Chapter V

2017 Words
Chapter V *** “Bakit mo kasama ang De Vera na ‘yon?” tanong niya sa akin nang sabay kami umuwi ng bahay. TINAWAGAN ng nurse si Kuya Mando para sabihan na mapapaaga ang sundo niya dahil nagka-sprain ang paa ko. Sumakto rin naman na kasama ni Ms. Joy si Ryuu na kakarating lang galing sa kanyang photoshoot nang ibalita nito ang nangyari sa akin. Buong akala ko ay hindi na siya papasok dahil iyon talaga ang alam kong schedule niya. Pero bigla na lamang siyang lumitaw na parang kabute rito sa loob ng campus at nasaktuhan kami ni Keith na magkasama. Inalalayan niya ako papunta sa kwarto dahil nahihirapan pa akong umakyat ng hagdanan dahil may pilay ako. Halos mataranta nga si Nanay Laura nang makita niya ang nangyari sa paa ko. Umupo ako sa kama at humiga pagkahatid sa akin ni Ryuu. Pero ang walanghiya, hindi pa rin umaalis sa kwarto ko. “You’re still not answering my question.” Hindi ko mapigilan ang hindi mapairap. “Hindi ka ba nakikinig sa kwento ko kay Kuya Mando kanina? Hindi ba ang sabi ko ay nakita nga lang ako ni Keith sa may hagdanan kaya mabilis niya akong dinala sa clinic matapos niyang malaman na nahulog ako at nagka-sprain sa paa.” Ikinuwento ko kasi kay Kuya Mando ang lahat kanina habang nasa sasakyan kami dahil isa si Kuya Mando sa mga taong pinagkakatiwalaan ni daddy para alagaan ako. Ayoko rin naman mapahamak si kuya dahil matagal na rin naman na siyang nagtatrabaho sa amin. “Bakit nakita ko kayo sa ganoong ayos kung ganoon?” tanong niya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon at saka siya tinignan ng mabuti. Nakaupo siya ngayon sa upuan ng desk ko habang mariing nakatitig sa akin. “He’s helping me. Inutusan siya ng nurse na lagyan ako ng cold compress sa paa para hindi mamaga. Nagmagandang loob lang iyong tao," paliwanag ko sa kanya. Mukha siyang imbestigador ngayon sa itsura niya at sa kung paano niya ako tanungin. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa utak niya at tanong siya ng tanong. "At saka huwag kang umupo sa desk ko. Masira mo mga gamit ko dyan," sita ko sa kanya. Kinuha naman niya ang upuan na ginagamit ko sa study table ko at umupo nang paharap sa akin. “Why didn’t you call me then?” tanong niya habang titig na titig sa mukha ko. Hindi tuloy ako nakasagot. His question caught me offguard. Wala rin akong maisip na dahilan kung bakit hindi ko siya nagawang tawagan kahit nasa akin naman ang cellphone ko. Bakit nga ba hindi ko siya tinawagan kanina? “Kasi… uh…” “You’re my wife. I should be the one who’s taking care of you.” Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Halatang seryoso siya sa sinasabi niya dahil nakatingin lang siya sa akin ng diretso at hindi man lang nakuhang umiwas ng tingin. “I made a promise to your father that I will take care of you.” Hindi ako nagsalita kasi ano baa ng dapat sabihin ko? At saka iisa lang ang katanungan na nasa isip ko ngayon. “Teka nga, bakit ba ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko? Bakit ka nasa school kanina at lumitaw na parang kabute? Eh diba may photoshoot ka?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Para kasing biglaan iyong pag-alis niya sa photoshoot nang makita ko siya kanina sa clinic dahil sa itsura niya. “K-Kasi… basta! Huwag mo na nga tanungin ang bagay na ‘yon!” naiinis niyang saad sa akin bago muling isinandal ang baba sa may ulunan ng upuan. “Why did you marry me in the first place?” tanong ko. Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ako ng tanong na iyon. Bukod sa alam kong arrange marriage ang nangyari sa aming dalawa ay pumayag din siya sa gusto ni daddy noon na talagang nagpagulo sa utak ko. Umalis siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumingala sa kanya. “What do you think?” “You’re inlove with someone else. Hindi ko gets kung bakit nakuha mong magpakasal sa akin kahit na alam natin pareho na mahal mo iyong babae. I didn’t know her name but I can see on your eyes how much you love her.” Pinitik naman niya ang noo ko kaya napaaray ako. “Things changed, Hannah.” Things changed? Kung ganoon, sinasabi ba niya na hindi na niya mahal ang ex niya? Pero hindi ako naniniwala. He can lie to himself but not on his heart. At saka iyong pagsabi niya ng mahal kita noong tulog siya, alam ko na para sa ex niya iyon. Teka. Ano ba kasing pangalan ng ex niya? Bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ‘yon? Tss. Lumayo siya sa akin ng bahagya at muli akong tinitigan. Nakatingala na naman ako sa kanya habang lalong naguluhan sa kanyang sagot. “A-Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Muli niya akong tinitigan na para bang binabasa ang tumatakbo sa isipan ko. Kinabahan naman ako nang umalpas ang nakakalokong ngisi sa kanyang manipis na labi. Yumuko siya sa akin na siyang ikinagulat ko at inilapit ang mukha sa akin nang tuluyan. “It’s for me to know and for you to find out,” sabi niya bago magtungo sa may pintuan at lumabas. GALING AKONG COMPUTER LAB dahil may pinaayos si Sir Louie sa akin. Hindi ko ulit kasama si Sienna dahil may inaasikaso siya sa drama club ngayong araw. Malapit na kasi ang school festival at isa ang drama club sa magpeperform para sa araw na ‘yon. Tahimik akong naglalakad sa hallway nang harangan ako ng limang babae. Sobrang kilala ko sila dahil sila iyong mga fan girls ni Ryuu rito sa campus. Nagtayo pa nga sila ng sariling club na dedicated lang para kay Ryuu. Sobrang kalat din nila sa mga social media. Pero teka, bakit ba sila nandito? Sinubukan ko silang iwasan pero iyong leader nila na Jenny ang pangalan eh hinarang ako at hinawakan pa ako sa kamay. Ngumiti ako ng tipid sa kanila nang mapansin ko na hindi ko gusto ang mga tingin nila sa akin. “Aray!” daing ko nang itulak nila ako papunta sa loob ng cr. Napasalampak ako sa sahig. “Sigurado ka ba Jenny dito? Pinsan niya si Ryuu!” sabi naman noong isa. “Anong pakialam ko kung pinsan siya ni Ryuu? Wala pa rin siyang karapatan na lapitan si Keith! As if naman na concern talaga si Keith sa kanya. For sure, nagkunwari lang siya na may pilay kaya siya binuhat papuntang clinic!” Kung ganoon ay sila din iyong nanira ng gamit ko sa locker matapos mangyari ang insidenteng ‘yon. Sila lang naman ang gagawa no’n at wala ng iba. Ayaw na ayaw nila na may lumalapit kay Keith o kay Ryuu dahil para sa kanila, wala na pang mas magiging deserving pa sa kanila para roon sa dalawa. If they only knew, Ryuu is still inlove with his ex-girlfriend, habang si Keith naman… may gusto nang iba. Sigurado akong masasaktan sila kapag nalaman nila ‘yon. “Paano kapag nagsumbong ‘yan?” tanong naman noong isa. Sumbong? Anong makukuha ko kapag nagsumbong ako? Para naman makokontrol nila ang ugali ng mga estudyanteng ganito kapag nagsumbong ako. Hindi sapat ang suspension at pangangaral ng guro para magbago ang estudyante. Dapat ay nasa estudyante mismo ang pagbabago na gusto nila at hindi dahil sa sinasabi ng iba. . “Ha! Subukan niya lang! Kundi lalo siyang mananagot sa atin!” nanggagalaiting sabi ni Jennie sa akin at pagkatapos ay umalis na sa loob ng cr. Sinubukan kong tumayo pero nahirapan ako. Ang dumi pa ng uniform ko. Paano na ako makakapasok nito sa next class ko? Wala pa naman akong ekstrang uniform na dala dahil hindi ko naman akalain na may mangyayari pala na ganito pagkatapos ng tatlong araw kong pahinga sa bahay dahil sa sprain ko. Tumingala ako para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi naman kasi ako dapat umiiyak pero talagang sobra na sila. Hindi lang ako lumalaban pero minsan ay nakakabwisit na iyong mga ganito. Akala ba nila ay porket ganito ako, okay lang sa akin ang ginagawa nila? Gusto ko rin gumanti pero mas pinipili kong manahimik dahil minsan may mga laban na hindi mo kailangan pagtuunan ng pansin lalo na at walang kwenta. Hindi ko nga rin lubos maisip kung bakit ganoon sila. Tingin ba nila, matutuwa ang dalawang ‘yon kapag nalaman nila na may mga fans silang ganoon? Malamang sa malamang ay hindi pero as if naman na makikinig sila sa akin kahit sabihin ko ‘yon. Lumabas ako na marumi ang uniporme. Sumakto naman na nakita ako ni Ryuu. Anong ginagawa niya rito? Mabilis niya akong pinuntahan at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay malalaman niya kung sino ang may gawa nito sa akin kahit na alam kong wala siyang ideya sa mga fans na mayroon siya. “Hannah,” saglit ko siyang nilingon pero hindi ako umimik. Nilampasan ko siya pero nagawa niyang hawakan ang kamay ko. “Ano ba?” naiinis na tanong ko. Kinakailangan ko pa maghiram kay Sienna ng ekstrang uniform. Sasabihin ko na lang na nadulas ako kaya marumi itong uniform ko ngayon. Inalis ko ang kamay niya sa kamay ko pero bago ko pa magawa iyon ay tuluyan na niya akong hinila at yinakap. Parang may kung anong humaplos sa puso ko sa ginawa niya kung kaya’t tuluyan na akong napaiyak sa bisig niya. Dinala ako ni Ryuu sa clinic dahil nilalagnat daw ako. Idagdag mo pa ang mga sugat na natamo ko kanina sa mga fan girls niya. Nakailang tanong na rin siya kung sino ang gumawa nito sa akin pero pilit kong ginigiit sa kanya na nadulas lang talaga ako para walang gulo. Ayoko rin naman siyang magalit kela Jenny dahil alam ko kung gaano kahalaga ang mga fans niya sa kanya. "Sino ba talaga may gumawa nito sa'yo?" tanong niya ulit sa akin. "Nadulas nga lang ako sa banyo. Ang kulit mo." "Kahit alam kong lampa ka, walang nakukuhang ganyan kadaming galos at sugat sa braso pati na rin sa mukha kung nadulas ka lang talaga," giit niya sa akin. Ayaw niya talaga magpatalo at sakyan ang dinadahilan ko sa kanya. Kung sabagay, sino ba naman ang maniniwala sa dahilan kong iyon? Kahit siguro bata ay hindi ko maloloko. "Bakit mo ba kasi inaalam eh wala nga," muling giit ko sa kanya. Wala akong sasabihin. Hindi sa pinoprotektahan ko ang mga fans niya, ang sa akin lang ay sayang lang sa oras kung pagtutuunan pa niya ito ng pansin. Dapat ay alam niya na may mga ganito talagang fans sa kahit anong fandom. "Wala lang. Gusto ko lang malaman. Masama na ba 'yon?" tanong niya sa akin. Sinimangutan ko lang siya at hindi na nagtangka pang sumagot. Alam kong kahit anong palusot ko ay babarahin niya lang ako. “Ok na ba pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. Iniwan niya ako rito sa clinic pansamantala dahil may klase siya kaya kinakailangan pa niyang umattend ng klase bago bumalik dito. Nagpahinga din muna ako dahil nahihilo ako kanina pa. “Oo, " mabilis na sagot ko sa kanya. May itatanong pa dapat si Ryuu sa akin nang bumukas ang pinto at iniluwa si Sienna. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala nang pumasok siya sa clinic pero kaagad din nawala iyon nang makita niya kaming dalawa ni Ryuu na magkasama. Nagpalipat-lipat ang tingin niyang dalawa sa amin. “Ako ang nagdala sa kanya rito. Okay na?” naiinis na sagot ni Ryuu sa kanya na ikinahalakhak ni Sienna. Hindi ko na naman makuhang sundan ang usapan nilang dalawa. “Wala akong sinabi, " natatawang tanggi ni Sienna. Nakita ko pa itong ngumiti sa aming dalawa ni Ryuu na para bang may iniisip. Marahil iba na naman ang tumatakbo sa isip niya kaya ganoon. “Tss.” Tumayo siya at pumunta na sa may pinto. “Oh? Aalis ka na?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at saka inilipat ang tingin kay Sienna bago tuluyang sumagot. “May pupuntahan lang ako,” malamig niyang saad at saka maangas na lumabas ng clinic. Saan naman kaya pupunta ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD