(Third Person's POV)
"NAALALA mo si Nate?"
"Nate?" Kumunot yung noo ni Linus sa tanong na yon ni Salazar. "Sino yun?"
"Yung Grade 11 na bumanat sa'tin noong nakaraang taon?"
Ngumuso si Linus habang hinahalukay sa isip yung taong tinutukoy ng kaibigan. Pareho silang nakatunghay sa sementadong harang sa hallway katapat ng section nila at tinatanaw yung mga estudyanteng palakad-lakad sa ibaba, nasa 2nd floor kasi sila.
Nang maalala ay ngumiwi sya tsaka inilipat ang lollilop patungo sa kabilang bahagi ng bibig.
"Oh anong meron sa feeling pogi na yon?"
"Ayun, nagnganga-ngawa raw kanina kasi nakipag-break daw yung girlfriend nya."
Nanlaki yung mata nya sabay ngisi. "Ay yawa, baka nauntog yung gf nya tapos nagising sa katotohanan kaya sya iniwan." Anya sabay halakhak.
Humagikgik rin si Salazar tsaka pabirong tinulak ang kaibigan. "Buti sana kung yon ang dahilan, ang kaso ay hindi."
"Weh? Eh anong dahilan?"
"Yung ate Morgan mo."
Nagtataka nyang nilingon ito habang si Salazar naman ay nakangiting aso, dahilan para makuryuso sya lalo.
"Ate ko?" Tumango-tango si Salazar kaya lumaki yung butas ng ilong nya. "Hala, anong kinalaman ni ate Morgan sa break-up nila?"
"Nabighani sa ka-angasan ng ate mong binasag yung gender roles at stereotypes kaya ayon, nakipag-break. Morganatics na raw sya—nga pala, yun yung tawag sa mga member ng fans club ng ate mo, sila yung naniniwala sa 'Morgan Verdan Supremacy'."
Nangasim yung mukha nya sa narinig, hindi alam kung mamamangha o mandidiri sa sinabi ng kaibigan na fans club ng ate nya kahit hindi naman nag-aaral sa eskwelahan nila. Nababaduyan sya at the same time ay naiinggit.
"Bakit ako walang fans club?" Pagmamaktol nya habang humagalpak naman ng tawa si Salazar.
"Maangas kasi ate mo. Biruin mo? Walang palya kung i-date si Sir Noam? Araw-araw silang nagkikita dyan sa labas ng gate, sinong hindi kikiligin doon? Maski ako na lalaki eh kinikilig sa ate mo eh." Naiinggit na anya ni Salazar habang natatawa.
"Hoy! May gusto ka ba sa ate ko?!" Nahihintakutan nyang saad habang kumikibot-kibot yung mata na para bang diring-diri sa narinig.
"Crush lang."
"Kadiri ka, Salazar! Sampung taon yung tanda ni ate sa atin!" Kinikilabutan nyang hinimas yung magkabilang braso nya. "Balak mo pa yatang gawing sugar mommy yung ate ko, mahiya ka nga! Baboy!"
"Loko! Crush lang nga eh! Sugar mommy agad? Sira ulo 'to." Muli itong ngumiti habang pinag-ekis yung mga braso tsaka tumingin sa langit na para bang may inaalala. "Kasi naman ang astig nya, biruin mo pati fans ng mga mala-prince charming na campus hearthrobs hinakot nya, ayon tuloy, sya may pinaka-malaking fanbase dito sa school."
Lalong tumulis yung nguso nya. Nagtatampo na talaga sya. Alam naman nya kung gaano ka-astig yung ate nya pero hindi nya inasahan na aabot sa puntong pati sa eskwelahan nya ay maghahasik ito ng lagim, hindi rin naman sya tutol sa pagdi-date ng ate nya sa adviser nya pero sana naman ano doon na lang labas ng school? Hindi yung araw-araw eh may nakabalandrang mga bulaklak sa labas ng gate na naghihintay kay Noam, talagang pinaninindigan ng ate nya yung pagpapahulog sa lalaki.
Paano nya nalaman? Wala lang, hula lang.
Ilang segundo ang nakaraan ay naging matunog ang tilian ng mga estudyanteng kababaihan sa babae kaya napadako yung tingin nila ron. Nagkukumpulan ang mga ito habang panay ang hiyawan habang nakatingin sa direksyon ng naglalakad na apat na lalaki—ang grupo nina Noam.
Bumuntong hininga si Salazar. "Eto pa yung isang may malaking fanbase, yung F4 Teacher's edition."
Nakangusong pinagmasdan ng tingin ni Linus si Noam kasama yung tatlo pang co-teachers neto.
Hindi nya pinagtuunan ng pansin sina Enzo at Andrei na katulad ng nakasanayan ay nag-aasaran na naman, bagkus ay tumutok yung mga mata nya kay Noam at Jethro na masayang nagtatawanan habang naka-akbay si Jethro sa adviser.
Mas matangkad yung tatlo kaysa kay sir Noam nya, tantya nya ay nasa mga 5'8 hanggang 6ft ang taas ng mga ito, samantalang ang sir Noam nya eh halatang may kaliitan ng kaunti. Kung sabagay nga naman ay tila magkasing tangkad lang yung ate nya at yung adviser nya.
"Ano sa tingin mo yung tinatago nya?" Biglang saad nya na naging dahilan ng paglingon ni Salazar sa kanya, hindi inaasahan yung tanong nito.
Sinundan ng kaibigan nya yung tinitingnan nya tsaka kumunot yung noo.
"Sino? Si sir Noam?"
"Hindi."
Bakas ang pagtataka sa mukha nya dahil sa pagkakakunot ng noo nya habang si Linus ay nakatingin pa rin sa ibaba.
"Si sir Jethro."
Kung kanina ay pagtataka yung mababasa sa mukha ni Salazar, ngayon naman ay pagkaasar at inis na. Halata rin ang pagkapikon nito sa hindi malamang na nakumpirma noong nagsimula itong pumadyak.
"Naglalaro ka na naman nang hindi ako sinasali!"
"Hala oy, hindi pa naman ako nagsisimula!"
"Kahit na! Madaya ka! Hindi mo ko sinasabihan eh!"
"Okay! Sorry na, biglaan lang kasi to." Nguso nya pero sinimangutan lang sya ni Salazar kaya bumuntong hininga sya. "Sige na kasali ka na."
"Yan, yan! Ganyan! Sinasali mo dapat ako." Pumalakpak ang matalik na kaibigan habang nagliliwanag ang mukha sa excitement. "Ano bang laro natin?"
"Chess!" Sinabayan nya yung palakpak ni Salazar tsaka sila nagtawanan na dalawa.
"Gusto ko yan!" Pagsang-ayon nito sa kanya.
"Ako na sa itim, ikaw sa puti."
"Oks good! So sino ang king natin?"
"Syempre si sir Noam sa akin, sayo si sir Jethro muna kasi hindi pa nagpapakita yung bossing talaga."
Tumango-tango ang kausap bago napanguso kagaya nya. "Pero anong mangyayari sa piece na matatalo?"
"Edi ano pa ba? Syempre alis na agad yung talo."
"Eh baka matalo ka nyan?"
"Bakit naman?"
"Yung apat na kuya mo na sa akin tsaka yung pinsan mong masungit. Tapos yung dalawang ate mo lang yung nasa side mo. Hindi pa natin alam kung saan mapupunta yung mga tauhan nila."
"Ayos lang yan, win-win naman tayo pareho kahit ano pang resulta."
"Kampante ka naman yata masyado?"
"Syempre..." Iniluwa nya yung lollipop na kinakain tsaka walang lingunan na ibinato sa nakabukas na basurahan ilang hakbang ang layo sa kanila.
Lumitaw yung nakakalokong ngisi sa labi nya at bahagyang tumalim yung uri ng tingin nya, napangisi rin tuloy ang kaibigan dahil alam na rin nito kung ano ang ibig nitong sabihin tsaka sila nag-apir ng kamay.
"...papanig ba naman ako sa grupo na alam kong matatalo?"
(Noam's POV)
NAKAKAGAT ako sa ibaba kong labi habang binabasa yung text ni Morgan sa akin kani-kanina lang. Ngayon ko lang sya mari-reply-an kasi hindi ko agad nabasa yung message nya.
Ganito naman kami nitong mga nakaraang araw, panay text lang. Tinutulungan nya raw kasi yung kaibigan nya sa trabaho nito kaya hindi muna sya nakakapunta sa'kin. Bale tuwing umaga na lang kami nagkikita, paano kasi sya 'tong mapilit na panay ang hatid sa akin kada papasok ng eskwela.
Minsan may pabaon pang bulaklak o tsokolate—oo na! Alam ko naman, ginawa na nya talaga akong babae pero hindi ko naman sya matanggihan.
Tsaka bakit ako tatanggi? Sayang yung chocolates, doon nya pa binili sa kaibigan nyang si Theo. Hehe.
From: Morgan
I'm here @ your apt.
I let myself in since you're not here.
"She let herself in?" Kumunot yung noo ko. "Paano sya nakapasok doon eh naka-lock yon?"
Umiling-iling ako bago nagreply.
To: Morgan
Paano ka nakapasok?
Mabilis kong pinindot yung send at akmang ibabalik na sa bulsa yung phone ko pero wala pang ilang segundo ay nag-vibrate ulit yon, dahilan para matigilan ako.
Grabe, ang bilis talaga nyang mag-reply. Hindi pa naman ako sanay makipag-text.
Binuksan ko yun at binasa.
From: Morgan
Door. Where else do you think?
Sumimangot ako sa sagot nyang yon. Minsan talaga hindi masaya kausap si Morgan.
To: Morgan
I mean, paano kang
nakapasok sa pinto?
From: Morgan
I twisted the doorknob, pulled
the door then took a step in.
Huminga ako ng malalim habang napahigpit ang hawak sa phone ko. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kay Morgan.
To: Morgan
Ang ibig kong sabihin ay kung
paano ka nakapasok eh
samantalang naka-lock yung pinto.
Tulad ng inaasahan, ilang segundo lang ang lumipas mula ng i-send ko yon ay nakapag-reply agad sya.
"I picked the lock. Don't worry, the doorknob is safe, I didn't bit it." Umawang yung labi ko matapos pabulong na binasa yung mensahe nya. "Anong sinasabi nyang 'the doorknob is safe?', tsaka hindi nya kinagat? Bakit naman nya kakagatin yung doorknob? Ang weird nya talaga."
Bumalik ako sa pagtitipa para mag reply sa kaanya.
To: Morgan
Anong ginagawa mo dyan?
May naiwan ka bang gamit?
From: Morgan
No, but I'm leaving my stuff here.
Mas lalong nalukot yung mukha ko. Stuff? Anong stuff?
To: Morgan
Bakit ka mag-iiwan ng
gamit sa apartment ko?
From: Morgan
Stop asking.
To: Morgan
Sagutin mo muna yung
tanong ko.
From: Morgan
No.
To: Morgan
Ano? Bakit hindi?
From: Morgan
Just no.
To: Morgan
Morgan!
From: Morgan
Your signal is choppy.
Nalaglag yung panga ko sa sobrang pagkakanganga. Anong pinagsasabi nya? Anong choppy yung signal ko? Eh magka-text lang naman kami! Hindi naman kami magka-tawagan!
To: Morgan
Morgan? Bakit ka nga mag-iiwan ng
gamit dyan? Tsaka anong choppy
pinagsasasabi mo eh hindi
naman tayo magka-call.
Akala ko sasagutin na nya ako ng matino pero parang mas sumakit yung ulo ko sa sunod nyang isinagot.
From: Morgan
See you later. It's really choppy, Noam.
I can't understand what you're saying.
Y—your line i—i—is chop—py.
Saglit akong napatulala huling mensahe nya. Hindi ko na maigalaw yung daliri ko para magtipa ng ire-reply kasi hindi ko na rin talaga alam kung anong isasagot ko. Dapat ko pa nga bang sagutin? Sa tingin ko kasi ay hindi na kailangan.
Kakaiba talaga si Morgan. Hindi sya mahirap magustuhan pero hindi rin madali lalo na sa sitwasyon ko, pero hindi rin naman ibig sabihin non ay hindi ko na-a-appreciate lahat ng ginagawa nya. Paunti-unti eh nakakasanayan ko ng na nandyan lang sya palagi.
Hinilamos ko yung palad ko sa mukha ko habang binabasa ng paulit-ulit yung text nya, nakukunsumi ako pero hindi ko rin napigilan yung mahina kong tawa dahil sa kakulitan nya.
Pasaway talaga—
"Noam!"
"H-huh?" Kumurap-kurap ako sa sigaw ng kung sino na yon bago luminga-linga sa kanila.
Naguguluhan silang nagkatinginan na tatlo bago muling itinutok ang paningin sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Pangunguna ni Enzo sa pagtatanong, malamang sya rin yung tumawag sa'kin. "Kanina ka pa ganyan ah."
Saglit akong natigilan bago napalunok.
Nakita nila kaya ako? O narinig kaya nila yung mga pinagsasasabi ko?
"P-paanong ganyan?"
"Ayan, tulala sa hangin. It's like you're thinking about something serious tapos ngayon naman ay bigla-bigla kang tumatawa." Humalumbaba sya habang hawak pa rin ang kutsara.
Pinamulahan ako ng pisngi. Nakita nga nila. Nakakahiya.
"Medyo namumutla ka rin, masama ba yung pakiramdam mo, Noam?" Sinalat ni Jethro yung noo at leeg ko, bakas yung pag-aalala sa mata nya.
"H-hindi naman."
"Sabihin mo lang sa'kin kung may masama pakiramdam mo ah? Sasamahan kita sa clinic."
"Salamat, Jethro."
Ngumiti sya tsaka kinurot pa muna yung pisngi ko bago ginulo yung buhok ko.
"Oo nga. If something is bothering you, pwede mo kaming kausapin. Malay mo makatulong kami sa kung ano man yang pinoproblema mo—" Natigilan si Enzo tsaka nangingiwing lumingon kay Andrei na humihigop ng sabaw sa mangkok. "—I mean, kami lang ni Jethro. Kupal kasi tong si Andrei wala kang mahihitang matinong tulong mula rito."
Ibinaba ko yung kutsara tsaka inabot yung bottled water ko para inuman habang tinatanguan sya.
Sabay-sabay lang kaming napapitlag sa gulat nang padabog na ibinaba ni Andrei yung mangkok sa mesa.
"Hoy payatot, wag mo nga akong sinisiraan kay Noam! Ikaw nga tong walang matinong naitutulong sa kahit na sino eh?!"
"Ah talaga?! Kaya pala nung nagkulang ka ng pambayad sa kwek-kwek ako yung nag-abono ng tres maka-kain ka lang! Tsaka sinong tinatawag mong payatot?!" Ganting anya ni Enzo na nakasimangot na tulad ni Andrei.
"Tres lang inabono mo! Baka nakakalimutan mo na may utang ka pang limang piso sakin?! May pa-turon-turon ka pang nalalaman eh wala ka naman pa lang bitbit na barya! At nagtanong ka pa talaga eh ikaw lang naman tong payatot sa atin dito!" Sigaw rin ni Andrei.
"Loko ka ah! Eh ikaw nga tong patpatin sa'ting dalawa?! Ba't di na lang natin daanin sa pasarapan ng abs to?!"
"Oh tara! Ano?! Takot ka?! Akala mo aatrasan kita?!"
"Sige tara! Nang magkaalamanan na!"
"Talaga!"
Ramdam ko yung pagkirot ng ugat sa sentido ko dala ng kunsumisyon sa kanilang dalawa. Paano'y ang lakas ng mga bunganga nila, ni hindi man lang nila naisip na nasa school cafeteria kami at hindi lang kaming apat ang tao dito. Narito rin ang sandamakmak na mga estudyante't guro na kumakain tapos magsisigawan sila ng ganon? Lahat tuloy ng paningin ay nasa amin, yung iba nandidiri pero karamihan ay kinikilig sa walang ka-kwenta-kwentang dahilan.
Nakakahiya.
Bumuntong hininga ako at pinilit na bumalik sa pagkain kahit na naririndi na ako sa ingay nung dalawa.
"Tumigil nga kayong dalawa." Saway ni Jethro, mukhang hindi na nakapagpigil at narindi na rin. "Nakakahiya sa mga estudyante at guro na narito—h-hoy! A-anong ginagawa nyo?!"
Nagtaka ako nang biglang tumayo si Jethro at nagsimula yung tilian sa paligid. Dumako tuloy yung tingin ko kayna Andrei at Enzo para lang mabulunan sa ginagawa nila.
Paano ba naman ay walang pakundangan na nagbubukas ng butones ng polo yung dalawa na para bang balak talaga nila magpakitaan ng katawan!
"Oh ano na?! Wala ka pala eh!" Panghahamon ni Andrei.
"Anong wala?! Ikaw tong nakahawak lang sa butones eh!" Maangas na sagot ni Enzo.
"A-ano ba?! Itigil nyo nga yan!" Naki-awat na rin ako kung saan hinawakan ko si Andrei sa braso para hilahin sya palayo kay Enzo. "Hindi kayo nahihiya? Nakikita kayo ng mga bata!"
Huminto sila tsaka ngumuso pareho, sabay silang umupo pero nag-a-angilan pa rin.
Narinig ko pa yung dismayadong tinig nung mga kababaihan sa paligid kaya sinimangutan ko sila. Mga pasaway.
Lumingon si Jethro sa mga estudyanteng nakikinood. "Kayo? Why are you still standing there? Tapos na ang break! Go back to your respective classes!" Dumagundong yung maotoridad nyang boses.
"Opo sir, sorry po."
"Babalik na po sir."
"Sorry sir!"
Bumuntong hininga lang sya bago binalingan yung dalawa. "Hindi na talaga ako magtataka kung bigla na lang kayong sisantihin dahil sa mga kalokohan nyo!"
"Eto kasi eh!" Sabay nilang turo.
"Pareho kayo! Parang hindi mga teacher, magsi-ayos nga kayo ah!" Singhal ulit ni Jethro.
Tila batang nagsi-nguso lang ulit yung dalawa kaya umiling ako, habang si Jethro ay pabalik na sana ulit sa tabi ko nang may lumapit sa estudyante sa amin.
"Sir Jethro, pinapatawag po kayo ni Dean sa office nya."
"Bakit raw?"
"May bisita raw po kayo, sabay na rin daw po kayo pumunta nung bisita sa office nya."
Tumuro sa likuran ko yung estudyante kaya napabaling doon yung tingin ni Jethro. Nangunot naman yung noo ko habang pinagmamasdan yung reaksyon nya.
Ang weird. Ako lang ba o talagang bigla syang natigilan? Para kasing nahinto sya saglit pero makalipas lang ang ilang segundo ay ngumiti rin sya.
"Sige, salamat. Pupunta na lang kami." Saad nya sa bata tsaka nilapitan yung taong na sa likuran ko.
"I've been calling you since last week, why are you not answering my calls?"
Ang boses na yon ang nagpabato sa akin sa kinauupuan ko. Kilala ko yung boses na yon.
Dala ng kaba ay napalingon din ako sa bisita nya at ramdam ko kung paano ako tuluyang hindi nakakilos. Hindi ko maialis yung paningin ko sa pamilyar na taong kinamayan ni Jethro, katabi ng isa pang lalaki na syang kasama nito.
"Busy ako rito sa school, you know? Teaching stuffs and some other things." Ani ni Jethro.
"I wonder what other things that you're talking about that keeps you really busy."
"Hey! Hindi ako ganon!" Pagdepensa agad ni Jethro.
Tumawa ang kausap ni Jethro dahilan para mamikit yung mata nitong ga-guhit na lang dala ng pagiging sobrang singkit, tila ngumingiti rin yung mga mata nya kada tumatawa sya.
Yung taong tumulong sa'kin, yung nagdala sa'kin rito sa Pilipinas para magtago, yung nag-asikaso ng mga papeles ko at yung nagpapadala ng sustento sa'kin buwan-buwan noon hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral.
Sigurado ako, sya yon!
Nataranta ako nang makitang nagse-senyasan na sila paalis. Wala nga siguro ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko na napigilan yung sarili kong tawagin sya.
"A-austin!"
Sabay-sabay silang napahinto habang si Jethro naman ay gulat rin napabaling sa akin pero wala na akong pakielam.
Nakatitig sa akin si Austin pero wala akong mabasang emosyon doon. Nakangiti naman sya pero hindi ko ramdam na masaya syang makita ako ulit.
"Do you know him, Austin?" Tanong nung kasamahan nya.
Tumayo ako para sana lumapit sa kanya pero muli lang akong natigilan dahil sa isinagot nya.
"No."
Sunod-sunod akong napalunok.
Anong sabi nya? No? Bakit nya sinabing 'no' eh magkakilala naman kaming dalawa?
"But he called you—"
"I think he mistook me for someone else, Daniel." Giit nya tsaka nilawakan yung walang buhay nyang ngiti. "I'm sorry but you must be mistaken, I really don't know you."
Natahimik ako at pirming itinikom ang mga labi kasabay ng pagkuyom ng kamao ko.
"If that's the case then let's go already to the Dean's office." Yaya nung kasama nyang Daniel ang pangalan.
