Chapter Four
Ruby
Pagkatapos ko maidlip ng mga thirty minutes ay nagshower ako at nagbihis ng pambahay. I usually don’t eat dinner kaya hindi na ako nag-abalang kumain sa labas. Pero parang nanghihina ako sa pagod kaya parang nagugutom ako.
Mag-aalas syete pa lang naman kaya marami pang bukas na tindahan dito sa ikaapat na kanto ng Calle Adonis.
Kinuha ko yung phone and purse ko at saka lumabas. Nakita ko naman si Aling Gara na paparating pa lang din galling tindahan kaya nagpaalam ako.
“Aling Gara labas lang po ako saglit. Nagugutom po kasi ako,” ako sabay hawak sa tiyan.
“Oh sige hija. Maraming mabibilan ng pagkain diyan. Marami pa namang bukas. Masarap din ang tinapay nila sa bakery malapit sa may tindahan ni Mareng Amy baka gusto mong dumaan,” suggestion ni Aling Gara na nappreciate ko naman.
“Aling Gara, hindi po ba delikado maglakad lakad dito? Kasi alam niyo naman diba, bago pa lang ako dito,” tanong ko sabay hawi sa short silky hair ko.
“Mababait naman ang mga tao dito hija. Pag may bumastos sa’yo sabihin mo sa akin at irereport natin sa barangay,” sabi niya.
Well, yung pamangkin niyo lang naman ang unang bumastos sa akin dito. Halos gustong sumigaw ng isip ko.
“Salamat po Aling Gara, sige po,” paalam ko.
I have this characteristics na kapag naglalakad ako ay nakakakuha ako ng atensyon. Yun bang feeling na ALL EYES ON ME? Ramdam niyo iyon? Ewan ko ha. Alam ko namang maganda ako pero kailangan talagang Head to Toe titignan ako ng mga tao?
Okay. Let’s feel the moment.
Natanaw ko sa opposite road ang gwapong driver – este si Baste. He has this vibes na kahit di pa mukhang naligo ay parang ang bango bango niya. Except the fact na poker face na naman siya at ayaw tumingin sa akin.
Haleerr. If I know nahuli kitang unang nakatingin sa akin.
Kaya hindi ko rin siya pinansin hanggang sa mapadaan ako sa tindahan at nakitang doon siya dumeretso.
“Hi kuya Baste, ang hot mo naman. Mas hot ka pa sa gabi,” bati ng mga dalagitang nakaslubong niya na palabas ng tindahan.
Paano ba naman kasi. May damit naman siya, pero hindi nakasuot. Nakasampay lang sa balikat tapos pulang basketball shorts. Nakita ko rin na may tattoo pala siya sa kaliwang dibdib na nakasulat sa Roman Numerals.
Checklist Alert.
Ilang beses nakakita ng topless na pogi sa Calle Adonis: ONCE.
Kusang nagchecheck ang utak ko kaya tumataas na lang din ng kusa ang kilay ko.
Huh. Di niya pinansin ang mga dalagang hitad pero kinikilig pa rin sila. Lagyan ko kaya ng mga asin ang mga lintang iyon para kusa na lang mangisay at dumugo ang katawan?
Going back to Baste. Alam kong gwapo siya pero ang maglakad ng ganoon lang? Oh My. Sarryyy, I am not affected, wala kaya siyang abs. Duhh.
At the back of my mind. SHHHHHIIITTTTT. Why so hot naman?
Betrayal. Sometimes it happens naman talaga. Dinadaya ka ng isip mo.
Anyway, nagugutom na ako at hindi healthy na pagpantasyahan ko lang ang smooth and fluffy chest ng lalaking iyon. Isama na rin ang not too big but muscled biceps niya. Magugutom lang ako ng husto kakaimagine.
Walk. Walking with elegance. Sige. All eyes on me pa more.
Curious ako sa sinabi ni Aling Gara na bakery na the best ang mga tinapay kaya matry nga doon.
Natatanaw ko na ito mula sa kalsada kaya lumiko na ako at dumiretso doon.My mga iilang nakaupo sa labas dahil may mga nakahanda namang upuan at tables.
Dumiretso ako sa pilihan ng tinapay.
“Ano iyon miss beautiful? Pandisal ba hanap mo? Wala kami ngayon nun pero masarap tong hopia ko,” isang lalaking may katangkaran ang nagtanong sa akin.
Nakangiti siya sa akin. Cute din naman pero ayaw ko ng hopia.
“what will you recommend bukod sa hopia?” seryoso kong tanong.
“Ahh, itong aming cassava cake, bestselling yan dito bukod sa akin. Pati na rin itong ensaimada at cheese bread. Lamang lang sa akin ng konting harina,” tatawa tawa niyang suhestiyon.
Okay din si kuya ha. Mukha lang masungit ang mata at kilay na makapal pero ang perfect ng nose at lips. Gwapo. Pero hindi niya masosolusyonan ang gutom ko sa kagwapuhan niya kaya namili na ako.
”Try ko itong cassava cake, isang slice tapos dalawang ensaimada. At isang glass ng pineapple juice. Pakiserve na lang,” sabi ko.
“Okay ma’am. Antayin mo na lang ako at yung order mo,” kinindatan niya ako na ikinangiti ko naman. So corny but he made my day.
Nakaupo na ako sa may malapit na sa labas. Inaantay ko yung order ko kaya nagscroll muna ako sa phone ko. May mga chats pala si Mayumi tungkol sa mga steps to attract masungit guys. Well ako pa lang attractive na.
Maya maya ay sa aking peripheral view ay may pamilyar na bulto ng tao akong nakita.
Yung laman ng misyon ko. BASTE the gwapong driver. Buti naman at isinuot na niya damit niya. Tank top na puti. May pabiceps ulit si mayor.
As usual hindi niya ako pinansin. Well. Tingnan lang natin bukas kung papansinin kita.
Lumapit siya sa bilihan at isang babaeng hindi naman kagandahan ang nagentertain sa kanya. Well. Maganda naman pero hindi pwedeng siya ang mas maganda.
Abah. Nagpapacute pa. May pahawi hawi pa ng buhok sabay ngingiti ngiti sa customer.
Lumapit ako at susubukan kong sindakin ang hitad na ito.
“Ayan dinagdagan ko na yan ng lima dahil special ka,” nakangiti niyang abot ng plastic na may lamang tinapay sa katabi ko – si BASTE.
“Salamat naman,” sabay kindat pa sa babae.
Alam niyo yung mata ko? Bilog na bilog. Pero ito ang sinabi ko.
“Excuse me, wala pa ba yung order ko? Kanina pa kasi ako dito. Tapos miss, baka pwedeng next time magsuot ka naman ng hair net, baka kasi malagyan ng buhok yung mga tinapay, baka macontaminate ng germs. Diba?” sabay lingon ko kay Baste na ngayon ay seryoso na ang mukha.
Hindi naman nakapagsalita ang babae kaya tumalikod na rin sa akin.
“At ikaw, mag-uusap tayo,” sabi ko kay Baste at nagpatiuna na akong lumabas ng bakery. Babalikan ko na lang sa table yung order ko.
Naglakad naman siyang nakasunod sa akin.
“You know,” simula ko pero sumabat agad siya.
“Anong problema mo?” kunot noo siyang nagtanong.
“Well-“ hindi ko na naman natapos.
“Huwag kang pa-english English, taga Pilipinas ka,” sabog ang trip ko.
“Bakit ba ang init ng ulo mo?” inis kong tanong.
“Hindi kasi kita maintindihan. Kung pinapansin kita sasabihin mong tigilan kita. Tapos, ngayon hindi kita pinapansin, gumagawa ka naman ng paraan para mapansin kita. May gusto ka talaga sa akin ano?” medyo malakas ang boses niya.
“Hoyy, yung boses mo naman, nakakahiya,” awat ko sa kanya.
Sasabihin ko lang sana sa kanya na pwede niya na akong ihatid sundo starting bukas pero bakit di ko masabi?
“Masarap ba sa feeling na halos sayo na lahat ng atensyon ng mga babae rito?” bigla ko namang tanong.
“Anong pinagsasabi mo?” curious siya.
“May patopless topless ka pa sa daan. Wala ka namang abs. Hindi ka model ng basketball shorts para magsuot ka lang ng shorts sa daan,” ewan ko kung saan nanggagaling yung mga pinagsasasabi ko.
“Ahah. Pantasya mo naman ako. Nagseselos ka. Miss, hindi pa nga tayo--,” pinutol ko yung sinabi niya.
“Bukas. 6:30 dapat nasa ,” hindi niya rin ako pinatapos.
“Bakit anong akala mo sa suot mo? Akala mo ba hindi ko nakikitang pinagtitinginan ka ng mga lalaki dito? Akala mo maganda. Mag-ayos ka nga ng hindi ganyan, ampangit,” naiinis niyang sabi.
Anong mali sa suot ko? Ripped shorts na jeans yung uso ngayon. Tapos sandong itim yung fitted na bumagay naman sa slim body ko. Uso kaya ito. Wala bang nagsusuot nun dito?
“Kung kapatid kita, baka hindi ka na makauwi ng bahay dahil jan sa suot mo ngayon,” itinuro turo niya pa ako gamit ng kamay niyang may hawak na supot ng tinapay.
“Hoooy. Uso itong suot ko ha? At saka wala akong paki kung pagtinginan nila ako. Maganda naman ako at sexy kaya natural lang iyon,” sabi ko.
“Alam mo kung ano yung tunay na maganda? Yung kahit di masyadong mag-ayos ay ayos lang. Ikaw masyado kang papansin sa akin. Ayaw ko sa lahat yung sobrang halata sa galawan,” nagpamewang siya at tumingin sa paligid.
Halos puro pabulong naman ang pag-uusap namin.
“FYI. Hindi ako nagpapacharming sayo ano. Ikaw nga itong akala mo mamamatay ako kapag di mo ako papansinin. Ipamumukha mo pa sa akin na mas okay pansinin yung mga babaeng halos mawasak ang bibig sa kakangiti at pacute sayo,” dirediretso kong sabi.
“Bukas, huwag kang lalabas ng kasera na ganyan ang suot mo. Kung hindi padadampot kita sa tanod na kaibigan ko,” yun lang at tumalikod na siya at naglakad.
Teka. Concern siya. Ommooo. Shocks.
Nakatingin lang ako sa kanya tapos bigla siya lumingon.
Iniwas ko naman ang mga tingin ko.
“Bukas ng pasado alas sais, nasa may gate niyo na ako. Bilisan mo lang dahil pag wala ka pa ng limang minute, aalis na ako,” yun lang at tumalikod na ulit siya at naglakad palayo.
Itinatago ko ang ngiti ko sabay irap sa kanya. Alam niyo yung parang naiihi ganoon. Pero hindi ako naihi ha.
Well. Nagugustuhan ko ang mga kaganapan na ito. Parang umaayon lahat sa plano ko.
Sige. OO na. Kinikilig ako. Pero slight lang. Yung ganito lang oh.
OOHHHMMMYYYYGGGOOOOOODDDDD. Diba, so simple.
Bumalik na ako sa loob ng bakery at nandun na rin sa table ko yung order ko.
Naupo naman ako sa chair at sinumulan ng kumain.
Nasa kalagitnaan ako ng nang may maupo sa tapat ko.
“Hi,” aniya.
Yung lalaki kanina. Hindi na siya naka hairnet at maayos naman ang buho niya. Nakasuot siya ng putting t-shirt at maong pants.
“Hello,” bati ko.
“Bago ka dito?” tanong niya.
‘Mga two weeks pa lang,” sagot ko naman.
Manliligaw ba siya?
“Leo nga pala,” iniabot niya yung kamay niya sa akin.
“Ahm Ruby,” inabot ko yung kamay niya.
“Narinig ko yung pagtataray mo sa kasamahan namin kanina. Pasensya na, patay na patay kasi yun kay pareng Baste,” sabi niya.
So magkakiklala sila?
“Kilala mo yung lalaki?” tanong ko.
“Ahhh, oo. Tropa ko yun. Tambayan namin ang tindahan nila Macky. Pupunta nga ako dun ngayon kasi kaka out ko lang. Gusto mo sumama?” pag-anyaya niya.
No wonder. Pogi din tong isang ito at lakas ng s*x appeal. Pero mukhang playboy.
“Next time na lang. Gabi na rin kasi. At may work pa ako bukas,”sabi ko.
“Okay,” ang luwag ng ngiti niya.
“Sabayan na lang kita sa paglalakad , dadaanan ko rin naman iyon pagbalik ko sa tinitirhan ko,” sabi ko. Sabay inom sa pineapple juice.
Tama nga si Aling Gara, the best ang mga tinda dito.
Naglalakad na kami ngayon at nakapagkwentuhan naman kami ng konti.
“AHHHH, so, kila Aling Gara ka pala nakatira ngayaon, ihahatid na kita,” sabi niya.
“Ayyy hindi na. Kaya ko na,” pagtanggi ko.
Nasa tapat na kami ng tindahan at tanaw ko ang mga barkada niya. Nakangiti sila maliban sa isa. Si Baste. Parang papatayin niya ako sa tingin niya. Parang anytime sasabog ang galit niya kay umiwas na ako.
