Chapter 2

3896 Words
Chapter 2 Iris “Ano?! Binasted mo na agad?” Napairap ako sa hangin dahil sa matining na boses ni Mommy. Nagsasalin ako ng tubig mainit sa mug ko para magkape pero pagkakita niya pa lang sa akin sa kusina ay agad niyang tinanong kung anong nangyari kagabi sa “date” namin ni Achilles. Napailing ako isang beses at saka binaba ang thelmos. “Agad-agad? Hindi mo man lang kinilala ‘yong tao!” pasermon pa niyang litanya. Naglagay ako kaunting kape sa mug ko. Ni hindi pa nga ako nakakapaghilamos ng mukha, nauna pa ang tanong niya. “Yes, Mommy. Bakit ko pa po patatagalin kung wala naman siyang aasahan sa ‘kin.” Tama naman ang ginawa ko, ‘di ba? Mula sa harap ng kalan at kanyang sinasangag ay nilingon niya ako. Tumataas-taas pa pati ang sandok na hawak niya ere. Tinitigan niya ako sandali na parang may nakita siyang natuyong laway sa pisngi ko. Kumurap-kurap at pagkatapos ay napaawang ang labi. Pinatay niya ang kalan at humarap na sa akin. “Magtapat ka nga, tomboy ka ba, Iris?” Agad akong natigilan dahil sa gulat na rin sa deretsang tanong na iyon ni Mommy. Ilang sandali lamang ay nangiti ako. “Hindi, Mommy!” “E, bakit parang hindi ka nakikipaglapit sa mga lalaki maliban kay Ridge? Ang sabi mo naman, hindi kayo talo. O, ano pang iisipin ko sa ‘yo?” tila takang-taka pa niyang tanong sa huli. Hinalo ko ang kape pagkatapos maglagay ng creamer at asukal. Hinila ko ang antique na naming upuan at naupo roon. Tinaas ko pa ang isang paa ko bago sumimsim ng kape. Hindi na nawala ang tingin sa akin ng Mommy ko. “Hindi porke’t walang boyfriend, tomboy na. Hindi ba pwedeng, wala lang magustuhan? O, walang time?” “Ano ka? Artista? Walang time? Tigil-tigilan mo ‘ko sa mga ganyang katwiran mo, ha, Iris. Hindi ka man lang nahabag do’n sa tao. Nag-effort pa kagabi.” Binalikan niya ang sinasangag para maisalin na sa plato. Sunod niyang pinirito ang hotdog at itlog. Sabado naman ngayon kaya wala akong pasok sa opisina. Okay na rin para hindi ko agad makita si Achilles. Pagkatapos ng . . . kiss . . . namin kagabi ay parang hindi ko pa siya kayang kaharapin. Yes, binasted ko na. Pero humirit ng isang kiss. Hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon nahindian gayong pwede naman. Kasi . . . iyong titig niya ay parang nagmamakaawa. Kaya, wala rin akong nagawa nang nakalapit siya. Saka, ang sabi ko sa pisngi lang! Pero tinodo niya sa lips ko kaya nahalikan niya rin ako! Wala namang nakakita. Amin-amin na lang iyon. Binaba ni Mommy ang plato ng sinangag sa mesa at namaywang sa harap ko. “Naghalikan kayo sa tapat ng bahay ko tapos binasted mo lang pala!” Muntik ko nang maibuga ang mainit na kape. Naibaba ko bigla ang mug at manghang tumingin sa kanya. “Akala mo hindi ko nakita, ‘no? Hinintay kitang makauwi kagabi. Nakasilip ako sa bintana hanggang sa makaalis ang sasakyan ni Achilles.” Masungit niyang sabi. Binaba ko ang paa at binuka ang mga braso, “A-ano ba kasing ginagawa niyo sa bintana ng disoras ng gabi, Mommy? Nakita niyo tuloy ang hindi dapat makita.” reklamo ko. Nilapitan niya ako at pinihit ang tainga ko. Napasunod ang ulo ko roon dahil sa sakit ng pingot niya. “Aray, ‘Mi!” Binitawan niya iyon at namaywang ulit. “Ayus-ayusin mo ‘yang love life mo, Iris, ha! Nagpapahalik ka pa sa labas ng bahay. Paano kung may nakakita sa inyong kapitbahay? Tingin mo, anong sasabihin no’n sa ‘yo? Na nagpapahalik ka sa kalsada!” Hinaplos ko ang tainga at ngumuso. “Wala naman pong nakakita, e. Saka . . . ang sabi ko sa cheek lang.” Pinanliitan niya ako ng mga mata bago pumihit pabalik sa harap ng kalan. “Sana binigyan mo kahit isang chance.” Sumeryoso pa ang boses niya. Umayos ako ng upo at nagsandok na lang ng sinangag. Nang hindi ako sumagot ay nilingon ako ni Mommy. “Hindi mo ba siya gusto?” tanong niya bago hinango ang ulam. Umiling ako. “Hindi po.” “O bakit pinahalik mo?” Bumagsak na ang mga balikat ako sa mga ganyang tanong na medyo personal. “Isang kiss lang ‘yon, Mommy. Walang malisya.” “Naku, kayong mga kabataan ngayon, unang date pa lang may kiss na. Buti nga kung may next date pa kayo kaso binasted mo na nga. Tapos nagpabaon ka pa ng halik. Ano ‘yon, pampalubag-loob kase basted naman?” Alam kong may mali rin ako roon dahil pumayag akong magpahalik kay Achilles. Kaya lang, hindi ko nga mahindian. Na para bang kayang-kaya kong mabawi iyon. Pero imposible naman dahil hindi nababawi ang kiss na kinuha sa iyo. Hindi na naman ako teenager. Nasa hustong gulang na rin ako para roon. Naputol na ang sermon ni Mommy nang magsimula na kaming kumain. Pagkatapos nito ay pupunta kami sa groserya. Umakyat na ako sa kwarto ko para kumuha ng tuwalya. Pero nakita ko ang pulang rosas na nasa ibabaw ng tukador. Nakahimlay doon na para bang malungkot sa kinasadlakan. Kumuha muna ako ng lumang vase sa baba at nilagyan ng tubig. Iyong bulaklak ni Mommy ay nakalagay na rin sa vase. Nilagay ko sa tabi ng bintana ko ang vase at nilipat doon ang mga bulaklak. Hindi pa naman ako ganoon kasama para pabayaan ang bulaklak na ito. Sinuksok ko isa-isa ang dulo ng bulaklak sa lalagyanan. Pagkatapos ay maingat kong inusod at pinagmasdan ang arrangement na ginawa ko. I tilted my head. Achilles’ mouth suddenly flashed back in my head. Pakiramdam ko ay naramdaman ko ulit ang mainit na labi niya sa akin. Masuyong dumampi pero hinaguran din ng kanyang dila bago inangat ang kanyang ulo. I unconsciously licked my lip. I gulped. Nakainom na ako ng kape at nakakain pero bakit parang nalalasan ko rin ang labi niya rito? Natigilan ako. Namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling. “Ano ba ‘yan!” asik ko sa sarili dahil sa pagbilis ng t***k ng puso ko. Inirapan ko iyong bulaklak at dinuro. “May kamandag yata ‘yong boss mo.” Sabi ko sa mga rosas na para bang kaya nilang sumagot sa akin. Mabigat akong bumuntong hininga at humalukipkip. Nilingon ko ang labas ng bintana. Naabutan ko roon ang ilang kabataan na nagba-basketball. May nakakita kaya kagabi? Wala! At saka, ano naman kung meron nga? Hindi na nga ako teenager. Dalaga, oo. Pero . . . “Hmmp!” ismid ko na lang at saka kinuha na ulit ang tuwalya. Kasalan ni Achilles iyon. ** Nang nakasakay na kami ng tricycle ay muli na namang binanggit ni Mommy si Achilles. Hinayang na hinayang siyang binasted ko. Samantalang noong sinabi ko sa kanyang may date kami ay may panghihinala pa siyang naisip na kesyo baka nasa loob ng kulo. Dahil yata sa bulaklak kaya nakuha ni Achilles ang loob ng Mommy. Hindi na lang ako sumagot hanggang sa makarating kami sa groserya. Ako ang natutulak ng cart habang sinusundan ko naman ang Mommy na namimili. Nasa bread section na kami nang marinig ko ang text message tone ng cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang numero lang ang pumasok. Hindi naman ako nag-alala agad at baka tungkol sa trabaho iyon. Kaya lang ang text ay: Unknown: Good morning. How are you? Ako: Sino ka? Tiningnan ko iyong numero at baka pamilyar sa akin. Wala naman akong naalala. Agad na nag-reply ang nag-text. Unknown: Achilles. Napaawang ang labi ko at halos ilayo ko sa mukha ang screen ng cellphone nang malaman kung sino ito. Paano niya nakuha ang number ko? Nag-angat ako ng tingin kay Mommy nang magbaba ito sa cart ng loaf bread. Nilingon niya rin ako at kinunutan ng noo. “Bakit?” Umiling ako nang nakanganga pa rin. Nang mapagtanto ko ay aagd kong sinara ang bibig. Tinulak ko ulit ang cart at sinundan si Mommy. Ako: I’m okay, Achilles. You? Mali! Dapat pala hindi na ako nagtanong para mawalan na siya ng gana mag-text, ‘di ba? Mali, mali ka, Iris Lewis! Achilles: I’m in my condo. What are you doing? Ayan tuloy may sagot pa. Napasuklay ako ng buhok na parang hirap na hirap sa sitwasyon. Tinulak ko ulit ang cart at sinundan si Mommy. “Gusto mo ba ‘tong cupcake, Iris?” tinuro sa akin ni Mommy iyong balot. Um-oo agad ako at nag-type ng text kay Achilles. Ako: Nasa grocery kami ni Mommy. Ayan. Ganyan. Maikli lang ang sagot para wala na siyang masasabi pa. At dahil may pakiramdam akong hindi na siya nagri-reply ay tinago ko na agad ang cellphone ko sa bag. Pilit kong nilibang ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga paninda. Nagtuturo pa nga ako kay Mommy ng gusto ko. Paano kaya niya nakuha ang number ko? Gusto kong itanong kaya lang, maoobliga siyang mag-reply. Ayoko siyang kausap. Kumakalabog ang dibdib ko at nangangati ang kamay kong makuha ang cellphone sa loob ng bag. May text kaya? Saka ko narinig ang text message alert tone. Bakit ako kinakabahan? Kinuha ko ang phone at binasa ang message niya. Achilles: Can I go with you? I’m free. “Tsk,” bulong ko sa sarili. Agad akong nagtipa ng sagot. Ako: Wag na. Maabala ka lang. Saka, baka pagpunta niya rito patapos na rin kami ni Mommy. Baka nga nakauwi na kami bago pa siya makarating ng groserya. Achilles: I told you I’m free. “Ang kulit naman!” tinuon ko ang buong atensyon sa pagtipa ng sagot. Ako: Babyahe ka pa. Pagpunta mo rito, nakauwi na rin kami ni Mommy. “Sinong ka-text mo at nanghahaba ‘yang nguso mo?” tumabi sa akin si Mommy at sinilip ang cellphone ko. Hindi ko pa naman nai-save iyong number niya. “Sino ‘yan? Gustong pumunta rito?” kunot-noo niyang tanong ulit. Binaba ko ang cellphone. “Si Achilles po, Mommy.” “O? Textmate na rin kayong dalawa?” Bumuntong hininga ako. Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na muna agad na binasa nag text niya. Tinulak ko ang cart namin. Ang Mommy namili na ng kanyang mga sabon panlaba. “Hindi ko po alam kung paano niya nakuha ang number ko.” reklamo ko. “Edi itanong mo sa kanya.” Sumimangot ako. “Alam niya nga rin ang address natin kahit hindi ako tinanong muna.” Binaba ni Mommy ang powder ng sabon at saka ako tiningnan. “Boss mo ‘yan, ‘di ba? Baka hinugot sa HR ang resume mo.” Napanguso ako. Ganoon din ang hinala ni Lean. “Papupuntahin mo ba? Para maisali ko sa spaghetti,” Napaisip ako. Kung papupuntahin ko siya sa bahay, baka isipin no’n payag na akong manligaw siya sa akin? Kasi kung talagang basted na, dapat putol na ang koneksyon. Kaso, nagte-text pa e. Paano ba? “Basted na siya ‘di ba, Mi?” magkasalubong na kilay kong tanong sa kanya. Nagkibit-balikat naman ang Mommy. “Ewan ko sa ‘yo.” Napahilot ako ng noo. Bakit parang ang hirap-hirap ng sitwasyon na pwede namang madali lang? Binasa ko ang text niya. Achilles: I really won’t mind traveling back and forth just to see you. Napahilamos ako ng mukha at sabay baba ng cellphone. Napalingon pa sa akin itong ale na mukhang suplada at pinasadahan ako ng tingin. Ako: Basted ka na, ‘di ba? I giggled. Napatakip pa ako ng bibig. Achilles: I want to see you. May kasunod agad ang text niya. Achilles: Hoping to change your mind. Bahagya akong nagulat nang may bumangga sa cart namin. Tiningnan ko iyong babaeng nakasimangot agad sa akin. “Nakaharang kasi, Miss.” Sarcastic niyang sabi. Tinabi ko na lang ang cart namin at lumayo na roon. Ako: I’m busy. Sige na! Napalayo na ako kay Mommy kaya sinundan ko siya. Malapit na rin naman kami matapos. “Pinapunta mo ba, Iris?” tanong niya ulit. “Sabi ko, ‘wag na e. Pero, gusto raw akong . . . makita.” Napalingon sa akin si Mommy. May ngiting dumungaw sa labi. “Mommy. Kung anuman ‘yang iniisip mo, burahin mo na agad.” Tumango-tango siya at sabay baba ng item sa cart. “Humahanga lang ako sa pagbasted mo, anak.” Ngumuso lang ako dahil alam akong labas sa ilong iyong compliment niya. Dumaong na kami sa counter para makapagbayad na. Hindi ko na rin narinig ang text ni Achilles. ** Pagpasok sa trabaho kinalunesan ay para akong tangang lingon nang lingon sa paligid. Mula sa mga hindi kilalang nakakasalubong hanggang sa mga taong binati ako. Naging conscious agad ako na baka makita si Achilles. Dalawang gabi niya yata akong hindi pinatulog nang maayos kakaisip. Mula noong sabado ay hindi na naman siya nag-text pa ulit sa akin. Sabi ni Mommy ay baka nagpahinga lang kasi linggo. Maghintay daw akong mag weekdays at sa trabaho tiyak na nariyan na ulit siya. Sumakay ako ng elevator at pinanood ang pag-akyat ng pulang numero. Humalukipkip ako. Hindi ko akalain na may ganoon pa lang ugali si Achilles. I mean, noon, hindi nga kami ng nagkikibuan tapos panay aya pa niya kay Ridge sa bilyaran o kung saan mang lupalop na lugar. Para kasi siyang anak-mayaman na sunod ang luho kaya walang pakielam sa ibang tao. Kita mo nga at napilitan pa yatang pamunuan itong CDC. They were rich and probably he could build his own life. Tapos, bigla, ide-date niya ako at manliligaw? Wala ba siyang ibang babae ngayon kaya ako ang napagdiskitahan niya? Pagpasok ko sa office namin ay naabutan kong nakapwesto na sa mesa ko sina Lean at Mabelle. Naroon na rin ang ibang kasamahan namin at tila nagchi-chismisan muna bago magsimulang magtrabaho. “Good morning, Madam Iris!” malakas na boses na bati sa akin ni Mabelle. Kumunot lang ang noo ko at lumapit. Si Lean ay papalak-palakpak pa. “Ano balita, Iris?” usisa niya. Binaba ko ang bag sa upuan kong pinanggalingan ni Mabelle. “Anong balita? Nood ka TV.” Sagot ko at kinuha na ang tumbler. Sinundan naman nila akong dalawa hanggang sa water dispenser. “Kumusta ‘yong date niyo ni Sir?” Napangiwi ako nang maringgan ang tila kinikilig pang tanong ni Lean. Si Mabelle ay tumayo sa gilid at naghihintay din ng isasagot ko. “Wala.” “Wala? Anong score?” Bumuntong hininga ako at nagbukas na ng sachet ng kape. “Wala. Walang nangyari. That’s our first and last date.” Parehong silang natahimik at tila namangha pa. At wala akong balak na ipagkalat pa ang tungkol doon. Napalingon tuloy ako sa iba naming kasamahan. Pinagtitinginan nila kami. Lalo na iyong grupo ni Julia. May bumulong sa tainga nito at saka tumango habang nakatingin sa amin. “Walang pag-asang maging kayo?!” manghang tanong ni Lean. “Boses mo.” Awat ko sa kanya. Humalukipkip siya at humaba ang nguso. Sinulyapan niya rin ang mesa ni Julia. “Kasi naman, pinagyabang kong magiging kayo ni Sir Achilles kaya tiyak na marami tayong project na maa-approve. Ayun pala . . .” Namilog ang mga mata ko. “Ang ingay kasi niyang bunganga mo, Lean! Hindi pala totoo!” bulong ni Mabelle. Hinarap ko silang pareho. “Bakit mo sinabi ‘yon? It was just a friendly date, Lean.” Kulang na lang ay mapahilamos ako ng mukha sa narinig. Ano ba ito, panibagong problema? Nag-angat ako ng tingin kina Julia. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito makausap nang maayos. Natatarayan niya ako, nasusungitan at minsan hindi pinapansin. She was a good architect at kapag nasa meeting ay magaganda naman ang binabatong komento. Matagal-tagal na rin siya rito sa CDC at ang dinig ko ay kabarkada rin nina Sir Adam. Kaya, mas matanda rin ito ng ilang taon sa akin. She was beautiful, sexy at came from a wealthy family. Iyong dalawang officemate namin ay madalas niyang kabuntot at palagi kong nakikitang nagtatawanan na tila may sariling mundo. I am a newbie here, kaya hindi ko sila masyadong pinapansin. Pero itong ginawa ni Lean, mukhang mararamdaman ko ang banat nila. “Ano bang malay kong hindi na ‘yon masusundan? E, ang lagkit pa naman ng titig sa ‘yo ni Sir.” Nakasimagot na katwiran ni Lean. Hinalo ko ang kape. Hinila naman ako sa siko ni Mabelle. “Talaga bang wala, ha, Iris? As in zero?” Umiling ako at bumuntong hininga. “Negative.” Inaya ko na sila pabalik sa working table namin. Hindi muna pumunta sa kanyang table si Lean at nanghila ng ibang upuan para makatabi sa akin. Binuksan ko na ang monitor at nagkape. Nakarinig ako ng mga kaluskos, yabag ng stiletto at mahihinang boses sa aking likuran. Pero sa monitor pa lang ay nakita ko na ang paglapit ni Julia sa likuran ko. Humalukipkip ito at tinabingi ang ulo. “Kabago-bago mo pa lang, pero kung makagawa ka ng istorya ay para bang nagre-reyna-reynahan ka na rito.” Malakas na suminghap si Lean at siyang unang humarap kay Julia. “Anong sinasabi mo r’yan, Julia? Umayos ka nga.” Inirapan nito ang kaibigan ko. “You think, papatulan ito ni Achi?” sabay-turo sa akin. “She didn’t even know how to match up clothes! Or even put some makeup! Kaya, paano mo nasabing nag-date nga silang dalawa, aber?” Napatayo si Lean. Agad kong hinuli ang braso niya. “Sa totoo ngang niyaya siyang mag-date ni Sir, e! Bakit naman ako gagawa ng kwento-kwento lang?” “Why don’t you ask youself? Is it envy? Ha?” patuyang sagot ni Julia. “Kasi mas madalas akong napapaboran kaysa sa inyo.” “Magkakaibigan kasi kayo nina Sir, kaya!” “So, inaamin mong naiinggit ka nga? Work hard, Lean! You need to work hard not to create false story!” “Aba’t talagang-“ “Enough, Lean.” Awat ko na. Gumilid ako para mas mahawakan siya. “And you, newbie, ‘wag kang magpapauto sa mga ito nang dahil lang sa baguhan ka.” Nag-angat ako ng tingin kay Julia. I didn’t smile nor give her reaction that she wanted. I even glared at her. Masama talaga ang tabas ng dila nitong babae. “Hindi ako nagpapauto.” I pinned my lips firmly but then, “Achilles really asked me out last Friday.” Sabay-sabay ang tatlo na suminghap at humawak pa sa kani-kanilang mga dibdib na para bang inaatake sa puso. Mas lalo kong nakita ang inis sa mukha ni Julia. “How dare you-“ “Sabi ko sa ‘yo e! Niyaya siya ni Sir lumabas! O, ano ka ngayon?” tinuyo pa ito ni Lean. Grim washed on Julia’s shocked face. “That’s impossible!” “Edi tanungin mo si Sir!” sagot na ni Mabelle. Sa gitna ng pagtatalo nila ay parang gusto ko na ring magpalamon sa computer chair ko. Totoo ba ito? Talagang lunes-lunes at umagang-umaga ay ito agad ang pinagtatalunan namin? Hanggang trabaho ba naman! Alam ko ring hindi kagandahan ang reputasyon dito ni Julia pero hindi ko inaasahang mararanasan kong pagsalitaan niya ng hindi maganda. May umawat naman sa kanila. Dahil nagmumukha na kaming palengke sa sagutan nina Julia at Lean. Kasama pa iyong dalawang buntot ni Julia. Si Mabelle ay inaawat si Lean pero minsan ding sumasagot. Siguro ay dala ng inis