“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikakabuti. Ito’y mga planong nagdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” – Jeremias 29:11
***
Chapter 21
Iris
“Pwede bang pumasok?” Nakangiting bati sa akin ni Madam Regina. Napapikit siya dahil sa malakas na sigawan ng mga batang naglalaro sa kalsada. Nang humupa ay marahan itong dumilat at ngumiti ulit sa akin. Hindi siya nag-iisa. Mayroong isang lalaking natayo sa tabi ng makintab na sasakyang dala niya. Hindi ko iyon kilala at mukhang kasama niya lang na umuwi kahapon.
Kinutaban ako. Hindi magandang ideya agad ang pumasok sa akin pagkakita sa kanya. Ano’ng ginagawa niya rito? Sinundan ba niya kami ni Achilles? That would probably very dramatic scene but I couldn’t stop thinking about it. Just my pure imaginative mind shattered in my head.
Hindi siya bagay sa lugar namin. Nahuli ko ang katapat naming kapitbahay na humahaba ang leeg para makita si Madam Regina. Pinasadahan ang suot niya pati ang mamahaling sasakyang nakaparada. Alam kong may ilang taong napapalingon kay Achilles sa tuwing pumupunta rito. Pero kung may isa ulit na darating sa katauhan ni Madam Regina ay talagang gumagawa ng usok ang kanyang presensya at dala-dala.
Napaigtad ako nang malakas itong tumikhim.
“Tuloy po kayo,” mabilis kong sagot.
Sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung paano kikilos. Nang humakbang siya papasok ay niluwagan ko ang pinto. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang sala namin. Maalaga sa bahay ang Mommy ko kaya katanggap-tanggap naman ang ayos ng bahay. Wala kaming mga mamahaling muebles kumpara sa mansyon pero liveable pa rin ang munting tahanan namin.
“Uh,” sinarado ang pinto at agad na lumapit sa upuan. “Upo po kayo-” Ma’am. Kamuntik ko nang itawag sa kanya. She still hasn’t given me the permission to call her as Mama. So, I was on the safe side of not calling her any names.
Umangat ang ulo niya. Pinasadahan niya ng tingin ang sala namin. Tumaas ang isang kilay. We had a flatscreen TV but I didn’t think it was luxurious enough compared to their entertainment room in the mansion. Then she looked at me. “Where’s your parents?”
Her branded bag was on the crooked of her arms. Binuksan njya iyon at pinasok ang kamay. Nanindig ang balahibo ko sa pagkakatanong niya. Hindi ako nakasagot. Pumunta na lang ako sa kusina at tinawag si Mommy. Nadatnan kong pareho silang nagtatawanan ni Romulo. Hindi nila narinig ang pagkatok ni Madam Regina. Sinabi ko agad na nandito ang Mama ni Achilles. Nagpunas ng mga kamay si Mommy at suklay ng buhok. Matagal na niyang gustong makilala ang mga magulang ni Achilles at kita ko sa kanyang excited siyang harapin ang dumating na bisita.
Naunang lumabas si Mommy. Si Romulo ay sumunod din. Tinapik pa niya ako sa balikat bago sumunod sa sala. Ako ang huling bumalik.
“Maupo ka, balae. ‘Wag ka nang mahiya. Naku, bakit naman hindi nasabi sa akin ni Achilles na darating ka pala rito sa ‘min? Edi, sana’y nakapaghanda man lang kami kahit papaano,” my mother didn’t notice how Madam Regina arched her one brow when she called her as “balae.” Like as if she called her an alien name.
Walang halong kaba sa mukha at boses ni Mommy. Hindi siya na-intimidate sa suot at mga alahas ni Madam Regina. She talked cheerfully and let the visitor felt the she was very welcome in our small house.
Umupo silang dalawa. Nakita ni Madam Regina si Romulo tapos ay binalingan ako. “Your father?” tanong niya sa akin.
Napalunok muna ako. “Hindi po. Boss po ni Mommy sa trabaho at boyfriend niya po.”
Bakit ganito? Wala namang masama sa sinabi ko pero parang ang dumi ng dating sa pagkasabi ko?
Romulo stepped near her and offered his hand. “I’m Dr. Romulo Garello. I’m Louisa’s fiancé. Nice to meet you, Ma’am.” He charmingly introduced himself.
I was a little bit surprised of Romulo’s clear and full of confidence in his low tone voice. Na kahit si Madam Regina ay bahagyang bumilog ang mga mata. Ang Mommy ay namula ang mukha. Namanghang kinamayan ni Madam Regina si Romulo. I blinked my eyes. I noticed how she lingered her eyes on him.
“Ditto. You’re doctor of what?”
“General Doctor. I have a clinic in this area and Louisa is working with me,” binitawan niya ang kamay ni Madam Regina at nilapitan si Mommy.
“Ow? So, you’re separated with Iris’ father, Louisa?”
“Oo. Matagal na.”
“Where is he, then?”
“May iba ng pamilya.”
An O-shape shaped on Madam Regina’s lips. She looked at Romulo, me, then chuckled. Bahagyang tumalim ang mga mata ko nang ganoon ang ibinigay niyang reaksyon kay Mommy.
“I’m sorry to hear that. I didn’t know that Iris came from a broken family. My son didn’t say anything about your daughter. You’re lucky you found a man like Dr Garello.”
“Uh, actually, no, Ma’am. I’m lucky to have her. Bago pa lang magpakasal si Louisa sa father ni Iris, may gusto na ako sa kanya. I had a hard time to forget her. And when we met again, hindi ko na siya pinakawalan. I couldn’t afford to lose her once again.” Tiningnan ni Romulo si Mommy nang may kislap sa mga mata.
I saw Mommy gulped. Tila bigla itong ninerbyos. Binalingan niya ako at inutusang kumuha ng maiinom para sa bisita. Maagap na nagtaas ng kamay si Madam Regina.
“Don’t bother. Wala naman akong balak na magtagal dito.” she glanced at me, Romulo then to Mommy.
The silence stretched. Nanatili akong nakatayo dahil hindi ko kayang umupo malapit sa Mama ni Achilles. Ang tono niya ay nagpapahayag na hindi siya pumunta rito para magpakilala kay Mommy. Their fight last night was still fresh in my mind. I wanted to call Achilles. I wanted him to rescue us from his mother. Like as if we could always run ourselves from his mother. But this was inevitable.
My Mommy sat up straight. Pinagpatong niya ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang hita. Tumayo naman si Romulo sa likuran niya. “Na-appreciate ko ang personal mong pagbisita sa amin, Mrs Castillano. Tungkol sa mga bata-“
“Hindi ako pabor sa kasal.” Maagap niyang pinutol ang sinasabi ni Mommy. “Sa tingin ko, nagpadalus-dalos lang sa pagdededisyon ang anak ko kaya niyaya niyang pakasalan itong anak mo.”
Napaawang ang labi ko. Binalingan ko si Mommy. Nag-alala ako sa magiging reaksyon niya. Her face turned pale. Isang beses niya akong sinulyapan. I knew she was surprised and shocked of her frankness. Undeniably, Madam Regina was a straightforward kind of woman.
“Mawalang-galang na, Mrs Castillano, pero nabuntis ni Achilles si Iris. Nagpunta rito si Achilles at buong tapang na inalok ng kasal ang anak ko. Alam niya ang responsibilidad at ginawa niya ang tama.”
Madam Regina chuckled a little. She tended the tendrils of her hair then she looked at my mother.
“Yes. Yes.” She lazily said. “My son is a responsible man. But still, he’s not obligated to ask Iris for a marriage. He can provide and send money for his baby but marriage is not included. Achilles is bound to marry another woman. They have been dating since they were young. You know, he’s a man and handsome and rich.” Her voice lowered like as if she was telling us a secret. “May mga babae pa ring umaaligid sa anak ko pero hindi niya pinapatulan ng seryosan. Pampalipas oras lang. He’s having a rough time, Louisa. Nagkasagutan kami dahil sa pagpapakasal niya. I think, he’s still wants to marry Zonia. She’s the fiancée.”
Na-shock ang Mommy. Kitang-kita iyon sa reaksyon niya matapos ng sinabi ni Madam Regina. Hindi siya agad na nakapagsalita. Nilingon niya ako. Gulat ang mga mata niya sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin. Batid ko naman kung gaano kagusto ni Madam Regina si Zonia kaysa sa akin. Nahihiya akong marinig din iyon ni Mommy. At may kirot ding hatid sa dibdib ko.
