Chapter Nine Baste Paktay ka Sebastian Corpuz. Wrong timing naman ang pagdating nina Kiel at Amir kasama si Bunsuy. Lalo na at nasa ganitong pwesto kami ni Ruby. Nagkatinginan kaming lahat. Ni walang gustong magsalita sa amin. Hanggang sa putulin ni Bunsuy ang katahimikan. “Kuya, hihiram daw sila kuya Kiel ng malalaking kawali. Kaya sumama na sila dito. Nakita nila akong pauwi na,” agad namang naupo ang kapatid ko sa sofa saka prenteng humiga. “Ahm. Bukas na lang pre. Mukhang abala kayo,” natatawang sabad ni Kiel. “Nandito ka pala ate,” taking tanong ni Amir. Bago pa man siya makasagot ay ako na ang nagsalita. “Bunsuy. Kunin mo nga yung mga kawali sa bodega. Asikasuhin mo muna mga barkada ko,” sigaw ko sa kapatid ko saka tumalikod at pinatay ang kalan. Mauubusan na ng sab