(Beau's POV)
THAT stupid dummy! Inubos ng kupal na Wesley na yon yung kape sa pantry! Now I have no choice but to order one from a cafe instead of just making it on my own!
"Ang aga-aga, panira ng araw!" Napakamot ako sa ulo ko habang padabog na naglalakad pabalik sa opisina ko.
Hindi ko alam kung paano ko ilalabas yung inis ko, nag-iinit yung ulo ko sa isiping nilaklak lahat ni Wesley yung natitirang tatlong sachet ng instant coffee na pinakatago-tago ko pa sa sulok ng cabinet!
How did I know na si Wesley ang kumuha? Eh sya lang naman yung mahilig lumaklak ng kape bukod sakin at kay kuya Vince! Iisa lang yung brand namin ng kape habang si kuya Vince ay pure black lang ang kape kaya siguradong-sigurado ako na si Wesley yon!
"Ang g*go, hindi na nahiya!" Nagtagis yung mga ngipin ko habang patuloy sa pagdadabog. "Pati yung tubig na mainit sa thermos-inubos!"
Wala akong pake kung nawiwirduhan na yung mga empleyadong nakakasalubong ko, badtrip ako! Hindi lalamig yung ulo ko hangga't wala yung kape ko! Grr!
"What should we do, kuya Vince?"
Otomatiko akong napahinto mula sa paglalakd nang marinig yung pamilyar na boses ng isa sa quadruplets na kuya ni Morgan. Nasa tapat ako mismo ng pinto ng conference room kung saan ginaganap yung mga meetings.
Kambal silang apat pero kilala ko yung boses na yon-malamang si Laurentius yon.
"What else do you think? Malamang kailangan natin mahanap yung papel at syempre yung nakakuha non, it might be someone na nakapasok na sa opisina mo kuya Vince." Eto si Leviticus to.
Hindi ko alam kung tungkol saan yung pinag-uusapan nilang lima pero medyo napupukaw non yung curiousity ko kaya imbes na matakot na baka mahuli nila akong nakikinig ay mas lumapit ako sa pinto na mukhang hindi nila napansin na nakabukas ng kaunti.
Konti lang yung pagkaka-awang ng pinto pero sapat na para makita ko si kuya Vince na syang nasa dulo ng mesa nakaupo at yung kambal na nakaupo sa tagkabilaang gilid.
Nagtaka ako sa magulong hilatsa ng mukha nila. Lahat kasi sila seryoso at hindi maipinta yung mukha, parang may dinadalang malaking problema na bihira mangyari.
"Who do you think it is, kuya?" Si Laxus to, may katabing alcohol eh. "Maybe you have an idea sa kung sinong pwedeng makakuha."
"There are only four persons who has an access on my office." Malamig at nakakatakot na anya ni kuya Vince habang nakahalumbaba sa parehong kamay at matalim ang tingin. "Beau, Nicholas, Wesley and of course, Morgan and neither of them has the guts to touch my things."
Tama, tama! Kasi takot lang namin kay kuya Vince, tingin pa lang nya kasindak-sindak na. Hindi naman kami tanga para galitin sya kaya napaka-imposible na kami ang kumuha non-lalo naman si Morgan! Sa sobrang tamad non eh mag-aaksaya pa ba ng oras na mangalkal ng gamit yon?
I think hindi. Malamang uupo lang yon sa isang sulok at magyo-yosi, walang pakielam sa pwesto at sa kung anong itsura nya basta hindi sya kikilos dahil tamad sya.
"How can you be so sure?" Eto si Lazarus kasi medyo malumanay yung boses, kumbaga mahinahon. "Kung hindi sila, then there must be someone aside from them who entered your office without your permission."
Ano ba kasi yung papel na yon? Bakit parang napakahalaga? Tsaka ako lang ba yung nakakaalam nito? Kapag nahuli nila ako malamang papatayin nila ako.
"I don't know, actually, I don't want to think about it." Bumuntong hininga si kuya Vince. "I have plenty of things in my mind right now, especially that he already sent two of his trusted men here in the Philippines to take care of the transactions."
He? Sinong 'he'?!