Nanghihina kong pinikit ang mga mata.
“I will compensate Iris if she will agree for annulment. Though, she didn’t sign a prenuptial agreement, I will fight in any court if she will ever ask for her share in my son’s money. There’s no way na agawan niya ang para sa anak ko at kay Zonia. What do you think, Louisa?”
Damn it. Paano siya nakakuha ng ganitong lakas ng loob para deretsahin kami? Lalo na sa Mommy ko. Parang negosyo lang ba ito sa kanya? Hindi niya inisip ang emotional damage na pwedeng idulot sa mommy ko? I bit my lip. I started to feel furious over situation.
What about Achilles? He didn’t foresee his mother’s reaction when he offered to marry me? Maybe I was in fault too. I agreed to marriage instantly when I thought about the lives in my belly. I was afraid, ofcourse, of her mother but when he said about “our family”, I couldn’t turn it down. It felt good and exciting.
Compensate? Damn. I never thought that word would hurt me up to the core of my heart.
Yumuko si Mommy. Malalim na bumuntong hininga at saka pumingit. Hindi siya sumagot. Pag-angat ng mukha ay mas kalmado ang kanyang itsura.
“Paano naman ang mga apo ko, Mrs Castillano? Wala ba silang karapatan sa ama nila?”
I sucked on my breath and stared on her.
A triumphant grin shown on Madam Regina’s lips. “Well, may ilang bastardo na namang Castillano ang gumagamit ng apelyido namin. Our name is very powerful as well the Castillano’s male genes. For the sake of Achilles’s child or children, as you said, mga apo mo, they can use his name. For me, that seems to be the benefit for having a Castillano father. You look to be on my side, Louisa.”
“Ayun lang? Pangalan lang niya?”
“Sustento, syempre! Alam kong iyon ang bida sa inyong lahat. But take note of this, Achilles and Zonia will have their own children. Your illegitimate grandkids will not earn any position in our company. Magkalinawan na tayo ngayon pa lang. Ang mga tunay kong apo lang ang makikinabang sa pinaghirapan ng lolo at ama nila. I will make a contract on this. Do you agree with your mother, Iris?” nilingon niya ako at nginitian.
I looked at her. My lips trembled. I felt pain. I felt pang of it right here in my chest. I wouldn’t cry. I wouldn’t let her see that I was hurt. I didn’t move nor answer her. Ngumiti pa rin siya at binalik kay Mommy ang kanyang paningin.
“Poor Achilles. He broke another woman’s heart.” she said in the air.
I gasped. Kumuyom ang mga kamao ko. Biglang tumayo si Mommy. She looked down at her.
“Bakit hindi natin isarado ang deal ngayon, Mrs Castillano?”
“Kung nagmamadali ka, payag ako.” Hamon ni Madam Regina.
“Louisa.” Tawag ni Romulo sa kanya. Umalis si Mommy. Pumunta ng kusina nang walang nililingon sa amin.
Tila uminit ang mga mata ko. May tagumpay sa mga mata ni Madam Regina. Sinusulyapan niya si Romulo. Nang akmang susundan niya sa kusina si Mommy ay siya namang labas nito. Napaawang ang labi ko nang makitang may dalang isang pitsel ng malamig na tubig si Mommy. Nilapitan niya ang Mama ni Achilles na namilog ang mga mata sa kanya. Wala na ang takip sa pitsel.
“Louisa-“
“Nagkamali ka ng binabangga, Mrs Castillano. Kung ayaw mo sa anak ko, pwes, buong puso ko siyang babawiin sa inyo kasama ang mga apo ko. Pero sa ‘yo na ‘yang pera at apelyido niyo. Hindi ko rin hahayaang makita mo ang kambal dahil ayokong mabahiran sila ng basurang ugaling tulad mo!”
Malakas akong suminghap nang isaboy ni Mommy ang isang pitsel ng tubig sa mukha ni Madam Regina. The impact was too strong. I even thought she was hurt. She jolted up. Lips parted and shocked. Her arms were shaking and her hair and dress were drenched. The water pooled on the floor but that seems to be the last problem we needed to think about. Or fix about.
Madam Regina gasped loudly. Her makeup was waterproof. Her hair flattened on her skull. Hindi ko napigilang mapaawang ang labi dahil sa naging itsura niya. Pagkatapos ng ilang sandaling panonood sa kanya ay pumunta ako ng kusina para maghanap ng maipangtutuyo sa basang-basa niyang mukha. Wala kaming paper towel. Nakita kong may bimpong nakasampay sa sandalan ng upuan. Hindi ko alam kung malinis o hindi. Hinablot ko na lang at dinala sa sala.
Tinabihan ko si Madam Regina. I reluctantly patted the towel on her hair then on her right cheek. Nakaestatwa pa rin siya.
“Sige. Tama ‘yan, Iris. Pinupunasan talaga ng basahan ang marurumi.” Tudyo ni Mommy.
I immediately stopped. Natigilan din si Madam Regina. Nilingon ako at tinabig ang kamay kong may hawak ng basahang tinutukoy ni Mommy. She then used her right forearm to wipe on her eyes. The least she could do. Then she glared at my mother.
“You will get nothing from my family!” she said in between her teeth gritted.
Namaywang si Mommy at nagtaas ng noo. “Ang ibinigay lang sa amin ng pamilya mo, ay ang sperm ng anak mo. At kung sa tingin mo matatakot mo ‘ko dahil sa kapangyarihan niyo, wala akong pake! Paalala lang, Mrs Castillano. Si Achilles ang umakyat ng ligaw at humahabol dito sa anak ko. Ni hindi sinabi sa kanya ni Iris na magkakaroon sila ng anak. Ang anak mo, ang patay na patay sa anak ko. Kaya ‘wag mong isanggalang sa akin ang pera at kumpanya niyo. Dahil kailanman, hindi ko pinangarap na mapabilang ang anak ko sa taong makitid ang utak na tulad mo!”
Nanlisik sa galit ang mga mata ni Madam Regina. “You’re ignorant, squatter woman!”
Tinuro ni Mommy ang pinto. “Kung ayaw mong i-dustpan kita, lumayas ka sa bahay ko! Nagkakalat ka ng dumi!”
Malaking awang sa labi ang naging reaksyon ni Madam Regina. She was humiliated. Shocked by my mother’s ruthless words and anger. But she looked reluctant to leave. Binalingan niya ako. Galit ang nakaburda sa mukha niya sa akin.
Napalunok ako. “Madam,”
Dinuro niya ako. “Hindi nababagay sa ‘yo ang anak ko! Gold-digger!” nagtatagis na bagang niyang salita. Pumihit siya patalikod at tumutulo ang damit niyang lumabas ng bahay namin.
Hinabol pa siya ni Mommy sa pintuan at sinigawan. “Ang anak mo ang pagsabihan mong ‘wag habulin ang anak ko! Sadako! Gold-hoarder!”
Agad na dinaluhan ng kasamang driver si Madam Regina dahil na rin sa nakitang itsura nito. Pinagbuksan ito ng pinto at pagkatapos ay patakbang umikot sa driver’s seat.
Hinawakan ko siya sa braso at manghang tiningnan. “Mi, tama na.” pulang-pula pa rin ang mukha niya at mabilis ang paghinga.
May mga kapitbahay ang nakarinig ng sigaw ni Mommy. May kuryoso nilang sinundan ng tingin ang kaaalis lang na ginang. Pero mas pinili naming hindi na magsalita pa at sinarado na lang ang pinto. It looked like simply closing the door to the massive audience outside.
Nang humupa ang tensyon ay naupo kaming lahat sa mesa. Hinihilot ni Mommy ang kanyang sintido at may ilan pa ring salita ng galit siyang nasasabi kahit sa mababang tono. Naupo ako sa kanyang tapat. Si Romulo ay nagsalin ng tubig para sa aming dalawa. Tinulungan niya si Mommy na kumalma. He used his medical background to lessen the shaking of her body. Nag-alala rin ako na baka kailangang dalhin sa ospital ang mommy. We were fortunate to have Romulo. He also got a commanded tone that my mother listened. She relaxed and calmed down.
“’Wag ka nang uuwi ro’n. Ipakuha mong lahat ng gamit mo. O wag na. Baka ipasunod ng bruhang ‘yon ang mga damit mo.” Mahinahon pero matalim niyang sabi sa akin.
Hinimas ni Romulo ang balikat niya. He massaged her shoulders and back. “Calm down, Louisa. You did too much today,”
She scoffed. “Hindi pwede. Kapag anak ko ang minaliit niya, ako ang makakalaban niya.”
“I will not let her hurt you.” His voice was calm but clear enough to silence her.
Bumuntong hininga ako. I bit my lip. Kahit na malalim ang naidulot na problema sa akin ng sagutan nina Mommy at Madam Regina, may isang tanong akong gustong bigyan ng buhay. Nag-angat ako ng tingin kay Mommy. “’Mi, bakit mo siya sinabihan na Sadako?”
Natigilan si Mommy. Si Romulo ay kumunot ang noo at nangingiting tiningnan ang nobya.
“Eh, nu’ng basa na siya. Hindi ba, bumagsak din ang buhok niya sa tapat ng mukha? Si Sadako nu’ng lumabas sa TV galing sa balon at basang-basa rin. Kaya ayun. Nasambit ko lang bigla,” kabado at nahihiya niyang paliwanag.
“Gold-hoarder is new to my ears,” Romulo said.
I twisted my lips so I could avoid to laugh. Nag-iwas pa ako ng tingin kay Mommy para lang din hindi kumawala ang tawa ko. That was nonsense. But could still help to ease the tension in the air. Afterward, pinagpatuloy n ani Mommy ang pagluluto ng tanghalian. Si Romulo ang nag-volunteer na maglampaso sa sala. Ni-refill ko ang pitsel ng tubig.
Tanghalian nang mag-send ng text si Achilles. Doon ko lang siya naalala ulit.
Achilles:
Eat well, sweet love. I miss you.
Wala pa siyang alam. Pagkatapos ng nangyari, hindi ako makapaniwalang hindi pa nakakapagsumbong sa kanya ang Mama. Dahil ba nagkasugatan din sila kagabi? Their wounds were still fresh.
Napahilot ako ng noo. Naisip kong, mag-ina sila. Nagtalo dahil sa . . . sa akin. Dahil sa biglang pagpapakasal ni Achilles. Hindi ako tanggap. At nagkakagulo pa sa pamilya namin. Kahit ang Mommy ko ay hindi nakaligtas sa gulong dapat pala ay maaga kong inagapan. Iyong mga iniiwasan kong maisip pagkatapos ng kasal ay heto na ngayon. Kusang lumalapit sa akin.
Malalim akong bumuntong hininga. Tinitigan ko ang message niya. May kung ano akong naramdaman habang nakatingin sa binuo niyang mga salita sa text. He was becoming more thoughtful, alert and possessive. Kahit napag-usapan namin iyong huling salita. Sa tingin ko talaga ay overprotective si Achilles. I couldn’t help but felt that I was his subject in his secret mission.
Nagdalawang-isip ako kung magri-reply sa kanya. Sa huli, hindi ko rin natiis. Later, we will talk about it.
Ako:
Ikaw rin.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat ako sa kwarto para umidlip. Hindi na ako naakit na manood ng TV. Nakahiga na ako nang matanggap ulit ang text niya.
Achilles:
I miss you.
He repeated that text. I sighed. I had a heavy heart after what happened, Achilles. Our mothers, well, not in good terms. But, “Oo na. Nami-miss din kita. Masaya ka na?” inis kong salita sa harap ng screen ng cellphone. And there was a pinch of pain on my chest.
I didn’t reply immediately. Tumitig muna ako sa kisame. Bumibigat ang talukap ko pero iniisip ko pa rin ang text niya. Kaya’y inis kong kinuha ang cellphone at saka nag-type ng reply.
Ako:
Anong oras ka uuwi?
Mabilis siyang sumagot. Tumaas ang kilay ko. Nakaabang kaya siya sa cellphone niya? I smirked. I was assuming.
Achilles:
Why? Do you miss me?
“Tsk,”
Ako:
No.
After nearly one minute. He replied,
Achilles:
Can you just pretend that you miss me too?
I pouted my lips. May hinanakit yata akong narinig sa sagot niya.
Ako:
I miss you too. I really, really miss you so much!
Sinundan ko ulit ng isa pang text.
Ako:
Happy?
Achilles:
No.
I arched my brow.
Ako:
I miss you too, sweet love! Miss you! Miss you!
Miss you!
Miss you!
Miss you!
Miss you!
Miss you!
Tumigal lang ako sa pag-send ng text nang makita ang itsura no’n sa screen ng cellphone ko. Uminit ang pisngi sa mukha ko. “Shit.” I murmured.
Wala siyang reply. Ilang beses kong binalik-balikan ang sunud-sunod kong text sa kanya at ilang beses ko ring sinasabutan ang sarili.
“Ang anak mo ang patay na patay sa anak ko.”
Ume-echo sa tainga ko ang sinabi ni Mommy. Binaba ko ang cellphone sa gilid ng kama. I thought about it. Hindi naman siguro. Kasi pagkatapos ng nangyari sa amin, sinungitan na niya ako. Masyadong imposible.
Nakatulugan ko ang pag-iisip sa sinabi ni Mommy. Paggising ko ay malamig na ang simoy ng hangin. Alas-kuarto y media na ng hapon. Nakaalis na kaya sina Mommy at Romulo?
Bumangon na ako’t nag-ayos nang kaunti sa sa buhok. Pinatay ko ang electric fan at saka bumaba sa sala. Pumunta ako ng kusina. Wala na sila. Tahimik ang buong bahay kaya alam kong kahit sa kwarto ni Mommy ay walang tao roon. Kumurap-kurap ako para luminaw ang paningin nang makita kong may bagong note na naka-magnet sa pinto ng ref. Sulat-kamay ni Mommy. Ang laki pa ng pagkakasulat ng pangalan ko kaya kitang-kita.
IRIS,
Hindi ka na namin ginising. May niluto akong adobo d’yan. Kumain ka kung gusto mo. May tindang meryenda si Aling Tale sa labas kung gusto mo rin. 8pm ang sarado namin. ‘Wag kang sasama kay Achilles kapag niyaya kang umuwi!
-Mommy.
Humikab ako at napakamot ng leeg. Hindi ko na inalis sa ref ang note ni Mommy. Lumapit ako sa kalan at binuksan ang takip ng kawali. Nagluto na siya ng bagong ulam para sa hapunan. Chineck ko rin ang laman ng ref. May dalawang pitsel ng tubig at mga plastic bottle ng softdrink na tubig na rin ang laman, kahon ng cake at natirang ulam kanina. May karton ng gatas sa gilid. Nilabas ko iyon at deretsong uminom sa bunganga ng karton. Nang ma-satisfy, pinunasan ko ang bibig gamit ang braso, tinakpan ang takip at binalik sa loob ng ref.
Naisip kong kumain ng banana-q. Natakam ako. Tiningnan ko ang taas ng ref namin. Tumingkayad ako at kinapa ang perang iniiwan doon ni Mommy. May mga barya nga at papel. Pagkita ko sa papel, fifty pesos agad ang nakuha ko. I smirked. Papalitan ko na lang mamaya.
Sumilip muna ako sa salamin bago tinungo ang pinto. Naka-lock sa loob ang knob. Pagbukas, natigilan ako nang makitang nakaupo sa baitang si Achilles! Agad itong tumayo nang bumukas ang pinto. “Ano’ng ginagawa mo d’yan?!” bahagya kong gulat na tanong. Nakaparada ang sasakyan niya sa tapat.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang door knob. “It was locked.” Tapos ay pinasadahan ako ng tingin. “Where are you going?” nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Tumingin ako sa labas. “May bibilhin ako. Pumasok ka nga,” umatras ako para bigyan siya ng daan. He did go inside. Dumaan sa ilong ko ang panlalaki niyang amoy ng katawan. Then my heart beat went wild. Lumunok ako bago siya nilingon. “D’yan ka lang. Bibili lang ako ng banana-q,” paalam ko.
He glanced at me. “Don’t go anywhere.” May warning niyang sagot.
I tsked. “Oo na, oo na.” inirapan ko siya pero hindi na iyon nakita.
Iniwan kong nakabukas ang pinto para sa kanya. Kumunot ang noo ko. He looked . . . mad. Was he? Kanina sa text malambing siya. Pagkatapos ng ilang oras, mainit na ang ulo. Napailing ako at pinuntahan ang lamesa sa labas ni Aling Tale. Dalawang bahay lang ang pagitan mula sa bahay namin. Iba’t-ibang klase ang paninda niyang meryenda. May kamote-q, siomai, kikiam, squid ball, fish ball, tokneneng at banana-q. Nakalagay iyon sa dahon ng saging at ilang piraso na lang ang natitira.
Tinuro ko iyon at nagpakuha ng dalawang stick. Malaking ngiti akong pinagbilhan ni Aling Tale.
“Huy, Iris! Balitang-balita ‘yung nangyari sa Mommy mo, ha. Byenan mo ba ‘yung kaninang de-kotse? Mukhang mayaman. Naku! Pahihirapan ka nu’n,” pabulong niyang salita.
Maraming bata ang naglalaro sa kalsada. Pero sa lapit niya ay narinig ko pa rin. Tipid ko siyang nginitian at hindi sumagot. Inabot ko ang fifty pesos pagkaabot niya sa akin ng binili ko.
“Kanina pa sa labas ng bahay niyo ‘yung asawa mo. Ang gwapo. Ang dami ngang nagkaka-crush dito sa kanya. Kung hindi lang mukhang delubyo ang mukha baka kanina pa siya nilapitan,”
“Hindi naman po ‘yun nangangagat,” biro ko habang nagbibilang siya ng panukli sa pera ko.
Tumawa siya. She was the type of a business owner who was pleased to entertain her customer and herself, to the extent of digging some info. Then later, it would spread out to the community.
“Halata kasing suplado. Siguro dahil sarado ang bahay niyo. Tinatawagan ka yata niya, hindi ka sumasagot. Eh, hindi na niya naabutan ang Mommy mo at si Doc,”
Naglahad ako ng palad nang iabot niya ang sukli. “Salamat po.”
“Sige. Thank you. Kung gutom pa ang asawa mo, marami pa kamo akong tinda, ah?” sinundan niya iyon ng malakas ng tawa.
“Sige po.” At saka ako umuwi na. Parang mas interisado sila kay Achilles kaysa sa pinagbubuntis ko. Hindi naman sa gustong maging bida ang mga anak ko sa kanila, pero kaya pa lang lamangan ni Achilles ang mga anak niya. Napangisi ako at sabay himas ang tiyan ko.
Natamaan ng bola ng basketball ang pinto ng sasakyan ni Achilles. Nang makita ako ng mga kabataan ay agad nilang kinuha ang bola at humingi ng dispensa sa akin. Hindi naman nagdulot iyon ng damage sa sasakyan niya.
“Okay lang,” nakangiti kong sagot sa kanila. May ilang kabataan ang sumibat na ng takbo. Hindi ko sila kilala sa pangalan pero pamilyar ang mukha dahil sa dalas nilang paglalaro.
Iyong may hawak na bola ay naiwang nakatayo tabi ng sasakyan ni Achilles. He was a young man. He was wearing a mismatched color of jersey. Naka-rubber shoes at itim na medyas. He was tall and has a lean body. And he was staring at me.
Natigilan ako at kumunot ang noo. Mas matangkad ito sa akin pero alam kong mas matanda naman ako ng ilang taon. May sasabihin ba siya?
Napalunok ito. Namula ang mukha niya at tainga. Mabagal siyang humakbang paatras at malakas na sumigaw: “Miss Iris, you rock my world! I love you!!” sabay-takbo nito nang mabilis. Nagtawanan ang ilang nakarinig at binuyo ang binatilyo.
“Matagal nang may crush sa ‘yo, ‘yon, Iris,” natatawang sabi ng kapitbahay naming babae.
Napailing na lang ako at natawa. “Mga kabataan talaga.” Pagharap ko sa bahay ay natigilan ako nang makita kung paano nasakop ng katawan ni Achilles ang pinto ng bahay namin. Madilim ang mukha niya. Nang sundan ko ang dereksyon ng kanyang paningin, nahuli kong ang binatang kaaalis lang ang tinitingnan nito. Lumapit ako. He then looked at me.
“I’ll get his name.” he said in low baritone.
Hindi siya nagbigay ng daan nang makalapit ako sa pinto. Kaya tinulak ko siya sa tiyan. Umatras ito. Tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata. “Halika nga rito. Bakit mainit na naman ang ulo mo?”