip
Parang sasabog yung utak nya sa sobrang pag-iisip. Simula kasi nang makita nya si Austin kanina ay hindi na sya natigil kaka-kwestyon kung bakit ito narito sa bansa, bakit nagpanggap itong hindi sya kilala at kung bakit magkakilala sila ni Jethro? Alam nyang walang makakasagot sa kanya kaya mas lalo syang nasi-stress.
Napapikit sya nang maalala yung huling pag-uusap nila ni Austin kanina.
"I'm sorry but you must be mistaken, I really don't know you."
Paanong hindi sya nito kilala? Eh samantalang dati-rati nang magkasama pa sila ay pati yabag ng paa nya ay kabisado nito.
Mariin nyang kinagat yung ibabang labi tsaka hinubad ang salipin at tinakpan ng kanang braso ang mga mata. "Sya tong nagsabi na wag syang kalimutan tapos... tapos biglang hindi nya ako kilala?" Pagmamaktol nya.
Naalala nya bigla yung mga panahong tinulungan sya ni Austin.
Yung buwis buhay nitong pagtakas sa kanya mula sa mansyon, hanggang sa maihatid sya nito sa Pilipinas. Sa loob ng isang buwan ay tinuruan sya nito ng mga bagay-bagay magmula sa mg dapat at hindi dapat gawin, sinunod nya yung utos nitong magtapos ng pag-aaral, inasikaso nito yung nga papeles nya, tinulungan makahanap ng matutuluyan at buwan-buwan na sinusustentuhan hanggang sa makatapos sya at makapag-trabaho.
Ilang taon silang hindi nagkita tapos ngayong nagkaharap na sila ay nagpapanggap itong hindi sila magkakilala? Aba, grabe naman yon.
Halos malunod na sya sa lalim ng iniisip nya nang may kamay na humuli sa nakanguso nyang labi at pinisil yon, dahilan para tanggalin nya ang braso mula sa pagkakatakip sa mata at mapamulat.
Bumungad sa kanya yung malabong imahe ng mukha ni Morgan na mariing nakatitig sa kanya. Bahagya itong nakayuko habang nakatayo sa likuran ng sofa kaya magkabaliktaran yung pwesto nila.
"Why does your lips keeps on pouting?" Bahagyang tumabingi yung ulo ni Morgan tsaka pantay na umangat ang mga kilay na tila may napagtanto. "Oh, are you asking for my kiss?"
Pinandilatan nya ito ng mata bago umayos ng upo at nilingon ang babaeng nasa likuran ng sofa. Isinuot nya rin pabalik ang salamin para makakita ng mas malinaw.
"Sira." Pabiro nyang saad at tsaka tumagilid para isandal ang pisngi sa sandalan ng sofa habang nakatitig pabalik sa babae. "Anong ginagawa mo rito?"
"I'll be staying here, remember?"
"Ni-lock ko yung pinto ah, paano ka nakapasok?"
"I twisted the doorknob and—"
"Ops!" Takip nya sa bibig ni Morgan gamit ang hintuturo. "Huwag mo na ituloy, yan din yung tinext mo sa'kin kanina—aw! Bakit ka nangangagat?"
Kinagat kasi ni Morgan yung daliri nyang nakaharang sa bibig nito, mahina lang naman yon pero masakit pa rin kung tutuusin.
Pero ayon, imbes na mag-sorry ay tinalikuran lang sya nito.
"What's for dinner?" Anya ng babae tsaka binuksan yung ref. "Hmn... There's nothing edible here."
"Anong nothing? Nag-grocery tayo ah."
Tumayo rin si Noam para magtungo sa kusina. Sinilip nya rin yung laman ng ref tsaka naghanap ng pwedeng iluto.
"Ang dami-raming laman ng ref." Kinalkal nya yung lalagyan ng gulay para maghanap ng pwedeng ulamin. "Ano bang gusto mong kainin?"
"You."
Otomatikong namula yung buong mukha nya sa hiya. Malamang hindi na naman kinaya yung sinabi ng babae sa kanya.
"Bastos!" Ani nya tsaka akmang hahampasin si Morgan nung gulay na una nyang nahawakan sa balikat pero nahuli ng babae yung kamay nya.
"Hey, hey, what's with you? Trying to hit my shoulder with an eggplant?" Sumilay yung ngisi sa labi nito. "Aren't you a little bit aggressive more than I am?"
"H-hoy, a-anong ibig mong sabihin doon?"
"You tell me."
"Tumigil ka nga, Morgan."
