Chapter 9
Iris
Natatawa kong tiningnan si Achilles habang tinititigan niya ang burger, fries at softdrinks na pinili ko para sa kanya. “Ano pang hinihintay mo? Kain na,” I stifled a giggle. Hindi maipinta ang mukha nito na para bang lason ang ipapakain ko sa kanya.
Nang hindi pa rin ito gumalaw ay kumuha ako ng isang french fries at tinapat ko sa bibig niya.
“Subo na?” aya ko ulit. “Parang baby naman,” tukso ko pa.
He tsked me. He looked at me like as if I called him the wrong word but it glistened his eyes too. Kinuha niya sa akin ang isang pirasong fries at saka kinain.
I tilted my head. “Napadaan ka lang ba talaga?”
Isang beses niya akong tiningnan at tumango. Kinuha niya ang burger at binuksan ang balot. Isang malaking kagat agad ang ginawa niya sa tinapay.
Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Napaisip ako. Dagdag rason din iyon kung bakit pumupunta sa mall. Kung minsan ay napapadaan din kahit wala sa plano. Kaya nga dapat ay kaaya-aya ang loob nito. Parang masarap na putaheng babalik-balikan mo.
Tinitigan niya ako at huminto sa pagnguya. “Eat.” Matigas niyang utos sa akin.
Napangiti ako. Namumulawan na’y masungit pa rin.
I ate my burger. Ang tatlong kagat ko yata ay kayang gawing isa ni Achilles. Hindi niya gustong kumain sa fast food pero parang dragon pa rin sa gana. Hindi nga siya bagay sa upuang gamit namin. He looked so out of place. At siguro mamaya ay magugutom ulit ito. Nang maubos ang kanya ay inalok ko ang french fries ko at pinagsaluhan namin iyon hanggang sa maubos. We didn’t talk much while munching the food. Hindi rin ako gano’n kagutom.
Nasa tabi kami ng glass wall. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan pa rin ang mga tao. May mga cart ng pagkain pa rin sa labas. Iyong iba nga ay kumakain nang nakatayo. Hindi alintana ang pangangalay.
I pouted my lips a little. Pagharap ko ay nahuli ko ang paninitig sa akin ni Achilles. Tinaasan ko siya ng kilay.
“You’re very passionate, Iris.” He stated while staring.
I smirked. Kahit na kumalabog ang dibdib ko pagkatapos ko siyang mahuling nakatitig na naman sa akin.
“Kapag mahal mo ang ginagawa mo, ‘di mo nararamdamang trabaho pala iyon. Gan’to siguro ang nakita mo sa akin,” sumipsip ako sa straw hanggang sa masimot ko ang laman.
Bumaba ang tingin niya sa baso ko. “Do you want more?”
Mabilis akong umiling. “Busog na ‘ko. Ikaw?”
Nanitig siya ulit. “Busog na rin,”
Tinitigan ko ring pabalik si Achilles. Sabi nila, habang tumatagal daw ay mas nakikilala mo ang isang tao. Pero kay Achilles, kahit matagal na kaming magkakilala ay mas nagma-materialize ang pagiging misteryo niya. A big handsome and successful man looking so dashingly mysterious. I was stunned for a bit. He was cold and strict then he could shift into sweet and adorable person too. Paano niya iyon nagagawa?
A person like him was like a thousand pieces of puzzle.
“Achilles-“
“Iris-“
Pareho rin kaming natahimik dahil sa sabay na pagsasalita. Sabay ding tumawa at yumuko. Kinagat ko ang ibabang labi at nag-angat ng tingin sa kanya. I only freed my lip when I caught him staring at my lips intently.
Mabilis kong tinaas ang kanang kamay sa kanya. “Friends?” matapang kong alok. Nanginginig ang labi ko habang nakangiti sa kanya.
Tiningnan niya ang kamay kong naghihintay sa harapan niya. It looked awkward at first. He could take or ignore it. But I wanted to clear everything in between us.
“Is there other option to choose?” he asked.
I sighed heavily. “Ito lang ang pwede kong i-offer sa ‘yo. Ang gulo kasi noong nanliligaw ka. Pero kung magiging magkaibigan lang tayo, mas madadalian akong abutin ka.” I smiled at him genuinely. “Ganito lang ang kaya kong ibigay sa ‘yong galing sa puso ko, Achilles,”
Sandali siyang tumitig sa akin. Tila inaarok ako. Pero nang humaba ang katahimikan ay mas nangingibaw ang kaisipang tinititigan niya ako na tila magbabago pa ang pasya ko. Nagmamakaawa ba siya? O mas maiging sabihing dinadaan niya ako sa tahimik na lambing.
There were a moment when I really felt his mighty effect on me. He could pump my heart beat faster even without a massive effort. His deafening authority and powerful gaze could get me jump from my chair and just hid when he couldn’t see me or notice me. I would gulp and felt the warm in my cheeks.
Meron akong natatantong damdamin para sa kanya. Ayokong magkaroon ng relasyon sa kanya pero gusto ko ang pakiramdam kapag nariyan siya sa tabi ko. Gusto ko ang mga maiinit niyang halik pero natatakot din akong sunggaban ang pagkakagusto niya sa akin. Gusto ko ang binibigay niyang atensyon pero ayokong may commitment kami sa isa’t-isa.
I was so lost. Para bang humihiwalay ang katawan ko sa kaluluwa sa tuwing siya ang naiisip ko.
“Only friendship? What about Adam? What’s your relationship with him?” nanliliit ang mga mata niyang titig sa akin.
Still, progress is progress. Kahit parang nag-iimbestiga ang pagkakatanong niya ay binalewala ko na.
Kumunot ang noo ko. “We’re friends. Atleast, iyon ang turing ko sa kanya. Wala nang hihigit pa roon,”
Tumigas ang mukha niya. “Did he try to . . . kiss you?”
May confident akong humiling. “Hindi rin ako papayag kung sakaling magtanong pa siya,”
He immediately took my hand and shook once. Parang labas sa ilong ang pakikipagkasundo niya sa akin.
May pagtataka ko siyang tiningnan. “So, okay na tayong dalawa?” paniniguro ko.
“I’ll think about it first,”
Bumagsak ang panga ko. “Pero akala ko-“
“I don’t want to be just your friend, Iris. I’d die.”
Napaawang ang labi ko kasabay ang malakas na pagkabog sa dibdib ko. Matagal kaming nagkatitigan. May ilang dumaan at pumarito sa aming pwesto pero wala ni isa sa amin ang kumilos. Tila nag-mute ang paligid at tanging ang mabibigat na titig ni Achilles ang center ng paghinga ko ngayon.
I felt like crying but there were no tears from my eyes. I felt like shouting but there was no sound from my mouth. It was foolish to think about those words like as if I was defeated after his firmed statement.
Then finally, I gulped. I could visibly see my chest heaving up and down. “A-Achilles,”
“I’m jealous.”
“H-ha?”
“I’m so f*****g jealous when I saw you with Adam. When you were dancing. When you were looking at him and laughing with him. And I ended up nursing my drink and left you with him. All the activities you did with him—I f*****g cursed all of it.”
Hindi ako nakasagot. Hindi ako nakaimik na para bang pinagalitan niya rin ako.
“Kung gusto mong maging kaibigan ako, kailangan mong maghintay na humupa ang nararamdaman ko para sa ‘yo, Iris. Dahil hindi ko kayang isipin na katabi kita sa kama ko at kaibigan lang ang turing mo sa akin. I would separate you in my life if that’s what you really want. You cannot order me just to be your so-called ‘friend’. I wouldn’t do it for you. I could lie to you but my body language won’t cooperate.”
“Kung-kung gano’n magiging civil ako sa ‘yo magmula ngayon. I will not treat you as a friend too,” nagpakawala ako ng mabigat na paghinga. “I don’t want to lose you . . .”
“Kung kaya mo akong magustuhan, hindi ako mawawala sa ‘yo,”
Napapikit ako at yuko. I was losing the plotted conversation I intended to have. Pero bawat salitang lumalabas kay Achilles ay nakakapanghina rin sa akin.
At sa tuwing tinitingnan ko siya . . . may umuudyok sa aking mag-oo sa kanya. Hindi ko lang sigurado kung kaya kong panindigan ang ‘oo’ na gusto niya sa akin.
Madaling sabihin pero mahirap gawin.
Umalis kami sa mall nang hindi nagkikibuan. Masyado kaming tahimik na dalawa. Hinatid niya ako hanggang sa bahay pero hindi siya pumasok kahit nang alukin ko. That was right. Hindi ko rin kayang i-entertain siya kung ganitong mabigat ang ulo ko.
I got the idea. Nauna na siyang humiwalay sa akin dahil alam niyang hindi niya makukuha ang inaasam sa akin. Kung kailan mas gusto kong maging maayos kami, hindi pala kaya. I mean, he didn’t like my idea of having him as only my friend. It would only hurt him.
Akala ko kapag nakausap ko na si Achilles ay gagaan din itong nararamdaman ko. Hindi rin pala. Hindi rin sapat ang gusto ko para sa aming dalawa.
Sinubsob ko ang sarili sa trabaho. Pero hindi ako nakipagpatayan ng mga ideya kay Sir Adam. Though, he understood my point, he made it as our backup plan if the client won’t like his design. That was fine. I could accept defeat.
Naramdaman ko ang agwat sa pagitan namin ni Achilles. Kapag napupunta siya sa opisina namin ay tinitingnan ko siya. I knew deep in my heart I wanted him to glance at my direction. But he never did.
Naging tahimik na rin sina Mabelle at Lean tungkol sa kanya. Parang natapos na libro at nag-move on sa bagong babasahin.
Napansin ko ang pagiging masayahin ni Sir Adam. Kung minsan ay pinagtatakhan ko rin. Nang minsang mapag-isa kami dahil sa nalalapit na presentation ay bigla niya akong hinawakan sa kamay. Tinanong ako,
“Can you be my girlfriend, Iris?” nakangiti niyang sabi.
Napatda ako at agad ding nakabawi. Napalingon ako sa nakasaradong pintuan ng office namin. I sighed. Umiling ako. “I’m sorry.” tipid kong sagot. Hindi ko na dinugtungan pa. It was final and surprisingly, I said it so easily.
Unti-unting nalusaw ang ngiti niya. Tumikhim at umayos ng upo.
“Well, si Achilles ba?”
Mula sa screen ng computer ay nilingon ko siya. I wouldn’t admit it to him.
“Hindi.”
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa kanyang laptop. “Hindi na kayo nagde-date na dalawa, ‘di ba?”
I sighed heavily again. “Hindi. We stop seeing each other a long time ago.” Weeks ago and I could even count it for him.
He chuckled. “I’m confused. Akala ko ay matatalo ko si Achilles. Wala ka pala talagang interest isa man sa amin,” tumawa siya ulit.
I steady my gaze at him. May sumundot na ideya sa akin na hinayaan kong maglaho rin. Maybe it was a bad joke.
“Kaunting pagkakamali ko lang sa trabaho ay tatanggalin na niya ako. Hinahanapan ako no’n ng butas para matanggal niya. Kaya akala ko may pag-asa ako sa ‘yo,” he looked at me and grinned.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kung nagkataon kay laking bigat no’n kapag inalis sa trabaho si Sir Adam. But I even doubted if that would happen. Magkakaibigan sila. Kahit si Julia ay narito rin.
Tumayo si Sir Adam at marahan akong tinapik sa balikat bago lumabas ng opisina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumapat ang pinto. Natulala ako sandali. Nang bigla bumukas ang pinto at pumasok sina Lean ay agad kong binalik ang atensyon sa trabaho.
**
“I don’t like it.” matabang na komento ni Achilles nang i-present namin sa kanya ang design ng mall para sa mag-asawang Benedicto.
Nilingon ko si Sir Adam. His smile froze while standing in front of us in the conference room. Naroon din si Engineer Modesto para makita ang design. Hindi pa naman ito ang final na presentation pero nagpatawag na ng meeting si Achilles para dumaan muna sa kanya ang design namin.
Nagtaas ng kamay si Engineer Modesto.
“I agree with Mr Castillano. I think, masyadong crowded ang loob ng building. Tapos ay napakalawak ng parking space, Architect Adam. There’s nothing special with it too. But my concern is, it is too crowded,” he then gave glances at me and Lean.
Hilaw na tumawa si Sir Adam. He was going to defend his own design. He was ready for it.
Napatingin ako kay Achilles nang binagsak nito ang likod sa sandalan ng upuan. Patay ang ilaw at tanging projector ang liwanag namin. Nagde-kuatro ito at hinilot ang noo. Sinulyapan niya ako nang mapansin ang pagtingin ko sa kanya. But he abruptly looked away.
It was too scary to even think of presenting in front him. Pati ako ay kinakabahan para kay Sir Adam sa tuwing nagsasalita siya. Achilles’ cold and impassive look at his friend felt like daggers that wanted to kill his own friend. Palagi siyang may bato sa kada sagot at paliwanag ni Sir Adam sa kanya. Wala ni isa sa amin ang may gustong sumagot sa kanya maliban sa nagsasalita ngayon.
The room was built with icy aura from him. I could see that everyone was having a hard time working with him at the moment.
Binunggo ako ni Lean. Nilingon ko siya.
“Tulungan mo na si Sir, Iris,” bulong niya sa akin.
Sa pag-udyok ni Lean ay agad na tumubo ang takot sa isipan ko. I felt like a coward sitting here and letting Sir Adam burnt.
“I’m getting your point. But when it comes to the budget, this design will do well for the client. The more stall that we can build, the more merchants will going to rent. And the parking space is just right since everybody can afford cars,” he laughed.
Napalunok ako.
“Miss Faustino,”
Napatda ako sa pagkakaupo nang tawagin ni Achilles ang pangalan ko.
“P-po—Sir?” nautal kong sagot dito. Nang tingnan ko siya ay ganoon pa rin kalamig ang mga mata niya.
“You have your own design?”
Namilog ang mga mata ko. Para bang may nagbara sa lalamunan ko.
“Y-yes, Sir. I—I have—“
Tinuro niya ang harap. “Show it.”
Nilingon ko si Sir Adam. He look pissed but remained professional. Tinanguan niya ako bago naupo na lamang matapos akong tawagin. Sabay tayo naman ni Lean at sinaksak ang USB ko sa laptop ni Sir Adam. She managed to open my design while I was gathering my words for it.
Pagtayo ko ay gusto ko na ring maupo ulit. They all looked at me. Waited. But it didn’t look too scary when I saw all of them staring at my design.
“Go, Iris!” pabulong na ugyok sa akin ni Lean pagkaupo nito.
I didn’t even have any hardcopies of this for them. Ang kay Sir Adam lang ang mayroon kaya naman lahat sila ay nakatingin sa harapan at akin. I played the video of the 3D visualization of the 4-storey building mall for the Benedictos.
My palms were already damp even in the middle of a low temperature air conditioning.
I cleared my throat. “This is the first floor of the mall. This is where the grocery and some fast food chains, restaurants will be assigned-“
“Miss Faustino. Saan mo nakuha ang ideyang maglagay ng fountain at rebulto sa gitna ng mall? Did you consider the client’s budget?” Achilles asked.
I looked at him. Smiled. I saw him arched his brow while staring at me.
“Nang marinig ko po ang kwento nina Mr and Mrs Benedicto, their main reason why they wanted to own this mall is because of their son,” tinuro ko ang batang rebultong tinutukoy ni Achilles na nakatayo sa gitna ng first floor. “This is my tribute for Reggie Benedicto,” I smiled while looking at it. “Siya naman ang naging pangunahing dahilan ng kanyang mga magulang para makapagtayo ng ganitong establisyemento. Though, hindi nila na-mention ang paglalagay ng fountain at rebulto nito, I insisted it since I really wanted a sanctuary in a mall for the client. May nakausap na rin akong maaring pagawan nito at nagbigay naman sila ng magandang presyo. As for the stalls, hindi ko niliitan ang pwesto kaya mababawasan ang bilang nito sa bawat palapag. Naisip kong, kung maganda ang lugar at nakakagaan sa mga mata, hindi naman kailangang maglagay ng maraming tindahan para kumita. Nasa ambiance rin ng lugar ang dahilan kaya binabalikan. At maganda ring maayos ang ventilation. Hindi nagsisiksikan ang mga tao,”
“Kung lalagyan mo ng fountain at tiles ang sahig, hindi ba masyadong madulas at delikado?” engineer Modesto asked.
Tiningnan ko siya, “Elevated po ang sahig na lalagyan ng tiles mula sa paligid ng fountain. Bukod doon ay nilagyan ko rin po ng fences at papaikutan ng mga upuan para sa mga customer na gustong magpahinga mula sa pagsya-shopping. Napansin kong maraming umuupo sa sahig ng mall. A lot of people will appreciate benches in the crowded places. And while taking their rest, nakakapagpakalma rin ang tunog ng tubig,”
I saw them nodding. Tahimik naman si Sir Adam. Sunod kong pinaliwanag ang design sa taas. Wala na akong nilagay na open ceiling. Kaya naman naging malawak din ng espasyo sa mga sumunod na palapag. But I also explained why I chose to put a chapel inside the mall on the second floor.
Achilles didn’t ask anymore until I finished my impromptu presentation. May sinabi sa kanya ang engineer at tumango naman ito. Then he looked at me.
“I’d like you to present your design to the client.”
Bumukas ang ilaw at nagkaroon ng liwanag sa kwarto. Tiningnan ko si Sir Adam. Tumaas lang ang gilid ng labi niya at inayos ang kanyang laptop. He even shook his head. Binigay niya sa akin ang USB ko at nagligpit ng mga gamit.
Lean walked beside me.
“Ang galing mo, Iris. Congrats!”
I just smiled at her. Nilapitan ako ni Engineer Modesto at nanghingi ng kopya ng design. Pati si Ara ay kailangan ko ring bigyan para kay Achilles. He left the room first. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa bumalik ang huwisyo kong huwag siyang sundan pa sa labas at magpasalamat. Sa wari ko, dahil sa nakita niya ako sa mall kaya ganito niya tinitrato ang trabaho ko.
Masaya dapat ako sa tagumpay ngayon pero hindi ko magawa dahil sa itsura ni Sir Adam.
“Congrats, Iris,” bati niya sa akin nang maiwan kaming tatlo sa conference room para magligpit. “You deserve a celebration,”
“Oo nga naman, Iris. Ang ganda-ganda ng paliwanag mo sa design mo. I-celebrate natin ‘yan,” segunda ni Lean. Alam kong hindi niya pansin ang disappointment ni Sir Adam sa presentation.
Umiling ako. Magalang ko silang tinanggihan. “Hindi na muna siguro. Kailangan ko pang ipakita ito sa kliyente. Pwede pa akong ma-reject,”
“Well, someone will not make it happen.” Kinuha ni Sir Adam ang laptop niya at charger bago tuluyang lumabas ng kwarto.
“Sa susunod na nga lang,” pinatay ni Lean ang air conditioning at ilaw. I followed her out while thinking about Sir Adam’s words.
Kahit naman gaano makapangyarihan si Achilles, hindi naman niya mababago ang gusto ng kliyente. Hindi siya ang gagastos. Kaya bakit iyon sasabihin ni Sir Adam? Dahil mas kilala niyang tunay ang kaibigan? Maaari. Pero iba ito. Trabaho ito.
Tinaboy ko sa isipan ang pagyayabang na makukuha nga ang design ko. Nilabas ko lang ang nararamdaman at imahinasyon ko sa proyekto. But it didn’t mean that someone would choose that because of me. I wanted to see their true reactions. Nagustuhan nina Mr and Mrs Benedicto ang disenyong pinakita ko. Mrs Laura Benedicto cried and was so touched while staring at the statue of her young and vibrant son. Tila ito binubulwak ng tubig pataas. Nakangiti at masaya ang mukha.
The contract was signed. Nang magsimula ang construction ay pinuntahan ko ang site at nag-inspect. Sa ganito umikot ang mga araw ko. I avoided romances during those times. Si Sir Adam, he looked fine but I knew something has changed too. Hindi ko naman pinag-alala. Baka dahil din sa tinanggihan ko na siya. Mabuti at hindi na rin nangulit. For almost a month, I was delighted with my own solitude. I was busy at work and still laughing with my friends. May mga pagkakataong napapansin ko ang titig sa akin ni Julia. Para bang may alam siyang hindi ko alam.
Hapon nang lapitan ako ni Sir Adam sa table ko. He smiled at me. “May gagawin ka ba mamaya? After this?”
Kumurap-kurap ako. “Wala naman. Bakit?”
“I-invite sana kita sa birthday party ni Jeric. You met him?”
Tumango ako. “Oo,”
Ilang sandali ko siyang pinagmasdan. Sasama ba ako? Teka, hindi niya ako tinanong muna kung gusto kong pumunta roon. Nakilala ko na iyong Jeric pero hindi naman kami ganoon na magkakilala. I just knew that he was his friend too. Nila ni . . . Achilles. Will he be there too?
“Sama ka?” he grinned.
I opened my lips and my first attack was to refuse his invitation. But then why not? Wala naman akong gagawin pagkatapos nito. Masaya ako sa natapos at saka baka ito na rin ang chance na makausap ko si Sir Adam pagkatapos ng nangyari sa design niya. Parang lumayo siya. Umiwas. Nainis. Halu-halo na.
I gulped and nodded. “Okay,”
Lumawak ang ngiti niya. Tila nakahinga nang maluwag.
“Sunduin kita rito after work,”
Tumango na lang ako at binalik ang atensyon sa ginagawa pagkaalis nito.
**