Chapter 18

3759 Words
(Linus' POV) "NAKAKATAKOT yung ate mo." Tumulis yung nguso ko tsaka sinipat si Salazar na syang katabi ko. Parehas kaming ngumunguya nung binili naming french fries sa nadaanan naming drive thru ng isang fastfood restau. "Medyo lang." "Medyo lang? Kinwelyuhan ka nya  tsaka pinagbantaan. Halatang galit na galit sya sa ginawa mo." Tukoy nya sa nangyari nung nakaraan. Napahikab ako nang maalala yung araw na yon, malamang hindi ko rin makakalimutan yon kasi yun yung unang beses na magalit sa'kin ng sobra si ate Morgan. UWIAN na non, yun yung unang araw na absent si sir Noam at yun rin yung araw na nagkasagutan kami ni sir Jethro. Kalalabas lang namin ng exit gate ni Salazar nang makita namin syang nakasandal sa motor nya, halatang hinihintay nyang makalabas kami. Huli kaming lumabas na dalawa kasi kami yung nakatokang maglinis ng classroom ngayong araw. "Susunduin ka ng ate mo?" Tanong ni Salazar kaya umiling ako. "Imposible, alam ni ate na may sundong pinadala si mommy sa'kin ngayon." "Kung ganon eh bakit sya nandito?" Nagkibit ako ng balikat kasi maski ako hindi ko alam kung bakit sya nandito. "Ate!" Tawag ko bago lumapit sa kanya. "Bakit ka nandito? Absent si sir diba—ack!" Tila tinakasan ako ng dugo dahil sa biglaang pagkwelyo nya sa'kin, nakaramdam ako ng takot nang magtama yung tingin naming dalawa. Alam kong maski si Salazar ay nagulat dahil nakikita ko sa gilid ng paningin ko yung pagkabato nya sa kinatatayuan. Galit sya. Ramdam ko sa paraan ng pagtitig nya sa'kin na galit sya. "B-bakit?" Utal kong anya habang nakahawak sa kamay nya, hindi naman ako nasasakal sa hawak nya pero in case lang na higpitan nya. "You..." Hinila nya ko palapit sa kanya. "What the hell do you think you're playing, Linus?" "A-ano bang sinasabi mo, ate?" "Don't act innocent on me, you already know what I'm talking about." Lumunok ako. Hindi ko alam kung among tintukoy nya, sa dami ng kalokohan ko nitong mga nakaraan eh wala akong ideya kung alin ron yung pinupunto nya. Napansin nya yatang hindi ko makuha kung ano yung sinasabi nya kaya pabalya nya akong binitawan kaya medyo napaatras ako. "You went to my room several times while I'm away." Namilog yung mga mata ko. Hala! Paano nya nalaman? Wala namang mga camera doon ah. "Based on your reaction, it seems like you didn't expected that I would know despite the fact that I'm away." Sinamaan nya ako ng tingin. "What did you do there? You're looking for something, aren't you?" "A-ahm... a-ano...kasi..." "You knew what was going on inside the organization, that's why you're taking advantage of it to toy with us, huh?" "H-hindi ko kayo pinaglalaruan!" Tanggi ko. "Really? Then what do you call that?" "Gusto ko lang tumulong..." Halos pabulong kong usal na ikinatawa nya ng sarkastiko. "Help? In terms of what?" Pinaghawak ko yung dalawang kamay ko tsaka bahagyang yumuko. Nanginginig yon at namamawis, bagay na bihirang mangyari sa'kin kahit na ano pang sitwasyon pero iba kasi magalit si ate. Madali syang mawalan ng kontrol kapag mainit yung ulo nya. "May tinatago yung mga kuya natin tsaka si kuya Vince at may kinalaman yon sa pamilyang kumuha sayo 17 years ago. Sa tingin ko may communication sila ngayon at mukhang hawak sila ng pamilya Verratti sa leeg." Lumunok ako. "Baliktad na yung sitwasyon ngayon. Hindi sila naubos tulad ng iniisip nyo, they are growing bigger instead kaya hindi kayang labanan ng organisasyon yung pamilya nila hindi katulad noon." "So that's why you went to my room and tried to mess up with my things?" "N-naghahanap lang ako ng kahit na anong dokumento tungkol sa pamilya nila. Alam kong hindi ka naniniwalang patay na sila kaya naisip ko na baka may nakatago kang