Binawi nya ang kamay pati na yung gulay mula sa kamay ni Morgan, dinampot nya rin yung ibang gagamitin nya sa pagluluto mula sa ref tsaka tumalikod para ilagay sa sink yon at mahugasan.
Nakasunod naman sa kanya ang babae na may nang-aasar na ngisi.
"Are you giving me a heads up by the use of the eggplant?"
"Anong pinagsasasabi mo?" Namumula syang lumunok habang patuloy sa paghuhugas ng iilang gulay na gagamitin nya sa pagluto.
"This is surprising, who would have thought that sir Noam Rivera is actually a man with a perverted desires on vegetables—"
"A-anong perverted?!" Nagugulat nyang putol sa sinasabi ni Morgan tsaka agad na humarap dito. "Tumigil ka nga! N-nasaan ang perverted doon?! Na sa talong?!"
"Oh wow, name dropping the vegetable, huh? Amazing."
"Morgan! Ang bastos mo!" Hindi nya mapigilang komento. "Kung ano-ano yung sinasabi mo, nasaan na yung tahimik na Morgan na nakilala ko?"
Akala nya ay sasagot si Morgan pero nagulat sya nang padabog na itinukod nito yung parehong palad sa lababo. Napaatras tuloy si Noam at napasandal ang likuran sa lababo, nakorner sya ng parehong kamay nitong nakaharang sa magkabilang gilid nya.
Higit ang hiningang napayuko sya dahil hindi nya kayang tagalan yung titig ni Morgan habang magkalapit yung katawan nilang dalawa.
"You're looking for the old Morgan?"
Ngumuso sya dahil doon. Palapit rin ng palapit yung mukha ng babae sa kanya kaya mas napapaliyad sya mula sa pagkakasandal ng likod sa lababo.
"Unfortunately, she's gone."
"H-huh?" Angat nya ng tingin tsaka sinalubong yung malalim na titig ng babae.
"The Morgan that you knew before." Lalong tumaas yung sulok ng labi nito. "She's gone."
Wala syang mahagilap na salita para sagutin yung sinabi ni Morgan kaya nanatili lang syang nakatingin rito habang ang mukha ay namimintog na sa pamumuka.
"You changed me in an unexpected way, Noam."
Bumuka yung labi nya para magsalita pero itinikom nya lang ulit yon.
"What kind of spell have you put on me, hmn?" Mahinang bulong nito sa tenga nya bago bumalik sa pagkakaharap sa kanya. "You actually made me put so much trust on you despite the fact that we just met weeks ago."
"A-ako rin." Biglang saad ni Noam bago kinagat ang ibabang labi. "A-ano... Ang ibig kong sabihin, p-pareho tayo."
"You're trusting me too?"
"Oo. M-may tiwala ako sayo."
Tumango-tango si Morgan tsaka ngumuso ng kaunti na para bang may malalim na iniisip. Nakamasid lang naman sa kanya si Noam, hinihintay kung ano yung sasabihin nya.
"Remember the two favors that I asked you before?" Tanong nya na tinanguan naman ng lalaki. "I would like to use the remaining favor that I have now."
"O-okay."
"I want you to trust me."
"Trust you?"
"Yes. Trust me." Tumabingi yung ulo nito.
"P-pero may tiwala naman ako sayo." Nagtatakang ani nya.
"I know but I still want to make sure that I have your trust. Okay?" Kinuha ni Morgan yung kanang kamay nya at dinala sa pisngi at tabi ng labi nito habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. "Will you do that for me?"
Kumurap-kurap sya sa kaseryosohan ni Morgan. Nawiwirduhan sya sa kilos nito ngayon pero bandang huli ay tumango rin sya. Kaunting-kaunti na lang ay magmumukha na syang kamatis dahil sa pamumula ng mukha nya.
"Good." Pinisil nito yung pisngi nya. "Now cook. I want to taste your eggplant for dinner."
"A-anong—hoy! Bastos!" Singhal nya.
Isang malutong na tawa lang ang pinakawalan ng babae bago lumayo at tumalikod sa kanya. Naghubad ito ng jacket habang naglalakad pabalik sa sofa at doon naupo.
Pinalobo naman ni Noam yung namumula nyang pisngi habang pinaniningkitan ng mata ang babae, pero imbes na matinag ay nginisihan lang sya nito tsaka maangas na hinawi ang berdeng buhok.
Wala syang choice kundi bumalik sa paghahanda ng sangkap para sa iluluto nya maya-maya.