"ANONG oras ka uuwi?" Umupo ako sa tabi nya tsaka kumuha sa chips na kinakain nya.
Hindi nya ako nilingon dahil tutok na tutok sya sa pinapanood nya. Sinalangan ko kasi sya ng CD para malibang sya, pagkatapos kasi kumain ay hinugasan ko yung plato. Gusto nyang tumulong pero hindi ko sya pinayagan kaya ayan, nagkalkal pa ako nung pirated na nabili ko noon sa halagang bente pesos.
"Do you want me to leave?" Umiling ako kahit hindi pa rin sya nakatingin sakin. "Then I'll stay for a little while."
Nagkibit balikat na lang rin ako tsaka tumingin sa TV screen.
Horror movie yung pinanonood namin pero hindi naman mukhang nasisindak si Morgan doon. Titig na titig lang sya doon habang pirmi ang mga labi, tila inaantok pa yata sya sa pinapanood nyang yon.
Ngayon ko lang napagtanto na wala akong ibang ginawa kundi ang daldalin sya, ewan ko ba hindi ko rin maintindihan yung sarili ko. Hindi naman ako madaldal na tao, kung tutuusin tahimik lang ako pero kapag si Morgan ang kasama ko parang hindi ako nauubusan ng kwento.
Natutuwa naman ako sa kanya, kahit kasi anong daldal ko ay nakikinig lang sya at minsan ay tumatango-tango pa. Bakas sa mukha nya na ini-internalize nya yung bawat salitang sinasabi ko kanina. Mababaw siguro yung kaligayahan ko kasi sa mga simpleng banat nya eh parang may mga nagwawalang paru-paro sa tyan ko.
Feeling teenager lang, hehehe.
"Noam."
"Hmn?" Inabot ko yung baso kong may laman na gatas sa mesa, katabi non yung beer nyang may straw pa at iilang supot ng chichirya.
Ang lakas uminom ng babaeng to, naghugas lang ako ng plato naka-tatlong bote agad sya.
"Come here." Tinapik nya yung espasyo sa pagitan namin. "Sit beside me."
Walang pagdadalawang isip akong sumunod at umisod padikit sa tabi nya. Iniunat naman nya yung braso nya at ini-akbay na naman sa balikat ko tsaka mas lalo akong hinila para magkadikit kami.
Heto na naman yung t***k ng puso kong kung makatibok akala mo milya-milya ang itinakbo ko.
"Uhm... Anong ginagawa mo?"
"This is what you call cuddling, Noam."
"Uh, oo nga."
"You know cuddling means?"
"Alam ko, ang tinatanong ko ay kung anong ginagawa mo."
"I'm cuddling my Noam to show how affectionate I am to him." Mabilis na nangamatis yung mukha ko nang idikit nya yung ilong nya sa pisngi ko bago napalitan ng labi yon. "So, what now? Are you falling for me already?"
Pinandilatan ko sya. "Masyado kang mabilis, alam mo ba yon?"
"You're just too slow." Natatawa nyang saad.
"Slow ka dyan?" Magaan kong hinampas yung tuhod nya na hindi naman nya ininda. "Si Morgan ka ba? Ang daldal mo naman yata, nasaan na yung Morgan na kung makasagot parang bilang lang ang salita."
"Well, I feel like I'm a complete different person when I'm with you."
"Weh, bolera."
"You don't believe me, don't you?"
Kinagat ko yung labi ko. "Paano ako maniniwala? Lahat yata ng lumalabas sa bibig mo mabulaklak, isa pa ay tahimik ka lang naman kanina pero ngayon ang daldal mo na."
"Was it effective?"
"Ang alin?" Taka kong saad.
"My flowery words." Sinuklay nya yung buhok nya gamit yung mga daliri nya. "Are you affected by my flowery words? Am I making your heartbeat faster than the usual? Am I giving you some sh*tty butterflies on your stomach? Am I making you think of me all the time?"
Saglit akong nag-isip bago tulis ang ngusong sumagot. "M-medyo."
"Great. That means I'm good at being Pa-fall, right?" Sabay kindat sa akin kaya ayun, paniguradong umaabot na sa tuktok ng tenga ko yung dugo ko.
Mas tumulis yung nguso ko habang pinaniningkitan sya ng mata. Palakas ng palakas yung mga banat nya, kailangan ko na bang maghanda para sa mga sasabihin pa nya sa susunod na mga araw?
Ibinaba nya sa mesa yung chips nya at dinampot naman ang beer, ni hindi man lang inalis yung tingin sakin habang sumisimsim nung alak gamit yung straw. Weird, bakit pa sya nagso-straw?
Humigop din ako ron sa tinimpla kong gatas at nang makalahati yon ay ibinalik ko sa mesa yung baso tsaka sya nilingon. Nakatitig sya sakin imbes na sa TV, ang mas nakakapagtaka ron ay balik na naman sa pagiging seryoso yung mukha nya.
"Bakit ka—" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.
Bigla na lang nya kasing hinila yung batok ko at dumukwang sya para sunggaban ako ng halik. Hindi ako nakakilos dala ng pagkabigla. Ramdam ko yung galaw ng labi nya pati na yung dila nyang dumadampi sa labi ko.
"Let's jump into a higher level, shall we?" Bulong nya habang idinadampi-dampi ang labi sa labi ko na para bang nang-aasar.
Kinakabahan man ay lumunok-lunok pa rin ako bago nagsalita. "A-anong level?"
"A level wherein the friends are doing something more than just what a friend should do."
"M-morgan..."
Parang ako yung nalasing sa aming dalawa dahil nalulunod ako sa paraan ng pagkakatitig nya sakin gamit yung nyang mga mata at alam kong wala syang balak putulin yung titig nya, ni hindi nga sya huminto sa pagdampi ng labi nya sakin.
Bumaba yung halik nya sa panga ko habang ang kamay na nasa batok ko ay pinaglalaruan na naman yung buhok ko. Hindi ko rin namalayan na nabakante na yung isa pa nyang kamay at basta na lang yumakap sa bewang ko.
"You can tell me to stop if you don't really want to." Bulong nya ulit.
Hinabol ko yung hininga ko habang pinagmamasdan sya.
Ako nga yata yung lasing, imbis kasi na pahintuin sya ay kusa na lang kumawit yung mga braso ko sa batok nya at mas hinila sya para dumiin yung pagkakahalik nya sakin.