(Beau's POV)
"Vince doesn't have my trust anymore."
Nakagat ko yung kuko ng hinlalaki ko habang hindi mapakaling kumukuyakoy ang paa habang paulit-ulit sa isip ko yung ibinulong sa akin dati ni Morgan. (CHAP. 9)
Mukhang hindi nga sya nagbibiro, wala na talaga syang tiwala kay Vince—kay Vince na syang pinsan nya at syang lagi nyang kasa-kasama sa trabaho. Noong mga nakaraan ay hindi pa ako kumbinsido kasi bakit naman mawawalan ng tiwala si Morgan sa sarili nyang pinsan? Walang dahilan para masabi yon ni Morgan pero dahil sa iniutos ni Vince at ng Quadruplets sa'kin kahapon ay alam ko na kung bakit.
Naputol yung pag-iisip ko nang marinig yung pagkalansing ng bell na nakakabit sa pinto ng Breakfast Restaurant na pagkikitaan namin. Nang malingunan ay naroon sya na prenteng naglalakad habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot na jogger pants at halatang walang balak lumabas dahil sa sandong pambahay na suot nya. May hawak din syang plastic bag na may tatak ng pharmacy, doon siguro sya galing bago dumiretso dito.
"Make sure that what you're going to say is more important than your life, Beau Callen."
Lumunok ako. Wow, mukhang badtrip sya. Maski paraan nya ng pag-upo ay padabog, siguro ay naistorbo ko sya sa kung anong ginagawa nya dahil biglaan ko syang tinawagan kanina.
"O-oo naman." Uutal-utal kong saad tsaka pilit na ngumiti. "Gusto mong um-order?"
"..."
"D-dali na, order ka muna. Libre ko naman." Pamimilit ko habang naiilang na natawa.
Isang masamang titig lang yung nakuha kong sagot sa kanya kaya itinikom ko agad yung bibig ko.
Badtrip nga.
Ang dilim-dilim ng aura nya na para bang napapalibutan sya ng masasamang espirito—that sounds exaggerated pero yun kasi talaga yung feeling ko habang kaharap sya ngayon. Dagdag pa yung nakakunot nitong noo na dahilan ng pagkakasalubong ng kilay nya, pagtagis ng mga ngipin at yung paibabang direksyon ng pagtingin nya na parang mas maliit ako sa kanya kahit na hindi.
Ganyan. Ganyan na ganyan yung itsura nya kapag galit—but I already knew na mas may ikakatakot pa yung galit nyang ekspresyon.
"So ayun nga, I'm sorry for calling you so suddenly. Alam kong naka-leave ka ng isang buwan sa trabaho pero kasi importante talaga 'tong sasabihin ko at nakataya rito yung buhay ko." Diretso kong anya para hindi sya mas ma-badtrip sa'kin.
Medyo nabawasan naman yung kaba ko nang senyasan nya lang ako na magpatuloy.
"Inutusan ako ng pinsan at mga kuya mo na maghanap ng isang tao."
Pinagtaasan nya ako ng kilay, tila ba sinasabing diretsuhin ko na sya kaya lumunok muna ako ulit bago nagpatuloy.
"Si Noam Rivera yung pinapahanap nila."
Mas lalong tumalim yung mga tingin nya na tila ba may sabi akong mali. Hindi talaga ako nagkamali na mas may ikakagalit pa sya, wag lang talaga nya akong mapagbuntungan kasi unico ijo lang ako ng parents ko, walang magsu-sub sakin sa pamilya Callen.
"Did they told you the reason on why they are looking for him?"
"Hindi p-pero sabi nila wag kong sabihin sayo yung tungkol dito. Isa pa ay may nakuha akong impormasyon." Huminga ako ng malalim tsaka nilabas yung folder na naglalaman ng mga papel na pinrint ko matapos i-hack yung computer na ginagamit ni kuya Vince.
Oo, hinack ko yung kompyuter nya at alam kong papatayin nya ako kapag nalaman nya yon pero tiwala naman ako kay Morgan na hindi nya ike-kwento sa pinsan nya yon.
Lalo na sa sitwasyon ngayon.
"Sa tingin ko wala naman silang alam na magkakilala kayo ng taong hinahanap nila pero ayaw nila talagang ipaalam sayo yung tungkol sa paghahanap kay Noam. They want him ASAP, by the way." Iniabot ko sa kanya yung folder. "Nakuha ko yan sa personal computer na gamit ni kuya Vince sa opisina nya. Hinack ko kagabi—which is dala lang ng curiousity kaya sana wag mo akong isumbong."
Sumimangot sya tsaka binuksan yon para basahin ng mabilisan. Ilang saglit pa ay napapantastikuhan syang umiling-iling habang nililipat isa-isa yung pages.
"This." Inangat nya yung isa sa mga papel na parang listahan. "I also got one copy of this before but it got wet when I got into an accident on the bridge. Explain. I'm curious about this one." (CHAP 2)
Kinuha ko yung papel mula sa kanya tsaka chineck bago itinuro yung ibang nakasulat na numero sa listahan.
"Coordinates 'to ng lokasyon kung nasaan yung bawat sub-units na hinahanap ni JR." Itinuro ko yung listahan ng mga lugar sa ibaba. "Meron din iilang pick up locations kung saan inaangkat yung mga nakukuhang biktima at kung saan nakadestinong dalhin pagkatapos. Bale hindi lang sa iisang bansa dinadala yung mga bata, may certain location kada kontinente kung saan ida-drop off ang mga biktima bago ise-segregate base sa standards nila. After segregation, isa-isa na nila ipapadala sa iba't ibang bansa na parte ng kontinenteng yon."
Naningkit saglit yung mata nya bago tumabingi ang ulo. Parasyang nag-iisip pero nababagot at the same time na isang bagay na tanging sya lang ang nakakagawa.
"Is that so?"
Namilog yung mga mata ko. 'Is that so?' Ang dami kong sinabing mahahalagang impormasyon pero yun lang yung masasabi nya? Is she really this cold and heartless? Magkaibigan kami and nakasama ko naman sya ng iilang beses noong mga bata pa kami pero...
Ganito ba talaga sya?
"Hindi ka ba magugulat?"
Pantay na umangat yung mga kilay nya. "Should I?"
"A-ano? Morgan, you're weird. Hindi ka man lang ba na-a-alerto? Everything is so f****d up right now, all of this are confusing!" Kumunot yung noo ko habang tinuturo yung papel na hawak ko. "They already knew who these people are. Alam ng pinsan at mga kuya mo pero nagpapanggap silang walang alam, you should be mad right now—"
"You think, I'm not?" Putol nya sa'kin.
Yun lang yung sinabi nya pero otomatiko ng tumikom yung bibig ko. She's mad—as in, real mad. Ito yung pinaka-iniiwasan kong mangyari.
Ang magalit si Morgan. Yung galit na walang halong biro.
"Just because I'm not making such a f*ckin expression just like how you normal people do, that doesn't mean I don't feel those godd*mn emotions." Hindi nakakunot yung noo nya o nagtatagis ang mga ngipin pero mas kinikilabutan ako sa kanya. "You can feel how angry I am right now just by staring straight into my eyes. I'm very near on exploding yet I'm doing my best to hold it because this is not the right f*cking time to fly into rage. I need to think. I need to unwind. Why do you think I asked for a month leave out of the blue? Especially that the name of 'Veratti Family' is allegedly involved to the case? I need some time away from the organization because if not, I might ended up killing everyone including my own cousin and brothers."
Nag-iwas ako ng tingin, hindi dahil nahihiya ako sa mga nasabi o naisip ko tungkol sa kanya, hindi rin dahil sa eksplanasyon nyang nagbigay sense sa lahat ng katanungan na naiisip ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya yung bigat ng titig na binibigay nya sa'kin.
Totoo yung sinabi nya. Sa mata nya pa lang, malalaman ko na agad kung gaano kalaki o kabigat yung galit na nararamdaman nya.
"Okay. I... I understand." Tumango ako.
Sinalansan nya yung mga papeles na bitbit ko tsaka isinuksok sa plastic bag na bitbit nya.
"I have my eyes and ears inside and outside the organization, Beau. Just so you know, I already have an idea on whatever it is that you're going to discover in the future." Bumalik yung tingin nya sa'kin pero medyo nabawasan na yung galit na ipinapakita ng mga mata nya at napalitan na ng pagkabagot. "Like what I've said before, I don't trust Vince anymore—no, actually, I still trust him. I trust him and my older brothers, it's their incompetent thinking and imprudent decisions that are untrustworthy."
Sunod-sunod akong napalunok. Everything that she said are like puzzle pieces that finally links to each other. She has a point. A lot of point. Nakakatakot sya pero mas nakakatakot yung paraan ng pag-iisip nya.
"Kung ganon... a-anong balak mong gawin?" Kinakabahan kong tanong.
Ngunit mas lalo lang akong kinabahan nang makita yung isang bagay na hindi ko kailanman aisip na makikita kong gagawin nya.
Ang ngumiti.
"How about you, Beau? What are you going to do now?"
(Linus' POV)
"VERDAN."
Otomatiko akong napangisi nang marinig yung pamilyar na boses na yon.
Maski si Salazar ay napalingon. Tinaasan nya ako ng kilay na tila ba sinesenyasan na magtino ako at h'wag gagawa ng kalokohan kaya kinindatan ko lang sya bago hinarap yung taong tumawag sa'kin.
"Uy, good morning, sir Jethro!" Bati ko nang makaharap sa direksyon nya.
"Good morning, Verdan and Trias." Nakangiti syang huminto sa harap ko habang iniaabot ang magkakapatong na mga papel. "Please distribute this papers to your classmates. Yan yung test paper nyo last quarter, bilin ni sir Noam nyo na ipunin yan sa portfolio para makolekta nya ulit at the end of the last quarter. Also, paki-announce sa section nyo na even though absent si sir Noam nyo for today ay a-attend si sir Enzo sa inyo para bigyan kayo ng activity regarding sa History subject nyo, okay?"
"Oki doki!" Nagthumbs up ako tsaka kinuha mula sa kanya yung mga papers. "Mukhang malungkot ka today, sir. May problema po ba?"
Natigilan sya pero mabilis rin naman na nakabawi. Tumuwid sya ng tayo tsaka namulsa, mas lumawak pa yung ngiti nya na para bang nakarinig sya ng kung anong maganda.
"Why don't you just get straight to the point, kid." Panimula nya na nagpangiti rin sa'kin. "Based on our talk yesterday, I already knew that you're pretty cunning. Alam kong may alam ka tungkol sa'kin I'm still quite intrigued on how did you managed to know those things."
"Hula ko lang."
"Just a guess?"
"Oum!" Ngumuso ako. "Sabihin na lang natin na magaling ako manghula at malakas ang kutob ko kaya isang tinginan lang alam ko na agad na may gusto ka kay sir Noam."
Umangat yung sulok ng labi nya tsaka ipinatong yung kamay nya sa ulo ko para guluhin yung buhok ko. Nangingiti rin yung mga mata nya pero alam kong iba ang ibig sabihin non.
"I'll give you an advice as your Math teacher, why don't you just focus on your studies and leave these things to the adults? You're too young to meddle with this kind of businesses."
'Kind of businesses', huh?
Bahagya akong natawa na alam ko naman na ikinagulat nya, ramdam ko rin sa likuran ko yung matalas na tingin ni Salazar. Malamang ay naiinis na sa'kin kasi hindi ko sya sinunod.