na rin. Napatingin ako sa mga JA namin na tahimik na nanonood. Nakakahiya! “Excuse me, girls?” Natahimik ang lahat nang pumaibabaw ang malakulog na boses ni Sir Adam. Ni hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto dahil sa ingay. “Adam! I’m so glad you came here,” tila nakahanap na kakamping sabi ni Julia. “What’s going on here?” nagtatakang tanong nito. Pinasadahan niya pa kami ng tingin. Kasing edad lang din ni Achilles si Sir Adam. Matangkad din ito, malapad ang mga balikat at mahahaba ang mga binti. He was wearing a denim blue pants and gray polo. Na ang mga manggas ay tiniklop bago makarating ng siko. Unlike his friend, mas friendly si Sir Adam at approachable. Nanggaling din sa mayamang angkan at graduated in a prestigious school. I actually liked his smile and pointed nose. Nawala ako sa iniisip nang ituro ako ni Julia. “’Yang bagong architect mo, may ginagawang kwento.” Sumbong pa niya. Tumaas ang isang kilay ni Sir Adam. “What?” Humalukipkip si Julia. She even stomped her foot. “Niyaya raw siyang mag-date ni Achi! Heard that? Can you believe it? Para lang tumaas agad sa hierarchy. Ilusyunada,” Matalim na tiningnan ni Sir Adam ang kaibigan. He then looked at me. “I will tell Achi about this.” sabay irap sa akin ni Julia. Biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay natahimik nang pumasok si Achilles in his three-piece suit. His maleness got the eyes of all the women in the office. Pero nakakunot ang noo niya at para bang mainit ang ulo kaya wala agad ang nakapagsalita pagpasok nito. Tila sumabog din ang t***k ng puso ko nang makita ko siya. He looked at Sir Adam. He didn’t pay attention to everyone. Including me. “Is your presentation, okay?” malamig nitong tanong. Tumango lang si Sir Adam at sinulyapan pa isang beses si Julia. “We’re getting ready.” Sinilip ni Achilles ang silver niyang orasan na pambisig. “Make it fast. I still have another meeting,” “Yes, Mr. Castillano.” Agad na sagot ni Sir Adam. I actually admired them for being professional despite being friends too. Patalikod na si Achilles nang awatin ito ni Julia. Lihim akong napamura. “Someone told us, na may niyaya ka raw na i-date last friday, totoo ba? O may gumagawa lang ng kwento rito sa opisina.” She didn’t tell my name. I wondered why? Hindi na humarap ulit si Achilles pero marahan niya akong nilingon at tinitigan. Napalunok ako sa nerbyos at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. “You went home safely last Saturday, Iris?” deretso niyang tanong sa akin. Ang lahat ng mga mata ng bawat naroon ay tila lumipad papunta sa akin. Walang nagsasalita o humihinga. Kahit si Julia ay napanganga at bumagsak pa ang panga sa gulat. “Uhm . . .” napalunok ako at dahan-dahang tumayo. Parang kailangan kong tumayo kasi boss ko siya at kinakausap niya ako. “Ye-yes, Sir.” Isang beses siyang tumango. Ang titig niya sa akin ay tila umaarok sa kalaliman ng utak ko. “Did you tell your mom I wanted to visit you that day?” Napalunok ulit ako. “Y-yes, Sir.” Tumango pa ako. His lips twictched like he wanted to smirk but he changed his mind. “You didn’t text me.” “Uh . . . s-sorry, Sir.” Nakita kong tumaas ang dulo ng kanyang labi. Para bang natutuwa sa nakikita niyang pagkakautal-utal ko sa harapa niya. “I’ll text you later.” He didn’t even bother to wait for my answer. Basta na lang ito umalis. Iniwan niyang tahimik ang aming opisina. Kung may maghahagis ng granada ngayon ay saka pa lang sila magigising. This was Achilles’ effect to everyone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD