(Third Person's POV)
NAGMAMADALING bumaba si Linus mula sa hagdan bitbit ang bag at isang nakarolyong puting cartolina. Agad syang pumasok sa kusina kung saan naabutan nya ang ina na nagbabasa ng dyaryo habang ang ama ay nagtitimpla ng kape.
"Goodmorning mameeeeee!" Sinilip nya yung papa nyang nakatalikod. "Hello dadeeeeee!"
"Uy! Goodmorning baby-baby boy! Kain ka na, hehehe!"
"Okie dokie!"
Napalingon sa kanya yung mama nya at kunot-noong itinupi ang dyaryo. "It's just eight thirty three. Aren't you supposed to go in school at ten?"
"Ih kasi mommy sabi ni sir Enzo baka raw mag-umpisa ng mas maaga yung poster making contest, kaya dapat pumasok ako ng mas maaga."
"I see." Tango nito tsaka iminuwestra ang pinggan na naglalaman ng almusal. "Here, eat your breakfast before you go. Be careful not to stain your uniform."
Dumampot sya ng tuna sandwich at kinagatan. "Ihahatid mo ko sa school, mommy?"
Saglit na nag-isip yung ina nya bago napapabuntong hiningang umiling.
"I have an important meeting to attend today, kasama ko ang ate Monique mo so I'm not available."
"Then how about daddy?" Sinundan nya ng tingin ang ama na nagtungo sa upuan katabi ng mama nya habang bitbit ang isang tasa ng kape. "Ihahatid mo ko sa school, daddy?"
Malungkot na ngumuso yung ama nya. "Hala, sorry baby-baby boy, may lakad si daddy ih."
"Okay lang daddy." Kinamot nya ang sariling batok. "Sige po, magji-jeep nalang ako—"
"I'll take you with me." Singit ni Morgan na ikinalingon nilang lahat dito.
Kasalukuyan itong nag-aayos ng kwelyo ng suot na leather jacket gamit ang isang kamay habang naglalakad palapit sa mesa. Nakasabit sa isang isang braso nito yung puting helmet habang ang itim na helmet na syang lagi nyang suot ay hawak isa pa nyang kamay.
Inabot nya kay Linus yung puting helmet tsaka bumaling sa mga magulang.
"I'll drop him off to school."
"Sure." Kunot-noong anya ng mama nya. "You're also early today."
"I have a place to clean." Makahulugan nitong saad.
Sumulyap sya sa amang tahimik na nakikinig at nang magtagpo ang mga mata nila ay tipid silang nagtanguan. Napansin naman iyon ng mama nya na tumaas ang kilay habang nagpapasalit-salit ang tingin sa dalawa pero hindi naman sya nagtanong.
"Get up." Utos ni Morgan sa kapatid. "We'll be late."
Umawang yung labi ni Linus tsaka nagsalubong ang kilay dala ng pagtataka.
"Upo ka muna ate, maaga pa." Tinapik nya yung upuan sa tabi nya. "Mag-almusal muna tayo—"
"You can eat while I'm driving." Putol ng ate nya tsaka sya hinila patayo. "We'll get going, mom, dad."
Hindi na nakasagot ang mga magulang nila nang basta nalang hinila ni Morgan ang kapatid palabas.
Otomatiko namang bumaling yung tingin ni Monica sa asawa na ngayo'y nakanguso sa kanya. Nginiwian nya ang lalake tsaka sinamaan ng tingin dahilan para dali-dali itong umisod ng mas malapit sa kanya tsaka kumapit ang mga kamay sa braso nya.
"Mon-mooon! Bakit ang sama ng tingin mo sakin, mon-mon? Hmn?"
"You're hiding something from me." Dinuro nya yung noo ng lalake tsaka tinulak palayo. "Tell me."
Inosenteng tumabingi yung ulo ni Liam. "Uy! Bintangera ka mon-mon ah, wag kang ganyan bad yan! Tsaka anong sasabihin ko sayo eh wala naman akong tinatago—"
"Then sleep on the couch tonight—"
"Ito naman si mon-mon hindi na mabiro! Hehehehe!" Putol nito sa sasabihin pa ng asawa tsaka yumakap ng mahigpit dito. "May konting problema lang yung organisasyon, hindi mo kailangang mag-alala! Hihihi!"
"Is this about what we've talked about with Vince last saturday?"
"Hmn... Medyo mon-mon!" Ngumuso sya nang samaan sya ng tingin ng asawa. "Pero mon-mon, kayang-kaya na ni Morgan bebe natin yon."
"Are you sure?"
Tumango-tango si Liam bago nagpakawala ng isang ngisi na ikinasimangot lalo ng asawa nya.
"Siguradong-sigurado ako, mon-mon."
Pinaningkitan lang sya ng mata ng babae tsaka bumuntong hininga bago ipinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo.
***
SOBRANG higpit ng yakap ni Linus sa bewang ng ate nya habang nagmamaneho ito, para kasing nakikipagkarerahan sa mga sasakyan yung ate nya kung magmaneho kulang nalang liparin sila pareho.
Sanay naman na sya sa bilis ng pagpapatakbo ng motor ng ate nya dahil madalas din syang isakay nito pero iba yung bilis ngayon eh, tipong konting bilis pa at mag-aapoy na yung kalsadang dinadaanan nila.
"A-ate! S-sobrang bilis mo m-mag-drive! B-baka mabangga tayo!" Medyo malakas na tawag nya dahil pareho silang nakahelmet.
"What's fast in this?" Inosenteng tanong ng ate nya. "You're exaggerating, Linus."
Hindi nalang sumagot si Linus at mas hinigpitan pa yung pagkakayakap nya sa bewang ni Morgan. Naririnig nya yung iilang busina ng ibang sasakyan na nilalagpasan nila, malamang ay asar ang mga ito dahil kung magmaneho yung ate nya eh para bang ito ang reyna ng kalsada.
Makalipas ang ilang minuto ay unti-unting bumagal yung takbo ng motor nito kaya idinilat nya ang mga mata tsaka nakahinga ng maluwag. Natatanaw na nya yung gate ng eskwelahan at ang iilang estudyanteng naglalakad papasok doon.
Hinanda na nya yung sarili nya para bumaba pero ganon nalang ang pagtataka nya ng huminto yung motor ni Morgan at sinenyasan syang bumaba.
"You may go."
"D-dito?!" Tinanggal nya yung helmet nya at sinilip yung mukha ni Morgan. "Ate Morgan, nandun yung gate diba? Bakit dito mo ko pinabababa? Ang layo-layo pa nun eh!"
Tinanggal rin ni Morgan yung helmet na suot nya tsaka lumingon sa kapatid. Pantay na nakataas ang parehong kilay at tila ba bagot na bagot kung tumingin.
"It'll take you five to ten minutes if you started walking now."
"Seryoso ka talaga ate?!"
Ngumiwi sya. "Take this as a morning exercise. Walking is one of the best simple exercise that your body can do."
"Ate naman?!" Reklamo ni Linus habang tulis na tulis na yung nguso. "Paglalakarin mo talaga ako?! Waaaaah! Bakit ka ganyan sakin ate?! Huhuhu! Hindi mo na ba ako mahal?! Waaaaah!"
Nagsimulang magngangangawa si Linus na parang batang hindi napagbigyan sa gusto kaya mariing napapikit si Morgan at bumuntong hininga bago sinuksok yung kamay sa bulsa ng pantalon at humugot ng kulay asul na perang papel.
Otomatikong huminto si Linus sa pag-iingay at nagniningning ang mga matang kinuha yung isang libo mula kay Morgan. Iniabot nya sa kapatid yung helmet bago bumaba tsaka ngiting-ngiting humarap sa ate nyang ni hindi man lang nagbago yung ekspresyon ng mukha.
"Uy, alam mo ate tama ka dyan, dapat nga maglakad nalang ako para ma-exercise yung mga binti't paa ko hehehe." Sipsip nyang turan tsaka humalik sa pisngi nito. "Bye! Pasok na ko, ingat ka sa work ate!"
Lalong umismid yung labi ni Morgan habang pinagmamasdan yung bunsong kapatid na ngayo'y tatawa-tawang naglalakad patungo sa gate ng eskwelahan.
Hindi na sya nag-aksaya pa ng oras at dali-daling nag-U turn para balikan yung nahagip ng mata nya kanina sa gilid ng kalsada. Habang nagmamaneho kasi sya kanina ay nahagip ng paningin nya yung taong pinakapakay nya kaya sya nagpresintang ihatid ang kapatid.
Excited sya eh, hindi lang halata pero excited ang bida natin today. Naninibago rin sya sa mga inaakto nya peri kahit na ganon ay wala naman syang balak gawin kundi ang mag-go to the flow.
Ilang minuto syang palinga-linga sa sidewalk kung saan nya yon nakita at nang makita ang hinahanap ay agad nyang pinaharurot yung motor patungo doon. Isang swabeng pagkambyo lang ay patagilid itong pumarada sa tabi ng sidewalk, umuusok pa yung gulong non dahil sa pagkaskas. Nakuha nya yung atensyon ng ibang sibilyan na naglalakad lang sa paligid pero syempre mas higit nyang nakuha yung atensyon nung taong pakay nya na ngayo'y nahihintakutang nakatitig sa kanya.
Seryoso nyang sinalubong yung tingin ng lalake.
"Goodmorning." Saad nya kaya suminghap ito.
"M-morgan!" Lumapit sa kanya si Noam na may nanlalaking mga mata. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Just passing by."
"A-ah, ganon ba?" Tanong ni Noam, nasa tono nito ang paghihinala.
Nagdadalawang isip sya kung totoong napadaan ito o nagdadahilan lang—which is totoo namang napadaan ito, talagang nagbabaka-sakali kasi si Morgan na makita sya sa eskwelahan mismo pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay naabutan nya toh sa kalsada.
"How about you? What are you doing here?"
Kinamot ni Noam yung batok nya tsaka nahihiyang tumawa. Nanatili namang nakatitig si Morgan sa kanya, tulad noong nakaraan ay sinusundan ng tingin nito yung bawat kilos at reaksyon nya.
"Uhm, maaga kasi sana akong papasok ngayon para tumulong mag-facilitate kay Enzo, kaso lang yung sinasakyan kong jeep nasiraan kaya ayun, bumaba nalang ako tsaka naglakad."
"Well then, I will drive you there."
"Okay."
Nagsalubong yung mga kilay ni Morgan sa pagtataka dahil sa isinagot nyang iyon.
"So strange of you to agree right away, why is that?"
Ngumiti si Noam. "Kapag tumanggi ako, ipipilit mo lang rin naman."
"I see." Pinasadahan sya nito mula ulo hanggang paa. "By the way, you look good on that teacher's uniform."
"Talaga?"
Tumango sya. "You look so hot, it makes me want to study again and be your student."
Mabilis na nangamatis yung mukha ni Noam sa kahihiyan dahil sa sinabing iyon ni Morgan. Kagat-labi nyang sinapo yung nag-iinit nyang magkabilang pisngi tsaka nag-iwas ng tingin.
"A-ah, p-parang may ibang ibig sabihin yung s-sinabi mo."
Tumabingi yung ulo ni Morgan. "I mean nothing. However, I'm wondering what kind of things you're going to teach me, Sir Noam."
Pinandilatan sya ng mata ni Noam na mas namula pa ang mukha. Nahihinuha nya kasi kung anong klaseng 'things' yung gustong iparating ni Morgan, though hindi sya sigurado dahil wala sa mukha ni Morgan ang pagiging malisyosa o kung ano pa man.
Ganon pa man ay hindi nya pa rin maiwasan ang hindi mamula.
"You're thinking of something else aside from teaching your assigned subject, are you?"
"Uy hindi ah!" Mabilis nitong pag-iling, kasama yung kamay sa pagtanggi. "Grabe ka."
"Really?"
"Hindi nga."
"Okay, you say so."
"H-hindi nga, maniwala ka."
"Yeah."
"W-wag mo kong tingnan ng ganyan." Lumunok-lunok si Noam. Hindi nya maintindihan pero parang may iba talagang ibig sabihin yon.
Wala sa sariling tipid na napangiti si Morgan sa naging reaksyon ng lalake, naglaho lang yon nang bigla nalang manlaki yung mga mata nito at taranta syang itinuro.
"O-oh!" Sinenyas nito yung sariling labi. "Ngumiti ka!"
"I did?" Maang-maangan ni Morgan.
"Oo! N-nakita ko, nag-smile ka!"
"No, I didn't."
"Ngumiti ka! Nakita ko!" Pagpipilit ni Noam, nawala na yung hiya at napalitan ng pagkamangha. "Grabe, iba pala yung dating kapag nakangiti ka."
"What do you mean?"
Lumapit si Noam sa kanya at sinapo yung magkabilang pisngi nya. Medyo nagitla pa si Morgan sa ginawang yon ni Noam dahil iyon ang pagkakataon na hinawakan sya nito na para bang wala lang.
Marahang pinisil ni Noam yung pisngi nya bago pinormang nakangiti. "Ayan. Medyo mas less intimidating ka."
Tumagal ng ilang segundo yung pagkakatitig nya sa lalake bago sya bumalik sa pagiging seryoso. Nahihiwagaan na talaga sya sa kakaibang epekto ng pagkakadikit ng balat nila pareho, alam nyang hindi normal yon pero wala rin syang ideya kung ano yon. Basta ang alam nya, nag-eenjoy sya.
Humawak sya sa kamay nito at bahagyang hinila si Noam para magkalapit sila.
"Let's have breakfast."
"Uhm. Sorry, pero nag-almusal na ko."
Umangat yung kilay nya sa narinig. "How about lunch?"
"Hala, hindi rin ako pwede, Morgan. Sa canteen ng school ako kumakain kasi maiksi lang ang oras ng lunch break."
Bumaba ulit yung tingin nya sa ibabang labi ng lalaki na kagat-kagat nanaman nito. Hindi nya alam kung namumula yon dahil sa habit nitong pagkagat o sadyang mamula-mula lang talaga ang labi ng lalaki.
Either way, mas gusto nyang sya ang kumagat non—but not now. Maybe some other time.
"It's dinner then."
"Dinner?"
"Yes." Tango nya. "Let's have dinner together. I'll fetch you after school dismissal."
Kumurap-kurap si Noam. "B-bakit tayo magdi-dinner ng magkasama?"
"Have you forgotten already?" Sumimangot sya. "You agreed to be friends with me. If we accomplish this friendship stage then we can go now into being lovers and I would be able to kiss you."
Napapantastikuhang natigilan si Noam, hindi nya akalaing sineryoso talaga ni Morgan ng husto yung stage-stage na yon. Halatang desididong makuha yung gusto.
"Are you planning to refuse me?"
"Hah? H-hindi ah."
"Good, because I will not accept your refusal."
'Sapilitan talaga lagi.' Gustong ngumuso ni Noam sa naisip nyang yon pero hindi nya ginawa, baka iba nanaman ang isipin ng babae sa kanya.
Nanatiling nakasimangot si Morgan na napansin naman ni Noam kaya nginitian nya ito, nawala yung gatla sa noo ng babae kaya mas ginandahan nya ang ngiti.
"Okay. Mag-dinner tayo mamaya."
(Noam's POV)
HIRAP akong bumaba mula sa motor nyang pagkalaki-laki. Muntikan pa akong matumba dahil sa hilo dagdag pa na medyo nabibigatan ako sa helmet nya, mabuti nalang at naka-alalay agad sa likuran ko yung kamay nya.
"You okay?"
Pilit akong ngumiti kahit hindi nya nakikita. "Oo naman."
Sinubukan kong hubarin yung helmet pero sumasabit yung salamin ko sa loob kaya nahihirapan ako. Dapat pala hinubad ko nalang yung salamin bago ako naghelmet.
Nahalata nya sigurong nahihirapan ako kaya inayos nya muna yung motor nya para hindi matumba tsaka sya bumaba at lumapit sakin para tumulong.
Ilang saglit pa ay nahubad rin yung helmet sa ulo ko, yun nga lang at nagkandagulo-gulo yung buhok at salamin ko.
"Salamat, Morgan." Nginitian ko sya.
"No problem."
Inayos ko muna yung salamin ko bago hinawi-hawi yung buhok kong parang pugad na ng ibon dahil sa pagkakagulo. Jusko, mas gumulo pa yata.
Natigilan ako sa pag-aayos nang lumapat yung parehong kamay nya sa buhok ko at marahang sinuklay yon gamit ang mga daliri nya. Ayon pa rin yung seryoso nyang ekspresyon sa mukha na sa tingin ko ay hindi na maaalis pa sa kanya, ni hindi man lang napapalitan ng reaksyon pwera nalang kanina.
Saglit na saglit lang yon pero sigurado ako sa nakita ko. Alam kong ngumiti sya at iba talaga ang impact non. Base sa nakikita ko kay Morgan ay nahihinuha kong bibihira sya ngumiti, halata naman kasi kaya nga nang ngumiti sya kanina ay para bang nawala yung kung anong maitim na ulap na nakapaligid lagi sa kanya.
Kailan naman kaya mauulit yon?
"There." Ani nya nang matapos sa pagsuklay sa buhok ko.
Akala ko ay aalisin na nya yung kamay nya pero nagulat nalang ako nang bumaba iyon patungo sa kwelyo ng uniporme ko tsaka pinagpagan yon at inayos.
"What subject are you teaching?"
"Uhm. Araling Panlipunan."
Pantay na umangat yung parehong kilay nya. "History, huh?" Bakas yung disgusto sa tono ng boses nya kaya nakuha non yung atensyon ko.
"Bakit? Ayaw mo sa history subject?"
"It's not that I hate it." Tinapik-tapik nya yung balikat ko bago humawak doon at bahagyang pinisil. "It's just that, it's a boring subject."
Natawa ako sa sinabi nya. Karamihan rin sa mga estudyante ko ganon ang sinasabi tungkol sa subject na itinuturo ko, pero kapag kaharap ko sila mukha naman silang nakikinig.
"Boring ba talaga? Para sakin hindi naman, nakakatuwa kayang pag-aralan yung history kasi marami kang natutunan mula sa past."
"There are some parts of the past that we should just leave behind the dark."
Umawang yung labi ko bago iyon nauwi sa ngiti. Medyo mahina nya kasing sinabi yon, halos pabulong nalang pero narinig ko pa rin naman.
May punto sya doon.
"Kalimutan nalang, ganon?"
"No."
Kumunot yung noo ko sa pagtataka. "Eh ano?"
Bumitaw sya sakin tsaka namulsa. Hinahawi ng hangin yung berde nyang buhok na mas nakakadagdag angas sa kanya, yung tipong mapapalingon ang kahit na sino.
"Leaving it behind the dark doesn't mean you're completely forgetting it." May kung anong emosyon na dumaan sa mga mata nya pero hindi ko mahulaan kung ano.
"Hindi ko maintindihan."
"Not all toys are fun to play. From a child's perspective, some of those toys causes happiness, some causes fear. The child wants to get rid of it, but she can't because those toys means something to her. So what would the child do on those toys that makes her afraid? She'll put it in a box then cover it, leaving it behind the darkness inside that box." Tumabingi yung ulo nya habang hindi inaalis ang tingin sakin.
"Our memories are just like those toys, Noam and we are that child. Not all memories are fun to remember. Bad memories that gives us pain, hatred, fear and regrets—we can't forget it, and in order to avoid those memories that causing us negative emotions, we tend to put it in a dark place inside our mind. So basically, we're not forgetting it, yet we're not trying to remember it either."
Napipilan ako sa mga sinabi nya, tila nanuyo yung lalamunan ko at wala rin akong mahagilap na salita para sagutin sya. Bahagya rin akong napayuko at pinag-isipang mabuti yung mga sinabi nya.
Naputol lang yung pag-iisip ko noong humawak sya sa baba ko at inangat iyon dahilan para magtagpo yung paningin namin.
"You're thinking about it, are you?"
"H-hindi naman."
Dumampi yung hinlalaki nya sa ibabang labi ko habang naroon ang tingin. "Stop worrying, Noam. The time will come that you'll be able to face those memories you left in the dark without being afraid."
Pilit akong tumango. Hindi ako masyadong sang-ayon dahil hindi ko alam kung kaya ko ba yon pero gusto kong ipakita sa kanyang naiintindihan ko yung ibig nyang sabihin.
"Don't think too much about it, Noam. I hate seeing that sad look on your face."
"O-okay."
"Good. Give me my kiss then."
"A-anong kiss?!" Gulat kong tanong habang nanlalaki ang mata. Parang nawala na parang bula yung iniisip ko kanina at napalitan ng hiya.
Ang seryoso ng pinag-uusapan namin tapos bigla syang babanat ng kiss?
"My kiss. Here." Tinuro nya yung pisngi nya. "I'm leaving, so give me my kiss."
"T-talagang kailangan may kiss ka mula sakin kada aalis ka?"
"Yeah. You'll get used to it though."
"At bakit naman?"
Tumabingi yung ulo nya. "Because you'll give me a kiss everyday."
Suminghap ako. Everyday? As in—araw-araw talaga?! Ibig sabihin araw-araw din kaming magkikita?!
"C'mon, I need to go to work."
Lumunok ako para mawala yung kung anong nakabara doon. Kahit hindi ako manalamin ay alam kong nangangamatis na sa pula yung buong mukha ko, kahit sino naman siguro ay mamumula sa hiya.
"I'm waiting for my kiss, Noam."
Hindi talaga sya aalis hangga't hindi ko binibigay yung gusto nya kaya naman ay bumuntong hininga ako tsaka humalik sa palad ko bago ini-akmang idikit yon sa pisngi nya tulad ng ginawa ko nung sabado.
"M-morgan!" Natitigilan kong tawag sa kanya dahil sa sunod nyang ginawa.
Lahat yata ng brain cells ko huminto sa pag-function, nang lalapat na kasi sa pisngi nya yung palad ko ay hinablot yun ng kamay nya at dinala sa mga labi nya.
In short, humalik sya sa palad ko.
Hindi ko maigalaw yung kamay ko o yung kahit na anong parte ng katawan ko, kasabay rin non yung pagbagal ng paghinga ko. Sa tingin ko ay may i-iinit pa yung mukha ko.
"An indirect kiss with your palm again, I see. I admit, it was a very clever move." Anya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko bago dinala sa pisngi nya yung palad ko. "You're really full of surprises, Noam."
"W-wala ka namang sinabi kung d-direct o hindi."
Pansamantalang naningkit yung mata nya bago nagpakawala ng isang nang-aasar na ngisi na talaga namang ikinagulat ko. Nagdala iyon ng kakaibang epekto sa sistema ko, mas malala kaysa sa paglitaw ng ngiti nya kanina.
Yung puso ko... a-ang... ang bilis ng t***k—t-teka? B-bakit ba ko kinakabahan?
"Is that so?" Tumango-tango sya na tila naunawaan nya yung sinabi ko. "Fine. I'll allow it for now since we're still in the getting-to-know-each-other stage, but next time, I want your lips placed on my cheeks, got that?"
Wala sa sarili akong napatango habang sya naman ay nanatiling nakangisi. Kinurot nya yung pisngi ko bago sya tumalikod at sumakay sa motor nya pero muli syang lumingon.
"I'll fetch you after class. Wait for me here, okay?"
"O-okay." Kagat labi kong sagot.
Mas lalong umangat yung sulok ng labi nya na ikinalunok ko.
"See you later, Noam." Anya tsaka nagsuot ng helmet habang yung extrang isa ay nakasabit sa braso nya.
Umalingawngaw yung ingay ng tunog ng motor nya at lumikha iyon ng puting usok, maya-maya pa'y walang habas syang nagmaneho paalis na para bang walang ibang sasakyan sa paligid. Inabot lang ng ilang segundo bago sya tuluyang nawala sa paningin ko.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag tsaka tila nanlambot yung tuhod ko. Grabe, para akong nanghina bigla.
"A-ano bang nangyayare sakin?" Singhap ko habang nakahawak sa polo ko sa mismong dibdib. "Y-yung puso ko... p-para akong hinabol ng kung ano sa bilis ng t***k non."
Dahil kaya sa ngisi nya? Pero kung oo, bakit? I mean, normal lang naman sa isang tao ang pag-ngisi kaya bakit g-ganito ang epekto sakin?
Umiling-iling ako. Hindi, baka epekto lang toh ng paglalakad ko kanina, tama. Baka napagod ako bigla. Imposible namang dahil yun sa ngisi ni Morgan, imposible talaga! Tama, Noam, napagod ka ka lang sa paglalakad kanina.
Tumayo ako ng tuwid tsaka sinubukang maglakad pero hindi pa ako nakakahakbang ay nawalan na ko ng balanse. Muntik na kong matumba, buti nalang at may kung sinong umalalay sakin.
"Ayos ka lang?"
Nag-angat ako ng tingin. "J-jethro! A-ano... g-goodmorning."
Ngumiti sya tsaka ako tinulungang tumayo ng maayos. "Goodmorning din, Noam."
"A-ang aga mo ngayon."
"Ikaw rin naman." Lumingon sya sa daang tinahak ni Morgan paalis tsaka bumalik yung tingin sakin at mas lalong lumawak ang ngiti. "Girlfriend mo?"
Nalaglag yung panga ko sa sinabi nya tsaka namula ang mukha.
"A-ano?! Hindi! H-hindi ko sya girlfriend! Hindi kami mag-girlfriend!"
"Talaga?" Takang tanong nya. "Eh bakit namumula ka?"
"M-mainit kasi kaya ako namumula." Nagpaypay ako kunwari tsaka sya tinalikuran. "P-pumasok na tayo, Jethro."
"Okay."
Ramdam ko yung pagsundo nya at maya-maya pa'y umakbay sya habang nakatingin sakin.
"Sigurado kang hindi mo yun girlfriend?"
"H-hindi nga!" Nag-iwas ako ng tingin. "H-hindi ko girlfriend si Morgan."
Hindi sya agad sumagot kaya lumingon ako ulit sa kanya. Seryoso yung tingin nya sakin na bibihira ko makita kaya nag-alala ako.
"A-anong problema?"
Bumalik sa pagkakangiti yung mukha nya tsaka umiling.
"Wala."
Naiilang ko nalang syang nginitian pabalik bago tumingin sa nilalakaran ko.
(Morgan's POV)
I'M tapping my foot nonstop on the floor as I sigh while holding the cigarette between my fingers, letting it burn into ashes.
"His pretty face keeps on lingering on my mind." I tsked. "I want to see him again."
Those deep black innocent doe eyes, thick lashes that flutters everytime he blinks, blushing cheeks, pointy little nose and soft lips—the epitome of unexplainable beauty.
Is he not tired? He keeps on running inside my head. He's been there since last week, I think I'll be insane if I will not be able to see him even once in a day. I might sound exaggerated but I can't sleep last saturday night knowing that I'm not able to see him yesterday. This is strange. Really, really strange.
I really don't know what's going on with me.
"P-please! Pakawalan nyo ko! W-wala akong ginagawang masama! P-pakawalan nyo ko!"
My lips pursed after hearing that pleading voice from the man in front of me. Tsk. He ruined my concentration.
"Shut up!" Wesley kicked the man on its face before began beating him again. "You're too f*ckin loud! You think may magagawa yang pagmamakaawa mo?!"
"W-wala akong kasalanan—a-ack!"
"I said, shut the f*ck up!"
My eyes narrowed at Wesley as he continues to beat that man into a pulp. He looks so pissed off, I can say it based on his reddened face and veins showing off on his neck and forehead.
"Bina-badtrip mo ko lalo sa ingay mo!" Then he kicked it again. The man whimpered in pain and began crying, begging for his life to be spared.
I heaved a sigh before putting the cigarette between my lips to ease my stress, my eyes began wandering around this messy dark place.
There are plenty of dead bodies everywhere, blood and used bullets are also scattered on the floor. Everything was destroyed, lots of bullet holes on the wall but I bet no one has ever noticed that there was something happening in this place.
Actually, I'm bored.
That man is the only one remaining alive, the rest we're just all lifeless bodies. It'll be such a waste if we kill him immediately, death is just an easy way to escape from everything that's why I want him to live even for a couple of hours to have a taste of what torture is like.
I heard someone's footsteps from behind until the owner of those footsteps stopped beside me.
"Morgan? Why are you sitting there? Marumi dyan."
I took a glance on the pile of dead bodies where I am currently sitting before shrugging my shoulders off.
"The floor is dirtier."
"Oh. I see." He sighed while watching Wesley. "Look at this dumbass, beating that old hag to death without even asking the most important information that we need."
"Nicholas." I called, he immediately went in front of me. "Have you found anything useful?"
"Yes. I found a couple of folders containing medical information of the kidnapped victims, I also found the list of the branches of their group located in various cities around NCR."
"Branches?"
"Yes." He looked at the man with a disgusting look on his face. "It seems that their members were scattered everywhere. Mas makalat, mas mabilis ang trabaho."
My lips twitched in annoyance and grimaced while watching Wesley dragging that poor guy by its hair towards our direction. He's grinning from ear to ear, looking proud on what he have done.
"Que—" His words we're cut off by my glare and immediately smiled apologetically. "I mean, Morgan!"
"What?"
"Can I finish him?"
"No."
He pouted and made a puppy eyed look. "Please?"
Instead of answering him, my eyes went to the man panting. He looked at me with his begging eyes, asking for forgiveness.
But who says I'll forgive him? I'm not God for pete's sake.
"P-please... K-kahit ano... k-kahit ano gagawin ko..." He coughed with blood while breathing heavily. "B-buhayin nyo lang ako..."
"Loko ka ah! Sa dami ng kag*guhan mo ngayon ka pa magmamakaawa—"
"Wesley." I motioned him to stop which he followed straightaway.
I stood up and walked until I reach their place and did a squat for him to meet my eyes. My hand took the cigarette away from my mouth and blew the smoke right on his face causing him to cough even more.
"Answer my questions and I will think if I should spare you or not."
"S-sige! Sige! S-sasagutin ko, w-wag nyo lang akong p-patayin! Pakiusap!"
My head tilted as I squinted my eyes. "Who do you work for?"
"V-verratti!"
I frozed upon hearing that surname. "Veratti?"
He nodded, lips were trembling and eyes filled with fear. "B-binabayaran kami ng mga Verratti para mag-angkat ng batang kailangan nila."
I glared at him as I gritted my teeth.
"You're lying to me, aren't you?"
"H-hindi! Totoo talaga yung sinasabi ko!" He cleared his throat and managed to sit properly despite of the wounds and bruises on his face and body. "T-taga-kuha lang kami, tapos m-may dalawang tauhan sila rito na umuupa samin para kumuha ng mga dalaga tsaka bata. S-sila talaga yung tauhan ng Veratti, sila yung nag-e-export nung container vans papunta sa iba't ibang bansa."
"Give me their names."
"Hindi sila n-nagpakilala pero sinabi nilang t-tauhan sila ng mga Veratti, galing silang London pareho d-dahil doon sila nakabase b-bago sila madestino dito."
"Italian?"
He stilled and think for a second before he shaking his head. "H-hindi. Yung lider nila singkit na matangkad, may tattoo sya sa leeg. Yung kanang kamay nya yung mukhang italyano."
"Are you really sure that those guys we're working for the Veratti's?" Nicholas asked suspiciously.
"Oo! Sigurado ako!"
"Liar!" Wesley scowled. "G*go ka ba?! Imposible yang sinasabi mo!"
"H-hindi ako nagsisinungaling! Totoo yung sinasabi ko! K-kaya kong iharap sa inyo yung dalawang tauhan nila b-basta buhayin nyo lang ako—" He was cut off when Wesley began attacking him again.
I stood up and threw away the cigarette on the floor before stomping on it to cease the fire.
"Finish him."
Wesley smirked. "My pleasure."
I slid both of my hands into my pocket and turned my back from them, ignoring the man's painful scream and loud gunshots as I walk towards Nicholas' direction whose looking at me with worry.
"Morgan, I don't think he's telling the truth. Alam nating lahat na wala na ang mga Veratti."
"I don't know, Nicholas."
"They we're killed by the organization years ago. Alam na alam mo yan, you're there when they infiltrated their base."
"I have a doubt about that."
"They are already dead, Morgan."
I c****d my eyebrows and gave him a piercing glare. "Are they really dead?"
Nicholas went silent. I think he can't find the right words to answer me that's why I started walking away without looking back on them.
"Clean this f*ckin mess. I'll head back to the HQ first."