(Third Person's POV)
SO far, Morgan enjoyed shopping for the first time. Even though wala naman syang halos ibang ginawa kundi sundan ng tingin si Noam habang pumipili ng mga bibilhin nito. Hindi sya maalam sa pamimili ng mga grocery kaya napapa-angat yung kilay nya kada tumatagal ang lalaki sa pagpili, nagtataka rin sya sa mga reaksyon ng mukha nito na nalulukot, minsan ay ngumingiwi pero madalas ay nakabusangot.
Hanggang sa matapos sila sa pamimili at madilim na nang makabalik sa apartment na tinutuluyan ni Noam ay lukot pa rin yung mukha nito, hindi tuloy sya nakapagpigil at nagsalita na para tanungin ito sa kalagitnaan ng paglalakad nila paakyat ng 2nd floor.
"Did something happened that I'm not aware of?" Anya na ikinalingon ng kasama.
Medyo ngumuso si Noam. "Wala naman."
"Then why do you look so pissed?" Tanong nya tsaka itinuro yung mukha ng lalaki. "You keep on making that cute annoyed face. I'm confused."
Natawa ito sa sinabi nyang yon tsaka bahagyang umiling, sya naman ay nakatitig pa rin dito—well, lagi naman.
"Medyo naiinis lang ako."
"About what?"
Saglit na nag-isip si Noam, pinag-iisipan kung sasabihin ba kay Morgan o hindi yung bagay na kinaiinisan nya.
Actually, gusto nyang sarilinin pero hindi nya kasi alam na nakabusangot pala sya kaya wala syang choice kundi ang sabihin sa babae kung ano bang dahilan ng pagkakalukot ng mukha nya.
"Hindi mo ba napansin yung presyo ng mga bilhin kanina sa grocery? Parang nasobrahan sa taas yung patong nila, napakamahal." Panimula nya tsaka muling lumitaw yung inis sa mukha nya. "Alam ko naman na nagtaasan na talaga yung bilihin pero sobra naman yata yung sa kanila? Hindi rin lahat ng products ay maganda, yung ibang fruits at vegetables hindi maganda yung quality. Mas maganda at mas mura pa kung sa palengke tayo namili."
Natigilan ito. "You're annoyed... because of the overpriced products?" Naninigurong anya ng kausap, nasa pagdududa nito ang tono.
"Oo." Bumaling sya ng tingin dito. "Hindi ka ba naiinis? Nakakainis kaya yon, inayos man lang sana nila yung packaging nung produkto para worth the price, diba? Nakakainis."
"Y-yeah, I think so too." Pilit nitong sagot tsaka ang-iwas ng tingin habang nakakunot ang noo.
Makailang beses kumurap-kurap si Morgan, hindi nya alam kung ano bang dapat nyang sabihin dahil hindi iyon ang inaasahan nyang dahilan ng pagkakasimangot nito.
She was expecting a good and sensible reason. Hindi naman nya sinasabing nonsense yung ikinasisimangot ng lalaki, it's just that... she's expecting for something much more... serious.
Isang bagay na nalaman nya tungkol sa lalaki—matipid ito at masinop sa paghawak ng pera. Hindi ito basta-basta gumagastos pwera nalang kung kailangan talaga, he's always looking for the cheapest yet the best product. Napansin na nya ito mula pa noong unang beses na kumain sila sa restaurant ni Theo and she thought that Noam is just like that because it's his first time eating on a fancy restaurant, yun pala ay talagang matipid lang ang binata base sa pag-o-obserba nya rito kanina habang namimili.
Nang makarating sa tinutuluyan nito ay una syang pinapasok ni Noam. Inilagay nila sa mesa yung plastic ng mga pinamili nila tsaka sya nito hinatak paupo sa isang sofa, medyo maliit lang yon at halos tatlong tao lang ang kasya. Yun lang ang pwedeng upuan na meron sa maliit na sala bukod sa isang pares ng upuan na nasa kusina para sa hapag kainan.
"Dito ka muna, Morgan. Pasensya na hindi gaanong kalakihan yung tinutuluyan ko." Natawa ito habang kinakamot ang ulo. "Saglit lang ah? Kukunin ko lang yung mga sinampay ko, baka kasi makalimutan ko mamaya."
"Sure."
"Kung nauuhaw ka o nagugutom, kuha ka na lang muna dyan sa ref."
Tinanguan nya lang ito bilang sagot. Nang muling lumabas ang lalaki ay tsaka nya pa lamang iginala ang paningin sa paligid para pagmasdan yung kabuuan ng tinutuluyan nito.
Sa unang tingin pa lang ay alam na ni Morgan na mas malaki pa yung sukat ng kwarto nya sa kabuuan ng apartment unit ni Noam, isang buong kwarto lang yung unit eh at wala ni isang divider maski na plywood man lang. May dalawang bintana pero naka-grills at maliit lang. Ang tanging nakahiwalay rito ay ang paliguan na malapit sa kusina, salungat ng direksyon ng hindi kalakihang kama na nasa isang sulok katabi ng malaking cabinet at side table sa gilid.
Ang kinapi-pwestuhan nya ay ang pinakasentro ng unit, kaharap nya ang maliit na mesa at ang TV na nakapatong sa maliit din na estanteng gawa sa kahoy kung saan katabi nito ang matangkad naman na electric fan na syang binuksan ni Noam bago lumabas kanina. Maliit yung sukat ng lugar at kakaunti ang gamit pero bawing-bawi naman sa linis at pagkaka-ayos ng lahat.
"So neat." Komento nya tsaka tumango-tango. "Even tidier than my room."
Tumayo sya tsaka sinimulang maglibot nang may mapagtanto sya dahilan para magsalubong ang mga kilay nya.
Naghahanap sya ng kahit na anong picture frame na pwede nyang usisain pero nagtaka sya nang wala syang makita ni isa. Walang kahit anong nakasabit sa dingding, wala rin naka-display sa taas ng cabinet o mga mesa.
Sa halip ay ibang bagay ang nahanap nya. Napako yung tingin nya ron habang lalong lumalalim ang gatla sa noo dala ng pagkalito at pagtataka.
"Sleeping pills..." Basa nya nang mahawakan yung plastic na botelya non.
It's a bottle of sleeping pills. Mukhang hindi pa gaanong nagagamit base sa dami ng pills sa loob non, hindi na sana nya masyadong pagtutuonan ng pansin kung hindi nya lang napagtanto na hindi lang iisang bote ang naroon.
Lima—yep, limang bote ng sleeping pills sa iba't ibang brand ang nandon kasama yung hawak nya kaya mas lalo syang nagtaka. Kahit na sinong makakita non ay magtataka, sino ba naman ang bibili ng limang bote ng magkakaibang brand ng sleeping pills? Malamang wala, pwera na lang kung desperadong matulog at walang balak gumising yung iinom.
Pumasok si Noam bitbit ang mga damit nyang naka-hanger dahilan para maputol yung pag-iisip nya.
"Morgan? Sa tingin ko uulan maya-maya, isilong natin yung motor mo sa baba para hindi mabas—anong ginagawa mo dyan?" Takang tanong nya nang makita ang babae na nakatayo malapit sa kama nya.
Tila balewalang humarap sa kanya si Morgan habang pasimpleng ibinalik ang bote sa mesa habang nakatalikod don. Hindi mababakasan ng kahit anong reaksyon yung mukha nito tulad ng nakasanayan.
"I think I saw some mouse running towards under your bed." Palusot nya.
"D-daga?" Nawalan ng kulay yung buong mukha ni Noam tsaka nagpalinga-linga sa sahig. "M-may daga rito?"
Pantay na umangat yung mga kilay ni Morgan habang papalapit sya sa kinatatayuan ng binata at syempre, ayaw nyang aminin pero natutuwa syang makita yung nagpapanic na mukha nito. Nawala rin sa isip nya yung tungkol sa mga sleeping pills na nakita nya.
Who would have thought na takot ito sa daga?
"Don't worry, I'm not even sure if it's a mouse."
"Pero paano nga kung daga yon?" Lumunok-lunok ito tsaka inabot yung walis tambo sa gilid.
"What are you so worried about? It's just a mouse." Huminto sya sa harap nito tsaka inabot ang walis na hawak bago pinisil ang pisngi ni Noam. "Don't tell me you're afraid of them?"
"Oo." Walang halong pagsisinungaling na sagot nito. "Nakakatakot yung itsura nila." Sambit nito tsaka humawak sa laylayan ng damit ng babae habang ang mukha ay mas lalong binabalot ng pag-aalala.
"You're afraid on something that is ten fold smaller than you?" Tinanguan sya ni Noam. "Well then, we could just smash it with this broom—"
"Hala, wag." Kinuha nya ulit yung walis mula kay Morgan tsaka itinabi.
"So you're not afraid of the mouse anymore?"
"Takot pa rin."
"Then let me kill it."
"Huwag, kawawa eh."
"Let me get this straight, you hate them yet you don't want them to be gone?" Salubong na ang mga kilay nya habang nakatingin rito. "I'm confused."
Pinagdikit ni Noam yung parehong hintuturo habang bahagyang nakayuko. "Lipat na lang kaya ako ng ibang unit?"
"Why?"
"Para hindi na natin patayin yung daga."
His words made her stunned for a couple of seconds, after that she moved on.
Morgan can't helped but to chuckle, hanggang sa ang mahinang tawa na yon ay nauwi sa halakhak—isang bagay na suntok sa buwan lang kung mangyari.
Ever since she was a child her father already did everything he can just to make her laugh. Nagme-make face ito, nagbibitaw ng mga jokes and he even did something crazy that would make anyone laugh. Lahat ng kapatid nya naiiyak na kakatawa noon but Morgan?
She never did. Maski isang ngiti hindi nya naibigay.
So what's happening with her? Napakaliit na bagay, kung tutuusin hindi yun sobrang nakakatawa but she still can't stop herself from laughing.
"Anong nakakatawa?" Nakangiti ngunit nalilitong sambit ni Noam habang pinanonood ang babae na humalakhak.
Pinunasan muna ni Morgan yung luha sa sulok ng mata nya dala ng kakatawa. "Nothing."
"Ah?" Maang nito sa kanya tsaka kumunot ang noo. "Eh bakit ka tumatawa?"
"I don't know either."
Nagkamot ito ng batok. "Ang weird mo talaga." Bulong nito pero narinig pa rin naman ni Morgan.
Kusang kumawala yung ngiti sa labi ng babae bago sinapo yung magkabilang pisngi nito at pinisil-pisil iyon.
"Stop bewitching me with your adorableness for goodness' sake, Noam." Anito tsaka humawak sa baba ng lalaki at dinama ng hinlalaki nya yung ibabang labi nito. "I might forgot my place and immediately devour this luscious lips of yours."
Walang naisagot sa kanya ang binata pero hindi naputol yung pagkakatitig nila sa isa't isa. Mabigat yung pagkakatitig nilang dalawa at ni hindi man lang gumagalaw. si Morgan na napapantastikuhang bahagyang naka-angat ang sulok ng mga labi at si Noam na nagpupulahan sa kahihiyan ang mga pisngi.
***
RINIG na rinig sa labas yung mga lagabog na nagmumulsa sa opisina ni Vince. Halos lahat ng empleyadong napapadaan ay napapatingin sa pinto pero wala ni isa sa kanila ang nagtatangkang huminto para umusisa—pwera na lang sa dalawang taong halos ingudngod na ang mukha sa pinto.
Tunog naman ng kung anong nabasag yung sunod nilang narinig kaya sabay silang lumayo doon tsaka nagharap. Parehong nakakunot ang noo, bakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito.
"What should we do, Nicholas?" Sinabunutan ni Wesley yung sariling buhok. "Baka patayin tayo ni kuya Vince kapag naabutan nya tayong nakikinig sa pagwawala nya!"
"Shh! We're really dead if you're not going to shut that f*ckin mouth of yours!" Banta naman nito.
Pero mas lalo lang nagpanic si Wesley at sinimulang haklitin yung manggas ng polo ni Nicholas. "Ano ba kasing nangyari?! Bakit sya nagwawala?! You know that an angry kuya Vince is dangerous aside from Morgan! Bakit kasi hindi mo sabihin sakin?!"
Asar na binatukan ni Nicholas si Wesley bago inakbayan. Luminga-linga muna sya sa paligid para makasigurong walang tao, tsaka nya hinila ang kasamahan palayo ilang metro mula sa opisina ni Vince.
Seryoso nyang tinitigan si Wesley. "Okay, I'll share some secret to you. This is f*ckin confidential, Terrano."
"The f*ck! Kinakabahan ako, Nicholas!" Sambit nya habang nakahawak sa sariling dibdib at pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
"You think ikaw lang ang kinakabahan dito?! I'm nervous too!"
"Bakit naman kasi ngayon ka pa aamin na na-ba-bakla ka saki—aray!" Sinapok sya ulit nito. "What the f*ck?! Do you wanna die?! Namumuro ka na ah!"
"Just shut up and listen! Take this seriously, d*mb*ss dahil hindi lang buhay natin ang nakasalalay rito kapag kumalat tong sikretong sasabihin ko sayo, pati yung buong organisasyon delikado!"
Natitigilang kumurap-kurap si Wesley sa kanya na tila ba hindi naniniwala pero base sa seryoso at masamang tingin ni Nicholas ay alam nyang hindi ito nagbibiro. Dinamba tuloy ng hindi maipaliwanag na kaba yung dibdib nya dahil yung paraan ng tingin ni Nicholas ay delikado—yung tipong nagsasabing seryosohin nya dahil kung hindi ay mamamatay sila.
Lumunok sya at umiling-iling. "Okay, okay." Huminga sya ng malalim tsaka kinalma ang sarili. "Makikinig ako."
Bumuntong hininga rin si Nicholas para bumwelo ng pagsasalita. Muli nyang inakbayan si Wesley, pero bago yon at luminga muna ulit sya sa paligid at nang masiguradong walang tao ay tsaka sya nagsalita.
"After saying this thing that I'm going to tell you, you need to make up your mind."
Nagsalubong yung kilay nya. "What do you mean, Nic? Anong make up my mind ka dyan?"
"You need to pick which side you'll follow if ever na mahati sa dalawa ang organisasyon. It's a serious matter, wala sa atin ang nakakaalam kung magiging magkalaban tayo o hindi."
Nanlaki yung mata nya kasabay ng pag-awang ng mga labi nya sa gulat at pagkalito, pero yung kausap nya ni hindi man lang kumurap.
"Kuya Vince and the twins are hiding something from us, something that they don't want us to know..." Dumilim yung ekspresyon nung mukha nya. "...something that even Morgan doesn't have any idea."
"What the hell, Nicholas? Imposible yang sinasabi mo."
"Stupid! Sasabihin ko ba sayo yon kung imposible yung sinasabi ko?! Alangan naman gumawa ako ng kwento?! Isa pa ay sayo ko sinasabi to dahil mas madalas tayong magkasama sa field, I didn't even told Beau about this!" Pikon na anya.
"C'mon! Bakit magsi-sikreto si kuya Vince kay Morgan? They are partners, isa pa ay mag-pinsan sila atso tsaka paanong pati yung Quadro kasabwat ni kuya Vince? Why would they hide something from Morgan? Unless that thing that they're hiding will make Morgan angry—" Tila nagyelo sya matapos nyang sabihin yon ng may mapagtanto.
Dahan-dahan ang paglingon nya kay Nicholas na tinanguan sya para kumpirmahin yung kung ano man ang iniisip nya. He cleared his throat and began shaking his head.
"No way."
"Yes way." Umigting yung panga ni Nicholas habang tumatango pa rin. "They are hiding something—something that can make Morgan mad and it's written on a piece of paper but that paper is gone! Kaya nagwawala si kuya Vince ay dahil nawawala yung papel na yon!"
"How is that suppose to happen?! Paanong mawawala?! Tsaka ano ba yung laman ng papel na yon?! Nalilito na ko!"
"Yeah, Wesley, how is that possible? It's either someone accidentally got that paper or that someone really took it on purpose pero hindi yon ang dapat na alalahanin natin. We should be worry on other things instead like—" Sumama lalo yung timpla ng mukha nya bago nagpatuloy. "—what will happen if Morgan discovered about it and get angry?"
Tuluyan syang namutla habang iniisip yung mga posibilidad na pwedeng mangyari. Ngayon pa lang ay kinakabahan na sya, hindi sya makapili pero kailangan.
"F*ck. We can't let her know about that or else the organization will be divided into two."
(Noam's POV)
"THIS sucks."
Huminto ako mula sa paghihiwa ng karne tsaka sya nilingon.
Tila tamad na tamad syang nakaupo sa couch. Nakapatong ang mga paa sa mesa habang ang mga braso ay nakaakbay sa kinasasandalan nya. Walang ekspresyon yung mukha nya habang nakatutok ang mga mata sa palabas na nasa TV.
Kumunot yung noo ko. Paano nya nagagawa yon? Kanina pa sya nanonood ng nakakatawang palabas sa TV pero hindi man lang nagbago yung ekspresyon nya. Isa pa ay ang bilis nyang magbago ng mood. Sa umpisa seryoso sya, tapos magiging masaya sa loob lang ng ilang segundo tapos babalik ulit sa pagiging seryoso.
Ang weird lang.
"Quit staring before you regret it." Bigla nyang saad na nagpaangat sa mga balikat ko sa gulat.
Paano nya nalaman na nakatingin ako sa kanya? Eh hindi naman sya nakatingin sa akin.
"O-okay." Lumunok ako bago muling tumalikod para ipagpatuloy ang paghihiwa.
Tapos na akong magluto, hinihiwa ko nalang yung karne para ilagay sa pinggan at buhusan ng sauce. Naihanda ko na rin yung mesa habang si Morgan ay sinabihan ko lang na maupo at maghintay, sinunod nya naman ako pero mukhang labag sa loob nya dahil hindi ko mabasa kung natutuwa o talagang wala lang syang reaksyon habang nanonood.
Nang mailagay sa pinggan yung karne ay inabot ko yung lalagyan ng sauce na ginawa ko tsaka dahan-dahan na ibinuhos yon, pinahid ng daliri ko yung tumalsik sa pinakagilid ng pinggan tsaka napangiti ako sa itsura non. Nakakagutom! Hehe. Sana magustuhan ni Morgan.
"You done?" Biglang sulpot nya sa likuran ko, nakasilip sya sa balikat ko habang ang isang kamay ay nakapaikot sa bewang ko. "That looks impressive."
"Salamat." Nahihiya kong tugon.
Marahan nyang hinila yung kamay kong pinang-pahid ko sa sobrang sauce tsaka walang ano-anong isinubo dahilan para mag-init ng husto yung mukha ko.
"M-morgan naman?"
Hindi nya ko pinansin, bagkus ay tumango-tango pa sya. "Tastes impressive too." Tsaka inulit ang ginawa sa isa ko pang daliri.
Pakiramdam ko kulang ang salitang hiya para ilarawan yung nararamdaman ko lalo na't parang hindi man lang sya naiilang sa ginawa nya.
Damang-dama ko yung paghagod ng dila nya sa daliri ko para tikman yung sauce na naroon, saglit lang yon pero nagdulot agad ng kakaibang pakiramdam sakin yung ginawa nyang yon at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano yun.
Mukha namang hindi nya intensyon na akitin ako dahil napaka-natural ng kilos nya at walang halong malisya pero iba ang epekto nun sakin.
"Ang sabi ko hintayin mo na lang ako ron eh." Kinagat ko yung ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya.
Halos mapugto yung hininga ko nang bitawan nya yung kamay ko pero yung init naroon pa rin, na tila ba naiwan doon yung init na galing sa dila nya at kumakalat na sa buong sistema ko.
Dala ng panic ay inabot ko agad yung gripo tsaka sinimulang hugasan yung kamay ko. Ang kaso lang ay hindi pa rin nawawala, paano ba naman kasi sumiksik yung ulo nya sa gilid ng leeg ko kung saan masuyong dumadampi yung ilong nya.
"M-morgan—"
"Just a minute." Putol nya sakin. "Give me a minute, Noam."
Dumiin yung pagkakakagat ko sa ibabang labi ko habang umaakyat yung pagdampi ng ilong nya. Kusang tumagilid yung ulo ko na tila ba nagpapaubaya sa ginagawa nya.
Nang makarating sya sa panga ko ay napalitan yon ng labi nya kaya mas hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko, para akong nagyelo dahil kahit gustuhin kong lumayo ay hindi ko magawa. Tuluyan na rin pumulupot payakap sa bewang ko yung dalawang mga braso nya kaya ramdam ko yung pagkakadikit ng likuran ko sa katawan nya.