"Wala yon sa edad, sir. This isn't actually my business and I don't really have plans on meddling on it but since I discovered how f*cked up things were, it piqued my interest and took a liking on your case..." Ngumisi ako. "...to your family's case, to be precise."
Nauubusan ng pasensya nya akong tinaasan ng kilay pero nanatili yung ngiti nya sa labi na mas ikinasasaya ko.
This is fun.
"Running your little mouth like that will lead you in trouble someday, Linus." Bumuntong hininga sya. "Stop whatever it is that you're thinking, you'll only hurt yourself at the end."
"Ah, I'll never stop po, sir. Nabubuhay po ako sa motto ng mga ate ko, 'It's better to die trying instead of dying doing nothing.', tama naman, diba?"
"That's the sh*ttiest motto that I've ever heard."
"Yeah, I know." Tumatango-tangong pagsang-ayon ko tsaka ako mas napanguso. "Anyway, I'll always do, what a woman like my sisters, will do—and that is to fight with the tiny amount of courage left on me instead of hiding with regrets. That's something that you regret not doing in the past, right, sir Jethro?"
Natigilan sya. Bahagyang kumibot-kibot yung labi nyang nakangiti na para bang pinipigilan nyang ngumiwi, ganon rin yung pagkakasalubong ng kilay nya na hindi naman talaga nya naitago.
"What?"
Bin-go~
"You regret not fighting for someone so precious to you. Unlike me who runs my mouth fearlessly, we are the total opposite since you're the type of person who shuts their mouth because you think that you're not strong enough to stand up for your love ones?" Tinakpan ko yung bibig ko at nagkunwaring nagulat. "Oh, my bad. Do you even really love him? Or is it just pity and guilt that you've been feeling for sir Noam—"
Napaatras ako sa gulat nang bigla na lang nyang haklitin yung kwelyo ng uniporme ko. Hindi ko yun inasahan lalo na't nasa eskwelahan kami, alam kong mahaba ang pasensya nya pero sino bang mag-aakala na may tinatago syang ugali ng pagiging 'pikunin'?
Pero kahit na nagulat ako sa ikinilos nya ay mas nabigla sya sa ikinilos ng kasama ko.
Kung anong ikinabilis nyang paghawak sa kwelyo ko ay sya namang ikinabilis ng pagpunta ni Salazar sa likuran ni sir Jethro kung saan nya ito tinutukan ng ballpen sa leeg.
Natawa tuloy ako ng wala sa oras dahil sa bahagyang panlalaki ng mata nya.
"Hands off po, sir Jethro. You're one of my favorite teacher po but if you dare to lay a finger on my bestfriend then things will surely get out of hand." Ngumiti si Salazar. "You don't want that to happen, diba sir?"
Pasinghal na tumawa si sir Jethro. Napapantastikuhan nyang nilingon si Salazar na syang nasa likuran nya bago bumalik ang tingin sa'kin kung saan lumitaw yung ngising pinakapinipigilan nya mula pa kanina.
"Wow, you keep on surprising me." Pabalya nya akong binato habang paibabang nakatingin sa'kin. "I hate the fact that both of you can amuse me and get on my nerves at the same time."
"It runs in the blood." Sabay naming saad kaya nagkatinginan pa kami bago naghagikgikan.
Bahagya rin na nakitawa si sir Jethro sa amin bago kinamot yung batok nya.
"I'm looking forward on having a 'talk' like this again with you, Salazar and Linus." Bumalik sa normal yung ngiti nya. "See you later in Math class."
Tumalikod sya at naglakad palayo pero napako lang sa kanya yung tingin namin.
"Ako lang ba o magpapa-surprise quiz sya ulit mamaya?" Bulong ko kay Salazar nang makalapit sya sa'kin.
"Panigurado yan, hindi lang sya magpapa-quiz mamaya." Ngumiwi sya. "Malamang may recitation rin."
Napaungol ako sa inis dahil doon. Nakakainis! Hindi pa naman ako nag-review!
(Third Person's POV)
"WHAT do you think of him, son?"
Nababagot na nag-angat ng tingin ang lalaking tinawag ng matanda na 'son'. Unang dumako sa ama ang paningin nya bago bumagsak sa katabi nitong nanginginig sa takot habang nakatayo.
Nasa tabi nito ang madrastang bahagyang nakayuko habang kumakain. Halatang pinipilit lang nguyain ang pagkain dahil kitang-kita sa kamay nitong nanginginig habang mahigpit ang hawak sa tinidor na hindi ito natutuwa sa nangyayari. Nasa kaliwa naman pirming nakatayo ang kanang kamay ng ama nya na diretsong nakatingin lang sa harap, tila ba walang naririnig o nakikita.
Payat ang binatang katabi ng ama nya na hindi bababa sa kinse ang edad. Maputla ang kulay nito at bagsak na itim ang buhok dahilan para bahagyang matakpan ang mga mata ng bata. Meron itong mala-manikang anyo kahit pa lalaki ito at masasabi naman talagang may itsura.
Pero ngumiti lang sya bago umiling.
"That's not my doll, father." Anya ng lalaki bago ibinaba ang tinidor at steak knife sa mesa at dinampot ang table napkin para punasan ang sariling labi.
"But this kid looks the same as him, right?" Pangungumbinsi ng ama tsaka sinilip yung mukha ng bata. "Skinny, black hair, black eyes, pale skin—he's just as beautiful as your doll, don't tell me you still don't want this one?"
Magalang na ngumiti ang lalaki tsaka tumango-tango.
"That kid is nothing compare to my doll. I don't think there's someone that could actually take his place." Tumayo sya tsaka bahagyang yumuko bilang paggalang. "Please excuse me, father. I need to attend some important meeting."
Hindi na nya hinintay na sumagot ang ama tsaka dali-daling naglakad palabas ng engrandeng dining room. Nakasunod sa kanya ang nakahilerang mga tauhan sana magkabilang gilid nya na nasa mahigit sampu ang bilang. Disente ang pananamit pero ang totoo ay armado ang mga ito.
"Señorito Benedict." Tawag ng kanang kamay nya nang masalubong nya ito.
"Dante," Lumiwanag yung pagkakangiti nya. "Did you packed your things already?"
"Yes. I'm ready to depart, señorito Benedict."
Natutuwang pumalakpak si Benedict tsaka mahinang natawa bago tinapik-tapik ang kanang kamay sa balikat.
"That's great, Dante! This is the reason why I really like you as my right hand." Bahagya syang ngumuso. "I already told you your objectives earlier, right? It's very easy. You'll just go to the Philippines, monitor the Styx Organization's action and report everything to me in detail."
"Noted, señorito Benedict." Pagtango nito. "Is there anything else that you want me to do there?"
Saglit na nag-isip ang amo nya bago tumawa.
"Also visit my little brother Angelo—I mean, Jethro. Say hi to him for me." Bumuntong hininga sya. "My God, what a childish name, can't he think if an other fake names aside from that?"
Umiling-iling sya habang nakapameywang nang may maalala sya.
"By the way, don't meddle on Austin and Daniel's business, okay? If they were caught then just let them be. Things will be fun and exciting for them. I'm jealous that I'm unable to go there for now since I'm busy."
"Yes."
"Okay, you may go now."
"I'll take my leave then." Paalam ng kanang kamay nya.
Nakangiti naman nya itong kinawayan habang papalayo sa kanya. Nang mawala ito sa paningin nya ay huminga sya ng malalim bago ngiting-ngiting nameywang tsaka bahagyang tumingala para suminghap ng hangin.
"I have this feeling that my favorite doll is just around there somewhere." Anya bago mapaglarong ngumisi. "Hmn... I wonder what kind of game we should play once that I have him back again."