"Should we contact them? I mean, Austin and Daniel?" Sabat ni Laurentius. "Jhayrein would find them in no time, siguradong hindi matatapos tong buwan ay makukuha na sila agad ni JR. She's not a soldier and an agent for no reason."
What the-kilala nila kung sino yung hanap ni JR? And contact? Ibig sabihin may connection sila sa grupong hinahunting ni JR? Yung grupong sangkot sa human trafficking at iba pang krimen-konektado sila ron?!
"No, don't. Hayaan natin silang kumilos sa kung ano man yung dapat nilang gawin, Jhayrein might think that someone is tipping them information." Lazarus.
"So anong gagawin natin? Hahayaan natin si JR na mahuli yung dalawa? Hindi imposibleng hindi matapos ni JR yung misyon nya, if that happens then there will be a possibility na kontakin nya tayo." Problemadong anya ni Leviticus. "We can't hide them anymore especially ngayon na si JR ang may hawak ng misyon, plus the fact that she's partnered with Chryseis and Morgan is on their back, siguradong mati-trace sila at madi-dissolve yung branch nila rito."
Napalunok-lunok ako habang dinadagundong na ng matinding kaba yung dibdib ko.
Hindi ko alam kung tama yung hula ko pero may pakiramdam ako na may tinatago silang tao mula kay Morgan, na yung taong yon ay may kinalaman sa tinatrabaho namin ngayon pero ang tanong ay bakit? Bakit may koneksyon si kuya Vince at yung kambal sa kanila? Ano bang nangyayare?
"Isn't that great?" Singit ni Laxus. "I mean, if ever na ma-dissolve yung branch nila rito, it means wala na tayong kailangang pagtakpan. The deal would be finally over."
"If their branch here in the Philippines would be dissolved, then they will come after us." Seryosong saad ni kuya Vince tsaka muling bumuntong hininga.
Hinawi pa nya yung buhok nya bago pumapalatak na napahampas sa mesa.
"He will surely pay a visit on us and will annihilate the members of the organization one by one-" He frustratedly as he facepalmed. "-which I don't want to happen, that is the reason why I need to convince your sister to stop associating the organization on JR's mission or else, everything will be on chaos."
The Styx Organization against them? Mauubos tayong lahat habang sila ay wala pa sa kalahati ang mababawas, I can't risk everyone's safety. We can win against anyone here in our country but not them. We need to accept the fact that this is the only battle that we cannot win. However, I'm more concerned sa taong nakakuha nung papel, looks like wala pang nagsasabi kay Morgan tungkol dito and if ever man na malaman nya ay malamang hindi tayo aabot ng kinabukasan dito." Pagpapatuloy pa nya.
"What should we do then?" Tanong ni Laxus.
Saglit silang natahimik. Malamang ay nag-iisip si kuya Vince ng isasagot.
Makalipas ang ilang segundo ay salubong ang mga kilay na sumandal sya sa swivel chair na kinauupuan nya at itinukod ang isang siko sa arm rest non tsaka humalumbaba. Nakangiwi yung mga labi nya habang masama ang tingin na nagpapalipat-lipat sa kambal.
"For the meantime, let's convince her that the Veratti family is already dead."
Shit, Ibig sabihin may kinalaman pa rin talaga yung pamilyang yon at talagang may posibilidad na buhay pa sila-
Muntik na akong mapasigaw nang may kung sinong humila sa akin, mabuti na lang tinakpan ng taong yon yung bibig ko dahil kung hindi ay talagang malilintikan ako.
Hinila nya ako palayo sa opisina ni kuya Vince bago binitawan.
"M-monique?" Nanlalaking mata kong saad nang makilala kung sino yon.
Matamis syang ngumiti pero imbes na maging kalmado ay mas kinabahan ako. Sinenyasan nya akong tumahimik.
"Looks like you have plenty of things to do today, right kuya Beau?"
Napipilitan akong tumango habang sya naman ay mas lalong napangiti, ang mga kamay ay nasa likuran habang bahagyang nakatingala sa akin.
"R-right." Nginitian ko sya ng pilit. "B-babalik na ako sa office."
Bumitaw sya sakin pero inabot nya yung magkabilang pisngi ko at mahinang kinurot yon, ako dapat ang pamulahan ng pisngi pero sya tong nangamatis ang mukha.
"Don't worry kuya Beau, my ate Morgan knew exactly what she needs to do." Sambit nya tsaka ngumuso. "Just sit back and watch on how we will solve this conflict in a woman's way, okay?"
Lumunok ako. "O-okay."
Ngumiti na naman sya. "Oki doki! Let's get back to work!" Sabay talikod nya at tila batang patalon-talon na naglakad palayo.
Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan syang makalayo hanggang sa hindi ko na sya makita. Naiwan akong tulala at nakatingin sa nilakaran nya.
D*mn. What the f*ck is going on?
(Noam's POV)
INIUNAT ko yung mga braso ko para yakapin yung unan na katabi ko. Ramdam kong tinatamaan na ako ng mainit na sinag ng araw, nakakapaso iyon kaya malamang ay lagpas alas otso na pero tinatamad pa rin akong bumangon. Alam kong kanina pa rin umaatungal yung alarm clock pero ayoko talagang kumilos.
Pakiramdam ko ay ngayon na lang ako ulit nakatulog ng ganito kahimbing. Kung hindi kasi ako puyat ay dinadalaw naman ng bangungot kaya halos araw-araw akong kulang sa tulog pero ngayon? Parang ayaw bumangon ng katawan ko.
Nagbilang muna ako ng tatlumpong segundo bago tuluyang bumangon, pupungas-pungas kong inabot yung alarm clock para patayin.
"Alas nuebe na..." Nangingiwi kong binaba yun sa lamesita tsaka ininat ang mga braso sa ere. "Late na, buti na lang wala akong pasok."
Humikab ako habang kinakamot yung braso ko. Nakarinig ako ng malakas na pag-vibrate mula sa pinaglapagan ko ng alarm clock kaya yun naman ang inabot ko.
Sinong tatawag sa akin ng ganito ka-aga?
Kahit naguguluhan ay sinagot ko pa rin yung tumatawag sa phone tsaka muling humikab dala ng antok.
"Hello, good morning po."
"..."
Kumunot yung noo ko nang walang sumagot. Nag-good morning naman ako, hindi ba narinig nung caller?
"Hello?"
"Who are you?" Saad ng pamilyar na malamig na boses ng babae mula sa kabilang linya.
Huh? Bakit ako yung tinatanong nya?
"This is Noam Rivera po, sino po ba sila?"
"Oh, it's you teacher Noam."
Ha? Kilala ko ba sya?
Napaigtad ako sa gulat nang makarinig ng kung anong kalabog galing sa kabilang linya. Tila ba may nagtatakbuhan doon at nagkakagulo, ang lakas kasi ng tunog parang nagmamadali na ewan.
Ilang saglit pa ay tumahimik rin, parang nauubusan ng pasensya na bumuntong hininga yung babae sa kabilang linya.
"I'm sorry about that, this is Monica by the way."
"Ah." Bahagya akong napanguso. "Uhm, ayos lang po pero ano pong kailangan nyo?"
Sinong Monica? Wala akong kilalang Monica.
"Could you please pass the phone to my daughter?"
Gulat akong kumurap-kurap. Hala, sinong anak nya? Hindi ko kilala yung anak nya, malay ko ba kung sino yung anak nya?
"Ano po?"
"Could you please pass the phone to my daughter?" Pag-uulit nya sa esaktong sinabi nya kaya napasabunot ako sa buhok ko.
"Pasensya na po pero naguguluhan ako, ipapasa ko po yung tawag sa anak nyo? Kilala ko ho ba yung anak nyo?"
"Yeah, I think so."
"T-talaga po?"
"Her name is Morgan." Anya tsaka tumikhim. "The owner of the phone, my daughter-Morgan Verdan."
Nalaglag yung panga ko, lahat ng natutulog kong cells ay nagising nang mapagtanto kung kanino yung boses na yon.
"M-mrs. Verdan!"
Hindi ko alam na Monica yung first name nya, kilala ko lang sya bilang Mrs. Verdan!
"I guess you're finally back to your senses." Muli syang tumikhim habang may nagsisitsitan sa kabilang linya na para bang pinatatahimik ang kung sinong maingay. "Anyway, could you please pass the phone to Morgan? I badly need to talk to her right now."
"Yes po, yes po! Wait lang po!"
Tumango-tango ako kahit na hindi kami magkaharap tsaka luminga-linga sa paligid para hanapin si Morgan pero mukhang hindi na kailangan.
Bigla na lang kasing tumalsik yung kumot ko tsaka tila zombie na pipikit-pikit na bumangon si Morgan na syang nasa tabi ko. Hindi ako nakakilos dala ng gulat. Hinawi-hawi nya yung berde nyang buhok bago iniunat ang mga braso patungo sa akin para yumakap, humalik pa muna sya sa pisngi ko bago nagmulat ng mga mata.
Nakalimutan kong magkatabi nga pala kaming natulog.
"Hey, good morning my sunshine."
"G-good morning rin." Utal kong anya habang nag-iinit ang mukha pero sinundan nya yon ng nakaw na halik sa labi. "M-morgan, hindi pa ako nag-toothbrush."
"Yep. I know, yet I still wanna do this."
Inulit pa nya yung ginawa nya kaya mas lalo akong natameme. Napako na yung tingin ko sa kanya na inaantok pa rin na nakatitig sa akin, parang wala lang sa kanya yung mga pinaggagagawa nya, parang normal lang lahat.
"Did you got a good sleep?" Walang salita akong tumango kaya tipid syang ngumiti tsaka ginulo yung buhok ko. "Good."
Bumaba yung tingin nya sa cellphone na hawak ko sabay pantay na umangat ang mga kilay bago marahang kinuha yon. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kanya at pinanood syang kausapin yung mommy nya.
"Hey mom, good morning... I apologize for not answering your call immediately, I just got up..."
Napakaseryoso ng mukha nya habang may kausap sa cellphone pero yung bakanteng kamay nya ay gumapang papasok sa loob ng t-shirt ko, pumaikot na naman sa bewang ko at bahagya pang humihimas doon. Para akong kinikiliti sa bawat pagdampi ng daliri nya sa balat ko, hindi naman mainit pero nakakapaso yung pagkakadikit non.
Mas lalo akong hindi nakagalaw at sunod-sunod na napalunok, paano ba naman ay bigla na lang syang sumiksik sa leeg ko habang kausap pa rin yung mama nya dahilan para mapigil ko yung paghinga ko.
What if marinig ako ni Mrs. Verdan? Malalaman nyang magkatabi kami ng anak nya-sa kama! Nakakahiya, baka magalit sya!
"Hmn... Yes... Yes, I understand. I'm sorry... Alright, I won't do it again..." Tumango-tango sya habang ako naman ay pigil na pigil ang hininga. "...I'm at Noam's house, yes, Linus' adviser. We're dating."
Kinabahan ako bigla.
"What we did yesterday?" Natitigilan syang lumayo at nilingon ako, bahagya rin nilayo ang cellphone para hindi kami marinig. "She's asking what we did yesterday, what should I tell her?"
"E-edi kung anong ginawa natin kahapon." Kinagat ko yung ibabang labi ko.
Tumango sya tsaka humalik sa pagkakasubsob nung mukha sa leeg ko. "His house was dirty, so I helped him cleaned it up-"
"Morgan! W-wag mo ng i-open yung tungkol sa paglilinis ng bahay ko, yung iba na lang!" Taranta kong bulong.
Sa dami ng ike-kwento nya yung tungkol pa talaga sa paglilinis namin? Baka isipin ni Mrs. Verdan ay inuutusan ko yung anak nya! Nakakahiya! Isa pa ay baka isipin nya na makalat at burara akong tao!
Nagkibit sya ng balikat. "I mean, he dragged me to the grocery store and-"
"Anong dragged?" Singit ko sa sinasabi nya. "Hindi kita hinila!"
Magkaharap na kami ngayon kaya kitang-kita ko kung gaano kabagot yung ekspresyon ng mukha nya. Halatang tamad na tamad magkwento.
"-we bought some ingredients for our dinner. He made me pushed the cart-"
"Hindi kita inutusan magtulak ng cart ah, ikaw ang nagpresintang magtulak non!"
"-I brought some heavy plastic bags-"
"Nagpresinta ka ulit magbuhat!"
"-then he cooked for me, mom. I tasted it through his fingers, I licked it and-"
"M-morgan! No!" Hatak ko sa laylayan ng t-shirt nya pero tinulak nya yung mukha ko palayo gamit yung palad nya. "No! W-wag mo ng isama sa kwento yon!"
"-we ate dinner, then we watched some movie and in the middle of the movie, we..." Pabitin nyang saad habang nakataas na ang kilay na tila ba nang-aasar.
Lumunok-lunok ako habang dinadagundong ng kaba yung dibdib ko dahil alam ko na yung sunod nyang sasabihin. "No! Hindi ganon yon!"
"...we kissed, mom. I kissed him, torridly, tongue to tongue and he wrapped his arms around my-"
"Ah! Please! Morgan!" Tinakpan ko yung magkabilang tenga ko habang sya naman ay humahagalpak ng tawa.
"Oh, someone is begging to me."
"Wag ka nga! Nakakainis ka!"
Ibinaba nya yung cellphone sa kama tsaka humawak sa tyan nya. Tuloy-tuloy yung malutong nyang pagtawa na para bang ngayon nya lang yun nagawa habang ako naman ay nangangamatis na sa sobrang pula yung mukha.
Paano sya nakakatawa ng ganon? Hindi nakakatuwa yon! Paano kung narinig yun ng mama nya? Ano na lang ang iisipin ni Mrs. Verdan sa akin? Baka isipin nya sinasamantala ko yung pagiging babae ng anak nya-teka, parang baliktad kami? Eh sya nga tong gumagawa sakin nun.
Ah basta! Nakakainis!
"Wag mo kong tawanan dahil hindi yun nakakatuwa, Morgan." Seryoso kong saad.
Sinapo nya yung mukha ko tsaka nanggigigil na pinisil pero hindi ako ngumiti. Sya naman ay natatawa pa rin habang hindi inaalis ang tingin sakin.
"You look so cute when you're irritated."
"Oh talaga? Pero hindi cute yung ginawa mo." Umismid ako tsaka nag-iwas ng tingin. "Paano kung masamain ni Mrs. Verdan yung mga sinabi mo?"
"Relax, I'm just kidding, she didn't heard me. The call already ended right before I started teasing you."
"Okay, pero sa susunod wag mo kong biruin ng ganon. What if aksidenteng marinig ni Mrs. Verdan? Nakakahiya, baka kung ano pa yung isipin nya sa atin."
"Oh, now you sound like a concern boyfriend, huh? Are you afraid on what my mother would think of you?" Pinagtaasan nya ako ng kilay bago yumakap sa akin at muling nagsumiksik sa leeg ko tsaka bumulong. "Wanna be my man for real?"
Nagpulahan yung mga pisngi ko. Kainis.
"A-ayan ka na naman."
"What? Too fast again? We've been friends and dating for almost a week and a half, we just upgraded our label into 'friends with benefits' yesterday, so what now?"
"That... sounded so wrong." Napapalunok kong tukoy sa 'friends with benefits' na saad nya. "Hindi tayo ganon, wala naman nangyari sa atin na kahit anong-k-kahalayan or whatsoever kaya parang hindi tama sa pandinig yon."
"Friends with 10% benefits, then."
"Ten percent?"
"Yeah, basically we're still friends but we're doing things more than what friends should do like flirting, kissing, groping, love bites-"
"Okay, okay, tama na." Pigil ko sa kanya pero mahina nya lang akong tinawanan. "Bumangon na tayo, mag-a-alas nuebe bente na."
Akma na akong tatayo nang higpitan nya yung pagkakayakap ng mga braso nya sakin.
"Let's stay for a couple of minutes." Sambit nya.
Tulad ng sabi nya ay hindi nga ako kumilos at hinayaan sya. Ilang segundo rin ay kusa syang lumayo pero bago tuluyang tumayo ay dumukwang sya para kintalan ako ng halik sa noo.
Mukhang nasasanay na agad sya.
Pasimple akong ngumuso tsaka tumayo na rin. Inayos ko yung mga unan tsaka kinuha yung kumot para itupi.
"Are you also gonna cook for breakfast?"
"Hmn." Tango ko habang pinapagpag yung kumot na ginamit namin. "Okay lang ba sayo yung simpleng almusal lang?"
"Yeah. I'll eat anything as long as you're the one who cooked it."
Napangiti ako sa sinabi nyang yon, hindi ko na itatangging kinikilig ako.
"Hey crush, I'm gonna use the bathroom." Tawag nya sakin.
Sinenyasan ko sya nang hindi nililingon. "Oo sige."
"I'm gonna take a bath."
"Oo nga."
"I'm removing my clothes now." Natigilan ako tsaka dahan-dahan syang nilingon.
Bahagyang nakasara yung pinto pero nakasilip yung ulo nya. Kita ko kung paano tumalsik yung hinubad nyang t-shirt sa likuran nya.
"Uhm, okay?"
Weird. Pati ba naman yon sasabihin nya?
"I'm naked." Bulong pa nya.
Napahilot ako sa sentido ng wala sa oras tsaka nameywang.
"Morgan, bakit mo sinasabi sakin yan?"
"Nothing, I just thought I need to inform you." Inosente at walang pakundangan nyang saad, dahilan para lihim akong mapairap pero hindi ko rin magawang pigilin yung ngiti ko habang umiiling.
"Maligo ka na nga lang dyan." Sabay tinalikuran ko sya.
"Okay."
Narinig ko yung pagsara ng pinto ng banyo at ang malakas na aligasgas ng tubig.
"No shower?"
"Wala. Tabo lang yung ginagamit kong panandok ng tubig dyan galing sa timba." Sigaw ko pabalik dahil medyo nasasapawan ng paglagaslas ng tubig yung boses namin.
"What a bummer."
Hindi ko na sya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Nang maayos yung kama ay yung lamesita sa tapat ng sofa naman ang pinuntahan ko. Dinampot ko isa-isa yung pinagkainan namin kagabi na nakaligtaan nang itapon dala ng antok.
Abala ako sa paglilinis nang madako yung tingin ko sa sofa. Napako ako sa kinatatayuan ko at nangamatis ang mukha sa pula nang maalala kung ano yung kalokohang ginawa namin kagabi.
MALALIM na yung halik, dumidiin na rin yung labi nya sakin. I don't know pero kusang bumuka yung mga labi ko, after that she started kissing me torridly as if she's a pro on that.
Tumitili na yung bida sa pinanonood namin na horror na pelikula pero hindi man lang natinag si Morgan dahil nagawa pa nya akong itulak pahiga sa sofa. Hindi sya kumubabaw pero nakatukod ang kamay nya sa magkabilang gilid ng ulo ko, nakayuko habang patuloy na idinadampi ang labi sa akin. Ang mga braso ko ay napababa sa maliit nyang bewang at doon napayakap.
"D*mn, Noam." Bulong nya habang hinahabol ang sariling hininga kagaya ko. Pinunasan nya yung pawis na mabilis na namuo sa noo ko bago humalik-halik sa panga ko. "You're making me lose my sanity."
Napahigpit lang yung hawak ko sa laylayan ng damit nya bilang sagot. Nagugustuhan ko kasi yung paraan ng pagdikit ng labi nya sa balat ko, para akong pinapaso sa bawat dampi non pero imbes na masaktan ay mas lalo ko pang nagugustuhan.
And I know kung anong klase ng init yon
Nang magsawa sya sa panga at leeg ko ay bumalik sya sa pagkakalapat ng labi namin, nakakaubos ng hininga pero kapwa ayaw namin huminto. Nawawala na ako sa wisyo dahil sa ginagawa nya, lasang-lasa ko yung flavor ng alak na iniinom nya kanina.
Pero nang maramdaman ko yung init ng palad nyang humahaplos sa sikmura at bewang ko ay wala sa sariling naitulak ko sya palayo. Otomatikong nanginig yung mga kamay ko at isa-isang nanumbalik yung mga alaalang pilit kong kinakalimutan, nag-init rin yung sulok ng mga mata ko habang pinipigilan yung kamay ko sa panginginig.
Nang tingnan ko sya ay salubong na yung kilay nya habang nakatingin sakin, malamang ay nagtataka sa naging asta ko pero may iba pa akong emosyon na nakikita sa mukha nya, hindi ko lang matukoy kung ano.
"S-sorry..." Hingi ko ng tawad habang nag-uumpisa ng mamasa yung sulok ng mga mata ko. "H-hindi ko sinasadya, a-ano kasi... n-nagulat lang ako k-"
Isang mahigpit na yakap yung pumutol sa pagsasalita ko. Natulala ako saglit sa ginawa nya pero agad rin akong gumanti ng mahigpit na yakap sa kanya.
"It's okay, Noam. It's okay." Hinagod-hagod nya yung likuran ko. "I'm sorry, it's my mistake."
"H-hindi, hindi mo naiintindihan... natakot lang ako d-dahil..." Sinubukan kong sabihin pero naiiwan sa lalamunan ko yung mga salitang gusto kong sabihin. "...d-dahil... a-ano..."
"It's fine, save it. You don't need to tell me anything that could make you feel uncomfortable."
"P-pero..." Lumayo sya sakin at hinawi yung buhok ko.
Pinahid ng hinlalaki nya yung magkabilang pisngi kong nabahiran ng luha tsaka sinserong ngumiti. Sinapo nya yung pisngi ko tsaka pilit na nakipagtitigan sa akin.
"You can tell me next time, okay? Tell me everything when you are ready. Don't rush it, I can see how difficult for you to say it so let's not talk about it for now, do you understand?"
Napatango ako habang sya naman ay tipid na ngumiti bago ako ginawaran ng halik sa noo.
MATAPOS non ay pinagpatuloy na lang namin yung panonood. Hindi sya nagtanong o nag-usisa, buong oras ng pelikula ay naka-akbay lang sya sakin habang ako naman ay nakasandal sa balikat nya at paminsan-minsan rin na nagke-kwentuhan. Nung lumalim yung gabi ay hindi ko na sya pinauwi pa dahil baka maaksidente sya kung magda-drive sya ng nakainom kaya ayun, nagsiksikan kaming dalawa sa kama ko.
Walang nangyari sa amin. Buong magdamag lang kaming natulog, isang bagay na ipinagpapasalamat ko dahil ni hindi man lang ako dinalaw ng bangungot ko. Hinihiling ko na sana lang ay magtuloy-tuloy na.
Naiiling akong bumalik sa paglilinis. Itinapon ko ang mga dapat itapon at isinaayos ang mga gamit nang may maalala. Dali-dali akong naglakad patungo sa lamesitang katabi ng kama ko.
"Huh? Nasaan na?" Binuksan ko yung katabing drawrr nung lamesita pero wala rin doon. "Nasaan na yung sleeping pills ko?"
Balak ko sanang itago yon para hindi makita ni Morgan, pero maski ako hindi na rin yon makita. Hindi kaya na-misplace ko? Baka naitabi ko na sa kung saan tapos hindi ko lang maalala.
De bale, mabuti na yon atleast hindi ko na kailangan magpaliwanag sa kanya kung sakaling makita nya.
***
"SAAN mo nakuha yang sando ko?"
"There." Walang lingunan nyang itinuro yung cabinet ko tsaka hinigop yung noodles na nasa bibig nya. "Can I borrow it?"
"Nagpaalam ka talaga kung kailan suot mo na?"
"Atleast I asked."
Napapantastikuhan ko syang nginiwian. Abala syang kumakain nung instant noodles na inihanda ko bilang almusal, pareho na kaming nakaligo at nadiskubre kong itong si Morgan ay may pagka-tamad pala talaga.
Nagulat kasi ako kanina pagpasok ko sa banyo nakakonekta na yung gripo sa hose, tapos yung hose eh nakatali na sa bakal na tubo ng tubig na nasa pader kaya sa tuwing bubuksan yung gripo ay nagmimistulang shower yung hose.
At anong sagot nya nung tinanong ko sya kung bakit nya ginawa yon?
'My hands are too lazy to use that dipper.', oh diba? Ang tamad lang? Pati pagbubuhat nung tabo para magbuhos ng tubig sa sarili kinatatamaran pa. Hmp.
Isa pa ay wala syang pakielam, ginagawa nya kung ano yung gusto nya. Tulad nyan basta na lang nyang kinuha yung isa sa mga sando kong puti na ginagamit ko kapag pumapasok ako sa trabaho, yung sando na pinapatungan ko ng unipormeng pang-guro. Yung pants at pang-loob nyang damit ay yung extra na kinuha nya sa motor nya kagabi, pero yung sando-akin yun!
"Hindi ka yata busy nitong mga nakaraang araw?" Puna ko tsaka ko tinusok yung nilagang itlog na nagpapalutang-lutang sa sabaw na nasa mangkok ko. "Wala ka bang masyadong work?"
Humigop muna sya ng sabaw bago sumagot. "I'm on a month leave."
Umawang yung labi ko. Kaya naman pala malakas ang loob magpabalik-balik sa eskwelahan para lang sumabay kumain sakin, nasa bakasyon pala sya.
"Wow, naka-leave ka pala." Isinubo ko yung itlog tsaka bahagyang ngumuso habang ngumunguya. "Isang buwan kang walang gagawin kundi ang magpahinga."
"Yeah."
"Paano yan, saan mo planong magbakasyon?"
"Here."
"Ah, here-" Nasamid ako bigla tsaka naibuga yung itlog na nginunguya ko.
Himalang hindi man lang sya natalsikan, ang bilis kasi nung galaw ng kamay nya ni hindi ko nasundan, basta ang alam ko ay bigla na lang nyang dinampot yung bakanteng pinggan na pinaglagyan ko itlog at ginawang panangga sa naibuga ko.
"Hey! You okay?"
Inilingan ko sya. Ibinaba nya yung pinggan tsaka ako sinalinan ng tubig sa baso para inumin na agad kong tinanggap.
"Are you okay now?"
Tumango ako habang hinihimas yung dibdib ko. "W-wag mo kong gulatin ng ganon, please."
"When did I do that?" Naguguluhan nyang anya.
"Ngayon lang, nung sinabi mong dito ka sa apartment ko magbabakasyon."
"Well, it's not a surprise tho, It's a fact." Inubos nya yung laman ng mangkok tsaka pinahid yung basa nyang labi gamit ang likod ng palad. "I'll spend my vacation with you."
"S-seryoso ka ba?"
"Just look at my face and ask me again if I'm kidding." Panghahamon nya, bakas ang pagkapikon sa tono ng boses nya pero hindi kakikitaan ng kahit ano mang emosyon yung mukha nya.
Bumibilis na naman yung t***k ng puso ko. Masaya ako sa lahat ng naririnig at pinararamdam nya sakin nang bigla akong may maalala.
Paano kung bigla akong bangungutin sa gitna ng tulog ko? Makikita nya akong magdusa, makikita nya akong miserable. Ano na lang ang sasabihin nya kapag nalaman nya kung bakit ako nagkakaganon? Ano na lang ang iisipin nya kapag nalaman nya kung anong meron sakin?
"Earth to my Noam." Pukaw nya sa atensyon ko kaya nag-iwas ako ng tingin.
"P-para kang sira." Tanging nasabi ko na lang.
"We're still getting to know each other even though we're in 'friends with 10% benefits' stage, living together will make things easier for us, you know."
"At sa tingin mo papayag ako?" Kinunotan ko sya ng noo. "Babae ka at lalake ako, hindi magandang magsama tayo sa iisang bahay lalo na't wala naman tayong malalim na relasyon."
"We already slept together."
"Iba yon, okay? Lasing ka at hindi kita pwedeng hayaan na mag-drive pauwi kaya kita pinatulog kagabi."
"But still, nothing happened."
"Kahit na, wala naman dahilan para magsama tayo sa iisang bahay eh."
"Can't I be with you?" Mahinahon ngunit madiin ani nya, malamig yung pagkakasabi nya non kaya hindi ko mahulaan kung naiinis ba sya o ano. "I told you before, I'm going to spend the rest of my life putting all the pieces that is shattered inside you back together. It doesn't matter how long it will take me but I have all the days of my life to do it so, all you have to do is to let me stay with you."
"Hindi ko alam, Morgan."
"Is this about the kiss last night? I told you, didn't I? You can tell me whatever it is that concerns you when the right time comes, I'm not rushing you nor forcing you tell me everything just don't push me away."
Kumibot-kibot yung labi ko tsaka nagbaba ng tingin sa sarili kong mangkok at nilaro-laro yung noodles don.