"Mam seryoso po ako,handa na po akong magpakasal sa anak niyo,kapalit po ng hotel ko,gusto po maibalik yun sa akin at kahit po mag asawa na kami di ako aasa sa kanya.
Lalo na't galit na galit po siya sa akin ngayon willing po akong magpakasal sa kanya.
Ayaw niya na po akong magtrabaho sa mga negosyo niya,kaya nkaikiusap po ako sana matulungan niyo po ako na ibalik yung hotel"
"Sigurado ka na ba diyan iha, once kasi na pumayag ako sa gusto mong mangyari wala ng atrasan at bawian,you know that I really want you for my son"
"Sigurado na po ako mam,kailangan ko po yung hotel ko para mabuhay at di umaasa sa ibang tao lalo na po sa kanya"
"Iha wala naman problema eh,ang sa kanya saiyo na rin, once na nagkaisang dibdib na kayo"
"Ayaw ko po umusa sa kanya mam gusto ko parin yung sarili kong sikap,yun lang po pakiusap ko po sainyo, I want my hotel back at promise ko po gagampanan ko ang aking tungkulin bilang asawa ng anak niyo na diko siya pineperwisyo"
"Ok,once n makumbinsi ko siya ibabalik ko na ang hotel mo,basta wala ng bawian at kay Aldrin naman, ako na bahala sa kanya makukumbinsi ko siya na pakasalan ka sa ayaw at sa gusto niya"
"Umaasa po ako mam,at wag kang mag aalala magiging mabuti akong asawa sa kanya kahit gaano pa siya kababaero,I will accept it"
"Just call me mommy or kung ayaw mo pa akong tawagin niyan tita na lang masyadong pormal mas kumportable akong tawagin mo akong tita or mommy tutal malapit na tayong maging isang pamilya"
"Sige po pwede po bang tita na lang muna ang tawag ko sainyo?"
"Sure iha, naintindihan ko"
"Salamat may pakiusap lang po sana ako sainyo"
"Ano yun iha, anything what you want just tell me basta kaya ko ibibigay ko saiyo"
"Sana po wag malaman ni Aldrin ang dahilan kung bakit ako pumayag na magpakasal sa kanya, pakiusap tita"
"Oo naman iha,umasa kang di niya malalaman,alam mo naman ugali niya pag nalaman niya ang dahilan mo,sigurado isusumpa niya tayong pareho"
"Salamat po,at sana pumayag siya"
"Kung kumbinsihin mo kaya siya iha"
"Tita alam niyo naman po pag nagsama kami para kaming asot pusa,kaya diko po un makukumbinsi sigurado magagalit lang yun"
"Ganoon ba,sige ako na bahala sa kanya"
"Maraming salamat tita"
"Don't worry once na napapayag ko siya tawagan kita kaagad,sige bye iha'
"Bye tita maraming salamat po"
Medyo mahaba haba din ang aming tawagan sa phone ng nanay ni Aldrin.
Wala akong choice kailangan kong gawin ito, paano na lang kung wala na akong trabaho paano na ako at si mommy ano pang ipangbubuhay namin dalawa,kailangan kong isakripisyo ang aking sarili,balang aranw maglalagpasan ko rin ito.
Kailangan maibalik sa akin ang aking hotel yun na lang pag asa ko sa buhay.
Kahit labag sa kalooban ko kailangan kong gawin ito.
Patuloy parin akong nagtatrabaho sa company at kanyang bar,once kasi na bumalik siya sigurado tanggalin niya na ako sa trabaho.
Pauwi na ako sa apartment ng makita ko si mommy na nag aantay sa akin sa labas.Tinignan ko lang siya at daredaretso akong pumasok sa loob,sunundan niya ako.
"Marisa let's talk"
Dedma lang ako nilapag ko sa mesa ang aking bag at kumuha ng tubig para uminom.
Tuwing nakikita ko siya naalala ko ang ginawa niya sa akin noong isang araw, simula ng insidenteng yun,dina kami nag usap.
"Mag usap tayo,kailan mo ba ako di papansin, ano ito nag iinarte ka,kung di dahil sa katapangan mong yan at pakikialam mo di sana aabot sa ganito"
"Mah, enough!wag na natin pag usapan yun tapos na,at alam natin dalawa na kasalanan niyo yun at kung bakit napunta ako sa sitwasyon na ganito,can you please leave me alone mah, tutal noong araw na yun tinapono na ako bilang anak mo,do what you want.
Pero eto tatandaan niyo,pag may ginawa kayong ikakapahamak niyo,wag na wag na kayong lumapit sa akin,sawa na akong sumalo sa mga pinagagawa niyo"
"Wala kang utang na loob!" sabay ang pagdapo ng palad niya sa aking pisngi.
"Are you done,makakaalis na kayo"
"Kahit anong sabihin mo I'm still you mother, wala kang karapatan diktahan kung anong gusto kong gawin anak lang kita"
"Oh really,from now on magkanya kanya na tayo diko na kayo pakikialaman,gawin mo lahat ng gusto niyo diko na kayo pakikialaman pang muli,doon na lang kayo sa lalake niyong yun"
"Marisa hindi siya basta bastang tao, soon I became his wife,kaya dapat baguhin mo yang katapangan mong yan,be a good girl para saiyo din naman itong ginagawa ko mararanasan na natin ulit ang maginhawang buhay,listen to me I just want you to apologize to him"
"Ginagawa mo ito para sa akin,wow ang sweet naman,oh ginagawa mo ito para lang sa sarili mong interest,mah wag ako kilala na kita ginagawa mo lang ito dahil sa bisiyo mo hindi para sa akin"
"Oo kung yun ang alam mo,kung pumayag kana sana na pakasalan ang Aldrin na yun di sana maganda ang buhay natin ngayon di tayo naghihirap ng ganito ano pa ba inaantay mo, dika kumikilos masyadong mataas ang pride mo,sa panahon ngayon dina uso ang pride kailangan madiskarte ka sa buhay"
"Mah di ako kagaya mo na mukhang pera, tandaan niyo ito kasalanan niyo ang lahat kung bakit nasa sitwasyon tayo ngayon na ganito"
"Hanggang ngayon sinisisi mo parin ako sa pagkawala ng daddy mo"
"Oo, bakit sino ba dapat kong sisihin hah! yung kapit bahay natin,si daddy,ako?mah alam natin lahat na ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito"
"Marisa how dare you!"
"Umalis na kayo"saka ako humakbang papasok sa aking kwarto at sinara ko kaagad ang pintuan.
"Saan ka pupunta dipa tapos,wala kang kwentang anak wag kang bastos" halos gibain na niya ang pintuan para palabasin ako, pero di ako lumabas hinayaan ko lang siya na nagsisigaw, hanggang sa wala na akong marinig na ingay sa labas ng pintuan.
Umalis na siguro, diko maitago ang galit ko sa kanya,sarili niya lang iniisip niya,bakit ganoon napakasarili niyang ina.
Wala akong paglabasan ng sama ng loob, sobrang bigat ang nararamdaman ko ngayon at galit,ang hirap wala kang pagsabihan sa lahat ng problema mo.
Gusto kong puntahan si Gina,kaso ayaw kong mangdamay saka hirap niyang mahagilap.
Mas mabuti siguro mag isa na lang ako at sarilin ang lahat,wala naman makakatulong ngayon sa akin sa sitwasyon ko.
Humiga ako, sobrang pagod na pagod na ang isipan ko pati ang puso ko, gusto kong matulog at sana sa paggising ko mawala na ang lahat ng bigat ng nararamdaman ko.
Kinaumagahan,panay ang tunog ng aking cellphone kaya naalimpungatan ako,hinanap ko kung nasaan,nasa ilalim pala ng aking unan kinuha ko ito at sinagot.
"Hello!"
"Good morning iha,are you still sleepy?"
"Medyo po,sino ba sila?"
"Si tita Avelina ito, naiistorbo ko ata ang pagtulog mo"
Napabaligkuwas ako ng wala sa oras, tumingin ako sa bintana,umaga na pala at diko alam na si tita pala ang kausap ko.
"Tita sorry po diko kayo agad nakilala kagigising ko lang po"
"Sa tingin ko nga,iha regarding pala sa pinag usapan natin noong nakararaan araw, willing ka na ba talaga wala ng atrasan?"
"Po, bakit niyo natanong ulit"
"I want to make sure kung talagang handa ka na ba talaga,wala ng atrasan,bibigyan pa kita ng isang chance para pag isipan ang lahat ng ito,gusto ko bukal sa loob mo ang pagpayag na pagpakasal sa anak ko"
"Tita,diba pinag usapan na natin ito willing na po ako magpakasal sa kanya wala na pong atrasan"
"Sure,ok good I will make sure na maibabalik ko na ang hotel mo pagkatapos ng kasal niyo ni Aldrin,thank you iha at pumayag ka"
"Ako nga po dapat magpasalamat sa inyo tita thank you for giving me a chance at maibabalik na ulit sa akin ang aking hotel"
"Walang anuman yun iha, salamat din at pinagbigyan mo ang aking hiling wag kang mag aalala I will support you whatever you want,nasa likod mo lang ako"
"Napakabait niyo po,siya nga pala pumayag na ba siya tita"
"Yes pumayag na siyang pakasalan ka, sana iha kaya mong mahandle ang ugali ng anak ko at matulungan mo siya na di malulong sa bisiyo niya sa babae,ayaw kong humantong siya na balang araw pag sisihan niya ang lahat ng ito pero huli na ang lahat,sana matulungan mo siya ikaw lang ang may kakayanan noon iha"
"Wag kayong mag aalala tita, susubukan ko po na tulungan siya"
"I'm so very thankful for that,siya nga pala I have a surprise for you, antayin mo na lang sige iha bye"
"Bye din po"binaba ko na rin ang aking phone, nagtaka ako kung ano yung surprised niya sa akin.Maya-maya pay nakarinig na ako ng doorbell sa labas.Tumayo ako kaagad para tignan,pagakalabas ko sa aking kwarto binuksan ko agad ang pintuan sa sala.
"Good morning po miss!"
"Michael!anong ginagawa mo rito at saka bat ganyan itsura mo natutulog ka pa ba?"
"Kararating ko lang galing France miss dumaretso na ako rito,kaya wala pa akong pahinga at tulog"
"Ganoon ba,kawawa ka naman nasaan pala ang amo mo dimo yata kasama ngayon "
"Nasa malayong lugar miss,siya nga pala pinapasundo ka ni madam Avelina "
"Ano,saan tayo pupunta?"
"Sa frannce miss aalis din tayo ngayon din"
"Anong gagawin ko doon,at bakit ako pupunta doon?"
"Para sa kasal niyo ni boss miss"
Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Michael, ba't ang bilis naman ata.
"Ano!kasal bakit doon at saka ba't ang bilis ata,di yata siya nagmamadali"
"Mas excited pa nga si madam kaysa kay boss eh, magbihis na kayo miss at aantayin ka namin sa labas wag kayong mag aalala wala na kayong problemahin sa lahat sasakay tayo sa private plane ni madam"
"Pero paano yung kasal,diko pa nasabihan ang mga friends ko at si mommy "
"Private wedding ang mangyayari miss yun ang gusto ni boss kayo-kayo lang daw ang mga tao doon,ayaw niya ng maraming bisita at tao, para lang daw sa family "
"Ano,nahihibang na ba siya, once lang ikasal ang tao ganito pa gusto niya kulang na lang dalawa lang kami ang nakakaalam na ikakasal na kami"
"Miss tama kayo,yan ang gusto ni boss yung walang nakakaalam gusto niyo kayo-kayo lang,tumutol si madam pero wala rin nagawa kundi yung kagustuhan parin ni boss ang nasunod"
"He really crazy!yan pala ang gusto mo ang itago ako sa lahat at pati mga kaibigan mo ililihim mo pa ang pagpapakasal mo sa akin, okey yun lang pala kung kinahihiya mo ako, puwes ganoon din ako kinahihiya din kita!" galit na sigaw ko,diko mapigilan ang magalit at masaktan dahil sa gagawin niyang ito. Gusto ko sana yung ikasal ako andito ang mga kaibigan kong sina April at Gina at kahit galit ako kay mommy gusto ko andoon din siya sa mahalagang araw ng buhay ko dahil isang beses lang naman mangyari, pero ganito pala ang mangyayari.
"Miss ok ka lang namumutla ka ata,galit ka ba?"
"Ano sa tingin mo masaya ako!"
"Hindi miss!"
"Puwes kung yan ang gusto niya ok fine" tumalikod ako para pumasok ulit sa kwarto at mag impake.
"Miss saan ka pupunta "
"Mag iimpake!"
"Miss nandito na lahat ng kailangan mo,dimo na kailangan magdala ng mga damit dahil pinamili ka na ni madam,sarili niyo na lang ang dalhin niyo!"
"Kunin ko lang yung bag ko at magbihis saglit"pagakatpos kong magbihis lumabas na ako,kahit sobrang kinakabahan at galit sa taong yun,nagawa ko parin sumunod sa kagustuhan nilang mag ina.
Wala na akong nagawa pa kundi sumunod na lamang tutal para sa hotel ko ito, gusto kong mabawi yun dahil yun na lang ang natitirang alaala ni daddy sa akin.
"Miss handa na ba kayo,tara na po"
"Handa na ako,sige tara na"
Kahit mabigat man sa kalooban ko ang lahat kailangan kong lumaban at panindigan ang desisyon kong ito,buong puso kong tatanggapin siya sa buhay ko kahit labag sa kalooban ko wala akong choice.
"Kaya ko ito!dad sana andito ka,siguro mas lalo akong magiging masaya kung masilayan mong ikakasal na ang mahal mong anak, diba yan ang pangarap mo yung ihatid mo ako sa altar at ibibigay sa taong mahal ko, pero dina mangyayari yun dahil wala kana dimo na ako masilayan ikasal.Lalo pat sa isang taong demoyo ako mapupunta ngayon, hindi sa pangarap kong tao,dad ikaw na bahala sa akin"napapikit ako habang nasa biyahe kami nina Michael kasama ang mga tauhan nila.
"Miss umiiyak ba kayo? naririnig kasi kitang humihikbi,masama ba ang loob niyo,dahil sa ikakasal na kayo diba dapat masaya kayo, para kasing lamayan ang pupuntahan natin"
"Michael,may nakita ka bang luha sa mata ko,wala diba?"
"Oo nga noh,akala ko umiiyak kayo"
"At saka tama ka, parang lamayan ang dadaluhan ko hindi kasalan"
"Buhay pa si boss miss at andoon siya sa France "
"Hulaan ko ang ginagawa niya,nambabae diba?"
"Paano niyo alam miss"
"So nambabae talaga siya,wala namang bago sa kanya kahit saan siya mapunta ginagawa niya naman yan,bisiyo na niya ang mambabae"
"Miss bakit nagagalit ka ata!"
"Di ako galit!at bat ako magagalit!"
"Sabi ko nga di ka galit, slight lang"
Diko maitago ang aking inis sa taong yun ikakasal na nga siya nagawa niya parin mambabae,wala na ata siyang pag asang magbago.
***Aldrin Williams***
It's been a while, ngayon lang ako ulit nakatungtong sa dati kong kwarto.
Nandito lahat ang masasakit na alaala ko noong bata pa ako.Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko andito pa lahat ang mga gamit ko, di parin nagagalaw nasa maayos parin.Dito sa kwarto na to ang nagsisilbing taguan ko noon,tuwing sinasaktan ako ng aking ama halos di na ako lumalabas, marami akong iyak na nilabas dito, hanggang sa naging bato na ang puso ko at hindi na ako nakaramdam ng sakit. Nagsawa na rin ako sa kaiiyak,tanging puot at galit na lang nararamdaman ko sa kanya at pinangako sa aking sarili hanggat nabubuhay ako diko siya mapapatawad sa ginawa niya sa amin ni mommy,he make my mom life miserable.
I hate him as hell,kaya sinumpa ko na dina ako babalik sa bahay na 'to pero andito ako ngayon ng di sinasadya.
Napako ang tingin ko sa isang maliit na kwarto sa tabi ng bathroom.
Dahah-dahan kong binuksan,napangiti ako.
"You still here"maliit lang na kwarto, nagsisilbing hide out ko tuwing sinasaktan niya ako,dito ako nagtatago nagkukulong at natutulog.Nandito parin ang kumot at unan na gamit ko pagnatutulog ako rito.Di kasi ako natutulog sa aking bedroom dito na ang nakasanayan ko gusto ko yung madilim ayaw kong may makakita sa akin na umiiyak lagi akong nagtatago.Umupo ako at saka kinuha ang kumot at unan saka ko nilatag ang foam na maliit na gamit ko noong bata pa ako.
Nahiga ako, katulad ng dati kong ginagawa.
Lahat ng masasakit na alaala noong bata pa ako bumalik ulit dahil sa pagbabalik ko rito.
"Pagnatapos na ang problema ko sa babaeng yun,I will never come back here anymore"
Nanaginip akong may humahaplos sa aking mukha,ng imulat ko ang mga mata ko. Mukha ng napakagandang babaeng nag iisa sa puso ko kahit lagi kaming magkaaway.
"Mom"sabay hinawakan ko ang kanyang kamay,ngumiti siya ng pagkatamis tamis.
"Son,why sleeping here,akala ko ba you will never sleep here anymore"nginitian ko lang siya at saka niyakap.
"Mom are you still ok to stay here?'
"Of course son this is my house,kahit mapait ang nakaraan natin dito ayaw ko parin mawala ang bahay na to,pinaghirapan ko at daddy mong itayo itong bahay na 'to dahil kahit papaano may mga masayang alaala parin ang nangyari dito sa bahay na 'to"
"But for me this house is hell,I don't want to stay here anymore "
"I understand anak,pero sana kalimutan mo na ang nakaraan matagal na yun na nangyari let's move on para maging masaya tayong lahat,halika na bumangon kana diyan breakfast is ready,mamaya dadating na ang fiance mo"bigla akong nairita sa sinabi ni mommy na darating siya rito, bumangon ako.
"Talagang totohanin niya ang pagpapakasal sa akin"
"Son napag usapan na natin yan ok,anong mali ss kanya she's a good girl"
"Whatever,nakakasira siya ng araw"
"Aldrino, don't say that thing to her"
"Totoo naman ah"lumabas ako sa aking kwarto at nakasuno si mommy sa likuran ko,sabay binatukan niya ako.
"Ouch mom! ba't ba nanakit ka,ipaalala lang saiyo I'm your son"
"I know,but I'm your mother may magagawa ka ba doon?"
"Being your son is like a torture "
"What did you say?"
"Nothing mom!siya nga pala pagdating niya mamaya,idadahos ang kasal namin mamayang gabi"
"What!Aldrin nagmamadali ka ata iho diba pwedeng bukas or next day,dipa tayo nakapaghanda sa kakailanganin sa kasal"
"Mom,ako ang ikakasal kaya desisyon ko ang masusunod,the wedding ceremony,held at seven pm in the evening thats all ayaw ko ng matao gusto ko tayo-tayo lang"
"Pero it's unfair to her"
"Ako ang masusunod kung gusto niyong matuloy ang kasal"
"Aldrin!"diko na lang siya pinansin dahil galit na galit siya,wala rin naman siyang magagawa.Umupo ako para makapag kape lahat ng paborito ko noong bata ako andito sa harapan ko.
Pero kape lang ang kinuha ko, lumapit sa akin ang isa sa kasama ni mommy rito sa bahay.
"Senyorito sabi ni madam kumain daw kayo"
"Ok thanks,where's mom?"
"May kausap sa cellphone po"
"Ok,iwan mo na lang ako rito,wait!"
"Ano po yun senyorito"
"Are you new here?"
"Hindi po senyorito matagal na rin po ako, isa ako sa anak ng dating kasambahay ni madama"
"Oh really,di ka ata nababagay rito, your beautiful and young nag bagay saiyo sa office, you want to be my new secretary"
"Ah eh,gusto ko po sana kaso baka magalit si madam,sabi nga din ng iba di ako bagay maging isang katulong"
"Yeah that's true,kung gusto mo I want to hire you to become my secretary ako na bahala kay mommy"sabay nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang napakaputing pisngi, she's so gorgeous and hot.Kahit nakasuot siya ng mahabang bestida makikita mo parin ang hubog ng kanyang hinaharap.
"I like the girl have a big boobs"pabulong ko sa kanya.Nakatingin siya sa akin at alam ko na isa rin siya sa mga babaeng mabilis makuha.
"I like the girl like you,see you later"
lumabas ako sa dining room pero nakatingin parin siya sa akin.
"Umandar nanaman ang pagkapilyo ko, medyo matagal-tagal na rin na wala akong binabayo,and I miss that" napangiti akong naglalakad mag isa.
Simula noong gabing yun,dahil sa nangyari sa amin ni Marisa,parang nawalan na ako ng gana sa mga babae,pero ngayon parang nakakondisyon ako.
"I will get her no matter what happen"
Habang naglalakad akong papunta sa sala para hanapin si mommy nakita ko siya may hardin,na may kausap lalapitan ko sana siya ng marinig kong kausap niya si Marisa.
Napamura ako sa mga narinig ko na usapan nila,kumulo bigla ang aking dugo dahil sa mga narinig ko.
"What the hell!"nakuyom ko ang aking mga kamao sa galit.
"That's why you want to marry because of that fvcking hotel,wala kang pinagkaiba sa lahat ng mga babaeng mukhang pera,you are one of them,you wait and see.
I will make you suffer in my own hand, akala ko ayaw mo lang akong pakasalan dahil sa ayaw mo ako pero, ngayon gusto mo na dahil may kapalit "
"s**t!"kinuha ko ang susi ng kotse ni mommy para umalis dito sa bahay.
Habang nagdadrive ako,diko maiwasan ang magalit pag naalala ko yung pinag usapan nila ni mommy.
"Fvck! kapalit ng hotel ang pagpapakasal mo sa akin,pare-pareho kayong lahat!"
ilang beses kong nasuntok ang manubela ng kotse dahil sa galit ko sa kanya