Chapter 1
Iris
The same nervous and thud in my chest bombarding me whenever I stepped into the building of Castillano Development Corporation. Ito na ang panglimang araw ko sa trabaho pero araw-araw para bang Job Interview pa rin ang pupuntahan ko imbes na mesa ko at naghihintay na trabaho. Well, I still haven’t seen him. Nakikita ko siyang dumadaan sa office namin pero para lang kausapin si Sir Adam. Iyong kaibigan niya rin at kasa-kasama noon sa school kapag sinasundo si Ridge.
Castillano . . . araw-araw kong nakikita ang apelyidong iyon na naka-emboss sa pader at para bang palaging pinapaalala sa ‘yo kung saang kumpanya ka nagtatrabaho. Bakit kaya hindi ko natanong noon kay Ridge kung sinong Castillano ang may-ari ng firm na sinabi niya akin? Ang engot ko rin eh. Padalos-dalos din ako ng desisyon.
Achilles Castillano look so hard, steel, rock, statue with fire of tension in his sticky blood. He’s so stiff. I wonder kung magka-crack kaya ang mukha niya kapag ngumiti siya?
Ang usap-usapan ay napilitan lang daw na hawakan ni Achilles ang kumpanya. I think, he wanted to live in States. Pero dahil nga sa successful na ang ibang mga pinsan niya, sa kanya pinamana ang kumpanya. Well, I guess, Mrs. Regina Alva Castillano will freak out if her son refused to accept the job. She didn’t like the other branches of their family. Pero usapang pamilya na iyan. Hindi ko lang magawang takpan ang tainga ko kapag pinag-uusapan sila sa opisina. Paborito nilang topic iyang si macho Achilles.
Nagsuot ako ng skinny jeans, white spaghetti strap at maong na jacket na pampatong. Hindi ko na binutones para hindi ako mukhang baggy tingnan. Pang action star nga lang. But I like this style. Naka-ponytail ang buhok ko kahit na alam kong mag-iiwan iyon ng marka. “Plantsa lang ang katapat niyan.” Iyan ang palagi kong sagot sa sarili para ma-achive ang pormang gusto.
Nadaanan kong may kaunting pila sa kiosk para kumuha ng visitor’s pass. Mga fresh graduates siguro. Prospective junior/s maybe. Nginitian ako ng guard namin at binati. I smiled back. Magmula nang magsimula ako rito ay sinasanay ko ang sariling maging palangiti sa iba. Siguro dahil sa hindi ako ganoon dati, akala ng lahat ay masungit ako. Lalo na noong nag-aaral pa ako. Hindi yata pwedeng mahiya kahit minsan.
Nagmamadali akong tumungo sa elevator. I glanced at my wrist watch. Bumukas ang pinto ng elevator car. Hinintay ko munang lumabas ang dalawang taong sakay no’n bago pumasok kasabay ang ilang employee.
Kung anong ingay sa baba, siya namang tahimik sa hallway ng floor namin. Sanay na naman ako dahil ang ibang Junior Architect ay pumupunta sa mismong site ng construction para mag-inspect. Naranasan ko rin iyon dati. In between operating the jewelry store and being an apprentice to a team of architects in Mandaluyong. Wala akong halos tulog kahit nasa bahay na ako. Gusto ko ang kinuhang kurso at natutuwa rin naman ako sa pagtatrabaho sa store ni Ridge. Pinayagan niya naman ako kahit sa loob ng opisina ng Secret ay gumagawa ako ng autoCAD. I have this love for jewelries too. The designs, the pattern and the story in every unique pieces allured me. Well, I hope, nagustuhan din ni Ellie ang design ng tindahan.
At nang magsimula ako sa panibagong kumpanya, kinabahan ako pero na-excite din. Malalaking project ang hawak ng CDC. Marami rin silang mga tauhan kaya naman masasabi kong swerte na rin ako at may kakilala akong Castillano sa katauhan ng kaibigan kong si Ridge. He can use his connections and name. Which I really enjoy. The perks of having a famous and rich friend.
And I’m excited for coffee too. Tinulak ko ang salaming pintuan namin habang nilalabas ang tumbler ko sa bag. Maluwang ang opisina namin na may mahabang table pa sa gitna. Nasa gilid lahat ng mga table at computer set tapos ay glasswall pa kaya habang nagtatrabaho ay nakikita rin namin ang ibang building sa labas. It’s a comfortable set-up for their employees. Hindi iyong typhical na office na may mga cubicle. Dito walang harang-harang. Dahil na rin siguro sa uri ng trabaho namin. The ideas from emloyees flowing like a prosperous river.
“Good morning, Iris.”
“Good morning!” nakangiti kong sagot kay Lean matapos kong mag-time in sa machine. Siya pa lang ang tao. “Saan sila?”
“Site raw. Manonood ng excavation,” sabay-tawa nito. “Hinahanap ka pala kanina ni Sir Adam.”
Binuksan ko ang computer. Binaba ko ang bag at kumuha ng tubig mainit sa dispenser na nasa sulok ng opisina. “Bakit daw? Tungkol ba sa site inspection?” Iilang araw pa lang din ako. Pero may pressure na akong nararamdaman.
Mula sa computer monitor ay nilingon ako ni Lean. She was sitting across the room. “Baka nga. May sasabihin daw sa ‘yo.” Nakangiti nitong sagot sa akin.
“Ah,” kahapon hiningan niya ako ng opinion sa isang plano. Bahay iyon at ang gusto ng may-ari ay Victorian Style. I searched what was that style and it’s an ambitous, expensive mansion.
Nagkibit-balikat na lang si Lean. Pinatong ko ang tumbler sa katabing mesa at binuhos dito ang isang sachet ng paborito kong kape. With extra foam and chocolate powder pa sa ibabaw. Pagbalik ko sa mesa ay ready na ang computer ko. Pero hindi pa ako naupo roon. Sumimsim ako ng kape. Pagkatapos ay pinatong sa gilid at nag-inat ng katawan.
It became my routine since matatali ang puwitan ko sa computer chair sa mabahang oras. Warm up time muna.
Tinaas ko ang mga kamay. I feel satisfied, nang magtunugan ang buto ko. Umunday ako ng suntok sa ere. Walong beses. I twists my waist. Yeah, what a delicious cracking sound. Deretso ang mga binti, inabot ko ang mga paa. Medyo masakit. Nakadikit ang gitnang daliri ko sa sahig at binilangan ang sarili sa ganoong posisyon. Feet parted. Waist bend. Mentally, I counted.
“Iris.”
Nagulat ako nang may tumikhim sa likuran ko. Malapit sa pinto.
“Achi---Sir!” nang makita ko siya ay nawalan ako ng balance, bigla akong nahilo at napahawak sa computer chair. Pero napaatras iyon kasama ako.
I feel so stupid. Nagulat ako at hindi napigilang dumulas kasama ang upuan---hinapit ako sa baywang ni Achilles bago pa ako humalik sa sahig. Parang si Superman na pinigilan naman nito ang upuan. Ito yata ang resulta kapag wala pang almusal tapos ay ginulat.
Maagap siya. Tinulungan niya akong makatayo nang maayos. I was already panting. “T-thank you.”
“Nahilo ka ba?”
Bahagya siyang yumuko na para bang may sugat sa mukha ko.
Umiling ako. “Nagulat lang ako sa ‘yo.” Totoo naman. Tapos ay ganoon pang posisyon . . . nakatapat ang likod sa kanya . . . halos mapapikit ako sa hiya.
“Walang masakit sa ‘yo?”
Umiling ako at napahawak sa baywang. Saka pa lamang siya bumitaw sa akin. I barely noticed, but he’s too close. Nakadikit na ang katawan ko sa kanya at naramdaman ang tigas ng tiyan niya. He fanned my face by his hot breath.
Sa mga taong nakilala ko siya, ito ang unang beses na nakawakan niya ako at napadikit sa kanyang katawan. At naamoy ko pa ang mabango niyang hininga. He smelled of coffee and cigarette. Magpahanggang ngayon pala ay nagyoyosi pa rin ito.
Para akong napaso sa kanya at humakbang palayo. “Okay lang ako. Hindi naman sumayad ang pwet ko sa sahig. Ang bilis mo eh,” biro ko para bumagal na ang t***k ng puso ko. Nginitian ko siya.
He look . . . surprised. Parang nabuhusan ng tinunaw na gawgaw ang mukha niya at nang natuyo na nanigas ang iyon.
At that moment, napatitig ako sa kanya. I just wanted to study his facial feature. The bones and planes on his roughed face. The perfect nose, deep set of eyes, the manly cleft on his chin and delicate curves of his lips. He’s so big. Mas lalo siyang lumaki sa suot niyang three-piece suit with no necktie. A very Castillano attire, I guess.
He step forward then stop. Napalunok ako at sabay punas ng mga kamay sa likod ng pantalon ko. Hindi lang naman kami ang tao rito pero pakiramdam ko nag-shut down ang mundo.
Nang tumikhim ako at naputol din ang titig niya sa akin.
“Hinahanap ko si Adam.” He then stated.
“Ah. Kararating ko lang din, Sir. Pero sabi ni Lean,” turo ko sa kasama. “Nanggaling na siya rito.”
Hindi niya nilingon si Lean. Tinitigan ulit ako. “Okay.”
Tumango na lang ako at ngumiti ulit sa kanya. Hinila ko ang computer chair na kamuntik ng ilagay sa alanganin ang balakang ko. Nagdalawang-isip pa ako kung uupo na o hintayin ko muna siyang umalis. Boss ko pa rin ito at nagpapasweldo sa akin. Tumayo na lang ako.
Kagat ang labing tumingin na lamang ako sa computer screen. Hindi akalaing darating ang araw na mahihiya ako sa harapan nito.
“Iris?” tawag niya sa akin na para bang may butas ang lalamunan niya at doon dumulas ang boses.
“Hmm?” sabay-lingon ko kay Achilles. Nakakunot na ang noo niya. Para bang may excavation ding nangyayari sa utak niya.
“Are you free tonight?”
Napanguso ako. “Bakit?” Hindi kaya tungkol doon sa Victorian house? I was thinking--damn overtime.
He gulped. “No. I mean, I’m inviting you for dinner with me tonight.”
Nakikita ko ba ngayon ang isang Achilles Castillano na kinakabahan magsalita? Sa mga taong nakikita ko ang taong ito, tahimik, mayabang, angat na angat sa buhay at maskuladong itsura, kailanman hindi ko siya nakitang kinabahan o halos mamutla. Tapos ngayon, para siyang estudyanteng pinatayo at sumasagot sa graded recitation.
I can see the Castillano feature like Ridge has. The Castillanos are big men. What a gene. Kaya maraming mga babae ang naloloko sa mga ito.
Nang humaba ang katahimikan ay tumikhim ako. Unconsciously, nilingon ko si Lean. She was busy on her computer. But I’m not sure kung anong ginagawa niya. Binalik ko ang tingin kay Achilles. “Mmm, bakit anong meron?”
“I want to have a date with you.” He answered without preamble.
Geez.
Pinagpawisan ako kahit buhay ang air-conditioning. And I’m stuck with him. Date? He’s asking me for a date?!
Kailan ba ang huling nakatanggap ako ng ganitong imbitasyon? Matagal-tagal na rin. Wala akong boyfriend. Kasi wala naman akong time. Nakakagulo lang lalo na at may expiration din iyon.
“A date? Mmm. Wala naman akong gagawin mamaya. Anong oras ba ‘yan?” Great. Ang hirap tumanggi sa Boss.
He smiled a little. “Seven? Susunduin kita sa bahay niyo.”
Napanguso ako. Okay. Makakaligo at ayos pa ako niyan. Nagkibit-balikat ako. “Okay. Seven.” Sabay tango ko.
He finally smiled. “Seven.” Ulit niya bago tumalikod at lumabas ng opisina namin.
Ilang segundong katahimikan muna ang namayani pagkaalis ni Achilles. Kahit ako ay nasupresa sa sinagot ko. May date ako mamaya kay Achilles Castillano. Ang lalaking matagal kong iniiwasan since college days. Ang lalaking weird at misteryo sa paningin ko. At may nanay na pagkasungit-sungit.
“Geez.” Sambit ko. Nilingon ko si Lean na ang mga kamay ay nakatakip sa kanyang bibig. “Ano?”
She squeezed her cheeks and made an inaudible scream. Tumalon-talon na para bang New Year’s eve ngayon. Tinuro niya ako.
“Niyaya ka niyang mag-date, Iris! Gosh!”
Humalukipkip ako. “Nakakatakot nga, ‘di ba?” ang bilis-bilis pa ng t***k ng puso ko. Parang hinahabol ng multo.
Nilapitan niya ako at pinong kinurot sa tagiliran.
“Aww!” hinilot ko ang kinurot niya.
“Magpaganda ka mamaya. Mag-make up ka at magsuot ng sexy. Si Sir Achilles ‘yon. Mayaman na, gwapo pa.” mas excited pa niyang sabi.
“Mas nakakatakot kamo. Alam niya ang address ko.” seryoso kong sabi.
“Sus. Isang hila ng resume mo, hindi na niya kailangang magtanong sa ‘yo.”
“Baka mamaya kung saan ako dalhin no’n.”
“Edi sa mamahaling restaurant o hotel. Saan ba nagdadala ng date ang isang Castillano?”
“Malay ko.” napanguso ako.
“Balitaan mo ‘ko, ha?”
“Back to work! Baka mapagalitan tayo ni Boss.” Biro ko at sabay upo sa harap ng computer ko. Patatahimikin ko pa ang dibdib ko.
“Pwera na lang kapag may koneksyon na tayo kay Boss. Babait ‘yun kapag kayo na.”
Tinawanan ko na lang ang sagot na iyon ni Lean. “In his dreams.” Bulong ko. I could record that this is going to be my first and last date with him.
**
“Sino?”
Binuksan ko ang cabinet at naghanap ng masusuot para sa dinner date mamaya. I have decent dresses, pero matagal ko nang hindi sinusuot. Baka humapit nang husto at akalain pa ni Achilles na naghanda ako masyado. Iyong dress naman na binili sa akin ni Ridge, okay pa naman ang tela—sa mahal ba naman nito—pero pang party ang datingan.
“Kay Achilles po.” Pangalawang ulit kong sambit sa pangalan niya. Sinabi ko kay Mommy ang tungkol doon pagkauwi ko.
“Hindi kay Ridge?” hindi talaga makapaniwala ang Mommy ko.
“Hindi po. May ibang gusto na po si Ridge Mommy at saka magkaibigan lang kami no’n.” I think, pang habangbuhay ko na yatang sasabihing magkaibigan lang kami ni Ridge. Maghubad man kami sa harapan ng bawat isa, malamig pa kami sa bangkay na magtititigan. Ridge and I are bestfriends. Period. Magkumare at kumpare kapag nagkaanak na sila ni Ellie niya.
Umupo sa gilid ng kama ko ang Mommy. Nagdekuatro.
“Sinong Achilles naman ‘yan? Pinsan niya? Mabait din ba?”
Kinuha ko ang itim na pantalon. Pwede na ito. “Tahimik lang po.”
“Baka nasa loob ang kulo niyan,”
Nangiti ako at nilingon ang Mommy sa gilid ko. “’Yan din ang pakiwari ko, Mommy.”
“Oh bakit makikipag-date ka pa ro’n?”
I tilted my head. “Mahirap ngang tumanggi. Boss ko na siya eh.” At saka ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko kanina. Ang hirap tuloy tumanggi.
Humalukipkip ang Mommy. A gesture I inherited from her. Tuwing may seryoso kaming pinag-uusapan. Mas lalo kapag tungkol sa mga manliligaw ko.
“Wala naman sigurong problema kung pinsan ni Ridge. Magkadugo ‘yun. Pero ang sabi mo matagal na kayong magkakilala, bakit ngayon lang aakyat ng ligaw?”
“Hindi po ligaw. Date lang.” pagtatama ko. I rolled my eyes.
“Sus. Gano’n din ‘yon. D’yan nagsisimula ‘yan. Pa-date-date lang sa umpisa,”
Pinagkibit-balikat ko na lang iyon. Anong malay ko at tungkol lang sa trabaho ang pag-uusapin namin mamaya. At mas gusto ko iyon.
Natapos ako sa paghahanap ng isusuot. Itim na pantalon at sleeveless fitted blouse. Nagpahid ako ng light red lipstick. Nilugay ko ang buhok pero naglagay ako ng manipis na supil. Nagwisik ng pabango. Then, finished. Nothing extra special.
Eksktong alas-y-siete ng gabi ay dumating si Achilles. Nagkatinginan pa nga kami ni Mommy nang kumatok ito. Napa-wow siya.
Nang papasukin niya si Achilles ay nasa sala na rin ako at naghihintay sa kanya. He preferred a very formal date, I guess. Napangiwi ako nang makitang naka-suit pa ito minus na tie. Shiny black shoes, perfectly iron pants and coat. Puti ang panloob. Nahiya tuloy ang sling bag ko sa kanya.
He brought bouquet of flowers for my mother. Great. Naka-one point agad sa Nanay ko.
“I’ll bring her back at ten. Sharp. Ma’am.” He manly promised to my mother.
Habang bini-baby ng Mommy ko ang bulaklak sa braso ay mangha pa rin nitong tiningnan si Achilles.
“Then, that’s good. Maghihintay ako sa inyo, Achilles. Alagaan mo ang anak ko.”
Tumikhim ako at tumayo na sa pintuan. “Mommy.”
“I will, Ma’am.” Sagot naman ni Achilles.
“Sige. Mag-ingat kayong dalawa.”
Outside, the wind was humid. Nakaparada ang sasakyan ni Achilles sa tapat ng bahay namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaupo sa passenger seat. Ito rin ang unang beses na nakasakay ako sa sasakyan niya. Tinitingnan-tingnan ko lang ito sa opisina pero hindi ko pinangarap na sakyan. Ang gara kasi. Pang malakasang lakad.
Pagkasakay niya ay may kinuha ito sa backseat. Kumunot ang noo ko nang marinig ang tila nalulukot ba plastic. Tapos ay binigay niya sa akin.
“Oh. Thanks.” Natatawa kong sabi. Another bouquet of flowers. Red rose. Ang sa Mommy ay white.
“I hope your Mommy likes them too.” sabi niya pagkatapos ay binuhay na ang sasakyan.
“Sure ‘yon.” Sabi ko. Simpleng babae lang ang Mommy ko. Kaunting bagay ay napapangiti iyon mas lalo pa kung para sa kanya.
Hindi kami nag-usap sa byahe. Dinala niya ako sa Shangri La, At the fort Manila. Wew. Iniwan ko na lang sa loob ng sasakyan niya iyong bulaklak. He’s slightly attentive to me. Inilalayan niya ako maging sa pagbaba ko sa sasakyan niya.
Kumikinang ang lugar na parang crystal. I stepped into the endless white of tiles. The golden elevator mirrored the innocence in my eyes. He lead the way to the restaurant. He reserved a table. Narinig kong sinabi niya ang kanyang pangalan pagkatapos ay nakangiting sinamahan kami ng lalaking staff ng restaurant.
Sinulyapan ni Achilles ang suot ko. Lalo na ang pang-itaas ko. Nag-request siyang lumipat na lang sa loob imbes na malapit sa pool area.
“No, problem, Mr. Castillano. This way, please.” Walang alinlangang sagot ng lalaki.
Napatuwid ako ng tayo at lakad nang maramdaman kong nasa likod ko rin ang kamay ni Achilles. His palm on the small of my back sending warmth in my clothed skin. Pambihira.
Dinala kami sa medyo exclusive na pwesto. Hindi naman crowded ang lugar. Binaba sa harap namin ang menu. “Thank you.” Sabi ko sa nagdala. And I froze at the prices. Mukhang kikiligin din ako kapag natikman ko ang pagkain dito.
I’m okay with Pasta and juice. Si Achilles naman ay nag-steak at wine.
Nang maiwan kaming dalawa. Doon ko naramdaman ang full blast ng pagkailang. Deretso siyang nakatitig sa akin. Tumikhim ako. “Hindi ka ba naiinitan? Naka-coat ka pa,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Ngumisi siya pero hindi tiningnan ang suot. “I prepared too much. I guess.” Pinansin niya ang suot ko.
Natawa ako. “Kaya next time ‘wag kang masyadong pormal. Parang nasa trabaho ka pa rin sa porma mo.”
“Yeah. Next time.”
“Baka na-offend kita?”
“Hindi.”
“Sure?”
“I’ll prepare better on our next date.” He said like a promise.
There is no next date, Achilles. Sabi ko sa isipan. Hindi ko na lang na sinambit.
Mas naging magaang ang pakiramdam ko nang dumating na ang pagkain namin. Though, medyo nahihiya akong kumain sa harapan niya. Mas okay na rin ito at para kahit papaano ay hindi lang siya sa akin tumitingin.
At first, we talked about work. Ang forte naman niya ay Business Management. The warm lights made the place so relaxing. Low volume of classical music in the background.
Sumimsim siya ng kanyang wine. Pero ang mga mata ay nakatingin sa akin. I ignored him and look at the other view.
“You’re good at that.”
Kumunot ang noo ko. “Saan?”
“Ignoring me. Na para bang hangin lang ako sa ‘yo.” He even grinned.
Napakamot ako ng sintido. “Baka akala mo lang ‘yon.”
Tumaas ang kilay niya. “Napapansin mo rin ba ako katulad ng pinsan ko, Iris?”
Naubo ako at agad na uminom ng juice. Nang tingnan ko siya ay nakatitig ito sa akin.
“Meron bang taong walang pumapansin sa ‘yo?” hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumango ito. “Ikaw.”
Tumikhim ako at umayos ng upo. “Mula college nakikita na kita. Sumasama pa nga ako kapag nasa bilyaran kayo nina Ridge. Alam mo, hindi lang kasi tayo close noon saka . . . sobrang tahimik ko. Hindi rin ako palakausap ng tao.”
He nodded once. “Anong nagustuhan mo kay Ridge?”
Parang biglang bumigat ang panga ako sa gulat. Mapaniwalain din pala ito.
“Hindi ba ako nababanggit sa ‘yo ng pinsan mo? Grabe, ha? Magkaibigan kami ni Ridge. Wala akong gusto roon maliban sa friendship. Ridge is nice and gentleman, Sir Achilles. Halang na ang bituka ko kung magkakagusto pa ako sa kanya.”
Sinulyan ni Achilles ang laman ng kanyang plato. Binalik ulit sa akin.
“Iris . . . pinagselosan ko talaga si Ridge noon.”
“Ha?!” hindi ko na napigilan. “Bakit?”
He smirked. “Akala ko kasi, siya lang ang nakikita mo noon. But I felt bad. Hindi kita nilapitan para kausapin ka.”
Napatitig ako sa kanya. Napaisip. Gusto ba niyang makipagkaibigan din sa akin? Gusto kong tumawa ng malakas kaso nakakahiya. Kaya siguro natatakot ang mga tao kay Achilles dahil sa katigasan nitong tingnan. Pero nang malaman kong pinagselosan niya si Ridge, nakakatuwa. May iba pa pala siyang nararamdaman.
Now, he makes me feel comfortable.
“Malamang naging magkaibigan din tayo kung kinausap mo ‘ko noon. Malapit din kayo ni Ridge, eh.”
Sandali itong hindi nagsalita. Sumimsim ulit ng wine at nag-isip. Nang tingnan ako ay naroon naman ang kaba sa mga mata niya.
Bumilis ulit ang t***k ng puso ko. Is this an early sign of panic attack?
“I don’t want your friendship.” He said in a low voice.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha. I assumed too much. Ganito pala ang pakiramdam ng mapahiya. Straight to the point ka, Achilles! Bwisit.
Binaba ko ang mga kamay mula sa mesa at pinatong sa kandungan ko.
“I want you to be my girl. Iris Lewis Faustino. And I think, I waited too long to say that to you.” He confessed at me. Then his lips made a shaky smirk.
I have never felt this whirlwind emotion in my entire life. From rejection to revelation. He all did that in one sitting. Napatda ako. This is his main reason for this dinner. It’s really a freaking date.
Gusto ko nang tumayo at umalis na lang. Noon pa man ay wala akong naramdaman para kay Achilles. Takot, oo. Pero bilang boyfriend ko, hindi. Never. He was so weird to me and not my type. Not a macho man with a slight cleft on his chin. I scoffed.
“Iris,”
“Sir, I’m sorry. Achilles . . .” tiningnan ko siya.
Naging alerto ito at binigay ang buong atensyon sa akin.
I gulped. “Sorry. Hindi ko alam na may gan’yan ka palang nararamdaman sa ‘kin.”
He almost rose on his seat. “Can we talk about it now?”
I sighed. Nagkibit-balikat ako. “Maybe. Pero . . . umaasa ka pa ba d’yan?” biro ko. Magbiro ka na lang din, please.
He cleared his throat. “Kung papayag ka, gusto kong manligaw.”
Gumapang na ang init sa buong mukha ko. Kinagat ko ang labi at nilakasan ang loob.
“’Wag na, Achilles.”
I witnessed the avalance of hope on his roughed face. Parang pinitik din no’n ang dibdib ko.
“Iris,”
“I’m sorry, okay?” sabay-tawa ko. “Let’s just be friends. I think you’re a sensible man, Achilles. But like Ridge—I think we talked about him a lot. Sana ay hindi siya mabilaukan---we can be friends too. Just friends.”
He gulped. “Can you . . . think about it again?”
I sighed. He’s trying his luck. Umiling ako. “Okay. Dederetsohin na kita. Wala akong gusto sa ‘yo. Kahit subukan mo noon, ganito pa rin ang isasagot ko. I’m a career woman. Uunahin ko muna ang mas importante at hindi ang lovelife. Sorry, Achilles.” Mahinahon kong sabi sa huli.
I don’t think it broke his heart. Hindi naman siguro malalim ang pagkagusto niya sa akin. Pero pagkatapos no’n ay nanatili itong tahimik. Tahimik na inubos ang pagkain at hanggang sa makabalik kami sa sasakyan niya.
Habang nasa kandungan ko ang bulaklak na bigay niya sa akin, napaisip ako, ano naman ang nagustuhan niya sa akin? Tiyak na mate-turn off ito sa akin kapag nawala na ang gamot sa buhok ko. O kapag nakita niya kung paano ako matulog. Nagsasalita raw ako kapag tulog.
At paano kapag naging boyfriend ko siya? Tutuksuhin lang ako ng tutuksuhin ni Ridge. Na tama siya. Type nga ako ng pinsan. Tapos, magho-holding hands kami sa building nila. Macho man dating his newly hired Architect. I could even cringe at the word ‘macho man’.
Tapos nariyan pa ang mama niya. Regina Alva Castillano. Come on, ayokong maging Teleserye ang buhay ko. The Lady didn’t like bad for his son. Iyong uri pa lang ng tingin niya sa akin, nakakababa na ng pagkatao. Tapos magiging boyfriend ko pa ang anak niya? Huwag na lang.
Hindi na niya ako kinausap hanggang makauwi kami. Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto at hinatid hanggang pinto ng bahay.
Hinarap ko siya. Nginitian. “Salamat, Achilles. And sorry.” Mababang boses kong sabi sa huli. Sa tuwing nagkakatinginan kami, gusto kong palaging mag-sorry sa kanya.
He sighed. Mula sa pagtingin sa susi na nasa kamay niya, nag-angat siya ng tingin sa akin. “Pumasok ka na.”
Tumango ako. “Mag-ingat ka sa pag-drive. See you tomorrow.” Paalam ko. I sent a little sweetness in my words so I can repay the pain I gave him.
“Iris?”
“Mmm?”
“Can I kiss you?”
“Achilles.” I warned him.
“Just one kiss. Please?”
Nilipat ko ang tingin sa kalsada at sa bintana ng bahay namin. Kinakabahan ako. Parang sobra na yata ito. “Pero . . . kasi . . .”
Humakbang siya ng isang beses. Towering me. Crowding me. His big frame covered me. I can smell his scent and the wine.
“Please, Iris.” He said in a pleading sound.
I sighed. He jailed me. Without thinking anymore, I looked up at him and aimed his cheek. But he tilted his head and aimed my lips.
Achilles kissed me outside our house. Light and gentle. I felt the tip of his tongue touch my lip. It took only a few seconds then he bid his good bye.