“Sige na, una na ako. Salamat ulit. Bye,” nagmamadali ko namang saad para makaalis na ako sa sitwasyon na iyon.
HHHHAAYYY. Anong problema niya?
Binilisan ko pa ang lakad kaya nakarating na ako sa room ko.
I am so full. Nakaaantok ang sobrang kabusugan kaya nagtoothbrush na ako at naghugas ng mukha saka nahiga sa malambot kong kama.
Iniimagine ko ang mga nangyari kanina kaya iniisip ko kung anong pakay niya sa akin. May balak din kaya siya na tulad ng balak ko? Hindi maaaring magtagumpay siya.
Bago ako makatulog, naalala ko pang nireplyan ang mga chats ko. Isa kay mommy, isa kay Mayumi at isa naman sa aking suitor sa office na si Greg.
And then everything went black. Tulog na ako.
KRRRRIIINNGGGGGGG.
Tunog ng iskandalosa at bwisit kong alarm
Bangon agad ako at diretso sa banyo.
Naligo ako ng 10 minutes at lumabas ng nakatapis. Sumilip ako sa bintana at wala pa naman yung damuhong sundo ko kaya nagrelax lang ako.
Binuksan ko ang cabinet ko at namili ng mga pwedeng suotin.
Naalala ko yung sinabi ni Baste kagabi na ang tunay na maganda ay hindi masyadong ageeffort.
Bright idea.
Nagsuot ako ng simpleng puting blouse at black na slacks. At tinernuhan ko ng one-inch heel. Naglipstick ako ng konti pero yung hindi gaanong halata, yung sapat lang para maging glossy at mapula ang lips ko.
Hindi ako masyadong nagkilay. Naglagay lang ako ng konting korte tapos konting blush on. Kung iisipin at titingnan ay hindi halata na nakamake up ako.
Sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ako ng isang hairpin para mahawi ng bahagya yung bangs kong medyo mahaba.
Okay. Tingin sa salamin. Sinong mag-aakalang nag effort ako? Humanda ka Baste.
Tiningnan ko ulit kung nasa baba na siya at tama nga ako. 6:34 nandun na siya.
Nakaupo lang siya sa motor habang nag-aantay.
Paghintayin ko kaya siya para mainip? Deh joke baka malate ako.
Simple lang siya ngayon. Itim na sumbrerong baliktad ang pagkakasuot kaya tanaw ko ang mukha niyang mala-anghel. White t-shirt at itim na shorts. Nakatsinelas lang din siya.
Okay here comes the beautiful. Bababa na ako.
Parang paslow motion pa ako maglakad kaya halata ko namang tumigil ang mundo niya.
Papalapit na ako sa kanya at inirapan niya ako.
Lumunok siya at nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. Shocks, bakit ang sexy ng ganung moment?
“May epekto ba yung tinapay o nahimasmasan ka lang sa sinabi ko?” hindi siya nakatingin sa akin at pumwesto na upang paandarin ang tricycle.
So napansin niya pala ang aura ko ngayon?
“Sabihin na lang nating napangiti lang ako ng kaibigan mo kagabi kaya nainspire ako maging simple,” ganti ko sabay pasok sa loob.
Hindi naman na siya sumagot.
Sa buong 10 minutes na pagpunta ko sa work na sakay sa tricycle niya ay hindi niya ako kinausap. May sumpong na naman ang loko. Hayaan mo nga siya.
Nakarating na kami at bumaba na ako. Bago niya paandarin ulit ay nagsalita ako.
“Mga 5:10 siguro nandito ka na mamaya. Ako na lang mag-aantay. Sige bye,” tumalikod na ako.
“Anong sinabi niya sayo?” bigla niyang tanong na ikinahinto ng lakad ko.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Yung Leo.
“Bakit gusto mong malaman?” tanong ko na nakangiti. Nang-aasar.
“Iwasan mo siya. Lolokohin ka lang nun,” seryoso niyang sabi. Saka pinaandar ang motor.
“Wow. Magkaibigan ba talaga kayo?” natatawa kong tanong.
“Pumasok ka na. Oo nga pala, okay yang suot mo,” seryoso niyang sabi na wala man lang kahit anong emosyon.
Umandar na ang tricycle saka siya umalis. Walang lingon lingon basta ganun na lang.
Naiwan akong tulala. Nakangiti.
Gosh. Masama ito. Nahuhulog na ba ako sa patibong niya?
Huwag naman sana.
___
That’s it.
Thank you for reading guys.