As if
I immediately reviewed his daily activities.
Napag-alaman kong araw-araw siyang nag-jojogging starting around 5-5:30 in the morning sa circle ng subdivision namin. So I guess we really do live in the same community. I wonder how come I don't remember seeing him before gayung maliit lang pala ang mundong ginagalawan naming dalawa.
Hindi ko maiwasang mamangha sa discipline na meron siya pagdating sa routine niya. Plus the fact na thrice a week siyang may 7AM class but he still manages to give time for workout, huh?
Mukhang pag sinet nya ang utak niya sa isang bagay ay pinangangatawanan niya talaga ito. Gaya na rin siguro ng pag-iwas sa akin. Pero sorry siya dahil sisiguraduhin kong gibain ang mataas na pader na tinayo niya sa pagitan namin.
Morning person naman ako kaya hindi na ko nahirapang gumising nang maaga kinabukasan. Pag weekends lang naman ako bumabawi ng tulog pero pag ibang araw ay sanay akong gumising ng maaga.
I woke up extra early to prepare something. I did my research last night kung ano ang best hydration drink after running. Naisip ko kasi na malaki ang posibilidad na tubig o energy drink lang ulit ang dala niya kaya mabuti kung bibigyan ko siya ng mas mainam na inumin.
Sinunod ko ang instruction sa paggawa ng protein shake na nakuha ko sa net. Nagsalin ako sa dalawang cute size na tumbler at nilagay parehas sa sports backpack running vest bago ito sinuot sa katawan. I'm wearing a neon pink fit jersey style sando and a black cycling.
Tulog pa parehas ang parents ko kaya't nag-iwan na lang ako ng note sa ref. I went out right after.
Nag-walking lang muna ko papunta sa circle para ma-conserve ang energy. Tingin ko rin naman ay sakto lang ang oras.
Pag-dating ko sa circle ay mayroon ding iba pang nag-eexcercise. Meron pang ilan na may dalang pets. Ginala ko ang tingin para hanapin ang pakay ko. May nakita kong pamilyar na pigurang nakatalikod na tumatakbo sa malayo.
Tumakbo ako sa direksyon niya para kumpirmahin kung siya nga iyon.
"Good morning," bati ko nang makumpirma ang hinala.
Tumabi ako sa kanya at sinabayan ang pagja-jog niya.
Nakita ko ang pag-awang ng labi niya sa presensya ko bago nagsalubong ang kilay. Iniwas niya ang tingin sa akin at dumiretso sa harap niya.
Hindi ko maiwasang pansinin ang biceps niya na kitang kita dahil sa suot niya. Bakas na rin ang konting pawis sa balat niya. The front part of his hair is also dripping wet and I don't know why I find it.... attractive.
Nanlaki ang mata ko sa iniisip at pinilig ito.
Nakita ko pang bahagya siyang napasilip sa ginawa ko at nagtaas ng kilay kaya't mas nahiya lang ako.
"Hanggang anong oras ka nag-jojogging?" tanong ko na lang.
Thank God he's just wearing an earbud on one of his ears kaya't bakante para makinig ang isa sa akin. Makakausap ko pa rin siya kahit papaano.
Nonetheless, he still didn't answer me though. It's still as if I'm talking to the air. Useless naman pala ang pag-suot niya ng isang earbud lang, natuwa pa naman ako!
"Alam mo, mas sanay akong nagpapapawis pag nagbabasketball," medyo hinihingal na na sabi ko.
"Pag-gantong jogging tas maaga pa, parang ang bilis kong mapagod,"
Nagsisimula na kong habulin talaga ang hininga ko.
"Can you slow down a bi-"
Naputol ang sasabihin ko nang may hinugot siya sa bulsa at sinalpak ang isa pang earbud sa bakanteng tainga.
Napatigil ako sa pagtakbo habang tuloy-tuloy lang siya at mas bumilis pa.
Napanganga ako habang pinapanood siya.
I shook my head while trying to catch my breath. Napayuko pa ko saglit at humawak sa magkabilang tuhod.
If you think I'll give up easily, think again, you arrogant jerk.
Pagkakuwan ay bumalik ako sa pagtakbo at hinabol siya. Sinuguro kong magkatabi kami at ramdam na ramdam niya ang presensya ko. Hindi na ko nagsalita buong oras dahil useless naman na. Pagsinisilip ko ang mukha niya ay nakakunot lang ang noo niya.
As expected ay tumigil siya sa dulong part kung san may mga benches. He did some stretching at ginaya ko naman siya. All those time ay may galit na ekspresyon lang sya sa mukha.
Maya-maya ay umupo siya sa isa sa mga bench at tinanggal ang parehong earbud para ilagay sa bulsa. Binunot niya ang cellphone at may pinindot doon.
Naupo ako sa tabi niya. Sinilip ko ang running belt niya at kyuryosong tinitigan.
"Anong laman niyan?" nguso ko roon.
He kept his eyes on his phone, not giving me a single look.
"Is that water?" I asked.
No reaction.
I sighed. Kinuha ko ang isang tumbler sa vest ko.
"I made us a protein shake. Drink this instead," I said while offering it to him.
He didn't even look at it.
"Don't worry this isn't made up of artificial powdered ones. I used fresh ingredients for this."
He remained busy on his phone.
"Come on, this helps activate muscle repair and improves fatigue as well as soreness following a long run." litanya ko sa nabasang impormasyon online.
He seems unimpressed though.
"Won't you even give me some credit for memorizing that?" subok ko para pagaanin ang sitwasyon.
I heaved another sigh. I think I need to settle on my last resort.
"Sige ganto na lang," I straightened on my seat.
I saw his brows slightly raising while his gaze is not leaving his phone.
"Pag-ininom mo 'to, hindi na ulit kita guguluhin."
Nabitin sa ere ang kamay ko nang walang sabi-sabi niyang kunuha ang tumbler.
Binuksan niya ito at dinalawang lagok ang inumin.
He then closed the bottle and handed it back to me.
"Happy?" he sarcastically said.
He stood up on his feet then walk away.
Nakaawang lang ang labi ko habang pinapanood siya papalayo.
My lips slowly curved into a smile.
Jokes on you, Ridge Terrence. As if I really mean what I said.