Chapter III
***
HINDI AKO NAKATULOG. Kaya ngayon, mukha akong nalantang gulay pagkagising ko ng umaga. Idagdag pa ang katotohanan na nandito ako ngayon sa kwarto ni Ryuu natulog. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niya para patulugin ako rito sa tabi niya.
Isang beses pa lang ako nakakapasok sa kwarto niya. Iyong una ay hindi ko sinasadyang pasukin ang kwarto dahil inutusan ako ni nanay na tawagin siya kaso naliligo pala siya no’n. Tanda ko pa na may nabasag na picture frame na nagkalat sa sahig na lilinisin ko na sana kung hindi niya lang ako nakita. Sinigawan niya ako na huwag ko raw papakialaman ang gamit niya o papasok sa kwarto niya kaya galit na galit din ako sa kanya pagkatapos dahil hindi ko makuha kung bakit niya ako sinigawan.
Dahil nasa kuwarto lang naman niya ako, sinamantala ko na ang pagsipat sa paligid. He has a black queen size bed that has bed side table on each side. The interior walls are color blue that made the bedroom looked more manly. The study table is located at the right side of his bed. It has customized shelves where books, mini plants and albums of his favorite band are placed. Below of his bed are various paintings hanging while above that is the hanging white guitar. That guitar was very memorable for him because that was what he used in his first concert. On the left is his black wardrobe. Next to his wardrobe is a black door that I think is a bathroom door.
Napatingin ako kay Ryuu na kasalukuyan pa rin pikit ang mga mata at mahimbing na natutulog. Mukha siyang mabait kapag tulog pero napakasama naman ng ugali kapag gising. Hay. Makaalis na nga rito! Baka mamaya, maabutan pa ako ni Nanay Laura rito at kung ano pa ang isipin sa aming dalawa.
Tinanggal ko ng dahan-dahan ang kamay niyang nakadantay sa akin at uupo na sana kung hindi niya lang ako hinila pahiga ulit sa kama. Mabilis kong tinignan si Ryuu kung gising pa rin pero nanatili pa rin itong nakapikit. Kumunot ang noo ko. Gising ba ‘to?
“Hoy! Gising ka ba?”
Kumunot ang noo ko. Para na akong baliw dito. Bakit nga naman siya sasagot kung tulog siya? Pero para makasigurado ako na tulog nga siya, hinipan ko iyong tenga niya. Baka sakaling tumawa nang malakas at mabuking na gising siya. Gumalaw lang siya nang kaonti pero hindi man lang minulat ang mata. Napailing ako. Mas malala talaga itong lalaki na ‘to sa akin.
Parati niya akong inaasar na tulog mantika ako pero siya naman pala itong tulog-mantika. Ikalat ko kaya ang mga pictures niya sa mga fans niya sa school? Tapos bawat pasa ng picture, may bayad. Siguradong yayaman ako dahil lahat ng pictures na mayroon ako ay wala sa internet. Pero sigurado naman ako na kapag ginawa ko ‘yon ay mananagot ako. Hindi lang sa kanya kundi pati na rin kay Ms. Yui.
Hay makalayas na nga rito. Kung anu-ano na namang masasamang kalokohan ang naiisip ko. Tatayo na sana ulit ako nang mapatigil akong muli dahil bigla siyang nagsalita.
“I love you.”
Ilang beses ako napakurap sa sinabi niya. Mahina lang iyon pero rinig na rinig ng magkabila kong tenga. So I was right. He’s still in love with his ex-girlfriend. Ang alam ko ay naghiwalay sila nang malaman nito na ikakasal na siya sa akin. Katulad nga ng sabi ko, kaonti lang ang nakakaalam ang tungkol sa kasal naming dalawa at kabilang doon ang ex niya na actress din. Hindi ko rin alam ang pangalan ng ex niya dahil hiwalay na sila noong malaman ko na may girlfriend pala siya bago kami ikasal. Ayaw naman niya mag-open up sa tuwing nagtatanong ako.
Wala akong alam masyado sa mga past relationship niya pero sa tingin ko ay totoong mahal niya talaga iyong babae. I suddenly felt guilty because of their sudden break up. Ngayon ay alam ko na kung bakit ganoon na lang kagalit sa akin si Ryuu nang pumasok ako sa kwarto niya ng mga oras na ‘yon. Noong sinusubukan ko kasing ligpitin ang mga nabasag na bubog sa sahig ay may nakita rin akong letrato na punit-punit.
It must be her.
Hindi ko lang nagawang buoin ang letrato dahil nahuli na ako ni Ryuu pero alam kong siya iyon.
Hindi ko lang din kasi gets. Kung mahal pa rin naman niya iyong babae, bakit hindi na lang siya makipaghiwalay sa akin? I would gladly have signed the papers if he really wants it. Afterall, I didn’t want this too. Pareho lang kaming mahihirapan sa huli kung ipipilit namin dalawa ito.
Umiling ako at muling tumayo. Mabilis akong umalis sa kuwarto niya at bumalik na sa kwarto ko. Mabuti na lang at hindi napansin ni nanay na nanggaling ako sa kuwarto ni Ryuu dahil kakaalis lang niya papuntang palengke nang lumabas ako sa sarili kong kuwarto. I also saw my phone on my study table. Kung ganoon ay tapos na ang deal namin. May bonus pang key chain na kasama ang cellphone noong makita ko ito.
He’s nice naman pala kahit paano.
I should thank him for this.
“Nasaan si Nanay Laura?” tanong niya nang makababa na siya. Magulo pa ang buhok niya at halatang kagigising lang. He’s wearing a white sando and a blue boxer shorts.
“May pinuntahan lang saglit,” sagot ko habang isinasalang iyong niluluto kong ulam sa plato.
“Ano naman iyang iniluluto mo?”
“Ham Omelette at Hotdog” Dad forced me to enroll in a cooking class last summer. Hindi ko alam na may pag-gagamitan pala ako ng mga natutunan ko sa pagluluto.
“Masarap naman kaya ‘yan?” tanong niya. Nakita ko pang sinuri-suri niya ang niluto kong pagkain na para bang hindi iyon magpapakatiwalaan kainin. Tsk. Inis tuloy akong napairap at humarap sa kanya habang hawak ang sandok na pangprito.
“Eh di huwag kang kumain kung hindi masarap.”
Hindi niya ako pinansin at nagtungo na lang sa salas para buksan ang TV. Open area ang kusina at salas kaya kahit na nasa kusina ka, tanaw na tanaw mo ang malaking TV na nasa salas.
Natalie Escareal is now back on Metropolis after pursuing her career as an international actress. Her e—
“Oh bakit mo pinatay ang TV? Gusto ko malaman kung anong bagong project ni Ms. Natalie! Idol ko kaya siya!” sabi ko sa kanya at nagmamadaling agawin ang remote para buksan ang TV. Akala ko nga makikipag-agawan pa siya sa akin pero hindi niya ako pinansin at muling umakyat sa itaas.
Anong nangyari roon?
Naghain ako sa mesa pagkadating ni Nanay Laura at tinawag si Ryuu sa kanyang kuwarto. Nakailang katok ako bago niya nagawang buksan ang pinto.
“Kakain na.”
“Susunod na ako,” sabi niya at saka tumango sa akin. Akma na niya sanang isasarado ang pinto nang pigilan ko ito dahilan para kumunot ang noo niya.
“P-Pwede ka ba sa Saturday?”
“I don’t know. Why?”
“Y-Yayain sana kita na pumunta sa Amusement Park.” Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako na para bang alam niya na may gusto pa akong sabihin bukod doon. “It’s for my project. Kailangan ko kasi ng pictures.”
“You could find and download pictures on google.”
“No! Hindi pwede. Babagsak ako at saka gusto kong ikaw iyong model sa mga pictures na kukunin ko.”
Kailangan kasi may model sa bawat picture. Hindi ko alam kung bakit may ganoon pang nalalaman iyong professor namin sa Multimedia. Nakakastress kaya!
“Then ask your friend instead.” Mabilis naman akong umiling sa sagot niya. “May ibang pupuntahan si Sienna sa Saturday. Saka nakapili na siya ng lugar para sa project. Hindi rin kasi pwede na magkapareho.”
Hindi siya nagsalita. “Please. Pumayag ka na. I promise, nakadisguised ka para hindi ka pagkagaluhan ng mga fans mo roon.”
“Fine. In one condition.”
“Ano naman ‘yon?”
“I’ll consider this one as our first date.” Ilang beses ako napakurap sa sinabi niya. Ha? First date? Bakit?
Tumango na lang ako sa kanya dahil sa sobrang pagkadesperado ko na pumayag siya na maging model ko para sa project ko kahit na hindi ko pa rin gets bakit iko-consider niya as first date naming dalawa ‘yon.
“Okay. It’s a date then.”
“Ryuu!”
“Ano na naman?” I smiled at him with full of sincerity.
“Thank you!” Medyo napansin kong napatulala siya sa sinabi ko bago malakas na isinarado ang pinto. Ano na naman kanyang problema no’n?
Napasampal naman ako sa noo nang makalimutan ko kung bakit pala Amusement Park ang napili kong puntahan samantalang ang daming lugar dito sa Metropolis. Nandoon kasi si Keith noong araw na ‘yon. Balita ko ay may ibinigay din na ibang project na parang ganoon din sa mga senior students.
Pero siguro mabuti na rin na hindi ko sinabi sa kanya ang totoo dahil tiyak na hindi siya papayag. Magkukunwari na lang akong hindi ko alam na nandoon din siya kapag nagtanong si Ryuu.
Aish! Bahala na nga!