Tumango lang sya tsaka tuluyang tumalikod sa akin. Si Jethro naman ay ngumiti pa muna bago sumabay ng lakad doon sa dalawa. Wala akong nagawa kundi ang sundan lang sila ng tingin habang papalayo.
Naguguluhan ako.
"Kakilala mo yon, Noam?" Nagtatakang anya ni Andrei na hinampas pa ni Enzo para tigilan ang pagtatanong.
Itinago ko sa bulsa ko yung nakakuyom kong kamao bago pilit na ngumiti sa kanila.
"Hindi. Napagkamalan ko lang syang kakilala ko." Pagsisinungaling ko tsaka naupo.
Itinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagkain kahit nawalan na ako ng gana.
Hindi ako pwedeng magkamali, imposibleng magkamali ako. Hindi ko sya makakalimutan dahil kilalang-kilala ko yung mukha at boses nya, pero bakit itinatanggi nya? Bakit nagpapanggap syang hindi ako kilala? Tsaka magkakilala sila ni Jethro?
Hindi kaya... may nangyari sa kanya pagbalik ng Italya?
(Third Person's POV)
"IT'S you, isn't it?"
Nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay si Austin na para bang walang narinig. Habang si Jethro naman ay sumandal sa mismong hamba ng pinto habang nakangiting nakamasid sa kasama.
"You're the one who helped Noam escaped from the mansion and brought him here to hide." Tumabingi yung ulo ni Jethro. "Sayo rin dumadaan yung perang pinapadala ko kay Noam noon para pang-suporta sa kanya, bukod pa ron yung binibigay mo."
"So what if I am?"
Bumuntong hininga si Jethro. "You should atleast greet him with a simple 'hello', Noam looked so sad earlier when you told him that you don't know him."
"I can't. He'll never stop asking me about everything if I'll do that."
"Pwede ka naman na magpalusot sa kanya or we can just tell him on about what happened right after he got escaped."
Pinatay nya yung gripo. "You do know that there's a possibility that Daniel could enter this comfort room any minute and hear us, right?" Inabot nya yung tissue sa gilid habang nakangiti rin na lumingon kay Jethro.
"So what kung marinig tayo? Daniel is your right hand, wala kang tiwala sa kanang kamay mo?"
"I'm trusting, Daniel but not his mouth and temper. Konting asar, mapipikon sya agad. If someone will try to provoke him about this he'll definitely blab everything he knows. He can't f*ckin lie."
"Oh, I see. I understand." Bumuntong hininga si Jethro. "He's talking to the Dean. I don't even know why you're both here, kung tutuusin ay hindi rito yung trabaho nyo."
"You don't have to worry, we're doing our job just fine." Paniniguro nya tsaka ibinato yung tissue papasok ng basurahan. "We're just here to inform the Dean about the scholarship."
"So you're one of the sponsors?"
Tumango sya habang si Jethro naman ay napangiti lalo tsaka humakbang palapit sa kanya at tinapik sya sa balikat.
"Thank you."
Ngumisi si Austin na para bang nang-aasar. "You don't need to thank me, it's your plan right from the start and all I did was to do my job."
"I know but it's not just about Noam." Pabiro syang sinuntok ni Jethro sa balikat. "I'm also thanking you for what you've been doing in the past 6 years until now."
"Not because I'm chained on your family's business doesn't mean I can't do other things aside from being a bad guy."
Sabay silang natawa sa sinabi ni Austin na yon pero kalaunan ay nahinto rin. Bahagyang nag-seryoso yung ekspresyon ng mukha nya pero may naiwan pa rin na tipid na ngiti sa labi nya.
"Do you have any plans on taking your father's place as the boss?"
Saglit na tumahimik si Jethro bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"I might be dead before I could do that."
"Well, if you want to protect the people you love therefore you must obtain your father's place because the moment that you'll let your brother take over this whole d*mn business, it'll be over not just for us but also for Noam." Anya ni Austin.
Wala na yung ngiti sa labi nya at tuluyan na naging seryoso habang si Jethro ay dumilim yung mukha.
Nagsalubong ang mga kilay nito habang nagtatagis ang mga ngipin, hindi rin nakatakas sa paningin ni Austin kung paano mahigpit na kumuyom yung kamao nito.
"I won't let him take away Noam again." Mahina ngunit madiin na bulong nya. "Hindi ko sya ibabalik sa impyernong yon."
Nailing si Austin sa narinig tsaka nagkibit balikat.
"Then think of a way on how to beat your brother before he beats you first."