Chapter 9

940 Words
Sticky note   Ava: Hoy babaita nasa room ka na? Mabilis akong nag-type ng reply. Lia Kennedy: La pa. May pupuntahan muna ko. Sinilent mode ko ang cellphone saka ito tinago at nagpatuloy na sa paglalakad.  Huwebes ngayon kaya't 9AM pa ang first class. Maaga akong umalis ng bahay dahil ayon sa schedule ni Ridge ay dumidiretso siya sa main library pagkatapos ng 7-8AM class niya tuwing ganitong araw. May isang oras pa ko bago ang unang klase kaya tamang-tama lang din. Pagkapasok ko sa library ay nilibot ko ang tingin. Hindi ko siya agad nakita kaya naisip kong bumaba dahil baka nasa basement siya. Ang alam ko ay konti lang madalas ang napunta roon para mag-aral dahil masyado raw malamig at nakakaantok lang. Malawak ang espasyo dito sa baba at marami pang pasikot-sikot. Kokonti lang talaga ang tao at may nakita pa kong natutulog sa isang tabi. Lumiko ako sa may bandang left wing para dun naman subukan. Lumiwanag ang mukha ko nang makita siyang mag-isa sa isang table sa di kalayuan. Nakita kong nakalatag ang ilang gamit niya sa lamesa at may pinagkakaabalahan. Tumigil ako nang nasa harap niya na. Nakita ko ang pag-angat niya ng tingin hanggang magtama ang mata namin. Kumaway lang ako nang nakangiti dahil takot na lumikha ng ingay. He just gave me a lazy stare before bringing back his gaze to what he's doing. Sa kabila ng sinabi ko sa kanya noong unang beses ko siyang nakasama mag-jogging ay hindi ko pa rin siya nilubayan. Araw-araw pa rin akong gumigising nang maaga para tumakbo kasama siya. Dahil hindi ko pa rin siya tinatantanan nitong mga nagdaang araw ay marahil napagod na siyang pakitaan pa ko ng iritadong ekspresyon niya. Tahimik kong hinila ang upuan sa harap niya para makaupo. Pinatong ko ang parehong kamay sa lamesa at tinitigan ang ginagawa niya. May sinusulat siya at tingin ko'y kung hindi iyon personal reviewer ay baka written requirement na kailangang ipasa. Napagdesisyonan kong huwag na muna siyang guluhin at gambalain. Naglabas na lang din ako ng mga pagkakaabalahan habang kasama siya. Sakto naman dahil maraming tasks na iniwan ang mga prof this week. Hindi pa naman ipapasa ang mga ito pero mabuti na ring simulan na. Sinimulan ko ang drafting para sa isa sa mga majors ko. Madalas ay sa bahay ako gumagawa ng ganito dahil ayoko talaga nang nagugulo pagdating sa ganito. Naiinis ako kapag pumapalpak, namamali o kahit kapag may lumampas lang nang konti. Nag-focus na lang ako sa ginagawa para maiwasan ang mga 'yon. Hindi ko inaalis ang tingin doon. I was so engrossed with what I'm doing. Naisip kong maganda kung matatapos ko na rin ito sa bakanteng oras ko ngayon para bawas trabaho na sa mga susunod na araw. May naramdaman akong mabigat na titig mula sa harap kaya't inangat ko saglit ang tingin. Naabutan ko ang mga mata ni Ridge sa ginagawa ko ngunit agad niya itong iniwas nang mapansin ang pag-lingon ko.  Sa biglang pag-pitlag niya ay hindi sinasadyang nalinyahan niya ang papel sa harap niya. Narinig kong napamura siya nang mahina. He opened his bag to look for something. Hinalughog niya iyon at sinubukan pang buksan ang isa pang zipper pero tingin ko'y hindi niya nakita ang hinahanap dahil sinara niya na lang muli iyon at tinabi. Binaba niya na muli ang tingin sa pinagkakaabalahan. Nang mahulaan nang kailangan niya ay binuksan ko ang sariling bag para kuhanin ang pencil case. Mula roon ay nilabas ko ang correction tape. Inabot ko sa kanya iyon. Nakita kong napatigil sa paggalaw ang mata niya at dahan-dahang lumipat sa nasa kamay ko. He gave me a glance but it was really quick. Binaba niya lang ulit ang tingin sa nasa kamay ko. He heaved a sigh. Kinuha niya ang correction tape sa kamay ko. May pag-iingat iyon at tila sinisigurado niyang hindi magtatama ang balat namin. Napangiti naman ako habang nakikita siyang ginagamit iyon.  Agad niya itong nilapag sa lamesa at inusog pabalik sakin pagkatapos. Tumagal pa nang ilang saglit ang tingin ko sa kanya.  Ito ang unang beses na may tinanggap siya mula sakin nang hindi ako namimilit. Partida, hindi pa ko nagsalita! Dapat ata rito walang sinasabi pag may iaalok eh. Nahirapan tuloy akong burahin ang ngiti sa labi.  Kung hindi ko lang biglang naalala ang oras ay hindi pa ko mag-iiwas ng tingin. Chineck ko ang relo at nanlaki ang mata nang makitang sampung minuto na lang bago mag-alas nwebe. Hindi ko namalayan! Medyo malayo pa rito ang building na 'yon kaya kailangan ko nang umalis. Nagmamadali ngunit tahimik kong niligpit ang mga gamit. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero naramdaman kong pumuslit ng tingin sakin si Ridge nang mapansin ang ginagawa ko. Nang ayos na ang lahat ay inisip ko kung paano magpapaalam sa kaniya nang hindi lumilikha ng ingay. Sa huli ay nilabas ko ang sticky note at nagsulat doon. May class na ko. Bye :) Ingat! -Lia Napangiti ako at tahimik na natawa sa ginawa dahil naisip na wala naman siyang pake. Gayunpaman ay hiniwalay ko ang may sulat na sticky note. Inextend ko ang kamay sa may malapit sa kaniya. Hinayaan kong dumikit ang sticky note sa lamesa nang nakapaharap sa kaniya. Hinintay kong tapunan niya iyon ng tingin pero diretso lang ang mata niya sa ginagawa. I mentally rolled my eyes. Hindi niya pa rin talaga tinitignan. Mahuhuli na ko sa klase kaya tumayo na para umalis. Tahimik ang bawat lakad ko at bago pa tuluyang makalabas ay naisipang lumingon kay Ridge. Hindi siya nakatingin sakin. Pero nakatingin siya sa note na iniwan ko. Napangiti ako nang malaki bago tumakbo na nang mabilis.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD