Chapter IV
***
“Ano? Pumayag naman ba siya?” tanong ni Sienna sa akin. Mabilis akong tumango.
KASALUKUYAN KAMING nandito sa caf at kumakain ng lunch. Wala si Ryuu ngayon sa campus dahil may photoshoot siya sa isang magazine ngayong araw. As usual, he’s excuse to all activities on his subjects for today. Ang alam ko ay isang araw lang iyon kaya uuwi na rin siya sa bahay mamaya at papasok na ulit sa campus bukas.
As usual, maingay ang cafeteria. Hindi ko na kailangan pang malaman kung anu-ano ang pinag-uusapan nila dahil sa halos dalawang taon kong nandito ay bukod sa mga professor na pinoproblema ng mga estudyante, palaging si Ryuu at ang activities niya ang pinag-uusapan.
Mukhang alam na alam nila na ngayon ang photoshoot niya sa Elle’s Magazine kaya excited ang lahat. Maliban sa akin siyempre. Magla-live rin kasi siya mamaya sa Metrolive kaya hindi sila mapakali dahil mamayang alas-cuatro iyon nang hapon. Doon sa live na ‘yon sasabihin ang mga activities niya ngayong buwan.
“Anong sabi?”
“Sabi niya, sasamahan niya ako kapag pumayag ako sa gusto niyang i-consider as date naming dalawa ‘yon.”
Kumunot ang noo niya sa akin at tila napaisip. Kahit ako ay napaisip din sa gusto mangyari ni Ryuu. Lunes na ngayon at noong sabado pa niya iyon sinabi sa akin pero hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung bakit iyon ang gusto niya. Gusto ko siyang diretsahin kung bakit niya iyon sinabi. Kaya lang ayokong isipin niya na masyado akong affected doon sa date na ‘yon. Knowing him, aasarin niya lang ako hanggang sa mainis ako sa kanya.
“Wait. Bakit gusto niya i-consider iyon as date?” Nagkibit-balikat ako dahil kahit ako ay wala pa rin ideya. “Anong meron?”
“Aba malay. Pumayag nga lang ako sa gusto niya kahit na ang labo pa rin sa akin no’n.”
Kinuwento ko rin sa kanya iyong pagtulog ko sa kwarto niya noong gabing ‘yon minus the part na sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa pagkagising ko. Ayokong isipin ni Sienna na may namamagitan sa aming dalawa kaya hindi ko na iyon sinabi. Sinabi ko rin iyong sinabi niya habang tulog siya.
“So you’re saying that he’s still inlove with his ex-girlfriend pero pinatulog ka niya sa tabi niya?” tanong niya ulit na ikinatango kong muli. Tinignan ko ng mabuti ang kaibigan ko. Parang may iniisip siyang hindi ko lang matukoy kung ano. Sana lang ay hindi kahindig-hindig balahibo ang iniisip niya.
“Eh teka, maiba tayo. Alam ba niya na nandoon din si Keith sa amusement park sa sabado?” Dahan-dahan akong umiling sa kanya. Para sa akin kasi, hindi na niya kailangan pang malaman ang tungkol doon. Baka imbes na pumayag siya na samahan ako, hindi na lang.
“Hindi mo sinabi?”
“Hindi.” Ininom ko ang tubig na nasa baso at saka tumingin nang diretso kay Sienna. “He doesn’t have to know. Baka magalit lang iyon. Alam mo naman ‘yon.”
Hindi nagsalita si Sienna sa akin pero ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya na para bang inoobserbahan ang bawat kilos ko. This is what I don’t like about her. She’s observing and thinking too much. Minsan nga parang pinaparating niya na may gusto si Ryuu sa akin pero hindi niya lang sinasabi na para sa akin ay talagang hindi kapani-paniwala.
May itatanong dapat ako kay Sienna nang makareceive ako ng text.
0995-xxx-xxxx
Hi.
Ako: Sino po sila?
0995-xxx-xxxx
Your soulmate.
Kumunot ang noo ko sa text niya. Sino ba ito? Malabong si Ryuu ‘to dahil hindi naman siya ganito magtext. At saka iba ang personal number niya. Ako lang ang nakakaalam no’n pati na rin si Ms. Yui na manager niya.
Hindi na ako nagreply sa kanya at tinapos na lang ang pagkain ng lunch bago bumalik sa classroom. Habang naglalakad kaming dalawa ni Sienna pabalik sa classroom, sumakto naman na nakita rin namin si Keith na naglalakad.
Muli na naman bumagal ang paligid ko nang magtama ang tinginan namin sa isa’t isa. He’s smiling from ear to ear na para bang para sa akin lang ang mga ngiting ‘yon. Nakita ko rin siyang kumakaway sa mga kaklala niyang estudyante.
“Hello.”
Napatulala ako nang mag-hello siya sa akin. Ilang beses ako siniko ni Sienna dahil hindi kaagad naproseso ng utak ko ang nangyari.
I smiled at him awkwardly. “H-Hello rin.”
Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ay nilampasan na kaming dalawa. Noong makaalis na siya ay saka kami napaimpit ng tili sa hallway. Napatigil lang kami sa pagtili nang makita namin si Ms. Valencia sa harap namin na seryosong nakatingin sa amin.
DUMATING ANG HAPON kaya nagmadali akong magtungo sa Library dahil may research paper kaming kailangan ipasa kinabukasan. Hindi ko kasama si Sienna dahil may practice siya sa drama club ngayong hapon kaya ang sabi niya ay pag-uwi na lang ng bahay niya gagawin ang mga kailangan ipasa bukas.
May ilang oras pa bago ako sunduin ng driver namin na si Kuya Mando kaya susulitin ko na ang oras sa library para gawin ang mga dapat gawin. Hindi ko na kasi magagawa ang mga assignments ko kapag nakauwi na ako sa bahay dahil sa dami ng distractions sa tuwing nagko-concentrate ako. Ayoko rin naman magpuyat kaya iyong iba ay ginagawa ko na rito sa school.
Sa pagmamadali kong pagpunta sa library, hindi ko sinasadyang mabangga ang nakasalubong ko at mahulog sa hagdan.
Impit akong napatili at napahawak sa balakang. Kaagad naman akong pinuntahan noong tao na nakabanggaan ko sa hagdan.
“Miss, okay ka lang?” tanong noong nakabunggo sa akin.
“Kaya mo ba tumayo?” Sinubukan niya akong itayo pero sumakit ang kaliwa kong paa. Mabilis akong umiling sa kanya at itinuro ang paa kong nabali ata galing sa pagkakahulog.
“Hannah!” sigaw ni Keith nang makita ako na nasa sahig at ngumingiwi sa sakit ng paa. “What happened?”
“Nabangga ko siya kaya nahulog siya sa hagdan. Mukhang nasprain iyong paa niya,” sabi noong lalaki na nakabunggo sa akin. Hindi naman nagdalawang isip si Keith na buhatin ako at dalhin sa clinic.
Halos pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na ang mga fans ni Keith nang makita nila ako na buhat-buhat niya na parang bagong kasal pero wala siyang pakialam doon.
Magiging makasarili ba ako kung sasabihin ko na huwag na lang kaming pumunta ng clinic para manatili ako sa bisig niya ng ganito kalapit? Wala nga akong marinig bukod sa malakas na t***k ng puso ko. Wala na rin ikasasaya ang puso ko dahil nalaman kong nag-aalala pala siya sa akin. Pero hindi ko iyon sasabihin ng diretso sa kanya dahil tiyak na lalayo lang siya sa akin. Sino nga ba naman ako para magustuhan ng isang tulad niya?
Nang makapasok kami sa loob ng clinic ay kaagad niya akong ibinaba sa kama ng dahan-dahan. “May masakit pa ba bukod sa kaliwa mong paa?”
Umiling ako.
“Okay. Dito ka lang. Tatawagin ko lang si Nurse Joy.”
Hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na ito para hanapin si Ms. Joy na siyang nurse nitong campus. Wala kasing tao sa clinic nang dumating kami.
Maya-maya pa ay bumalik na si Keith pero hindi niya pa rin kasama ang nurse. “May inaayos lang si nurse saglit sa guidance office pero parating na ‘yon.”
Kumuha siya ng ice pack sa loob ng maliit na ref dito sa clinic at inilagay sa paa ko. Lumuhod pa nga siya sa harap ko para mas maayos na malagyan ng ice pack. “She told me to put cold compress on your sprained ankle para hindi mamaga.”
Hindi ako nagsalita. Sinamantala ko ang pagkakataon na mas titigan siya ng malapitan habang hindi nakatingin sa akin.
“Hannah.”
Tumingin siya sa akin kaya nagkalapit ang mukha naming dalawa. Sa sobrang gulat ko, hindi kaagad ako nakakilos. Idagdag pa ang katotohanang nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
“Y-Yes?” nauutal kong tanong sa kanya. Halos hindi magkandamayaw ang puso ko lalo na at ramdam ko ang paghinga niya sa mukha ko.
“Do you like someone?” tanong niya habang nakatitig sa akin.
Ilang beses ako napakurap sa tanong niya habang nararamdaman ang pag-iinit ng aking mukha dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Parang hindi magsink-in sa utak ko iyong tanong niya dahilan para hindi ako makasagot. Pakiramdam ko pa nga ay matutunaw ako dahil sa kung paano niya ako titigan. Pero maiba tayo, bakit siya nagtatanong tungkol doon? Nalaman na ba niya na siya ang gusto ko? Sobrang halata ko na ba?
Umiling siya at mahinang tumawa na nag-ala musika sa aking tenga pero kalaunan ay tumango rin ako sa tanong niya habang nakangiti. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko iyong totoo na may gusto ako. Wala pa rin naman siyang binabanggit kaya ibig sabihin hindi pa niya alam na siya mismo ang tinutukoy ko.
May sasabihin pa dapat ako nang biglang bumukas ang pinto ng clinic at iniluwa si Ms. Joy at Ryuu na siyang nakatingin sa akin ngayon ng mariin habang nakasimangot ang mukha.
Anong ginagawa niya rito?