Chapter I

2930 Words
Chapter I *** "Hoy taba, kapag hindi ka pa gumising dyan, iiwanan kita!" rinig kong sigaw niya mula sa labas ng kuwarto ko habang malakas na kumakatok sa pinto. "Natutulog pa iyong tao eh," reklamo ko sa kanya. Nakakainis talaga ang lalakeng iyon! Aga-aga! Ang init ng ulo! Akala mo menopause na kung sumigaw! "Bahala ka!" sigaw niya at pagkatapos ay umalis na. Inis akong tumayo at inasikaso ang sarili. Pinaka-ayaw pa naman niya iyong nalilate at madalas ako ang may dahilan kung bakit iyon nangyayari kaya inis na inis siya sa akin. Ang bagal-bagal ko rae raw kasi kumilos. Para raw akong pagong. Tss. Pero kung siya, naiinis sa akin, mas inis ako sa kanya dahil sa ugali niya! Hindi ko nga alam kung anong naisipan ni daddy para makuha akong ipakasal sa lalaking kagaya niya! Samantalang para naman kaming aso't pusa kapag magkasama sa bahay. Hindi ko alam kung paano naisip ni daddy na darating ang araw na magkakasundo kaming dalawa. Nang matapos ko na ayusin ang sarili ko ay saka ako bumaba para kumain ng umagahan bago pumunta ng campus. "Ano? Wala ka na bang ibabagal? Ang taba mo na nga, ang bagal mo pa!" reklamo na naman niya. Saglit ko siyang pinasadahan ng tingin. Nakasuot siya ng uniform ngayon ng pang-engineering dahil iyon ang kursong kinuha niya. Kulay grey ang uniporme nila na long-sleeve at pants. Hindi man halata pero napakatalino nitong depungal na 'to. Inis akong napairap at sinimangutan siya. "Huwag mo nga ako tawaging taba! Hindi mo ba alam na pwede kita kasuhan sa pagtawag mo sa akin no'n?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Bakit hindi ba? Kapag nga kasama mo barkada mo, para kayong three little pigs, tapos ikaw ang pinakamalaki!" nang-aasar na sabi niya sa akin. Tumawa pa siya ng pagkalakas-lakas. "Saka walang maniniwala sa'yo kapag kinasuhan mo ko. Baka pagkamalan ka lang kasing baboy dahil sa katabaan mo." "Atleast hindi ako mukhang kapre sa katangkaran. Hindi katulad mo!" sigaw ko. Umismid lang siya sa sinabi ko. Nakakainis talaga tong lalake na to. Walang magawa sa buhay! Believe it or not, ganito kami lagi sa bahay. Nagsisigawan at nagiinisan. Iyong bang kulang na lang, magpatayan kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain dalawa, umalis na kami. Nagpaalam na rin kami kay Nanay Laura, iyong kasambahay namin. Hindi kasi sa bahay nakatira si daddy. Nasa ibang bansa siya kasama ni kuya at doon nakatira. Si mommy naman ay matagal ng patay. Namatay siya pagkatapos ako ipanganak kaya hindi ko na rin nakita ang mukha niya maliban sa mga pictures na ipinapakita sa akin ni daddy at ni kuya. Si daddy at si Tito Henry na daddy ni Ryuu ang magbest-friend kaya hindi na rin kataka-taka ang ganitong set-up naming dalawa. Si Tita Aliyah naman ay namatay sa sakit na cancer, apat na taon na ang nakakaraan. Simula nang mamatay si tita, hindi ko na rin nakita si Tito Henry. Kahit nga kasal namin ni Ryuu ay hindi ko siya nakitang pumunta o kamustahin kaming dalawa. Ang alam ko ay galit si Ryuu kay tito. Hindi ko na masyadong inalam ang bagay na iyon dahil pinakaayaw niya na inuungkat ang nangyari sa buhay niya. "Hoy Ryuu! Kung hinihintay mo kaya ako!" reklamo ko. Ang bilis niya kasi maglakad. "Ayoko nga." Tsk. Ang sungit talaga. Naghiwalay na kaming dalawa ni Ryuu ng daan. Engineering ang kursong kinuha niya kaya doon siya sa Gear Statue pupunta na nasa kaliwa. Samantalang ako sa may Computer Statue ako pupunta na nasa kanan dahil IT ang kursong kinuha ko. Nag-aaral kaming dalawa ni Ryuu sa Metropolitan College na kilala at matatagpuan dito sa Metropolis. Nasa huling taon na si Ryuu bilang college student habang ako ay sophomore naman. "Hannah!" sigaw niya. Agad naman siyang tumakbo papunta sa akin pagkalingon ko sa kanya. "Sienna!" Pareho kaming napatili sa isa't isa at nagbeso-beso sa gitna nitong hallway. Sa wakas makakasama ko na rin ang bestfriend ko. Buong bakasyon kasi silang wala dahil sa ibang bansa sila nagbakasyon nila tita nitong summer. "Kamusta?" tanong niya sa akin. Umiling ako at saka umirap. "As usual, badtrip na naman ako sa lalaking 'yon," naiinis kong sabi sa kanya. Kinuwento ko ang nangyari kaninang umaga. Wala nga siyang ginawa kundi ang mapailing. Alam kasi ni Minami kung gaano namin kaayaw ni Ryuu sa isa't isa. "The more you hate, the more you love nga diba?" natatawang kumento niya sa akin. "More hate, more war kamo sa aming dalawa." "Try to understand him a little bi more, Hannah. Kung iyon ay gusto mo talagang makasundo siya." Muli akong napailing. Paano ko siya maiintindihan kung ayaw niya mismo ipaintindi sa akin kung bakit siya nagkakagano'n? Sa tuwing gusto ko siya kausapin, babarahin niya ako at susungitan. Ang tendency, susungitan ko na rin siya at makikipagsagutan. Ang nakakainis pa, kahit na kasal kami. Wala akong kaalam-alam tungkol sa kanya bukod sa isa siyang famous celebrity. Yes. He is a celebrity singer. Kaya noong ikinasal kaming dalawa, napagdesisyunan ng manager niya na si Ms. Yui na isikreto ang relasyon naming dalawa for the sake of his fans. Napilitan pa nga kaming magsinungaling lalo na sa campus na magpinsan kami dahil iniiwasan nga namin na malaman nila ang totoong ugnayan naming dalawa. Iilang tao lang ang nakakaalam ng sikreto at kabilang na roon si Sienna dahil siya ang best friend ko. Habang naglalakad kaming dalawa ni Sienna papasok sa building, hindi ko maiwasan ang hindi matulala lalo na ng magsimula na magsitilian ang mga babaeng naglalakad din papasok kagaya naming dalawa. Hindi lang naman kasi si Ryuu ang tinitilian ng mga babae rito. Meron pang isa at walang iba kundi si Keith Alexander De Vera. He's my ultimate crush kaya ganoon na lang ako natulala. Kadarating niya lang at kasalukuyan din naglalakad. Siya rin ang president ng Computer Association Club ngayong taon habang si Ryuu naman ang sa Engineering. Pareho silang graduating student. Ang kaibahan lang nilang dalawa, ay celebrity si Ryuu habang siya ay hindi. "Hinay-hinay sa pagtulala," natatawang sabi ni Sienna sa akin. Binalewala ko ang sinabi ng kaibigan ko at mas binigyan ng pagkakataon ang sarili na titigan si Keith. As usual, gwapo pa rin siya sa araw-araw na ginawa ng diyos. Hindi na ata ako magsasawang sabihin sa utak ko na napakagwapo niya talaga. Ang inosente niyang ngiti na nakakapagpabilis nang t***k ng puso ko ang masasabi kong inspirasyon kung bakit ako nag-aaral ng mabuti. "Matunaw girl ha?" kumento ulit ni Sienna. Napailing na lang ako at sa huli ay natawa. Binalita sa akin ni Sienna na may live gig daw si Keith mamaya sa Venus kaya nagbalak kaming dalawa na pumunta roon pagkatapos ng klase. Hindi naman siguro magrireklamo sa akin si Ryuu dahil wala naman siyang pakialam sa ginagawa ko. At isa pa, hindi niya rin alam na si Keith ang crush ko. Wala rin akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon. Mabilis na natapos ang klase. Mas maaga sa sinabing schedule kami pinalabas ng professor namin ngayong araw kaya dumeretso na kaagad kami ni Sienna sa Grand Metropolis Mall para bumili ng pamalit. Hindi kasi kami makakapasok sa Venus kung mga nakauniporme pa kaming dalawa. Pagkatapos namin maghanap ng damit, nagpalit na kaagad kami at dumeretso na sa Venus. Saktong ala-siete ng gabi kami nakarating doon at hindi pa rin nagsisimula si Keith na kumanta. Mabilis kaming naghanap ng pwesto at umupo. "Good evening everyone. For almost four years, I've liked this girl but I couldn't tell her. So I will sing this song for her." Naghiyawan ang mga tao sa bar habang ako ay nakapirmeng nakatitig lang kay Keith. Kagaya ng alam ko kay Ryuu, kaonti lang din ang alam ko sa kanya. Etong pagkanta na ginagawa niya ay isa lang sa mga hobbies niya at paboritong gawin. Unang beses ko siyang narinig na kumanta sa Music Festival rito sa campus. First year ako no'n at doon ko siya unang naging crush. Sa loob din ng halos apat na taon na pag-aaral ko rito, kakaonti pa lang ang naging interaction naming dalawa. Hindi rin naman ako umaasa na makikilala niya ako. Watching him from a far is enough for me to be happy. Kung may kilala man akong tao na mas kilala siya, iyon ay walang iba kundi ang kaibigan kong si Sienna. Nagkataon kasi na iisa pala sila ng school na pinapasukan noong grade school hanggang sa mag-high school sila pareho. Kahit Kunwari Man Lang - Agsunta and Moira Dela Torre 'Sang lihim ang pagtingin sa'yo Sa tago lang ang pag-ibig ko Dahil sa lihim hinding hinding hindi ka lalayo Ngayon na may nagpapaligaya na Sa lihim na lang binaon ang luha Pinilit pilit pilit maging masaya Chorus: Kahit kunwari man lang Inamin lang sana'ng nararamdaman Kahit sandali man lang Sa 'yong mga ngiti ako'ng dahilan Kahit saglit man lang Sana sinabing ayokong kaibigan lang Kahit kunwari man lang Kahit kunwari man lang Pamilyar ang kanta sa akin kaya sumabay na rin ako habang nakapirme pa rin akong nakatitig sa kanya. Mga ngiti mo'y kaligayahan ko Lahat ng narating, pinagdiriwang ko Mga pangarap mo'y Unti-unti unting nabubuo Ngayon ko lang napansin ang suot niyang polo-shirt na kulay puti na tinernuhan niya ng itim na pantalon. He's wearing his usual bracelet na may krus sa gitna. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang suot niyang kwintas. Iyon ang regalo ko sa kanya noong nakaraang Christmas Party. Hindi koi yon binigay ng direkta sa kanya dahil inilagay koi yon mismo sa locker niya habang may klase siya. Nagpatulong pa nga ako kay Sienna no'n eh. Sa bawat pag-angat Nasa likod lang ako Ngunit ngayon sa tuktok nito Hindi pala ako ang katabi mo "Hindi ba iyon ang kwintas na regalo mo sa kanya?" turo ni Sienna sa kanya. Dahan-dahana akong tumango habang nakangiti. Pakiramdam ko tuloy ay nasa ulap ako ngayon sa sobrang saya na nararamdaman ko. Atleast, he liked the necklace that I gave him. Chorus: Kahit kunwari man lang Inamin lang sana'ng nararamdaman Kahit sandali man lang Sa'yong mga ngiti ako'ng dahilan Kahit saglit man lang Sana sinabing ayokong kaibigan lang Kahit kunwari man lang Kahit kunwari man lang Bridge: Nais ko sanang sabihin Mahal kita 'yan ang pagturing Ngunit 'di higit pa sa kaibigan 'Di naman kita sinasadyang masaktan Tadhana'y 'di naman kayang pigilan Paalam kaibigan, hanggang dito na lang Chorus: Kahit kunwari man lang Inamin lang sana'ng nararamdaman Kahit sandali man lang Sa 'yong mga ngiti ako'ng dahilan "Wait lang ghorl ha. Labas lang ako. Tumatawag sa akin si Mommy," paalam niya sa akin na ikinatango ko. Nagmamadali naman siyang lumabas ng bar para sagutin ang tawag ni tita. Kahit kunwari man lang Inamin lang sana'ng nararamdaman Kahit sandali man lang Sa 'yong mga ngiti ako'ng dahilan Kahit saglit man lang Sana sinabing ayokong kaibigan lang (Kailangan sabihin ika'y kaibigan lang) Kahit kunwari man lang ('Di maaari) Kahit kunwari man lang Natapos na ang kanta pero hindi pa rin bumabalik si Sienna. Hindi naman ako pwede magpagabi dahil siguradong bubugahan ako ng apoy ni Ryuu pag-uwi ko sa bahay mamaya. Wala tuloy akong choice kundi hanapin si Sienna sa paligid ng Venus. Nakailang-akyat-baba na ako dahil may second floor itong Venus pero hindi ko pa rin nakikita si Sienna. Nakailang balik na rin ako sa parking lot at sa harap nitong bar pero wala siya roon. Nalobat pa ako kaya hindi ko rin siya magawang tawagan. Hay. Nasaan na ba kasi ang babaeng 'yon? Bababa na sana ako dahil nasa second floor ako ngayon nang makabunggo ako. Nakailang hingi tuloy ako ng sorry sa nabangga ko. Pinulot ko pa iyong mga papel na nalaglag dahil may hawak siyang gitara. Nang mapulot koi yon lahat ay saka ko inangat ang tingin ko sa kanya para maibigay ang mga papel na nalaglag sa sahig. Pero kasabay ng pag-angat ng tingin ko ang pagtigil ng puso ko. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakatawang isipin pero nastar-struck pa rin ako sa kanya kahit na araw-araw ko naman siyang nakikita. "S-Sorry..." mahinang sabi ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na parang tila nagulat na nakita ako rito at pagkatapos ay ngumiti. "You are Hannah right?" Nanlaki ulit ang mata ko nang maalala niya ako. Hindi na naman tuloy ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na alam niya ang pangalan ko. s**t s**t. "I saw you with Sienna. Hinahanap mo ba siya?" Tumango ako. May sasabihin pa dapat siya nang marinig ko ang boses ni Sienna na ngayon ay naglalakad papalapit sa aming dalawa habang may malalaking ngiti sa labi. Palihim ko siyang nilakihan ng mata at pagkatapos ay umiling. "Sienna! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap!" bulong ko sa kanya. "Nandyan lang ako sa tabi-tabi. Ang tagal kasi ibaba ni Mommy iyong tawag. Pasensya ka na. At saka nagkaroon din naman kayo ng solo moment nitong si Keith oh." Tumingin siya kay Keith at nilapitan ito. "Keith! Can I ask you a favor?" Dahan-dahan naman siyang tumango. Itinulak naman ako ng magaling kong kaibigan papunta kay Keith. "Pwede mo ba siya ihatid para sa akin? Hindi ko na siya maihahatid dahil may emergency akong kinakailangan gawin." "Sur— "Naku! Hindi na! Kaya ko na umuwi mag-isa!" mabilis kong sagot sa kanilang dalawa. Hindi nakinig sa akin ang dalawa kaya sa huli ay hinatid nga ako ni Keith mismo sa bahay pagkatapos umalis ni Sienna sa bar. Sobrang awkward nga noong atmosphere but I will treasure this very short moment with him. Medyo nagkausap din kaming dalawa habang nasa loob kami ng sasakyan. "Keith... salamat pala sa paghatid sa akin ah?" sabi ko nang bumaba na ako sa sasakyan niya. Nasa tapat na kasi kami ng bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagpasalamat sa ginawa niyang paghatid sa akin. "Wala 'yon. Malapit lang din naman ako rito. Next subdivision lang." Napatango-tango ako sa sinabi niya. May sasabihin pa dapat ako nang marinig ko ang pagtikhim ng pamilyar na lalaki sa tapat ng bahay. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapairap. "Hinatid ko lang," sagot niya kay Ryuu na kasalukuyang nakatingin sa amin ngayon. Tipid naman siyang tumango at hindi nagsalita. Naglakad na ako papuntang gate at papasok na sana sa loob dahil nauna ng pumasok si Ryuu nang tawagin ni Keith ang pangalan ko. "Good night." I stared at him for a few minutes. Nakita ko pa siyang ngumiti bago pumasok sa loob ng sasakyan at umalis. Sht! Nag-good night siya sa akin! Pumasok na ako sa loob ng bahay habang nakangiti. Pero pagkapasok ko naman, isang nakasimangot na Ryuu ang sumalubong sa akin. "Alam mo ba kung anong oras na?" "Alas-diyes," walang gana kong sagot sa kanya. Galing niya talaga manira ng araw eh. Tss. "Alam mo bang may mga taong nag-aalala sayo sa bahay? Sana naman nakukuha mong magpaalam kung gagabihin ka! Hindi iyong pinagmumuka mo kong tanga rito sa pag-aalala! Tapos kasama mo pa ang Keith na 'yon! At sana naman sagutin mo yung mga tawag para malaman kung nasaan ka!" sunod-sunod niyang sabi sa akin. Kitang-kita ang galit sa mukha niya na parang hindi talaga nagustuhan ang ginawa ko. "Palagi naman akong ginagabi ng uwi," mahina kong saad sa kanya. Lalo lang tuloy sumama ang tingin niya sa akin. Ano ba talaga ang ikinapuputok ng butsi nito? "Bakit nga pala kasama mo ang lalaking 'yon?" naiirita niyang tanong sa akin. Ilang beses ko na napapansin ang tono ng pananalita niya pero pilit kong binabalewala iyon. Bakit ba inis na inis ang lalaking ito kapag kasama ko si Keith? "Siya naghatid sa akin. Ano nga bang pakialam mo kung kasama ko siya?" "You're my wife." Tumawa ako at pagkatapos ay umiling-iling. "Hindi bagay sayo maging possessive, kapre. At saka mag-asawa lang tayo sa papel kaya huwag ka magpanggap na parang may pakialam ka kung bakit siya ang kasama ko," mahabang litanya ko sa kanya at pagkatapos ay naglakad na papunta sa itaas. Pero hindi pa man ako nakakapunta sa itaas nang harangin niya ako sa hagdan. "Ano bang ginagawa mo?" "Give me your phone." "Why wou— "Ibalik mo sakin ang cellphone ko!" sigaw ko nang hablutin niya ang cellphone mula sa akin. Ano ba talagang problema nitong lalaking 'to? Nakadroga ata 'to eh! "Hindi ko ibabalik ang cellphone mo hangga't hindi mo ginagawa ang lahat ng sasabihin ko simula bukas." "Ha? Nakadroga ka ba? Nababaliw ka na ba talaga? Ibalik mo sakin ang cellphone ko sabi!" sigaw ko sa kanya. Matigas ang ulo niya kaya wala akong nagawa kundi ang makipag-agawan ng cellphone sa kanya sa hagdan hanggang sa dumating si Nanay Laura. Ang hirap kunin sa kanya ng cellphone ko dahil mas matangkad siya sa akin. Mahaba rin ang braso niya kaya nahihirapan akong abutin. Kapag nagpumilit ako, siguradong sa sahig ang bagsak namin dalawa. "Jusko! Ano bang ginagawa niyong mga bata kayo?" tanong niya sa amin. "Bumaba nga kayong dalawa riyan at baka mahulog pa kayong dalawa." "Siya kasi Nanay eh!" turo ko kay Ryuu na inirapan lang ako. Hindi ko na nakuha ang cellphone ko sa kanya dahil inawat na kami ni nanay. "Basta ibabalik ko lang ang cellphone mo kapag sinunod mo lahat ang sasabihin ko. Take it or leave it Hannah." "Fine! Ako pa hinamon mong kapre ka!" sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD