Chapter 19

3491 Words
(Third Person's POV) ISA-isang nagsisitabi yung mga empleyadong nakakasalubong ni Linus habang naglalakad patungo sa meeting room ng organisasyon. Kasunod nya si Salazar na kinakausap ang isa sa kababaihan na kasama nila, isa-isang humihiwalay ng lakad ang mga ito sa kanila na para bang alam na nila kung saan sila pupunta. Ilang hakbang na lang at nasa pinto na sila nang harangin sila ng mga guwardyang naka-kulay itim na suit. "I'm sorry, sir Linus pero may kasalukuyang meeting sa loob at mahigpit na bilin ni sir Vince na wag magpapapasok sa loob ng kahit na sino." Saad ng nasa harap nya mismo. Bumuntong hininga sya tsaka nakasimangot na hinubad yung sunglasses na suot. "Look, I'm not in the mood to argue with you today so it's best for you to step aside and let me through." Sabay pekeng ngumiti. "Pasensya na sir, ginagawa lang namin yung trabaho namin." "Mister..." Bumaba yung tingin nya sa nameplate na naka-pin sa dibdib nito. "...James. Your name is James, right?" "Yes, sir." "Well, mister James I'm here to disclose an important announcement to the executivesbso could you please step aside and let me through? Ayokong maubusan ng pasensya." "I'm sorry sir pero hindi talaga pwede. Mahigpit na bilin yun ni sir Vince-" Naputol yung sinasabi nito nang mawalan na lang bigla ng malay matapos tamaan ng ni Salazar sa batok. Ikinabigla yon ng lahat pero wala ni isa ang nakakilos dahil mabilis na pumwesto yung mga tauhan na kasama nila at hinawakan ang iba pang bantay. "Anak ng..." Lumaki yung butas ng ilong ni Linus nang harapin yung kaibigan na nagpupunas ng kamay. "Dude, kinakausap ko pa yung tao!" "Timang ka? Utos ng ate mo na wag magtagal tapos nakikipagchikahan ka pa dyan sa gwardya." Ngiwi nito tsaka pumitik sa hangin at sumenyas. "Kasunod lang natin si ate Morgan, kapag naabutan ka pa nyang dumadaldal dito baka hindi lang pingot abutin mo." Sumimangot si Linus kasabay ng paghalukipkip at pagnguso, hindi na nya pinanonood kung paano kumilos ang mga babaeng tauhan. Pinagbuksan sya ng dalawa sa mga ito kaya pumasok na sya kasama ang kaibigan. Tulad ng inaasahan ay natigilan ang lahat ng nasa loob pwera sa pinsan at mga kuya nyang sabay-sabay na nangunot ang noo sa biglaan nyang pagpasok. Napaatras yung taong nagsasalita kanina sa harap habang napatayo naman ang ibang naroon. "Good afternoon everyone!" Ngumiti sya sabay kaliwa't kanang kumaway. "I'm Linus Saavedra-Verdan, ang pinakagwapo sa angkan ng pamilya namin. Nice to meet you all!" "Tukmol talaga tong batang to..." Bulong ni Laurentius tsaka tumayo para lapitan ang bunsong kapatid. "Hoy Linus! Hindi 'to playground, umuwi ka na nga kayna mommy!" "Ih ayoko!" "Anong ayaw mo? Gusto mo ng kutos?!" "Laurentius, hinaan mo nga yung boses mo." Saway ni Lazarus na halata naman na hindi pinakinggan nung isa kaya napahilamos sya gamit ang palad. "Ah, sumasakit yung ulo ko sa kanila." "Umuwi ka na!" "Iiiiih ayoko nga ih!" Nguso ni Linus habang pumapadyak. "Bakit mo ba ko pinapauwi?" "Kasi nga hindi ka naman dapat nandito!" "Ayaw mo lang akong nandito kasi nasasapawan kita!" "Anong... pasaway ka talaga!" "Panget!" "Mas panget ka!" Tumawa si Laxus. "D*mn, I love watching two idiots fighting each other." "Go Linus!" Cheer ni Leviticus. "Levi! Wag mo ng sulsulan, my goodness these dumbasses!" Kunsumidong napabuga ng hangin si Lazarus. Hahawakan nya sana ang kapatid pero natigilan sya nang humarang ang dalawang babaeng nakaputi. Napatayo rin tuloy yung tatlo at yung iba pang mga naroon. "What do you think you're doing?" Seryosong saad ni Laurentius sa mga babae. Imbes na sumagot ay tinitigan lang sya ng mga ito na naging dahilan ng mabilis na pag-init ng ulo nya. Lumingon sya sa bunsong kapatid na mapang-asar na tinatawanan sya. Dumila si Linus. "Kapag piningot mo ko, isusumbong kita kay ate Morgan!" "What?" "Papunta na si ate dito at yari kayong lahat lalo na si kuya Vince." Nginuso nya yung direksyon ni Vince na hindi man lang gumalaw sa kinauupuan at tila walang pakielam na nakikinig lang. "Babalik na sya sa pwesto nya kaya-" "What if I don't want to?" Nahinto si Linus. "A-ah?" "I said..." Tumayo si Vince at nakapamulsang humarap kay Linus. "What if I don't want to?" "Hala! Hindi pwede! Magagalit si ate!" Anya na may kasamang pag-iling at pagkawag ng kamay sa hangin. Tumalim yung tingin ni Vince sa kanya kaya medyo napaatras sya, humawak sa balikat nya si Salazar. Tahimik lang rin na nakiking ang kambal pero pare-pareho na ring seryoso ang mga ekspresyon ng mukha nila. "Your sister decided to work here without taking it seriously while everyone is risking their lives just to get the work done. She's only here to have fun, the position of being the leader of this organization was offered to her since she was 23 yet your sister turned down the offer to remain as a freelance employee." Pantay na tumaas nag kilay nito tsaka bahagyang umangat ang sulok ng labi. "Thus she has no rights to go back to the position that she already refused from a long time ago." "Kuya Vince..." Tawag ni Lazarus sa pinsan na hindi man lang sya nilingon. "Leave and tell your sister that the organization is not a playground for children like her. Her services are no longer needed here, I'm only letting her to stay because were family." "Kuya Vince!" Akmang lalapit si Lazarus pero pinigilan sya ni Levi at Laxus. Kumuyom naman yung kamao ni Laurentius sa narinig pero nanatili lang syang tahimik. "You can't do this to her..." Nagtatagis ang mga ngipin ni Linus kaya hinawakan sya ni Salazar sa braso. "Kuya! Is this what you really want?!" Sigaw nya hindi lang kay Vince kundi sa mga nakatatandang kapatid. Walang naisagot yung mga kuya nya kaya marahas syang bumuga ng hangin. "You can't fire her in her own org-" "Linus." Kusa syang tumuwid ng tayo tsaka humarap kay Morgan na syang kakapasok lang. "Ate..." "It's fine, I'm also thinking about resigning anyway." Balewalang saad nya tsaka bumaling sa pinsan at mga kapatid. "I'm only here to confirm if I could regain my position or not. Now that you have said it yourself, therefore we shall take our leave." Sinenyasan nya ang lahat ng tauhan kaya nagsilabasan na ang mga ito. Lumitaw ang ngiti sa labi nya na nagpagulat kayna Vince at sa kambal pero agad nya ring tinalikuran ang mga ito. Nang makalabas ay inakbayan nya si Linus at Salazar. "Good job, boys." "Good job? Nasaan yung good job doon ate? Huhuhu! Hindi natin nakuha yung mataas na posisyon!" Iyak ni Linus na sinang-ayunan ni Salazar sa pamamagitan ng pagtango. "Well, atleast we got Vince's most valuable employees which is the assasin, the cleaner and most important among them-the hacker." "May punto si ate mo, Linus." Tugon ni Salazar. Ngumuso si Linus. "Pero kahit na, wala ka na sa organisasyon nyo ate. Ano ng gagawin mo?" "Hmn..." Tumaas yung kilay nya. "Build my own organization, I guess?" Napanganga yung dalawa. Wala sa hinagap na yun ang sasabihin ng babae kaya nginisihan nya ang mga ito. "Unexpected, right?" Kumindat sya. Lumunok silang pareho tsaka sabay na nagtanong. "Seryoso ka ba, ate?" "You need to be prepared because it's not just an ordinary organization." Ngumisi sya tsaka ginulo pareho yung buhok nina Linus habang natutulala lang sa kanya yung dalawa. "I'll be creating an international underground organization consists of fearless women from around the world." *** NAIWANG tigagal at litong-lito ang mga taong nasa meeting room matapos umalis ni Morgan. Walang tauhan ang nagtanong, bagkus ay nagsilabasan ang mga ito dahilan para maiwan yung kambal at ang pinsan nila. "She left, just like that?" Siko ni Laxus sa kakambal. "She smiled, bro." Levi replied while making a confused expression. "OMG!" Sigaw ni Laurentius tsaka itinaas ang kamay sa ere. "Ako rin guys, lintek, kinilabutan nga ako eh." Pabagsak na umupo si Lazarus at tumitig sa kisame habang hinihilot ang sentido. "I think she already knew." Usal nya tsaka nilingon si Vince. "What now?" "If she knew already, then let's just proceed on our main objective for now." Suhestyon nito. "You mean, yung taong pinapahanap ni Benedict?" "Akala ko ba hindi mahanap ni Beau?" Singit ni Laurentius. "He lied." Gumalaw yung panga ni Vince kasabay ng pagkuyom ng isang kamay nya. "He already found that guy yet he still lied to me because of Morgan. So I hired another tracker and luckily, she found it." "Ngayon na ba makukuha?" Leviticus asked. " If so, then matatapos na pala tong pinoproblema natin." "I already sent someone, the tracker said that the subject is going to the mall today which is a good thing for us. Less hassle because no one would expect that we're doing it today." "Then that's good." Komento ni Laxus. Pinagkrus ng pinsan nila ang mga braso sa dibdib nito tsaka kunot noong ngumiwi. "The only thing that I can't understand is why is she trying to protect that guy?" Nagkatinginan sila pero wala rin naman nakasagot sa tanong na yon ni Vince. (Noam's POV) DUMIRETSO agad ako sa supermarket ng mall tulad ng plano ko, umabot ng isang cart at isang basket yung mga pinamili ko dala ng sobrang dami. Sinadya ko yon kasi yung pang-isang buwan kong pinamili inabot lang ng dalawang linggo, ano pa nga bang aasahan ko? Eh kasama ko na si Morgan sa iisang bahay. Napahigpit yung hawak ko sa hawakan ng basket habang nag-iinit ang mga pisngi. Kung tutuusin tama si Linus, nagli-live in na kami ng ate nya, normal lang ba sa nagdi-date ang tumira na agad sa iisang bahay kahit wala pang isang buwan na magkakilala? Syempre hindi, pero... ayoko rin naman ng itigil na lang bigla yung kung anong meron sa'min. Nag-angat ako ng tingin para ilibot yung paningin ko sa paligid. Para kasing may nakatingin sa'kin mula pa kanina nang makapasok ako dito. Umiling ako para matigil yung mga kalokohang naiisip ko tsaka naglibang sa pamamagitan ng pagke-kwenta ng ilan sa mga pinamili ko. Nasa kalahati na ako ng laman ng basket ko nang may malakas na boses mula sa unahan ang nagpaangat sa mga balikat ko dala ng gulat. "WAAAAAH! Bakit hindi kayo tumatanggap ng sentimo?! Sakto naman tong binigay ko! Huhuhu!" "Tumatanggap po kami ng sentimo sir-" "Eh bakit ayaw nyong tanggapin yung bayad ko? Huhuhu!" "Eh k-kasi sir..." "WAAAAAAAAAAH! Ang unfair! Huhuhu! One hundred lang naman yung kulang ko bakit ayaw nyo pang tanggapin yung mga sentimo ko? Huhuhu! Ang bad!" "Sir naman..." Nagsimulang magbulungan at magkumpulan yung ibang mamimili kaya nakisilip ako para makita yung pinagkakaguluhan nila. Kumunot yung noo ko nang makita ang isang lalaki, sa tingin ko ay nasa mga late-forties ang edad. Matangkad at mestiso, may itsura rin pero yung akto nya ay hindi akma sa edad nya. Kasalukuyan syang kinakausap ng iilang staffs, pilit syang pinapakalma at pinapatahan pero tuloy-tuloy lang syang umiiyak habang tinuturo yung kung anong bagay na nasa counter. Mukha naman syang matino dahil maayos naman yung pananamit nya-pwera na lang doon sa isang laylayan ng pants nya na may punit. "Sir masyado pong tatagal ang proseso kung magbabayad kayo ng isandaan gamit yung mga sentimo-" "Pero yan na lang yung meron sa bulsa ko!" Ngumuso sya tsaka pinagdikit ang dulo ng dalawang hintuturo nya at parang batang nilaro-laro yon. "Nahulog yata yung one hundred ko kanina habang bumibili ng icecream, pero promise may pera ako!" Huh? Ano raw? Sentimo? Nawiwirduhang nagkatinginan yung mga staffs, meron pa ngang napapahilamos sa mukha gamit ang sariling palad. Malamang nakukunsumi dito sa customer, maski naman ako ay makukunsumi sa kanya. Bigla kong naalala si Linus. "Sir, kung hindi po kayo magbabayad ng maayos ay mapipilitan po kaming tumawga ng guard." Saad ng isa. Nanlaki yung mata nung lalaki pero kasunod non yung pamamasa ng sulok ng mga mata nya, sinabayan pa nya ng pagsinghot na ikinaawang ng mga labi ko. Hala, iiyak talaga sya? "Teka lang, paano yung binili ko? Pwede bang utang muna yung kulang? Balikan ko na lang mamaya? Huh? Huh? Ano? Huh? Utang muna?" Pangungulit nya. "Naku sir hindi po kasi pwede yung ganon." Mas lalong bumagsak yung balikat nya. "Hala, magbabayad naman ako ih." Sinulyapan ko yung relo ko. Mahigit trenta minutos na lang at oras na ng pasok ko, pwede naman akong ma-late pero baka hindi ako makapasok sa unang klase ko. Napansin ko rin na dumarami na yung mga taong nanonood at nagbubulungan dahilan para medyo mailang at mataranta ako. Lalo na noong nadidikit na sila sa'kin kaya wala sa sariling tinulak ko yung cart at binitbit yung basket bago naglakad sa counter. "Pa, heto na yung pinamili natin." Nagkatinginan sila, halatang hindi inasahan yung biglang pagsulpot ko at mukhang hindi rin naniniwala kaya ngumiti ako. "Hello po." Bati ko sa kanila bago nilingon yung cashier. "Kasama nya po ako, medyo nagkaproblema lang po ng konti pero magbabayad kami ng tatay ko. Heto yung cart at basket namin." "O-okay sir." Natutulalang anya ng cashier. Kumukurap-kurap na tumabingi yung ulo ng lalaki, bakas yung pagtataka sa mukha nya kaya nginitian ko sya habang kinakalkal ko yung bag ko kung nasaan yung wallet ko. Pinunch na ng cashier lahat ng pinamili namin at nagbayad na rin ako, nilagay muna nila sa cart ko lahat ng plastic dahil hindi ko kayang buhatin lahat. Nagpasalamat ako pagkatapos bago humawak sa siko nung lalaki at marahang inalalayan palabas. Nang makalayo-layo ay tsaka ako bumitaw sa kanya. Tatanungin ko sana sya kung ayos lang ba sya pero naitikom ko yung bibig ko dahil sa itsura nya. Tulis na tulis yung nguso nya habang nangingislap ang mga matang nakatingin sa akin. Parang tutang ngayon lang ulit nakita ang amo matapos mawala. "U-uh, sir?" Pukaw ko sa kanya habang napapakamot pa ako sa batok. "Ayos lang po ba kayo?" "Oo naman, oks na oks!" Masigla nyang saad na itinaas pa ang dalawang kamay at nag-'ok' sign. "Ah, mabuti naman po kung ganon." Ngumiti ako tsaka sa kanya yung plastic ng pinamili nya, dumukot rin ako ng pera sa bulsa ko. "Nga pala po, pasensya na kung ito lang yung maibibigay ko para sa pamasahe nyo, hindi pa kasi ako sumasahod-" "May jowa ka na ba?" Para akong nabato sa kinatatayuan ko, nabitawan ko pa yung perang papel na iaabot ko sana sa kanya dahil sa tanong nyang yon. Kinilabutan ako bigla. "A-ano po?" Tanong ko, nagbabakasakaling mali ako ng narinig. Mas lumiwanag yung kislap ng mga mata nya at yung sulok ng labi nya malapit ng umabot sa tenga nya dala ng sobrang lapad na pagkakangiti nito. Hindi na ako nakakilos nang hawakan nya yung kamay ko tsaka ini-sway-sway yon sa hangin. "May jowa ka na ba ka'ko?" Ulit nya sabay nguso ulit. "Bakit parang natitigilan ka sa tanong ko?" Lumunok ako tsaka sinubukang bawiin yung kamay ko pero hindi ko magawa. Ang higpit ng hawak nya! Ni hindi ko man lang dumulas yung kamay ko at mas lalong hindi man lang sya natinag! "Ayos ka lang?" "O-opo, pero b-bakit nyo po ba natanong?" "Eh ba't ka muna nanginginig?" Kumurap-kurap sya sabay tagilid ng ulo para pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa sabay balik sa mukha ko. "Namumutla ka pa, natatae ka ba?" Jusko po. "H-hindi po-a-ah, may lakad pa po pala ako. Hehehe baka p-pwedeng... grrr..." Sapilitan kong hinila yung kamay ko mula sa kanya na napagtagumpayan ko naman sa wakas. Alanganin akong ngumiti sa kanya. "May gusto pa po ba kayong sabihin?" "Ih nagtatanong nga ako kung may jowa ka na-" "-Please no touch po." Saad ko tsaka bahagyang umatras pero mabilis lang syang nakalapit sa'kin kaya kinabahan ako. "Teka lang ba't ba nagmamadali ka-" "Sir, pasensya na po talaga pero straight po ako!" Para syang nasabugan ng bomba dahil sa sobrang panlalaki ng mata nya at pagkakanganga kulang na lang sumayad sa lupa yung panga nya. Hindi ko na magawang pansinin yung mga tao sa paligid namin kasi pakiramdam ko dadambahin nya ako sa sandaling mawala yung paningin ko sa kanya. Nagulat ako nang mangiyak-ngiyak nya na niyakap yung plastic bag ng mga pinamili nya tsaka umaktong nasasaktan. Weird. "Gaga!" Sigaw nya sa'kin na ikinalunok ko. Buong-buo kasi yung boses nya, pero hindi nawala yung bakas ng kakulitan sa tono nya. "Huhuhu! Magda-dalawang dekada na akong kasal at pito na yung anak ko, lokong to! Mukha ba akong bakla?" "A-akala ko kasi sinusubukan nyo 'kong pick-up-in." Ngumiti ako pero inambahan nya ako ng bigwas kaya napaiwas ako. "Ew! Ang malisyoso mo, alam mo ba yon? Gusto kitang bigwasan huhuhu nakakainis ka!" "Wag naman po." Dinampot ko yung pera sa sahig tsaka bahagyang yumuko. "Eh kayo po kasi hinahawak-hawakan nyo po ako." "Eh natutuwa kasi ako sayo, ang bait-bait mo ganon! Malay ko bang aakusahan mo akong bakla?" Ngumiwi sya sabay parang bata na namewang. "Sa tagal kong nabubuhay sa mundo ngayon lang ako na-akusahang bakla! Sinaktan mo yung feelings ko, hayp na to." "Ah hehehehe..." Kasalanan ko pa? Wala naman akong ginagawa, sya nga 'tong weird ang kinilos. "Anyway, kaya ako nagtatanong kung may jowa ka na ay dahil ire-reto sana kita sa mga anak kong babae, dalawa sila tapos parehong single. May pagka-boring kasi yung dalawang yon tsaka parang walang balak mag-asawa." Bumalik yung sigla sa mukha nya. "Bibigyan kita ng isang milyon kapag napa-fall mo yung anak ko! Hihihi! O kaya dalawang milyon-o tatlo? Magsabi ka lang sa'kin kung magkano hehehehe! Marami akong pera sa bahay!" "..." Ah. Hindi kaya nasiraan na ng bait si manong? Medyo matino pa naman kausap kanina pero mukhang mas lumala ngayon. Ni hindi nga sya makabayad sa cashier kanina tapos inaalok nya ko ng milyones? Peke akong ngumiti. "Sir, eto po pang pamasahe nyo ho pauwi." Inabot ko yung kamay nya tsaka inilapag sa palad nya yung pera. "Una na po ako ah?" "Huh? Wag na may sasakyan ako-" "Sige po alis na ako." "Teka-" "Nice to meet you po." Saad ko sabay talikod at nagmamadaling naglakad patungo sa pinakamalapit na exit. Alam kong sinusundan pa nya ako kaya mas binilisan ko pa yung paglalakad hanggang sa makatawag ako ng taxi. (Third Person's POV) SINALUBONG ng ilang kalalakihang nakasuit ang lalaking kalalabas lang ng exit. Tila shoulder bag ang naging eksena ng plastic bag na naglalaman ng grocery dahil nakasabit yon sa balikat nya habang ang isang kamay ay may hawak na icecream. "Akin na po, boss." Kuha ng isa sa plastic bag na bitbit nya na agad naman nyang binigay. "Thank you." Pasalamat nya tsaka namulsa habang inuubos ang icecream. "Ano na? May nangyare ba habang wala ako?" "Meron po, boss." "Ay, anong nangyare?" Tila chismosong tanong nya sa sumagot sa kanya. "Boss, tumawag po si big boss." Imporma nito habang sabay-sabay silang naglalakad patungo sa parking lot. Ngumiti sya sabay pabirong sinuntok sa balikat ang tauhan. "Ah, hehehe anong sabi ng mon-mon ko?" "H'wag daw pong kalimutan bumili ng ketchup para sa chicken wings mamaya." "Hala! Oo nga, sabi na talaga may nakalimutan ako eh." Naglabas sya ng wallet at kinuha yung itim na credit card. "Ano, tunog badtrip ba si mon-mon nung tumawag?" "Hindi po boss, nakakatakot po si big boss pero malumanay naman ang tono." "Hay, buti naman kung ganon." Hinda nya ng maluwag bago inabot ang credit card sa tauhan. "Oh sya, sya. Bumalik ka don sa loob tsaka bumili ng ketchup, yung mumur lang ha? Nagtitipid tayo ngayon kasi kinsenas na naman, sweldo nyo kumakaway na habang yung wallet ko pabutas na." "Mumur, sir?" "Oo." Ngumiti sya. "Mumurahin, hehehe!" Napakamot sa ulo ang tauhan. "Sige po, sir." Ginawa nito yung sinabi nya at muling bumalik sa loob. Nilingon nya yung tauhan sa kabila nya na syang may bitbit ng grocery bag, hinatak pa nya yung laylayan ng damit nito para lang tawagin. "Nga pala, anong nangyare doon sa mga umaaligid na mga itlog sa supermarket?" "Nakuha namin boss." "Oh, ilan sila?" "Apat lang boss." "Nasaan na? Buhay pa?" Chismosong tanong nya, nakaawang ng kaunti ang labi at nanlalaki ang butas ng ilong. Yes po, hindi yan typographical error, ilong po ang lumaki sa kanya. Normal nya po yan. "Opo boss, nasa trunk po ng kotse." "Ay hala, bakit buhay pa?" Pumalatak si Liam tsaka nameywang. "Baka mamaya i-assasinate ako nyan kapag nagising." "Hindi boss, tauhan po ni sir Vince yon." Huminto si Liam tsaka nagsalubong ang mga kilay. Nawala yung mapaglarong ekspresyon sa mukha nito at napalitan ng pagiging seryoso, hindi matukoy kung galit ba o hindi kaya nagkatinginan ang mga tauhan tsaka nagkibit ng balikat. "Kung tauhan ni Vince yon, sino raw yung pakay nila?" "Yung kasama nyo pong lalaki kanina." Nag-'ah' si Liam tsaka tumango-tango, sumenyas-senyas rin sya habang nakanguso. "Alright, ihatid nyo silang lahat pabalik kay Vince." Anya tsaka binuksan yung pinto ng sasakyan. "Make sure na hindi mukhang bangag yang mga yan kapag binalik nyo sa kanya ah?" "Ah, ano pong sasabihin namin kay sir Vince?" Ngumiti sya tsaka tinapik sa balikat ang kausap. "Tell him that we will talk later."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD