He drove his car in an exclusive subdivision. Medyo nagulat ako nang doon niya ako dinala dahil akala ko sa bar ang party since parang ganoon ang trip nilang magkakaibigan. Hindi rin naman siya masyadong nagsasalita habang bumabyahe kami. Baka dinner ito? Nakakahiya naman at hindi ako expected nu’ng may birthday.
Tumikhim ako at nilingon si Sir Adam. “Sir, hindi ba parang nakakahiya na pumunta ako rito? Wala pa naman akong dalang regalo,” medyo worried ako.
He chuckled. “No need for the gift. Jeric will appreciate your presence. Kilala ko ‘yon,”
“Pero-“
“It’s a party, Iris. You will surely enjoy this night.” May paniniguro niyang putol sa sasabihin ko.
Hindi ko na dinugtungan ang sasabihin at marahan na lamang na tumango rito.
Paglagpas namin sa pader na bakod ay tumatangis na ang nakakaindak na musika mula sa loob ng bahay. Sa labas ng bahay ay may mga taong umiinom nang nakatayo. I chewed my button lip. Parang inuwi lang ang vibe ng bar dito sa bahay. Mas exclusive nga lang ito sa birthday ni Jeric kaysa roon.
May mga Christmas lights na nilagay sa malaking puno. Warm lights all over the lush green garden and round tables dotted the grasses. I couldn’t help but notice the clothes of the guests. Lalo na ng mga babaeng narito. Body hugging dresses and killer heels. Na-out of place kaagad ang skinny jeans ko at fitted white long sleeves top.
“Adam,”
“Adam!”
Para siyang artistang binabati ng mga nakakakita sa kanya. The women were obviously flirting with him. Not even paying an inch of glances at me.
Nagtuloy-tuloy lang kami ng pasok sa double-door nang nagpalit ng kanta. Nakita kong may isang lalaking VJ na nakatungtong sa tila makeshift stage. He was swaying his hands up and dancing. Makukulay ang ilaw ang nasa kanyang harapan. His equipment was there. Giving the great sound for everyone. Mas maraming sumasayaw sa loob. Amoy ng alak at sigarilyo ang umiikot sa hangin. And it was a little hot here.
We walked across the living room and made it to the back garden. Kahit saan ako lumingon ay may mga tao. Pati sa hagdanan, sulok, at ilang nakabukas na pinto ay may tao. Nakita ko si Jeric sa mas malaking garden. May katabing sexy at magandang babae. Nakayakap sa baywang niya. Kahit dim ang ilaw ay kita ko pa rin ang pamumula ng mukha niya at basang labi. I felt the heat on my cheeks when I realized they were kissing before Sir Adam called him.
Bumaba ang tingin sa akin ni Jeric. I saw his smirking face and looked back at his friend. Nakabukas ang unahang butones ng suot nitong puting damit at nakikita na ang dibdib. Naroon ang isang kamay ng babaeng kahalikan at panay ang punas sa loob.
“Late ka naman yata ngayon, Adam,” he was grinning. Tiningnan niya ang likuran ko. Napatingin ako at hindi na nagulat nang makitang nandito na si Achilles.
Nagtama ang mga mata namin. Kumalabog ang kanina pang dumadagundong kong dibdib. He wasn’t wearing his expensive suit anymore. Just the black longsleeves and gray hugging pants. Ang ilang butones sa unahan ay nakalas na. Ang sleeves ay nilukot na hanggang sa ibaba ng siko. The bossy aura has faded. But the angst never left him like his shadow.
Nilingon din ni Sir Adam si Achilles sa likod ko.
“You freed your schedule?” tanong ni Achilles. Sumimsim siya sa baso. Hindi ko alam kung para kanino ang tanong na iyon.
The birthday boy laugh louder. Umiling si Achilles sa kanya. Hinapit ni Jeric sa baywang ang babaeng katabi.
“Funny how fast things can change, huh?” sabi niya at saka hinalikan ulit ang babaeng kapareha.
Bahagya akong napangiwi dahil sa halikan nilang bukas na bukas ang mga bibig. They looked like eating each other. I saw their tongues and I looked away.
Hinawakan ako sa siko ni Sir Adam at ginaya sa upuang katabi ni Jeric. May mababang babasaging mesa sa gitna na pinaglalagyan ng kanilang iniinom at finger food. Pagkaupo ko ay binitawan ni Jeric ang labi ng babae. Nilingon niya ako.
“May pagkain, Iris. Baka nagugutom ka?” alok niya.
“Thank you. Happy birthday, Jeric.” Nahihirapan akong tingnan siya dahil sa pamumula ng mukha at ng labi niya. Pero siya ang may birthday at nakakahiya namang hindi siya batiin.
He look amused. “Why, you’re so innocent! Pati ang boses mo ang sweet,” he looked at Achilles na nananatiling nakatayo sa harap ng mesa. It felt like this was a private table for them. “Kaya pala nag-aagawan, huh?” he laughed.
“We’re going to eat,”
Hinawakan ni Sir Adam ang pulsuhan ko at hinatak ulit ako patayo.
“Achilles will follow you two!” sigaw ni Jeric sa likuran namin.
Halos mapahinto ako nang maalala iyong sinabi ni Achilles. How he hated my activities with Sir Adam. He cursed it. He got jealous.
“Stop ruining Iris’ mind,” sagot ni Sir Adam.
We went to the dining area. May mga tao pa rin doon. Kumakain at nagtatawan. Kakilala ni Sir Adam ang iba. Hindi ako kumibo. Naalala ko si Achilles.
We were served with real food. Kumain ako ng kaunti at pagkatapos ay bumalik din kami sa pwesto nina Jeric. Naabutan ko roon si Achilles. Nursing his new bottle. Pailalim niya akong tiningnan at pagkatapos ay si Sir Adam na nakakuha ng kausap.
Napalunok ako. Inupuan ni Achilles ang pwesto ko sa tabi ni Jeric. Iyong tabi niya ang walang tao at ang sunod na upuan ay kaharap na nito. Inupuan ko na lang ang nasa harapan niya. Kinuha ko iyong baso ng alcoholic drink na parang sprite lang ang itsura. Sumimsim ako. Ayos lang ang lasa. Okay naman.
Hinila ni Sir Adam ang upuan sa tabi ni Achilles at inusod sa tabi ko. He sat and got his drinks too.
Nag-angat na lang ako ng tingin sa loob ng bahay. Nakikita ko iyong mga nagsasayaw. May dalawang babaeng lumapit sa mesa namin at binati ng happy birthday si Jeric. Kinawayan lang ni Jeric at pinagpatuloy ang pakikipaghalikan sa katabi.
Tumawa si Sir Adam at binato ng crumpled tissue ang kaibigan.
I felt so out of place. Iniiwasan ko ring mag-angat ng tingin kay Achilles. I knew. I knew that he was staring at me. Or even glaring. This was awkward too. Hindi ako makakilos at hinga nang maayos.
“May napili ka na ba sa kanila, Iris?”
Hindi ko napansin ang pagdating ni Julia. Hindi ko rin halos makita ang suot niya dahil sa iksi. A red fitted skirt and on top, almost a sports bra hugging on her chest. Mataas na naka-ponytail ang buhok niya at deep red ang nakapinta sa labi. She went straight on Sir Adam’s lap and encircled her arm on his neck.
She sweetly smiled at me. “Ano, Iris? Sino sa kanila ang bet mo?”
“Shut up, Julia.” Malamig na salita ni Achilles. But I didn’t look at him.
Tumawa si Julia. “Relax, Achi. I’m just kidding! Relax,”
“Lasing ka na yata,” komento sa kanya ni Sir Adam. Nilagay niya ang kamay sa kandungan nito.
Binitawan ni Julia ang topic na sinimulan niya. Pero nanatili siya sa kandungan ni Sir Adam at nakipag-usap na lang dito. Hindi na nakipaghalikan ulit si Jeric sa girlfriend (yata) at naging abala sa mga taong bumabati sa kanya.
This party seems like an adult party for my taste. Jeric was kissing his girl. Julia sitting on Sir Adam’s lap. And Achilles . . . quietly but actively staring at me while nursing his bottle. Lumalakas ang musika at sigaw o hiyaw ng mga tao. Habang lumalalim ang gabi, dumadami rin ang mga dumarating.
Nasipa ni Julia ang basong hawak ko. Parang sinadya pero inosente itong nag-sorry sa akin. Sinulyapan ko siya at tipid na nginitian, “Ayos lang,” sabi ko. Nabuhusan ang suot kong damit. Mula sa dibdib at tiyan. Mula sa bag ko ay naglabas ako ng tissue para punasan. Pero nagmamantsya rin.
“Nasa second floor ang comfort room, Iris. Turn right,” turo sa akin ni Jeric pagkatayo ko.
Tumango na lang ako. Sinusundan ako ng tingin ni Sir Adam pero hindi maalis si Julia sa kandungan niya. I excused myself. Halos makipagsiksikan ako sa mga taong nadadaanan. Napapaiwas din ako sa mga sumasayaw nilang hips at nakataas na mga braso sa ere. Nang makita ko ang hagdanan ay patakbo na akong umakyat doon.
Pagkarating ko sa landing ay may humawak sa baywang ko at iniba ang direksyong tatahakin ko sana. The arm was strong and big. I looked at him and smelled his familiar scent and the liquor he was been drinking. I almost panic when I saw Achilles. Guiding me to one of the room on the left wing.
Nagbukas ito ng isang pinto. He didn’t turn on the light. Para bang kabisado niya ang loob. Diniretso niya ako sa banyo. Binuksan niya ang ilaw at kumuha ng tuwalyang nakasabit. Naiwan akong halos tulala sa isang tabi at pinanood siya.
“Anong ginagawa mo?” marahan kong tanong sa kanya.
Piniga niya ang dulo ng tuwalya. Nilapitan ako at pinunasan ang damit ko. He look serious.
“I have a spare shirt in my car. I’ll get it for you,”
Bahagyang namilog ang mga mata ko. Naalerto na naman ako sa dahil sa boses niya. Niyuko ko ang pinupunasan niya. On top of my breast. Marahan niyang pinupunasan. Then went down to my flat tummy. His hands were so big and so gentle. The combination was intriguing.
I softly gasped. “’Wag na. Uuwi na lang ako,” I murmured.
He looked up at me. He looked down at my parted lips. I could smell his breath. I could see his obvious arousal. I couldn’t deny it. I couldn’t lie about it. He was restraining himself.
He gulped and licked his lip. “I want to punish your lips . . .” he whispered.
It took my breath. My chest pounded so fast and so hard. I wanted to launch myself into him but that was insane. I felt like I deprived myself too much. And I hungrily wanted his lips.
Nanubig ang mga mata ko. Maybe, maybe the drink I had swum in my blood and fueled my mind. I couldn’t stop my hands when I automatically yanked his nape and tiptoed and reached for his waiting lips. Naramdaman ko ang pagbagsak ang basang tuwalya sa paanan ko. Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko at hinapit akong mahigpit.
His mouth roughly attacked my lips.
***
“Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.” – Juan 14:14