Chapter Two

2190 Words
Chapter Two Baste Pagkatapos ko magshower at maghapunan ay pumunta ako sa tambayan naming mga magbabarkada – sa tindahan nina Aling Amy na halos 15 meters lang ang layo sa aking tinitirahan. Ako si Baste. Sebastian Ramos – Corpuz ang kompleto kong pangalan, beinte-sais anyos at tubong San Lorenzo. Taga dito na talaga kami. Kasama ko sa bahay ang erpat ko at ang kapatid ko sa kanya pero sa ibang nanay. Si Bunsuy na ngayon ay labing-anim na taong gulang na. Dalawang beses nag-asawa ang erpat ko at dalawang beses din iniwan. Dahil siguro mahirap lang siya kaya ganoon. Di na ako masyadong nagtatanong sa kanya dahil hindi rin naman ako interesado. Second Year college lang ang natapos ko. Huminto rin ako sap ag-aaral sa kursong engineering dahil hindi kaya ng pera. Walastik naman kumite ang erpat noon sa pagmamaneho pero nastroke kaya pinili ko na lang huminto. Maraming mas murang kurso pero yun kasi talaga ang gusto ko. Di baleng wag na mag-aral kung di ko rin naman gusto ang kukunin kong kurso. Pihikan ako sa babae. Ayaw ko ng babaeng hinahabol ako. Ayaw ko rin sa babaeng kukuha pa ng number ko sa ibang tao. Ayaw ko rin naman sa sobrang maganda at maarte. Sa totoo lang ay simple lang naman akong tao. Wala akong mamahaling mga gamit. Bihira rin naman ako bumili. Ibibili ko na lang ng gamut ni erpat at pagkain kaysa sa mga bagay na yan. Sabi nila, gwapo raw ako . Naniniwala naman ako sa sinasabi nila pero hindi ko nilalagay sa ulo. Ayaw kong magyabang. Ayaw kong gumawa ng mga bagay na ikakikilig lang ng mga babae pero sa huli ay di ko rin naman papansinin. May anim akong mga barkada na madalas kong kasama sa tambayan. Si Arc, ang tanod, si Leo ang panadero sa bakery ng kanilang pamilya si Nathan, ang hardinero sa mayamang pamilya ng mga Trinidad, si Amir, estudyante pero malakas ang kita sa pamamakla (yun ang sabi nila), si Macky, all around mechanic ng Calle Adonis at si Kiel delivery boy minsan ay manager sa kanyang water station. At ang tawag ng nakararami sa amin ay, TAMBAY POGI. “Ang init ng gabi bro,” reklamo ni Nathan. “Maligo ka kasi bago ka lumabas. Nag-aamoy d**o tuloy ang paligid,” pang aasar ni Amir sa kanya habang umiinom ito ng soft drinks. “Pautang ka naman diyan Amir, alam ko marami kang kita,” si Nathan. “Tatlong araw na nga akong hindi nabobook bro. Pakiramdam ko gamit na gamit na si jun-jun,” tawa tawa ni Amir sabay hawak sa puson. “Aling Amy, isa ngang lollipop,” tawag ko sa tindahan. “Bro, hindi ba nakakasira ng ngipin iyan?” tanong sa akin ni Amir. “Luh. Nung pinalollipop mo YAN, may nasira ka bang ngipin? Diba binayaran ka pa,” ngingiti ngiti kong sabi sa kanya sabay tapik sa balikat niya. “Anong kulay?” tanong ni Aling Amy. “Yung dilaw po,” ako. Kapagkuway inabot ko ang bayad. Binuksan ko ang lollipop at isinubo ito. Past time ko kasi ito pag gusto kong mag-isip. “Huuy, alam niyo ba? May bagong nangangasera kay Mareng Gara. Magandang babae, balita ko anak mayaman. Gusto ko ngang makilala ni Macario eh,” pagkukwento ni Aling Amy. Anak niya si Macky, isa sa mga barkada ko. “Tita, may gusto nang iba yung anak niyo. Sa amin na lang,” si Nathan. “Hayaan niyo, pag nagpaload ditto, kukunin ko ang number niya at mag-unahan kayo,” nag okay sign pa ang matanda. “tawagin niyo na lang ako pag may bumili, mag-uurong lang ako ng pinagkainan,” paalam ni Tita. Mag-aalas otso na ng gabi pero nandito pa rin kami sa tapat ng tindahan. Dumating na rin sina Arc at Kiel. Bumili naman kami ng Beer para makatulog na rin agad pag-uwi. “Pre, kumusta ang pasada? Wala pa rin bang naiinlove sayo?” tanong ni Kiel. “Hooy. May maiinlove ba diyan eh halos ayaw ngang pumansin sa mga nagkakandarapa sa kanya,” sita ni Arc. “Alam niyo kasi mga pare, ayaw kong matulad sa erpat ko na kakisigan lang ang ginamit. Tingnan niyo, iniwan. Gusto ko yung ako ang hahanap at hindi ako ang hahanapin. Kung gugustuhin ko nga lang, marami na akong anak ngayon. Ilan na baa ng nagpadala sa akin ng regalo at ang laman ay gamit na panty?” nagbilang ako kunwari. “Basta ako, idol kita,” sabay akbay sa akin ni Nathan. Tinungga ko naman ang natitirang laman ng beer ko at nakita ko mula sa di kalayuan ang babaeng inihatid ko kanina. Pinakukulo nito ang dugo ko. Nagtitimpi lang ako. “Uyy bro, yan yung sinasabi ni Aling Amy oh. Yung bagong boarder ng tiyahin mo. Tara ipakilala ka naming,” saad ni Amir. “Kilala ko na iyan,” pag-iwas ko. “Tingnan mo nga ito, di pa nasasabi ni Alina my ay kilala niya na agad? Alamat ka mannn,” si Nathan. Yumuko ako para di niya ako mapansin. Halatadong yung babae ang pinag-uusapan naming dahil pagbungad niya pa lang ay nagtitinginan ang lahat sa akin, nakangiti at tahimik. Dahan-dahan namang naglakad ang babae sa gitna naming. Ganito ang ayaw ko sa mga babae. Nakamaikling shorts at sando na halos luwa na ang hinaharap. Hindi lahat ng lalaki natutuwa sa ganyan. “Ahem. Ahhh Miss ahhmm… Hi. Nathan nga pala,” tumabi siya at nakipagkamay sa babae. “Bago ka lang dito ano?” tanong niya pa. “Paki mo?” sagot ng babae na ikinainit ng ulo ko. “WOOOOOAAHHHHHHHH,” sigaw ng grupo. “Ahhmm, baka lang makahingi ka ng discount, kaibigan naming yung may-ari ditto,” patuloy ni Nathan. “Hindi ko kailangan ng discount, may pera ako,” sabi niya sabay irap sa buong grupo. Hindi na ako nakapagtimpi. “Hindi lahat nabibili ng pera mo. Kabago-bago mo rito nagsusuplada ka na agad. Sana lang wala kang magiging kailangan sa mga taga ditto, para hindi dumating yung oras na kailanganin mo kami,” deretso ang mata ko na nakatingin sa kanya. Palakpakan naman ang mga barkada ko. Ang ilan ginulo gulo pa ang buhok ko. Tinungga ko ang naiiwang beer sa bote at tumayo. “Aling Amy, bayad ko ho,” sigaw ko. Inirapan ako ng babae at inantay na lang ang susunod kong sasabihin. Papalapit na sa tindahan si aling amy at nakita niya kaming magkatabi sa tapat nito. “Ahhh hija, anong sayo?” tanong ni Aling Amy. Tumalikod na ako pagkaabot ng bayad at balak ng umuwi. “Paano bay an, inaantok na ako? Una na ako sa inyo?” pagpapaalam ko. “Tita, may tinda ba kayo ritong pasensya? Kanina pa kasi ako ginagalit ng isa diyan,” medyo madiin at malakas na sabad ng babae na ikinahinto ng paglalakad ko. “WWWOOOAAAHHH,” sigaw na naman ng grupo. “OOHH tol, aatras ba tayo diyan?” hamon ni Arc. Nilingon ko lang ang babae at ngumiti sabay sabing, “Tita, pag hiningi niyan ang number ko, huwag mo ibibigay ha? Ayaw ko kasi sa mga babaeng nagpapakita ng motibo para pansinin ko. Una na ho ako,” kaway ko pa sa matanda na pasimpleng nakangiti. Ang talim talim ng titig sa akin ng babae. Lalakad na akong muli pero humirit pa siya. “HOOOOy Baste,”sigaw niya. Nagulat ang lahat dahil kilala niya ako. “Luh. Guys huwag kayong magulat. May gusto rin tong babaeng ito sa akin. Alam agad ang pangalan ko,” tiniklop ko ang mga kamay ko sa aking dibdib. Nginitian niya naman ako na parang aso. Tinitingnan lang kami ng mga barkada ko. “Excuse me Mr. Tricycle Driver. Ikaw pa lang ang nambastos sa akin ng ganyan kaya mag-iingat ka,” banta niya sa akin. “t sinong tinatakot mo? Alam mo miss,” lumapit ako sa kanya sabay hawak sa magkabila niyang balikat. Nagpumiglas siya pero mas malakas ako. Inilapit ko ang ulo ko para mas matitigan niya ako. “Mahanda ka naman eh. Makinis. Matangkad. Pero kung magkakagusto ka, huwag mo masyadong ipahalata. Alam mob a, sa kantong ito, hindi uubra sa akin ang kaartehan ng kagaya mo. Kaya kung ako sa’yo, umayos ka. Baka magustuhan pa kita,” nginitian ko siya sabay kindat. Tawang tawa naman ang buong barkada sa engkwentrong iyon. Wala na siyang masabi kaya nagdadabog na umalis. “nawalan tuloy si Aling Amy ng benta. Tol huwag ganun. Masyado mong tinakot yung pusa,” tatawa tawang saad ni Kiel. “Bagay lang sa kaniya iyon. Para magtanda,” sagot ko. “Paano ba yan. Mauuna na ako,” paalam ko sa kanila. Isa isa na rin silang tumayo at umuwi na rin sa kanila. Julia “I HATE HHHIIIIMMMMM,” Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Kung hindi ko lang talaga kailangang bumili ng gamut sa sakit ng ulo hindi na ako lalabas. Mas sumakit ang ulo ko. “Akala niya siguro matatalo niya na lang maipapahiya niya ako ng ganun na lang? Pwes, matitikman niya ang bagsik ng higanti ko,” pero paano? Hindi ko naman siya kayang ipabugbog, saying ang face niya. Plus, may mga ungas pa siyang barkada na parehas niyang gwapo pero di-turnilyo ang utak. Planning>>>> Thinking>>>> One. Two. Three. Shocks mas lalo akong magkakasakit sa ulo. Teka. Sinabihan niya akong may gusto sa kanya. Pwes gagamitin ko ang chance nay un para mapatumba siya. May kahinaan din ang Leon. Evil smile alert. Kailangan ko ng matulog dahil bukas magsisimula ang tunay na laban. Babawi ako. Slowly but surely. Tingnan lang natin kung sino ang sinasabing nagkakagusto. Excuse me. Ako lang naman si Ruby Flores at maganda ako. Kuha mo? KRRIIINNGGGGGGG! Tumunog na ang alarm clock ko at napabangon ako bigla. Alas sais ang alarm ko at kailngan kong makarating sa office ng 07:00 a.m. Agad akong pumunta sa banyo at naligo. Nagbihis na rin agad pagkalabas at nagtoothbrush. Nag-ayos at nag apply ng kaunting make up. Sa office na ako kakain. Naglalakad ako papuntang sakayan. Mga 30 meters lang naman ang layo mula sa aking tinutuluyan kaya at least may exercise na rin ako kahit papaano. Pagdating ko sa sakayan ay nakita kong nakapila ang mga tricycle. May mga paparating na rin na pasahero na mukhang papasok sa kani-kanilang mga trabaho kayua nakipag-unahan ako. Pag lalabas ng Calle Adonis, isahan lang ang sasakay dahil ihahatid ka nila hanggang sa bayan at kung saang parte ng bayan ng San Loenzo. Pero nakadepende ditto ang bayad. Iniiwasan kong masakyan ang tricycle ng damuhong iyon. OO. Nandito siya sa pila. At nakita niya akong paparating. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin at naniningkit pa ang mga mata niya habang papalapit ako. Siya ang pangalawa sa pila kaya kailangan kong doblehin ang lakad ko para makaabot. Tyempong malapit na ako nang may pumasok sa loob na matandang babae. “Ma’am pasensya ka na, priority naming ang senior. Dun ka na lang po sa susunod,” sabi ni manong. “Mukha nga pong dun talaga ang bagsak ko manong,” ngiting aso ako sa driver at lumipat sa kabila. Wala na rin akong choice dahil male-late na ako. Tingnan mo nga naman ano. Kung minamalas ka nga naman. Di bale. Hindi naman ako sa tricycle na ito titira. “Mukhang tinatimingan mo talaga ako ah. Bilib ako sayo,” saludo niya sa akin mula sa motor. Nasa loob na ako ng tricycle. “Wala akong panahon para makipagbangayan sayo. Andar na bago pa ako malate,” matamlay kong sabi. “Yes ma’am,” masigla niyang sabi. Bakit ambilis magpalit ng mood niya? Kagabi ang sungit. Nagyon mapang-asar. Bi-polar ba siya? “So, saan kita ihahatid ma’am? Huwag lang sa langit ah,” nagbibiro siya pero hindi ako natatawa. “Alam mo na kung saan,” ako. Hindi niya na ako sinagot at seryoso na ulit ang mukha niya at focus na focus sa pagdadrive. May bi-polar nga talaga siyang sakit. Ang bilis magshift ng mood niya. Tiningnan ko siya mula sa loob. Nakasuot siya ng maong jeans na fitted. Naka tsinelas siya na pambahay at naka round neck na sanding itim. Maputi papa siya sa umaga ha. Sana ipagbawal na nila rito ang pagsasando ng mga driver. Pang ilang beses ko na kasing makakita ng biceps. Nauumay na ako. Gahd. Umirap ako dahil kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Mga ilang minute pa ay nakarating na ako sa tapat ng kumpanya. “bayad oh,” inaabot ko sa kanya pero ayaw niyang abutin. “Sobra yung binayad mo kagabi kaya hayaan mo na,” baritone ang boses niya at seryoso. Nakakatakot. “Okay lang yun. Diba sabi mo nga naabala kita kaya okay na yung sobra,” pag iinsist ko sa bayad ko sa kanya. Iniaabot ko ang bayad ko pero ayaw niya talaga. “Alam mo ma’am, para sa akin, lahat ng sobra, bawal at masama. Kaya’t wag mo nang ibigay yan at bumaba ka na. Mahuhuli ka na sa trabaho mo at mauunahan na ako sa pila. Maaabala mo na naman ako,” hindi siya nakatingin sa akin pero alam ko na kapag tumingin siya ay lalamunin niya ako ng buhay. “Okay,” saka ako bumaba. Pinaandar niyang muli ang tricycle at bumusina. Lumingon naman ako. Mula sa motor ay nagtanong siya. “Five Thirty ka ba ulit mamaya uuwi?” seryoso siyang nagtatanong. “paki mo?” pag-iinarte ko. “Okay,” sabay tangu-tango niya at umalis na sa harapan ko. Anong meron sa kanya? Ang weird. Naguguluhan lang ako. Teka, nafofall na ba siya sa akin? Well. Well.Well. Maganda naman ako. Pero, sige papatol ako sa larong gusto niyang simulant. Makagaganti rin ako sayo damuho. ------ Simula nap o ng World War III haha. May kanya kanyang plans ang dalawa. Abangan po ninyo kung saan mauuwi ito. Enjoy reading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD