Daze
I knew something was already different from then on. Something makes that particular Library Day different from my other days with him. I just knew it was.
We may not be talking. We may have remained silent the whole time. But there's just some sort of connection. I can't explain it. It feels like this time, he made sure that I am aware of his presence. That I am not alone. That I am with him.
I was internally smiling while reading. Does this mean that he acknowledges me now? Does he consider me as a friend now? Are we friends now?
Ito ang laman ng isip ko buong maghapon. Kahit pagtuntong ng gabi ay dala-dala ko pa rin ito.
I can't believe I even had such a good dream on my sleep! I overslept!
Tarantang-taranta ko nang magising at makita na 5:25 na ng umaga. Kadalasan ay magkasama na kami ni Ridge ng gantong oras. Minadali ko nang sobra ang pag-aayos at halos nag-marathon na papunta sa circle.
I even overlooked the fact that he was there where we are usually starting and it seems like he's waiting for me. Usually ay wala naman siyang pake kung sabay kaming nagsisimula pero hindi ko na nagawang kuwestiyunin ang tila pag-aabang niya sakin dahil ang tumatakbo lang sa isip ko ay ang pag-aalala at munting konsensya na nahuli ako ngayong umaga.
"Sorry," hinihingal na sabi ko. "Hindi ako... nagising sa alarm," putol-putol pa na litanya ko.
He's not looking into my eyes. Instead, his gaze is somewhere down.
"Let's go?" aya ko kahit alam kong hindi naman siya sasagot. I was still trying to catch my breathe.
"Your shoelace is untied," he muttered.
My lips parted at the sound of his voice.
"H-huh?" I absentmindedly asked.
Hindi pa rin ako makapaniwalang kinakausap niya ako nang gumalaw siya.
Walang sabi-sabi siyang lumuhod gamit ang isang tuhod niya. Inabot niya ang kanang paa ko para isintas nang maayos ang sapatos.
I stiffened. I can't make a single move. Even after he stood up. Even after he threw me a glance. Even after he raised a brow and turned his back on me. I was completely taken aback.
It took me a while to get back on my trance. I shook my head to keep up with him.
It was like I was floating. I was on cloud nine while running.
Pakiramdam ko nga'y higit na mabagal ang takbo ko ngayon. Ngunit hindi kagaya ng ibang araw ay halos magkasabay lang kami ni Ridge. Dati ay lagi siyang mabilis habang nahuhuli naman ako. Pero ngayo'y tuwing nauuna siya nang konti ay napapansin kong unti-unti siyang bumabagal hanggang magkatabi na kami at masabayan ko siya.
Hanggang makarating sa dulo at nakaupo na kami sa bench ay hindi pa rin ako masyadong makapag-isip nang tuwid. Ang mga maliliit na bagay na napapansing unti-unting nagbabago kay Ridge ay nagdudulot ng kakaibang kiliti sa akin.
"No protein shake today?" halos mapatalon ako kahit nakaupo nang muling marinig ang baritonong boses niya.
Nakaawang pa ang labi ko nang ma-realize na hindi nga ako nakapaghanda noon ngayong araw.
"Yeah, I kind of overslept," napapikit ako nang mariin. "Sorry, bawi ako bukas."
Hindi pa rin siya nakatingin at kinuha ang nasa handheld running strap niya.
"Drink this for now then," he said while handing me his water bottle.
Natigilan ako.
Lumunok ako. Hindi na nag-inarte pa at kinuha yun sa kanya.
"Ikaw?" tanong ko dahil baka laway-conscious siya at ayaw makipag-share.
He stared at me for a while.
"My house is nearer. I'll just drink at home," then he looked away.
For a while, I wondered kung paano niya nasabing mas malapit ang bahay niya gayong hindi niya naman alam kung saan banda ang akin pero parang nawalan ako ng confidence na pahabain ang usapan.
Ngayong naririnig ko nang magsalita si Ridge ay saka naman ako nacoconscious dumaldal.
I still can't believe the little changes with the things between us even when it's already time for school.
Nakatutok sa kaniya-kaniyang cellphone ang tatlo kaya wala rin naman akong mapagkwentuhan.
Nakita ko pang malaki ang ngiti ni Ava habang nakatitig sa cellphone. Dumungaw ako roon at laking gulat ko pa nang may tumambad na nude photo kaya lumayo na lang ako.
I don't know why I was hesitating when it was time to meet him at the rooftop. I feel nervous and excited at the same time. I can't even justify why I'm feeling this way.
Tingin niya agad ang sumalubong sakin pagbukas ko ng pinto. Hindi tulad ng dati na parang allergic siya sakin at agad umiiwas ng tingin, ngayo'y medyo tumagal ito. Humarap pa nga ko sa pinto habang sinasara ito para lang maputol ang tinginan namin kahit pwede namang isara nang nakatalikod.
Hanggang sa paglalakad papunta sa kaniya at pag-upo roon ay parang tangang ilang na ilang ako.
Ni hindi rin ako makapag-salita. Dati naman ay diretso kwento agad ako paglapit sa kaniya. Pero ngayon ay parang wala akong lakas ng loob at nahihiyang ewan.
Pinagdiskitahan ko na lang tuloy ang dala kong pagkain.
"How's your day?"
I flinched at his question.
Kailan ba ako masasanay sa pakikipag-usap niya sakin? Hindi kami magiging magkaibigan kung lagi akong ganito!
I tried to collect myself and regain my composure.
"Ayos naman," I cleared my throat. "Pasahan ng thickler sa org ngayon kaya baka tapusin ko sa library mamaya,"
I know it's not something interesting but that's just really what's on my mind right now about my day.
"Pupunta rin ako sa library... mamaya," dahan-dahang sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.
Nakakapaso ang titig niya pero hindi ko magawang umiwas. Parang may humahatak sa akin para manatiling nakatitig doon.
Hindi ko pa agad na proseso ang sinabi niya. Kung bakit at para saan niya sinabi iyon ay hindi ko alam. Kung hindi pa siguro siya uli nagsalita ay hindi ko makukuha iyon.
"So... usual spot?" he breathlessly asked.
I tried to process what he's trying to say. Ah, so he was asking to meet each other in our usual spot sa library? Is that it? Parang nahigit ko ang hininga nang tuluyang makuha ang ibig niyang sabihin.
Dahan-dahan akong tumango. Still in daze.
"Usual spot." sagot ko gamit ang mahinang boses.