Chapter 10

764 Words
Inviting Halos magdadalawang linggo na kong nagsusumikap maging kaibigan ni Ridge Terrence. Progress? Wala pa rin. Well, except sa hindi na ko muling nakarinig ng maanghang na salita mula sa kaniya. Hindi niya na rin ako tinitignan nang masama most of the time. Pero bukod dun ay wala naman nang iba. Hindi niya pa rin naman ako pinapansin. Kadalasan ay para pa rin akong nakikipag-usap sa hangin.  Though I would like to commend the fact na hindi na siya bigla-biglang nang-iiwan kagaya nung nangyari sa cafe at hindi na rin parehong tainga ang sinasalpakan niya ng earbuds kapag magkasama kami. Abala naman sa ibang bagay sila Quinn, Zoe at Ava. Nitong mga nakaraang araw ay madalas silang magsabi sakin na may date sila o may kikitain sila. Medyo dumadalang tuloy ang mga oras na nagkakasama at nagkakausap kami. Break time ngayon at hingal na hingal ako habang papaakyat sa rooftop ng RV.  Naabutan ko sa usual spot si Ridge. Mabilis na dumapo ang tingin niya sakin pero agad niya ring inalis. Kagaya nang madalas ay may binabasa siya ulit. "Hi," low energy na sabi ko. May drinks and food sya sa tabi niya. Nung isang araw lang ay napansin kong hindi na lang puro inumin ang dinadala niya. Siguro ay nagsawa na rin siya sa kakakapilit kong tanggapin niya ang binibigay kong pagkain kaya nagdadala na lang din siya. Nilapag ko ang bag ko saka tumabi sa kanya. Medyo napapikit pa ko nang maramdaman ang sandalan. Bumuntong-hininga ako. "Sobrang exhausting ng processing para makasali ng org," simula ko habang diretso lang ang tingin. Ganito ang madalas na nangyayari. Magkukwento ako ng mga gusto kong sabihin habang nasa tabi ko lang siya at walang pakialam.  Actually, the thought that he doesn't give a damn about anything makes me more at ease and helps me talk more openly. Malaking bagay na para sakin na nailalabas ko ang mga saloobin ko kahit pa alam kong hindi naman siya nakikinig. I brought my gaze down to the bread on my hand and played with its plastic pack. "Tas alam mo yung ipaparamdam pa sayo nung mga upperclassmen na ayaw ka nilang tanggapin?"  Inangat ko sa tanawin ang tingin. Minsan ay nagtataka ako kung ba't walang masyadong tumatambay dito gayong napaka-maaliwalas ng lugar at kitang-kita ang kabuuan ng eskwelahan. Malawak ito dahil parehong high school and college ang kine-cater. "I even overheard two of them talking how I look like someone who's irresponsible and worthless," I said in a small voice. Bumaba ulit ang tingin ko. Dahan-dahan kong binuksan ang balat ng tinapay. "Gustong-gusto ko pa naman talagang sumali sa org ng department namin na yon pero tingin ko sobrang liit lang ng chance kong makapasok," I sadly said. I felt a lump on my throat. I mentally shook my head.  I just brought the bread near my mouth to take a bite and to swallow the heaviness I'm feeling. I unconsciously turned my head on my left to take a look at him only to find him staring back at me. He's looking at me so intently that it almost seems like he'd been doing that since a while ago. I choked. Panay ang ubo ko dahil nabulunan. I saw him quickly opening my drink for me then handed it to me immediately. Agad kong kinuha iyon at ininuman. Nang makalunok nang maayos ay huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sa naabutan kong postura niya ay para bang kanina pa siya nakatingin. Pinilig ko ang ulo ko nang maramdaman ang kabog ng dibdib ko. "U-uh, sige una na muna ko kasi may assembly pa kami sa tamb," ngayon na lang ata ulit ako nautal habang kausap siya. Hindi ko na muli siya nilingon nang kinuha ang gamit at tumalikod. Wala sa plano ko ang umalis kaagad pero bigla akong nakaramdam ng ilang sa kanya. Aligaga tuloy akong napaisip ng palusot dahil sa hindi pagiging kumportable.  The next day is Thursday which means it's another Library day with Ridge. I woke up extra early feeling a tiny sense of excitement. I don't know why. When did I even start looking forward on seeing him? Mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag habang dinadaanan ang mga bookshelves at naglalakad patungo sa inaasahan kong pwesto niya. An automatic smile plastered on my face when I saw him with his scattered things on the table. Malayo pa lang ay tila naramdaman niya na ang presensya ko dahil sa saglit na pag-angat niya ng tingin. Mabilis lang iyon at agad niya ring binaba. I caught him subtly pulling his things towards him on the table. Something tugged in my heart. Why does it feel like he did that to make enough space for me? It almost seems like a very warm and inviting gesture.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD