Chapter II
***
MAAGA akong gumising ngayon dahil ang unang task ko raw sa kanya ay paglutuan ko siya ng breakfast bago kami pumasok sa campus. Kung hindi niya lang talaga hawak ang cellphone ko, hindi ako mag-eeffort na gumising ng maaga para pagsilbihan siya. Ano siya? Hello? Pagsilbihan niya sarili niya! Kaya lang wala naman akong magagawa dahil kapag hindi ko raw sinunod ang sasabihin niya, hindi niya na ibabalik sa akin ang cellphone ko.
At isa pa, hinamon ko rin siya sa larong tic tac toe kagabi dahil ayaw ko nga pumayag sa gusto niya. Wala kasi akong nakikitang sense sa gusto niya mangyari. Wala rin naman akong makukuhang kapalit maliban sa makuha ang cellphone ko sa pagsunod ko sa kanya kaya hinamon ko siya.
Ang sabi ko pa nga, papayag ako kapag nanalo siya, pero kapag ako naman ang nanalo, ibabalik na niya ang cellphone ko. Kaso ayun nga, ako mismo ang naghukay ng sarili kong libingan dahil natalo niya ako sa tic tac toe kahapon kaya heto ako ngayon at nagpapatulong magluto kay nanay ng agahan.
Ayokong aminin pero magaling siya sa paglalaro ng board games. Dapat pala hindi board game ang nilaro namin kahapon. Tss.
"Alam mo ban a sobrang nag-alala yang si Ryuu sa'yo kahapon?" sabi ni nanay habang nagluluto habang ako ay naghihiwa ng sibuyas at bawang.
"Naku nay, parang malabo naman po ata mangyari na magseselos iyong lalaking 'yon." Tinignan ako ni nanay at nagsalita. "Sa maniwala ka man o hindi, nag-alala iyon sa'yo kahapon kaya ganoon na lang kainit ang ulo no'n."
"Nay, alam niyo po ba kung bakit gano'n ang ugali niya?"
Kinuha niya sa akin ang hiniwa kong sibuyas at bawang bago inilagay sa mainit na kawali na may mantika. "Maraming pinagdaanan ang batang 'yan, Hannah. Isa ako sa mga nakasaksi ng pagbabago ng ugali niya sa bawat araw. Mabait siyang bata kaya lang nagbago siya dahil sa mga masasakit na pinagdaanan niya kaya ako na ang humihingi ng pasensya sa ugali na mayroon siya."
Si Nanay Laura ay matagal ng nagtatrabaho sa pamilya nila Gin. Ang alam ko ay dalaga pa lang siya, nagtatrabaho na siya rito bilang kasambahay kaya ganoon na lamang niya kakilala si Ryuu katulad ng sabi niya. Kaya rin siguro si Nanay Laura rin ang kinuha ni daddy na kasambahay para sa amin nang ikasal kami dahil alam niya ang ugali nito.
Kung tutuusin nga, masasabi kong malapit talaga si Ryuu kay nanay dahil sa kung paano niya ito patunguhan. Hindi man halata pero isa si nanay sa mga taong pinakikinggan niya at sinusunod niya.
"Hoy taba," rinig kong tawag niya sa akin nang pumasok siya sa kusina. Speaking of the devil.
Naiinis akong humarap sa kanya.
"Ano?" Itinuro naman niya ang pisngi niya dahilan para kunotan ko siya ng noo.
"Morning kiss ko?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano na naman baa ng nasinghot nitong si Ryuu at napaka-weird na naman. "Anong kiss na pinagsasabi mo dyan? Si Nanay Laura ang i-kiss mo," saad ko sa kanya bago inilagay ang mga plato sa lamesa.
I heard him 'tsk' kaya akala ko titigil na siya sa pantitrip niya sa akin nang bigla na lang niya ako halikan sa pisngi habang naglalagay ako ng plato sa lamesa.
"Ang bagal mo."
Napatulala ako sa ginawa niya. Parang hindi nagsink-in sa akin kaagad ang ginawa niya. Ano bang trip nitong si Ryuu? Bakit niya ako hinalikan?
"B-Bakit mo ako hinalikan?" Tumaas ang kilay niya sa akin na para bang mali ang itinanong ko sa kanya. "Nababaliw ka na ba talaga?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Eh bakit ka namumula?" nang-aasar na tanong niya sa akin. "H-Hindi nga ako sabi namumula!" sigaw ko sa kanya at saka bumalik na ulit sa kusina para dalhin pa iyong ibang kailangan sa lamesa.
"Hannah," tawag niya sa akin pagkatapos ko maghain ng pagkain sa mesa. Kakatapos lang namin ni nanay na magluto ng agahan naming tatlo.
"Oh?"
"Subuan mo ko," sabi niya sa akin at nagpa-cute pa. Inirapan ko siya dahil sa inis. "Huwag kang nagpapa-cute. Hindi bagay sa'yo. Para kang kapre na sinasapian kapag nakangiti," bwelta ko sa kanya at saka siya sinimangutan.
"Malabo na talaga ang mata mo. Napakagwapo ko kaya," nagyayabang na sabi niya. "Biglang lumakas ang hangin. Parang tatangayin ako bigla," sagot ko naman sa kanya.
Pinalamanan ko ang tinapay ng itlog na may mayonnaise at saka isinubo 'yon sa kanya.
"Ano ba? papatayin mo ba ko?" reklamo niya.
"Oo! Para ka kasing bata eh!" reklamo ko naman sa kanya. Nagsimula na naman kami mag-asaran ni Ryuu hanggang sa makaalis kami ng bahay. Kahit nga ang sasakyan ay hindi namin pinalampas sa mga walang kwenta naming asarang dalawa. Hindi talaga pwede matapos ang araw naming dalawa na hindi kami nagsisigawan at nag-aasaran.
Nakarating na kami sa campus lahat, kasama ko pa rin si Ryuu. Hindi pa siya pumupunta sa building niya kaya kinunotan ko siya ng noo. "Bakit ka sumusunod? Doon sa kabila ang Engineering Building diba?"
Tinignan naman niya ako at saka napailing bago ako inakbayan na siyang ikinagulat ko. "Ihahatid nga kita diba?"
Mabilis kong tinanggal ang pag-akbay niya sa akin dahil nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga estudyante. Mabuti na lang at ang alam nila ay pinsan koi tong si Ryuu at nasa iisa kaming bahay nakatira kung hindi lagot ako. Ayoko pa naman maranasan iyong mabully lalo na at maraming fans itong si Ryuu rito sa campus. Karamihan pa nga ng fans niya ay mga mean girls na akala ko sa totoong libro lang mayroon.
"Anong ihahatid na pinagsasabi mo riyan? Bumalik ka nga roon!" naiinis na saad ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin bago tumango at bumalik na dapat sa building niya. Nakita naman niya ang best friend kong si Sienna na naglalakad papunta sa akin.
"Anong meron sa inyo?" tanong ni Sienna sa akin.
"Wala!" sagot ko sa kanya at nagdabog papasok.
"Eh bakit ka galit?"
"Siya kasi eh!" naiinis na saad ko. Hindi ko kasi mawari kung anong mayroon sa kanya at naisipan niya pa ako ihatid dito. Kapa gang mga fans niya nakalahata kung anong totoong relasyon naming dalawa, patay siya sa akin!
"Ano ngang meron? Bakit may pahatid-hatid na siyang nalalaman sa'yo ngayon?"
"Aba malay! Baka nasapian na sya! Ang dami niyang pinapagawa sakin na mga weird na bagay!" sunod-sunod na saad ko sa kanya.
"Tulad ng?" tanong niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"T-Tulad ng..." Umiwas ako ng tingin nang makita ko si Sienna na nakatitig sa akin at tila hinihintay ang sagot ko.
Morning kiss.
"Ahh basta! Weird siya!" sagot ko na lang sa kanya. Ayokong sabihin kay Sienna iyong tungkol doon dahil ayokong mag-isip siya ng iba. At saka kami ni Ryuu? Parang ang labo-labo naman mangyari ng bagay na 'yon. Unang-una, halos parang aso't pusa kaming dalawa dahil palagi na lang kaming hindi nagkakasundo. Ultimo mga maliliit na bagay, pinag-aawayan pa naming dalawa. Pangalawa, pareho kaming may ibang gusto. Syempre hindi ako bulag at mas lalong hindi ako tanga. It's still obvious that he's still inlove with his ex.
Umuwi ako ng bahay na lutang. Ang dami pa rin kasing laman ng utak ko. Wala nga akong naintindihan sa mga klase na pinasukan naming dalawa hanggang sa makauwi ako eh. Pagod na pagod tuloy akong umuwi ng bahay. Hindi na nga ako kumain ng dinner at matutulog na lang kung hindi kumatok itong si Ryuu para sabihan ako na masahihin siya.
Inis ko siyang inirapan pero sa huli ay ginawa ko rin ang pinag-uutos niya dahil baka hindi ko na talaga makuha ang cellphone ko na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin.
"May tanong ako..." he said in a low voice.
"Ano?"
"Nagkaroon ka na ba ng first kiss?" Literal akong napanganga sa tanong niya. Medyo nailang din ako dahil wala pang nagtatanong sa akin ng ganyan. Siya pa lang ang unang nagtanong niyan sa akin.
"Wala pa. Bakit mo naman natanong?" I tried to sound casually pero halos mabingi na ako sa lakas ng kabog nang dibdib ko.
"Weh?"
"Oo nga.
"Kahit noong bago tayo ikasal?"
"Oo nga!" Hindi ko naranasan ang totoong halik kahit noong ikinasal kaming dalawa dahil hindi naman niya talaga ako hinalikan ng totoo.
"Kung bibigyan ka ulit ng pagkakataon na magpakasal, sinong papakasalan mo? Ako o iba na?"
Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan?"
"Basta sagutin mo na lang. Dami pang reklamo."
I heard him 'tsk' kaya napailing na lang ako. Huminga ako ng malalim at saka nagsalita. "Syempre ikaw. Kahit hindi naman tayo palaging nagkakasundo, mas gusto ko pa rin na ikaw ang pakasalan ko dahil kilala na kita at saka kumportable na ko sa'yo."
"So you're actually saying that you're choosing me than anyone else?" tanong niya ulit sa akin.
"Kung iyon ang gusto mong isipin, then fine." I rolled my eyes heavenward.
Tumayo na ako dahil tapos na siya magpamasahe nang hilahin naman niya ako papunta sa kama kaya napatili ako ng malakas. "What are you doing?"
"Sleep here." Ilang segundo bago nagproseso sa akin ang gusto niya mangyari. B-Bakit gusto niya ako bigla patulugin dito sa tabi niya? Nababaliw na ba siya? Saka bakit ang lapit ng mukha niya sa mukha ko?
"Ha?"
"Sleep here." Iminulat niya ng bahagya ang kanyang mata at saka muling ipinikit ang mata.
"S-Saan naman ako matutulog dito?" Inilagay niya ang kamay niya sa may tiyan ko at mas iniyakap pa ako sa kanya.
"Sleep beside me then."