Tulad nga ng sinabi nya ay inabot sya ng ilang minuto ron sa pagpapabalik-balik sa panga't leeg ko, pagkatapos ay bigla na lang masuyong humalik sa pisngi ko at dinampot yung pinggan sa lababo na parang walang nangyari.
"Let's eat, Noam." Aya nya sakin tsaka naunang nagtungo sa mesa.
Nilunok ko muna yung kung anong nakabara sa lalamunan ko bago um-oo at dali-daling sumunod sa kanya. Dapat naiilang ako sa mga oras na ito pero hindi, nahihiya ako pero walang pagkailang doon.
Dahil ba nagustuhan ko rin? Madiin kong itinikom yung mga labi ko ngunit kahit hindi ako magsalita ay kilala ko yung sarili ko, alam ko kung nagustuhan ko o hindi.
At masasabi kong nagustuhan ko yon. Hmp.
"Pinagtabi mo talaga yung upuan natin? Pwede naman tayong magkaharap para hindi ka masikipan dyan." Tanong ko nang makaupo sa tabi nya, sinikap kong balewalain yung ginawa nya kani-kanina lang.
"I want to sit beside you." Umakbay sya sa sandalan ng upuan ko tsaka ako sinilip. "Besides, I couldn't eat properly if I'll be sitting in front of you."
Gulat ko syang binalingan. "Hala, bakit naman?"
"Because..." Hinawakan nya yung baba ko tsaka pinagpantay yung mukha namin. "This young man that I'm dating has an unexplainable beauty that distracts me in every actions that he make. I might end up watching him happily eat the whole time instead of eating my own dinner—I'm referring to you, by the way."
Pinamulahan nanaman ako ng mukha hindi lang dahil sa mga pinagsasabi nya kundi dahil na rin sa paraan ng tingin nyang sobrang intense na para bang anumang oras ay lalamunin nya ako ng buo. Nanunuot sa balat yung tingin nyang yon, tipong tumatagos sa kabuuan dahil talagang titig na titig sya.
"Ganito ka ba sa lahat ng nakaka-date mo?" Wala sa sariling saad ko.
"What do you mean?"
"Yung ano, mabulaklak magsalita tapos sobrang s-sweet at caring at mabait at galante t-tsaka ano..." Bahagya akong ngumuso. "...pa-f-fall."
"Pa-fall, huh?" May accent ang tagalog nyang sambit kaya mas lalo akong namula. "Why? Are you falling for me already?"
"Tumigil ka nga, sagutin mo na lang yung tanong ko." Paglilihis ko ng usapan sabay tusok ko nung karne at sinubo para mabawasan ng konti yung kaba ko.
Ayokong isipin nyang assuming ako pero sa paraan pa lang ng tingin nya eh alam ko ng inaasar nya ako.
"Ano nga? Ganito ka rin ba sa mga naka-date mo?"
"No."
Muntik na akong mabulunan, mabuti na lang at hindi nya nahalata dahil pasimple akong umubo. Hindi naman sya naghinala dahil hindi nagbago yung ekspresyong ng mukha nya.
Ewan ko pero bigla kong kinabahan. Sabi nya 'no', ibig bang sabihin ay sa akin lang sya ganito? Diretso pa yung pagkakasabi nya na tila ba siguradong-sigurado sya. Nagrarambulan tuloy yung laman ng tyan ko sa isipin na iyon.
Oo na, kinikilig na ako.
Nakatabingi ang ulong humalumbaba sya sa mesa gamit ang sikong nakatukod doon habang ang isang braso ay naka-akbay pa rin sa kinasasandalan ko.
"Have you dated anyone else before?"
Mabilis akong umiling tsaka nahihiyang kinagat yung labi ko. "I-ikaw pa lang ang nakaka-date ko."
"I see." Lumitaw yung matagumpay nyang ngisi. "I'll make sure that I will also be the last."
Medyo napangiwi ako. Ako lang ba o talagang nagiging confident yung tono ng boses nya? Nawawala yung coldness, napapalitan na ng bilib sa sarili yung ibang sinasabi nya.
"Ikaw ba? May mga naka-date ka na ba noon o..." Lumunok ako. "...o m-mga naging boyfriend?"
"Hmn..." Saglit syang nag-isip. "I have dated several men before but none of them made it to be my boyfriend."
Nanlaki yung mata ko. Ibig sabihin m-marami na syang naka-date?! Medyo napayuko ako dahil don.
Sabagay, bakit ba nagtataka pa ako? Kahit na may pagka-cold si Morgan ay hindi imposibleng walang magkagusto sa kanya bukod sakin.
"G-ganon."
"Yeah." Kumibot yung labi nya na tila ba may naalalang nakakainis. "By the way, it's not that kind of date that you're thinking."
"Eh?"
"You see, my dad is kinda weird sometimes." Panimula nya habang ang kamay na nasa likuran ko ay sinimulang laru-laruin yung buhok ko. "When I was in college, he kept on asking me to get a boyfriend already so that he could scare whoever that person is just like what a normal father does to his daughter's suitors."
"S-seryoso?"
Tumango sya. "He wanted to act like a strict father, yet he can't since I'm not interested on anyone."
"K-kung ganon, paano nangyaring may naka-date ka na?"
"Oh, that." Ngumiwi sya. "Dad called all of my male friends and made his own contest. It's a competition where whoever gets the title of being my boyfriend will be granted 1 million pesos as the prize. I dated 5 of them, including Theo—which is the worst date I have ever experienced. Anyway, none of them won the prize."
Umawang yung labi ko. Isang milyon? Ganon sila kayaman na umabot sa puntong magpapa-premyo yung tatay nya ng isang milyon, magka-boyfriend lang sya?!
Para akong mabubulunan kahit hindi pa naman ako nakakasubo ng pagkain pero gusto ko pa rin makinig, kahit na medyo naiinggit ako dahil paniguradong bigatin yung mga naging ka-date nya. Kay Theo pa lang, walang-wala na ako.
"Pero bakit wala kang naging boyfriend sa kanila?"
"I can't see myself in a relationship on one of them aside from being friends or co-workers. Besides, having a boyfriend means I'm letting myself to have a weakness."
"Weakness?"
"Part of my work."
Kinunotan ko sya ng noo. "Eh b-bakit ako? Inalok mo agad akong maging boyfriend mo kahit hindi naman tayo magkakilala ng husto."
Nagkibit sya ng balikat. "Well, you can be both."
"B-both?"
"Both weakness and strength."
Kinindatan nya ako nang hindi ako nakasagot, ginulo pa nya muna yung buhok ko bago bumalik sa pagkakaharap sa pinggan tsaka sinimulang kumain kaya ganon rin ang ginawa ko.
Wala ba syang ibang alam gawin kundi magsabi ng mga bagay-bagay na magpapamula sa mukha ko? Halos araw-araw na nyang ginagawa to, mukhang hindi rin sya nauubusan ng linya dahil tuwang-tuwa pa sya sa mga nagiging reaksyon ko.
Pero aaminin ko, nag-e-enjoy ako. Para akong highschool student na kinikilig sa bawat salitang sinasambit nya.
"How about you?" Biglang anya sa kalagitnaan ng pagkain namin. "You said I'm your first date."
"Totoo, ikaw yung first date ko."
"Why?"
"Ih wala lang, wala naman kasi akong alam sa ganito at isa pa ay wala akong kilalang babae masyado. Wala akong pagkakataon na atupagin yung ganitong klase ng mga bagay."
"Why do you sound like you've never been outside before?"
Natigilan ako sa tanong nya.
Anong sasabihin ko? Na nakakulong ako sa isang mansyon? Na hindi ako pinalalabas? Na ginugol ko yung ilang taon ng buhay ko sa apat na sulok ng kwartong kinamumuhian ko? Na ilang taon pa lang mula ng makalaya ako sa impyernong kinamulatan ko?
Alam na alam ko yung sagot sa tanong nya pero parang ayaw bumuka ng mga labi ko.
"Noam." Tawag pansin nya sakin kaya pilit akong ngumiti.
Kailangan kong sagutin yung tanong nya para hindi na sya mangulit pa.
"Strict yung parents ko." Pagsisinungaling ko tsaka bahagyang tumawa. "Lalo na yung kapatid ko."
"Is that so?" Tinanguan ko sya habang isang tipid na ngiti ang pinakawalan. "Looks like your family loves you so much."
Nginitian ko lang sya.
"Ganon nga siguro."