***
"I'LL be heading out for a bit."
Lumingon ako sa direksyon nya at natigilan. Kalalabas nya lang galing ng banyo dahil naligo agad sya matapos namin magtanghalian.
"Oh, okay." Ibinaba ko yung huling pinggan na hinugasan ko sa lalagyan ng mga pinggan tsaka nagpunas ng kamay sa apron na suot ko. "Aalis rin ako maya-maya, mga anong oras ka makakabalik?"
"Hmn... Maybe 4 or 5 pm?"
Lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan kong maigi yung uri ng damit na suot nya, sa totoo lang ay wala sa hinagap kong magsusuot sya ng ganyang damit.
Itim na three piece suit iyon pero yung coat ay nakasampay pa sa balikat nya. Natatakpan ng itim rin na vest suit yung puting long sleeve nya, terno sa itim na pants. Ang lakas makahatak ng karisma nya nang dahil lang sa pagsusuot ng suit, nakakapanibago pero nakakatuwa. Ang sexy nya at angas at the same time.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi mamangha kasabay ng pagtataka dahil ngayon ko lang sya nakitang ganyan ang suot.
"Bakit nga pala ganyan yung suot mo?"
"It's a uniform."
Nagsalubong yung kilay ko. "Uniform?"
"Yeah." Sinuklay nya yung buhok nya para itali habang yung goma ay kagat-kagat nya. "This is our uniform in work."
"Kung ganon bakit ngayon mo lang sinuot?"
"Because I'll work this time for real." Anya sabay ngiti.
Namewang ako. "Ah, so hindi ka pala nagseseryoso sa trabaho mo kung ganon?"
Mahina syang tumawa bago pinisil yung pisngi ko.
"I'm done playing the lazy role on my work. It's time for me to take things seriously since I'm hooking up with the prettiest man that I've ever met." Sabay pitik sa noo ko. "I'm talking about you, by the way."
Bahagya akong napanguso sa sinabi nyang yon, alam ko rin na namumula yung pisngi ko pero mukhang nasanay na talaga ako sa mga linyahan nya kasi imbes na mahiya o mailang ay palihim na lang akong napapangiti.
May hinugot sya mula sa bulsa nya matapos magtali ng buhok tsaka inilagay sa ilalim ng kwelyo, sinimulan nyang ibuhol yon pero hindi nya magawa kaya kinuha ko yun sa kamay nya at ako na ang nag-ayos.
Kumawala yung mahinang tawa sa mga labi ko na nagdulot ng pagtataka sa kanya.
"Why are you laughing?" Takang tanong nya habang nakakunot ang noo.
"Natatawa ako sa itsura natin."
Binuhol ko yung itim nyang itim nyang necktie na may kung anong pattern at inayos yung kwelyo nya. Pinagpag ko yung gusot na naroon tsaka hinawi yung ilang takas na buhok patungo sa likuran ng tenga nya.
"Nakasuot ako ng apron habang suit naman yung sayo. Paalis ako para mag-grocery, samantalang paalis ka naman para mag-trabaho. Pati itong pwesto natin nakakatawa kasi yung mga babae yung nag-aayos ng necktie ng mga lalaki sa palabas pero tayo... lahat baliktad."
"You mean, you look like an adorable loving house husband taking care of your badass wife?" Tumango ako kaya mahina syang natawa. "Not bad."
"Not bad, huh?"
Ngumiti ako tsaka hinigpitan ng kaunti yung necktie nya at marahang hinila yon dahilan para bahagyang magkalapit yung mukha namin.
Medyo nagulat sya sa ginawa ko pero agad rin na ngumisi tsaka ako tinulak pasandal sa pader sa likuran ko. Yung isang palad nya ay nakasandig sa pader habang yung isa ay nasa bewang ko nakapulupot.
"Do it again." Bulong nya.
"Ang alin?"
"Pulling my necktie as if you're strangling me while giving me that innocent lovely stare." Dinilaan nya yung ibabang labi nya bago nakangising kinagat yon. "I love it."
"Huh? Ganito?"
Inulit ko yung paghatak sa necktie nya pero sinugod na nya ako ng halik, dampi lang naman pero nag-iwan yon ng kaunting kirot dahil kinagat pa nya yung labi ko.
"D*mn, aren't you a little bit rough there?"
"Rough?" Hinimas ko yung labi ko. "Nasaan ang rough doon? Ikaw yung nangangagat dyan."
"Hmn... I'm not sorry for that, your lips looks tasty that I couldn't help myself but to taste it."
"Tumigil ka na nga, kanina ka pang umaga."
Humalik pa sya sa pisngi ko habang pumipisil sa bewang ko. "I'd like to cuddle and kiss you more but unfortunately, this woman of yours really needs to go."
Bumitaw sya para damputin yung coat nya at isuot habang hindi inaalis ang tingin sa'kin.
"I'll be leaving." Ginulo nya yung buhok ko bago nagdampi ng halik sa noo ko. "I'll take the kids with me."
"Kids...?" Natitigilan kong usal.
Tumaas yung isang kilay nya bago itinuro yung direksyon sa likod ko kaya napalingon ako doon.
Ramdam ko yung pag-iinit ng mukha ko, lalo na noong dumako yung tingin ko kay Linus at Salazar na may nanunuksong tingin habang nakatakip sa bibig ang isang kamay tapos yung isang kamay naka-'like' sign.
"Good job..!" Bulong nila nang dumaan sila sa gilid ko. Sumunod agad sila kay Morgan habang mahinang humahagikgik at naghahampasan.
Sinabunutan ko yung sarili ko. Aaaaah! Para akong sasabog sa hiya dahil sa reaksyon nila! Malamang nakita at narinig nila lahat yon—aaaaah! Bakit kasi nakalimutan kong nandito pa sila?! Eh bakit ba kasi nandito sila?! Aaargh! Naman kasi!
"Kung bakit ba naman kasi panay ang punta nung dalawang yun dito! Sa susunod talaga ibabagsak ko sila—huh?" Kinuha ko yung helmet ni Morgan mula sa sala table. "Naiwan nya..."
Aalis sya ng walang helmet? Teka kung dadalhin nya yung dalawang bata edi ibig sabihin iaangkas nya yon?
Napasimangot ako. Timang talaga! Ang taas-taas ng motor nya tapos pang-dalawang tao lang ang kasya, paano nya isasabay yung dalawa?!
"Paano kung mahulog yung isa sa kanila? Kahit kailan talaga."
Hinubad ko muna yung apron tsaka inayos yung gusot sa damit ko bago lumabas. Sa tingin ko naman ay kabababa pa lang nila, pwede ko pa silang sitsitan mula dito sa taas.
Bitbit yung helmet ay sinimulan ko ng lakarin patungo sa hagdan. Sinilip ko sila mula sa balustre para sana tingnan kung nandoon na sila pero naging dahilan yon para mapahinto ako sa paglalakad at mapanganga.
Nakita ko ng magbitbit si Morgan noon ng mga tauhan nya pero walang-wala sa dami ng mga nakapaligid sa kanya ngayon! Hindi ko matantya kung gaano sila karami pero majority sa kanila ngayon puro babae—hindi, lahat sila mga babae at imbes na itim na suit ay kulay puti yung suot nila at wala silang necktie. Iba sa suot ni Morgan na purong itim pwera sa plain white longsleeve polo at black necktie. Hile-hilera rin yung puti nilang sasakyan, halos punuin nila yung open space parking lot sa tapat mismo ng building namin.
Kahit na marami sila ay nangibabaw pa rin si Morgan dahil bukod sa naiibang kulay nya ng damit ay kitang-kita rin yung berde nyang buhok. Kasunod nya sa magkabilang gilid yung dalawa pero humiwalay rin sa kanya at dumiretso sa isa sa mga sasakyan na agad rin na umalis, samantalang huminto si Morgan sa tabi ng isa sa mga kababaihan at kinausap yon. Syempre hindi ko naririnig kung ano yung pinag-uusapan nila pero base sa madilim na reaksyon ng mukha nya, pagkunot ng noo at pagtalim ng tingin ay alam ko na agad na hindi sya natutuwa.
Ewan ko pero may mga itinuro syang direksyon at pagkatapos ay nagsiyukuan yung mga tauhan sa kanya, parang pinahihiwatig na naunawaan nito yung utos nya. Nag-angat lang sila ng tingin noong pumasok na si Morgan sa nag-iisang itim na sasakyan doon sa pinakagitna, matapos non ay nagkanya-kanya na rin silang pasok sa mga puting sasakyan at nagtungo sa iba't ibang direksyon.
Isinara ko yung nakaawang kong bibig tsaka napakamot sa batok.
"Uhm, mukhang hindi nya need ng helmet." Napapalunok kong saad matapos kong sundan ng tingin yung sasakyan nyang mabilis na humarurot paalis.