Chapter Seven Ruby Nauna pa akong magising kaysa sa alarm ko. Ewan pero excited akong bumangon. Excited ba akong bumanong or may gusto lang akong makita? Sige. Both. Challenge sa akin kung paano ako magmumukhang simple sa mga damit na nasa cabinet ko. Siguro babawasan ko na lang ang pagme-make up at pag taas ng kilay ko para naman hindi ako mahalatang maarte, masungit at maldita. Mabait naman talaga ako. Ginagamit ko lang ang pagiging maldita at maarte ko para hindi ako maliitin ng ibang tao lalo na at nag-iisa akong nakatira sa kasea dito sa Calle Adonis. Naligo na ako at nagbihis. Six fifteen pa lang kaya maluwag pa ang time ko para magbihis. Nagsuot ako ng dark blue pencil cut skirt at sando na black tapos nagcoat ako na tumerno naman sa kulay ng skirt ko. Nagsuot din ako