Chapter VI *** Dumating ang araw ng sabado. Mabuti na lang at wala na akong sakit ngayon. Na-extend din iyong pasahan ng project kaya nakahinga ako ng maluwag. Una ko kaagad hinanap si Ryuu pero sabi ni nanay ay umalis daw ito ng maaga. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking ‘yon? Gusto ko pa naman siya pasalamatan dahil sa pag-alaga sa akin noong may sakit ako. Unknown Number: Okay ka na ba? Kumunot ang noo ko. Eto iyong number na nagtext din sa akin noong nakaraan. Hindi ko siya nirereplayan dahil akala ko, wrong number lang pero mukhang hindi naman pala. Mukhang kilala niya ako dahil tinatanong niya ako kung okay na ba ako. Unknown Number: I can be your diary if you need someone to talk to. Magtitipa pa lang ako dapat ng mensahe nang makita ko ang chat sa akin ni Sienna. Na