Chapter Three

2394 Words
Chapter Three Pasensya na po kayo sa mga typos. Nag-a-auto correct kasi ang laptop ko into English. If I have time, mag-eedit ako. Ruby THANKS GOD hindi ako nalate. Nagtime in na ako at dumiretso na sa opisina at sa may table ko. Dali dali kong hinanap kung nasaan ang phone ko at laking pasasalamat ko at nasa ibabaw lang ito ng table ko at pati rin ang charger. Maya-maya ay nakita ko si Mang Dani na lumalapit. “Ma’am, naiwan niyo po ang cellphone niyo kahapon. Buti na lang nagcheck ako ng mga saksakan bago ako nagsara,” sabi niya. So bait naman ni Mang Dani. Nakakagood vibes. “Naku Mang Dani, alam niyo bang binalikan ko ito, pero sarado na,” sabi ko naman. “Pasensya na kayo ma’am, maaga rin ako nakauwi kasi may binili pa ako sa pamilihan,” siya. “Okay lang manong, basta thank you,” pasasalamat ko. Haaayyy.  Buti na lang at nahugot  niya sa saksakan. Baka mag-over heat at magkasunog pa. Ako pa ang may kasalanan kung nagkataon. Nagretouch ako ng konti sa maliit kong mirror sa table dahil nagmamadali ako kanina. Baka hindi pantay yung kilay ko. Konting kilay kilay, mascara at blush okay na. Okay na rin naman ang lipstick ko. Eksaktong 7:05 nang umaga dumating si Mayumi. “Hoooyyyy girl, andami kong chats sayo hindi ka nagrereply. Delivered naman pero hindi ka nagseseen,” reklamo niya sabay patong ng bag niya sa mesa niya. Magkatabi lang ang mesa naming dalawa kaya more chance of chika. “Naiwan ko kasi dito yung phone ko. Connected lang sa wi-fi kaya nagdedeliver,” yinakap ko pa ang phone ko para damang dama niya ang pagkamiss ko sa Iphone ko. “Ganern? Oh siya. May ikekwento ka na ba ngayon? Kumusta yung misyon mong maghanap ng gwapo sa Calle Adonis? Huwag mo sabihing wala pa,” siya. Nagreretouch na rin siya ngayon. Kaya kavibes ko siya ng todo dahil parehas kami ng mga habits. “Ayun na nga buti naman at natanong mo. May nakita na ako,” sabi ko sabay hawi sa hair kong not too long but smooth. “Ohhhh. Saan? Paano, dali kwento,” binitawan niya ang pangkilay niya at hinarap ako. “Pwede tapusin mo muna yang kilay mo. Ampangit,” sabi ko. “Oh ano na nga?” itinuloy niya na ang pagkikilay. “May gwapo. Driver ng tricycle. Hot naman siya. Maputi. Mukhang mabango rin ang pawis niya. Bata bata pa naman. Sa tingin ko nasa 20s pa ang age. Pero one thing is annoying,” salaysay ko. “Ano naman? Huwag mo sabihing hindi siya tinatablan sa beauty mo,” siya. “Parang ganoon. Pero sobrang sungit at mapagtrip. Alam mo bang ilang beses kaming nagbangayan kahapon at kanina?” nagulat naman ako at bigla niyang hinawi ang balikat ko at tiningnan ako sa mata. “Anong ginagawa mo?” curious kong tanong. “Naku sis. Alam mo ang tawag diyan? Tadhana,” pabulong niya pang sabi. “Tadhana?” pag-uulit ko. “Tadhana. Fate. Bingi ka na rin today?” iritado niyang sabi. “Ang weird lang kasi niya. Plus. Ito pa sis, may mga barkada rin siyang gwapo na nakatambay sa tindahan nung bibili sana ako ng gamot kagabi. Equally gifted ang lahat sa kapogihan at may iba’t ibang dating. Kumbaga ingredients ng halo-halo. Yun nga lang ang lalakas magtrip,” patuloy ko. “Sis. Baka naman pwede akong tumira sa kasera mo?” siya. “Eh di kinalbo ka ng nanay mo pag nagkataon,” natatawa kong sabi. “So ano na nga?” sabi niya na kinairita ko. “Anong so ano na nga? Maging specific ka naman,” ako. “Ano na ang estado niyo? Nakuha mo ba ang pangalan? Number. Saan nakatira?” siya. “Baste ang name niya. But I don’t think yun ang first name niya. You know what? Dahil sa mga kagaspangan niya sa akin kahapon, I have this evil plan,” naningkit pa ang mata ko at nag-iimagine. “What about? Gosh huwag mo sabihing…..” gulat niya. “Tama ka ng iniisip,” agad kong sinabi. “Girl, hindi ko naman alam na mahalay ka pala. Ipapadukot mo at ipatatali at saka mo gagawing s*x slave?” siya. Ikinagulat ko naman ang laman ng isip niya. “Gusto mo ipulupot ko sayo tong gold chain ng LV na bag ko? Syempre hindi ganoon. Ikaw ang mahalay,” pagtataray ko. “Ano nga kasi,” excited niyang tanong. “Beautiful Ruby will gonna akit that gwapo s***h masungit s***h tripper na driver who named Baste. And then later, pag nafall na ang matapang na tigre, saka siya iiwan ng magandang pusa,” ngingiti ngiti kong sabi. “Girl, baka naman ikaw ang unang mainlove,” babala niya. Alam kong luma na ito sa mga kwento pero balak ko talaga siyang akitin at pag nainlove siya saka ko na iisipin kung anong pwedeng gawin. “Haler, hindi din naman ako easy girl ano. Anyway hindi pa naman nangyayari kaya huwag na munang problemahin,” sabi ko. Eksaktong 7:30 ay dumating na si Boss. Nasa mid-40s na siya at mukha pa namang bata sa mga ayos niya. Si Mr. Nicholas Dominguez. Ibig sabihin nito ay go back to work na ang beauty naming. Maghapon, gawa ng report, encode, short meetings, design ng working plan, minsan chika, minsan snacks at madalas retouch. Iyan ang everyday routine ko sa office. “Girl mag-fafive na. Stop na muna tayo sa work,” si Mayumi ang nagsalita sabay tingin sa orasan. Nakakapagod nga today. Four Fifty na ng hapon at isinandal ko ang likod ko sa comfortable chair ko. “Sige save ko lang ito,” ako naman. “Sis, sana nga talaga kinuha mon a lang yung number ng gwapong tricycle driver para naman may susundo at maghahatid sayo diba?” suggestion ni Mayumi. “Hindi naman ganoon kadali yun sis lalo na at iniisip niyang may gusto ako sa kanya. Tapos kukunin ko pa ang number niya. EEWWW ayokong magmukha akong easy girl,” pagiinarte ko. “Sige ganito na lang, kapag may chance na siya ulit ang masasakyan mo, kwentuhan mo siya hanggang sa maging friends na kayo. Alam ko namang malakas ka mang-uto kaya mabilis mo lang yun mapapa-oo,” siya. May point siya na malakas talaga akong mang-uto pero sa lalaking iyon na hindi naniniwala at sumasamba sa kagandahan ko ay mukhang malabo. “Sis mukhang malabo iyan,” negatibong saad ko. “Gosh, nega na ngayon si Ruby?” kantyaw niya. “Sige I will try,” nag-isip naman ako kung paano. Exactly 5:00 ng hapon nag time out na ako at naglakad na papuntang sakayan. Nagulat naman ako at marami na ring pila ng mga tao pauwing Calle Adonis at mas marami ito kaysa sa pila ng mga tricyle. Inisa isa ko naman ang mga tricycle at wala akong makitang pamilyar na mukha. Excuse me hindi kita hinahanap no? Binawi ko naman ang tingin ko at nagfocus sa pagtayo ko.  Ang pila naming ay nasa lobby ng Pure Gold kaya tumingin na lang ako sa loob. Mula naman sa salamin na bintana ng Pure Gold ay may nakita akong reflection ng bagong dating na tricycle. Hmmmm. Siya na nga iyon pero ayaw kong makita niya ako kaya medyo nagtwist naman ako ng katawan. Nang may sumakay na sa tricyle ay umusad na an pila kaya medyo nilakad lakad ko na. Paunti-unti ay tinitingnan ko ang direksyon niya pero laking gulat ko nang nakatingin din pala siya sa akin. Hindi naman siya nakangiti actually poker face siya at hindi ko maintindihan. Yung mga mata ko ay napako sa mga mata niya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya yung looks ko ay parang nagtatanong sa kanya ng “Ano? BAkit mo ako tinititigan?” Mukha namang alam niya ang nasa isip ko kaya sumenyas siya. Yung senyas niya ay, “Dito ka na sa kasunod kong tricycle, bago-bago pa at hindi ka magagasgasan,” teka concern ba siya o iniinsulto lang niya ako? Pwede rin naman both. Tsk. Inirapan ko lang siya at tumingin akong muli sa kanya at ganoon pa rin ang tingin niya pati na ang exprerssion niya. Poker Face. Anong problema ng damuhong ito? Itinuturo ng expression niya yung tricycle na bago pa ang hitsura na mas nauna kaysa sa sasakyan niya. Pinipilit niya akong antayin ito. Inilagay ko ang pareho kong kamay sa bewang at tinaasan siya ng kilay. Natawa naman siya at umiwas ng tingin. Halatang iniinsulto niya ako. (Naiinis na kinikilig Alert). Alam kong inaasar niya ako pero alam kong concern din siya sa akin. Tapos nang ako na ang susunod na sasakay ay sinakyan ko ang tricycle na nauna sa tricycle na itinuturo niya. Pangatlo na siya sa pila at ako naman ay paalis na. Inirapan ko siya na ngayon ay hinihimas pa ang batok niya. Nakasumbrero siya ng itim na pabaligtad ang suot. Nakabrown shorts siya at v-neck na puting t shirt. Fresh naman siyang tignan pero hindi ko lang trip makipagharutan. Umaandar na kami at nakakalahati na kami nang biglang ihinto ni manong ang andar ng tricycle. Nagpanic naman ako. “Manong bakit po?” tanong ko. “Ma’am, flat po ang gulong sa likuran, palagay ko po ay butas ang interior.  Medyo malayo pa po tayo sa vulcanizing shop. Mag-aabang na lang po ako ng masasakyan niyo,” nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya. Nagstay muna ako sa loob ng tricycle habang nag-aabang si manong. Maya maya pa ay tinawag niya ako. “Ma’am dito na lang po kayo. Parehas naman po kayo ng way ng pasahero niya,” hindi ko nilingon kung sino ang driver kaya bumaba na lang ako. “Salamat po manong, bayad ko po,” pag abot ko. “Ma’am hayaan niyo na po,” pagtanggi niya. “sige po manong,” paglingon ko ay biglang nagbago ang expression ng mukha ko kung sino ang sasakyan ko. “Saan po kayo ma’am?” tanong niya na parang hindi niya ako kilala at ngayon lang ako nakita. “Sa may Calle Adonis,” iikot sana ako para sumakay sa loob pero nagsalita siya. “May nakasakay na po diyan ma’am. Dito na lang po kayo sa likod ko,” ngingiti ngiti niyang sabi. Tiningnan ko siya ng masama at agad naman niyang binawi yung ngiti niya. “Sasakay ka ba o iiwan na lang kita dito?” seryoso na niyang tanong. Hindi na ako kumibo at sumakay na lang sa likuran. “Sinabi ko na kasi sayo hintayin mo na lang yung itinuturo kong tricycle. E di sana hindi ka pa nasakay sa nasiraang tricycle,” sabi niya na medyo malakas pa ang boses dahil na rin sa lakas ng tunog ng motor. “Ayaw kong pinakikialaman mo ang buhay ko,” pagtataray ko. “Ito naman oh. Ayaw mo bang maging concern ako sayo? Yung iba niyan kinikilig na. Diba gusto mo naman ako?” pang-aasar niya. “Pwes hindi ako tulad ng iba,” inirapan ko siya sa likuran niya. “Ayaw mo ba akong maging kaibigan?” seryoso niyang tanong. “Ayaw ko sa lalaking may dalawang mukha. Minsan mukhang okay pero maya maya ay galit na. Ganoon ka. At saka hindi tayo pwedeng maging magkaibigan. Magagalit ang boyfriend ko,” palusot ko. “Ooww. May boypren ka na? Sayang, yung mga tipo mo pa man din ang trip ko,” pailing iling pa niyang sabi. Sinusubukan baa ko nitong mokong na ito? Trip? Anong ibig sabihin nun? Trip niya ako? Magkaiba kasi para sa akin yung trip sa gusto. Maaaring gusto niya ako o gusto niya lang akong pagtripan. “Pwede kung wala kang maayos na sasabihin ay magfocus ka na lang sa pagdadrive at baka madisgrasya pa tayo,” pagsusungit ko pa. “Okay,” kunwari ay izinipper niya pa ang bibig niya. Sa mismong bungad ng Calle Adonis bumaba yung aleng nasa loob kaya ako na lang ang pasahero. Medyo matagal nang nakababa ang ale kaya nagtataka ako at hindi pa umaandar. “Hooy, ano pang inaantay mo?” nagtatakang tanong ko. “Hindi k aba lilipat sa loob?” tanong niya. HHHmmm. Sabi ko nga, inaantay niya akong lumipat. Pahiya ako dun ah. “Ayaw mo na atang layuan ako eh. Nakakatsansing ka kasi,” pangaasar niya. “Bilis na at magdidilim na oh,” naiinis na ako. “Safe ka naman sa dilim pag ako kasama mo,” siya. Nag-iinit na ang ulo ko. “Please tigilan mo na ako,” wala na ako sa mood dahil pagod ako sa work. “Masyado ka namang seryoso. Sorry nga pala kagabi. Ganun lang talaga ako,” seryoso niyang sabi. “Forgiven. Kaya tigilan mo na ako,” seryoso kong saad.                                                                    “Pag tinigilan kita, mamimiss mo naman ako. Ayaw ko na hahabol habol ka sa akin sa huli,” “Pakibilisan na lang para makauwi na ako. Pagod ako kaya please lang,” pagrereklamo ko. “Okay,” matipid niyang sabi. Ilang saglit lang ay nasa tapat na kami ng gate. Iniabot ko naman ang bente pesos at kinuha niya. “Hooy,” sigaw niya. “Anong oras labas mo bukas?” ewan ko pero may pagka awtoridad ang boses niya. Demanding. “Bakit?” tanong ko sa kanya. Bumaba siya sa motor. “Ayaw mo bang ihatid na lang kita? Mura lang naman singil ko,” seryoso niyang sagot. “Seryoso ka ba o pinagtitripan mo ako?” curious ako dahil hindi ko masukat at mawari kung sino ba itong kausap ko ngayon. “Kahit 250 lang hatid sundo kita kada linggo,” aniya. “Sige pag-iisipan ko,” sabay talikod ko. “Minsan ko lang yun sasabihin kaya pag-isipan mo ng mabuti,” sigaw niya sa akin habang paakyat na ako ng hagdan. “Malalaman mo bukas,” walang ganang sagot ko. “good night,” wave pa niya. May attitude din pala siyang ganun. Pero mura na yung 250 ha? Pwede na rin naman. Sige malalaman niya bukas. Biglang sumanib sa isip ko ang evil plan. Mukhang biktima na mismo ang lumalapit sa patibong. Haaaay. I am so pretty talaga. Thank you for reading! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD