Chapter Eight Baste “Para kang timang. Nakangiti kang mag-isa,” sita ni Macky sa akin mula sa loob ng tindahan. Siya ang nagbabantay ngayon dahil nagluluto ang ermat niya. Nakatingin kasi ako sa mga texts ng maarteng iyon. Hindi ko naman alam na nakangiti na pala ako habang humihigop ng soft drinks gamit ang straw. Teka. Nakangiti ako? Patay kang bata ka. Patay ka ngayon Sebastian Corpuz. “Huyy pare. Babae yan no?” pangungulit pa ni Macky na inilalabas pa ang kamay sa bintana para lang kalabitin ako. “Ano?” iritado kong tanong saka ibinaba ang bote ng soft drinks sa case. “Tingin ng ngiti?” pinipilit niyang tingnan ang mukha ko pero umiiwas ako. Pinigilan ko nang ngumiti dahil pagtitripan na naman ako nito at sasabihin sa barkada pagdating nila. “Okay lang ba magsam