mga papeles tungkol sa lahat ng krimen na ginawa ng pamilya nila. Yung misyon ni ate JR ay konektado sa kanila kaya hindi mahanap-hanap ni ate JR yung mga taong yon kasi si kuya Vince mismo yung nagtatago sa kanila." "Even so..." Tumalim yung tingin nya. "Do I look like I need your help?" Umawang yung labi ko. "Pero ate—" "You're born genius, Linus. You're smart but that doesn't mean you knew everything." Tinuro nya ko. "If you really want to help, then keep silent and wait for my orders." "Hindi ko naman ginagawa to para lang makatulong sayo, ginagawa ko rin to para makatulong kay sir Noam!" Hindi sya sumagot pero alam kong nakuha non yung atensyon nya. "Peke yung pangalan nya diba? Hindi sya yung may-ari ng buong pangalang Noam Rivera, hindi sya yung may-ari ng pagkataong yon. Wala syang pagkakakilanlan pero diba parang nakakapagtaka na yung pangalang 'Nero' na yon eh may kinalaman sa pamilya Veratti?" Paliwanag ko pero tinitigan nya lang ako. "Nagmumukhang espiya ng kalaban si sir Noam kahit na alam natin na hindi naman talaga. Mabait sya at alam kong hindi sya ganong klase ng tao kaya sinusubukan kong pagkone-konektahin yung ugnayan nya sa pamilya Veratti." Pinilit kong ngumiti tapos itinaas pa yung kanang kamay ko na parang namamanata. "H-hayaan mo kong tumulong, promise ate hindi na ako gagawa ng kalokohan! Kikilos lang ako kapag may inutos ka na, pero bukod doon wala akong gagawin." Walang imik nya akong tinalikuran tsaka sumampa sa motor nya. Ini-start nya yung makina ng motor at inayos yung helmet pero nilingon pa nya ako. "Keep your promise, Linus." Anya tsaka ngumiwi. "Sticking your nose on someone else's business will endager you. I'll kick your bratty ass next time if you broke that promise of yours, understand?" "O-opo!" Pumalatak lang sya bago isinuot yung helmet nya tsaka pinaingay yung motor at humarurot paalis. TUMAWA ako matapos yung maikling flashback na yon sa utak ko. Pati tuhod ko nanginig nung araw na yon kaya halos kaladkarin na ako ni Salazar para lang makalakad. Nakakatakot pero nakakatouch rin kasi mas iniisip ni ate yung kapakanan ko. Hehehehe! Ang sarap maging bunso! "Kasalanan ko rin naman eh." "Talaga! Kasalanan mo talaga!" Bumuntong hininga sya tsaka sumubo ulit nung fries. "Kahit kaharap nyo ko, hindi man lang sya nangiming pagbantaan ka at alam mo na yung ibig sabihin non! Wag na wag ka ng gagawa ng kahit anong kalokohan ng hindi nya alam." "Oo na, natuto na nga ako." Saad ko sabay bato ng isang fries sa kanya. Sinimangutan nya ko at ginantihan rin pero nakailag ako. Hehehehe! Magaling yatang umilag to hohoho— "Sir, nandito na po tayo." Putol nung chix na driver sa harap kaya nginitian ko sya. "Okay!" (Beau's POV) "HOW'S your task doing, Beau?" Boses nya agad yung bumungad sa'kin pagkahakbang ko sa loob ng opisina ko. I can't help but to clear my throat as I glance where he was sitting. "H-hi, good morning kuya Vince." Bati ko. Ibinaba nya yung hawak nyang papel sa table ko tsaka inikot yung kinauupuan na swivel chair paharap sa akin. Sunod-sunod akong napalunok nang magtama yung tingin naming dalawa. Magpipinsan talaga sila, tinginan pa lang naninindak na. "Do you have anything to report for me, Beau?" Pasimple akong nag-iwas ng tingin habang awkward na nakangiti. Pakiramdam ko mababanat yung sulok ng labi ko dahil doon, dagdag pa yung t***k ng puso kong naghuhurumentado na naman dala ng kaba at takot. "Uhm... About that..." Dahan-dahan kong isinara yung pinto. "I... I found it." Pantay na tumaas yung parehong kilay nya kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi nya. "Is that so?" Anya tsaka tumabingi ang ulo. "Well then, may I see the papers?" Nabato ako sa kinatatayuan ko. "P-papers?" "Yes." "P-para saan?" Naningkit yung mata nya. "Papers about his whereabouts." "Ha?" "The papers containing about him and his current location." Napanganga ako. s**t. Oo nga naman, yung papeles! I haven't done any papers at all, sa dami ng makakalimutan ko yung pekeng papeles pa! "Uh, k-kasi... w-walang papers, kuya Vince." "No... papers...?" Pinagsalikop ko yung dalawang kamay ko dala ng nerbyos. Hindi na rin maalis sa labi ko yung pekeng ngiti na ilang araw kong pinraktis. "Ano kasi, yung taong pinapahanap mo sakin... ano..." Kinamot ko yung ulo ko. "P-patay na sya." "Oh..." Yun lang yung tanging naging reaksyon nya, bukod doon ay sumandal yung ulo nya sa kamay nya habang ang siko ay nakatukod sa armrest ng swivel chair. Umaatras-abante yung upuan nya, para syang naiinip na ewan.  "That's bad." Nag-iwas sya ng tingin pero napansin ko yung pasimpleng pagtagis ng mga ngipin nya. "Really, really bad." Wait, naniwala agad sya? As in yun lang yung sasabihin nya!? Hindi man lang sya magtatanong ng ebidensya o kahit ano!? Bumalik yung tingin nya sa'kin na ikinaiktad ko, paano ba naman kasi eh ang lalim ng pagkakatitig nya. Nagbaba ako ng tingin tsaka kunwaring nagseryoso para hindi halatang kinakabahan ako pero kahit hindi ko sya lingunin eh alam kong nakatingin pa rin sya sa'kin. Ilang saglit pa syang nanatili doon bago tumayo at nakapamulsang lumapit sa'kin para lang tapikin yung balikat ko. "I guess this would be the end..." Bulong nya na ikinakunot ng noo ko. End? End ng ano?! Wtf pwede bang linawin nya naman yung sinasabi nya?! Aaaaah! Mababaliw ako ng wala sa oras kung hindi ko naman maintindihan yung mga pinagsasabi nya! Matapos non ay nilagpasan nya lang ako tsaka walang lingunan na dumiretso palabas. YUN lang yung napag-usapan namin kanina pero grabe yung kaba ko! After that he ordered me to go home after lunch na talaga namang nagpataka sa'kin dahil never pa akong pina-early out ni kuya Vince. Alam na rin ni Morgan yung tungkol dyan dahil tinawagan ko sya agad pagkatapos namin mag-usap ni kuya Vince kanina. Ang sabi nya lang ay sya na ang bahala pero kahit na ganon eh hindi pa rin maalis sa'kin yung pagiging paranoid! "Argh, tama bang si Morgan ang pinanigan ko?" Sinabunutan ko yung sarili ko bago nagpagulong-gulong sa kama ko. "What should I do? I already picked a side! Hindi ako pwedeng gumitna kasi mas lalo akong lagot!" Kinagat ko yung dulo ng unan na hawak ko. Ugh. Naiinip ako! Hindi ako sanay ng walang ginagawa, "Hi, kuya Beau!" Gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga sa kama at nanlalaki ang matang itinuro sya. Bitbit nya yung isang mangkok ko ng ubas na may peanut butter sa ibabaw. Abnormal talaga! "M-monique?" Kumaway sya bago patalon na sumampa sa kama ko. "What are you doing here—no, how did you even get here?!" "Uhm, I picked the lock of your door." Inosenteng saad nya tsaka isinubo yung ubas habang nakatingin sa'kin. This girl! Nasanay na talaga tong basta-bastang pumapasok sa bahay ko, ugh! "Do you have anything to report for me, kuya Beau?" Nakatabingi ang ulong tanong nya. "Wow, pareho kayo ng tanong ng pinsan mo kanina." Inis akong umirap nang humagikgik sya. "Anyway, it's nothing serious. Mukhang titigil na si kuya Vince sa paghahanap sa Noam na yon." "Hmn... That's strange." Tinusok-tusok nya yung ubas bago ipinangturo sa akin yung tinidor na hawak nya. "If that's the case, I think you need to find some place to hide starting today." "What? But why? He said it's already the end." "When he said that it's the end, kuya Vince is actually pertaining to you. It means that it's the end for you. He'll definitely have you detained inside the Styx's detention cell for interrogation if he catches you and oh! By the way..." Pinalobo nya yung pisngi nya. "Nasa sala mo si kuya Nicholas at kuya Wesley, I caught them trying pick the lock of your door before I could even do it that pissed me off so I knock both of them for you!" Naimagine ko bigla yung bugbog saradong itsura ng dalawa habang nakalupaypay sa sahig ng sala kaya umiling-iling ako para mawala yung nagpop-up na imagination bubble sa ulo ko. "You're...scary." Nauubusan ng salitang saad ko. "I'm not scary! I'm cute!" Tila tuta syang nagpapaawa dahil sa mga mata nya na sinamahan pa ng malungkot kunwari na pagnguso. "Malamang silang dalawa yung pinadala ni kuya Vince para kunin ka kasi alam nyang may possibility na ma-convince ka pa ni kuya Nicholas at kuya Wesley." Pakiramdam ko nagyelo ako sa kinauupuan ko. "Joke lang yan diba?" "I wish I am." Suminghap ako tsaka niyakap yung unan na hawak ko. "Holy sh*t..." So kung hindi pala sya dumating eh talagang kakaladkarin ako ng dalawang yon?! Mga lintek talaga! Humagalpak sya ng tawa kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ni hindi man lang sya natinag. Mas nilakasan pa nya yung tawa nya na para bang nakarinig sya ng korning joke pero sa kanya lang bumenta. "Don't worry, I'll make sure that you'll be safe before they could even make a move on you." Tapik nya sa balikat ko. "Ikaw?" "Yessy!" Nag-thumbs up sya. "See this thumb? It's a goodluck thumb! I knock those two with the use of this thumb kaya hindi ka dapat mag-worry kasi po-protektahan kita!" Dapat ba akong magpauto kay Monique? Eh ilang taon ibinata sa'kin neto eh! Humugot ako ng malalim na hininga. "Edi kailangan kong lumipat ng bahay?" "Yup!" Tango ni Monique. "So... I'll be moving to your house then?" "Nope!" Iling nya. "Huh?" "Since you chose to be my ate Morgan's ally, she wants you to work near the place where she's currently staying and of course, isasama mo yung dalawa para walang mautusan si kuya Vince na alam nyang mapagkakatiwalaan nya bukod sa mga kuya kong kambal." Tumaas yung kilay ko. "At saan naman yan?" Sinenyasan nya akong lumapit sa kanya na ginawa ko naman. Hinawakan nya yung tuktok ng tenga ko bago bumulong. Ilang sandali pa ay nanlaki yung mata ko nang marinig yung sinabi nya. "WHAT?!" (Noam's POV) "MORGAN, s-sandali—" Kumawala sya saglit mula sa pagkakahalik sa'kin tsaka ako nagtatakang tinitigan. "What?" "Alas onse na," Nginuso ko yung wall clock pero inikutan nya lang ako ng mata bago sumubsob sa leeg ko. "Baka gusto mo na akong bitawan tsaka mag-almusal?" "I'm already having my breakfast..." Bumalik sya sa paghalik sa labi ko pero hinarang ko yung noo nya gamit yung palad ko. Nahagip ng mata ko yung mabilis na naging pagngiwi ng labi nya na agad rin nawala nang magtama yung tingin namin. "Morgan naman, marami akong gagawin ngayon." "Today is saturday, Noam. You should take a rest." Sumimangot ako. "Paano ako makakapagpahinga eh panay rin naman ang yakap mo sa'kin?" Hindi sya sumagot. Mas nagsumiksik na lang sya sa leeg ko at marahang kinikiskis yung ilong nya sa panga't pisngi ko, mas humigpit rin yung pagkakayakap nya sa bewang ko kung saan ang kamay ay nakapasok na naman sa loob ng suot kong t-shirt. Wala naman akong magawa dahil nakadagan sya sa'kin. Nakahiga kasi ako rito sa sofa habang nakadapa naman syang nakalingkis sa'kin kaya hindi rin ako makakilos para tumayo. Sa ilang araw na lumipas ay doon ko nalaman yung ugali nyang pagiging clingy. As in, sobrang clingy na halos ayaw nyang bumitaw lalo na kapag ganitong wala akong ginagawa! Nagsimula lang naman to noong nagkasakit ako, maghapon lang akong nagpapahinga at naglilibang sa loob ng ilang araw na yon habang sya naman ay panay ang dikit at yakap sa'kin. Gusto ko rin naman pero kasi hindi pwedeng buong araw kaming nakahilata lang. Bumuntong hininga muna ako bago kunwaring galit na tiningnan sya. "Morgan?" "Saturday. Saturday. Saturday." Parang batang naiinis na ulit nya tsaka ako kinunotan ng noo. "You're mine every weekdays, have you forgot?" "At sino naman ang nagsabi nyan?" Kunot noo kong saad. "Me." "Wala akong maalala na sinabi mo yan at mas lalong wala akong maalala na pumayag ako." Pinaningkitan ko sya ng mata. "Nagkasakit lang ako, hindi nawalan ng memorya." "I want to hug you!" Ayan na yung pagmamaktol nya. Ewan ko ba paano nya nagagawa yon yung magtunog childish kahit hindi naman sya nagmumukhang childish. "Pero marami akong pending papers—" "You can just do it later." Nangingiti nyang idinampi-dampi yung labi nya sa'kin, para bang nang-aakit na ewan. "What do you want to do today, Noam?" "Gusto kong mag-check ng papers." Ngumiwi sya. "Boring." "Boring? Masaya mag-check ng papers kasi doon mo nakikita kung may natutunan ba yung mga estudyante o wala." "Still boring." Bumuga sya ng hangin. "What do you want to do aside from work?" Tumulis yung nguso ko tsaka sinimulang suklayin yung buhok nya. Yung berde nyang buhok na naglilitawan na ang mga itim sa tuktok dahil sa patuloy na paghaba. "Ano... gusto ko ganito..." "This?" Kumurap-kurap sya bago bahagyang tumabingi ang ulo. "You like this?" Tumango ako. Napangiti ako nang ipatong nya yung baba nya sa dibdib ko habang nakatitig sa'kin yung kayumanggi nyang mga mata. "Gusto kong katabi ka o kaya kayakap ng ganito. Ang kumportable kasi sa pakiramdam." "So you like cuddling, huh?" "Oum." Sinapo ko yung magkabilang pisngi nya tsaka pinisil-pisil. "Ang sarap lang kasi sa pakiramdam nung init na dulot ng pagkakayakap natin, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa." Tumaas yung sulok ng labi nya, "You're really not alone, Noam. I'm here with you, remember?" "Yeah..." Bulong ko tsaka dumampi yung hinalalaki ko sa labi nya. "Kasama na kita." Sumilay yung ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nyang yon habang sya naman ay dumukwang para magnakaw ng halik pero nauwi sa malalim yung isang yon. Sobrang lalim na umaabot sa puntong kusang bumubuka yung mga labi ko para mabigyang daan yung galaw ng labi nya. Sa mga araw rin na lumipas ay napag-alaman kong may pagka-childish din pala sya pero hinding-hindi mo mahahalata kasi wala laging ekspresyon yung mukha nya lalo na kapag lumalabas kami. Ibang-iba kapag kaming dalawa na lang ang magkasama, para syang batang hindi mahiwalay sa nanay nya dahil lagi lang syang nakabuntot sa'kin lalo na kapag wala akong pasok. Katulad na lang ngayon na panay ang halik at yakap nya. Mag-a-alas onse diyes na pero ayaw pa nyang bumitaw sa'kin. She's kissing me hard. Mabagal pero mariin. Para syang nagmamadali na ewan dahil dama ko yung gigil nya sa paraan ng pagkakakagat nya sa labi ko. She's always like this, biting and sucking my lips whenever we kiss. Dama ko rin yung init ng palad nyang humihimas sa tyan at bewang ko, ewan ko sa kanya gustong-gusto nya yang ginagawa. Medyo masakit yung paghalik nya pero hindi ko maintindihan yung sarili ko, para kasing... nag-e-enjoy rin ako sa ganon— "AHHH! PORN!" Mabilis akong napabitaw kay Morgan na pabulong na nagmumura habang nakayuko at nakasiksik sa leeg ko. "A-anong—" Yung kunot ng noo ko nauwi sa masamang tingin. "Bakit kayo nandito?!" Imbes na sumagot ay nagtataka nya akong tinitigan. Nakapamulsa sila pareho pero si Salazar ay kuryusong lumilibot ang mata sa paligid habang si Linus ay tumabingi ang ulo, tila pilit na pinoproseso sa utak nya yung itsura namin ng ate nya. Nakatakip yung palad nya sa mukha nya pero nakabuka ang daliri kaya kita pa rin kami! Abnormal rin talaga! "Eh?" Tinuro nya kami. "Anong ginagawa nyo?" "Obviously, Linus naghahalikan sila." Suminghap si Linus sa narinig nyang yon, as in pinangtakip pa nya yung palad nya sa bibig nya na parang gulat na gulat sa narinig mula kay Salazar. "Ng ganito kaaga?!" Namewang si Salazar. "Duh? Hindi mo alam yung morning kiss?" "Meron ba nun?" "Oo! Yun yung kiss sa umaga. Ginagawa ng magjowa yon kada umaga na gigising sila." "Ay weh? Bakit hindi ko alam?" "Ewan ko sayo." Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa pagiging uto-uto ni Linus. Patango-tango lang kasi sya habang nakikinig sa mga kalokohan ni Salazar. Pigil ang inis na kumilos si Morgan pero pinigilan ko sya sa pulsuhan kaya napatingin sya sa'kin. "What?" "Wag mong babatukan, okay?" Paalala ko pero lalong sumama yung mukha nya kaya dinampian ko sya ng halik sa pisngi. "Okay, Morgan?" "Fine." Asar nyang pagpayag bago tumayo. Pinanood ko syang lumapit sa kapatid nya. Kinausap nya ito at tulad nga ng pakiusap ko ay hindi nya binatukan ang kapatid pero piningot naman nya sa tenga, dahilan para mapakamot ako sa pisngi ko habang pinakikinggan yung pagmamakaawa sa matinis na boses ni Linus. Wala akong ideya kung paano nila nalaman kung saan ako nakatira pero pangatlong beses na nilang dumiretso dito. Yung una ay noong unang araw na nagkasakit ako at pangalawa kahapon, ilang oras ring iniyak ni Linus yung malakas na pagkakabatok sa kanya ng ate nya kahapon dala ng kunsomisyon. Totoong iyak dahil walang humpay yung tulo ng luha nya kaya binilinan ko na si Morgan na wag uulitin pero pinalitan nya ng pingot. "Anong ulam sa tanghalian, sir Noam?" Itong batang to kung makatanong akala mo ako ang tatay nya, wala ng ibang bukang bibig kada pupunta dito kundi almusal, ulam tsaka merienda! Tsaka amoy pagkain sya ah, siguro ngumata muna tong batang to bago dumiretso dito Bumuntong hininga ako tsaka umayos ng upo bago sagutin yung kaswal na tanong ni Salazar. "Hindi ko alam, wala pa kaming almusal." Dinampot ko yung salamin ko mula sa sala table at isinuot. "Kahit ano na lang siguro." "Gusto ko luto ni kuya Theo!" Nagtaas ng kamay si Linus. "Tawagin natin si kuya Theo—ow! Ow! Araaay!" Sigaw nya nang sabunutan sya ng ate nya. "Shut up, brat." "Aray ate! P-pero anong kakainin natin—araaay! Huhuhu! Yung buhok ko!" Ngumiwi ako habang pinapanood silang magkapatid. Hi-neadlock kasi ni Morgan sa braso nya yung ulo ni Linus. Tumatapik-tapik na sa braso nya yung bata pero mukhang wala syang balak pakawalan yon. "We don't need that *sshole friend of mine, Noam's food is better." Gumapang yung kilabot sa likuran ko hanggang batok nang lingunin nya ako at kindatan. Pinamulahan ako ng mukha pero yung dalawang bata ay naiwang nakanganga. Minsan talaga hindi ako sanay sa ikinikilos ni Morgan. "Sir, buksan ko yung aircon ah?" Paalam ni Salazar. Sinenyasan ko syang isara yung pinto at mga bintana para hindi lumabas yung lamig na galing sa aircon. "Ano ba naman kasi yang suot nyong dalawa? Ang init-init naka-full turtle neck long sleeve at pants kayo, tapos may patong pa na coat." "Ih ganito yung mga OOTD ng mga gwapo sa korea sir!" Tumawa sya habang hinuhubad yung coat nya. "Yung mga kpop?" Umiling ako tsaka tumayo. Inayos ko rin yung damit kong nagusot, ang ingay nung magkapatid pero lamang yung ingay ng bibig ni Linus na panay iyak at sigaw. "Oh sya, awatin mo yung dalawa." Utos ko. "Magluluto na muna ako ng tanghalian." "Aye, aye sir!" Nagtungo ako kusina para ihanda yung mga gagamitin sa pagluluto. Napangiti ako habang pinakikinggan yung ingay nilang tatlo—ingay na hindi ko naririnig noon dahil mag-isa lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD