"Well come here in France iha nice to see you here"masaya akong niyakap ni mam Avelina.
Natulala ako sa laki ng bahay nila dito parang mansion,hindi parang, mansion talaga. Mas malaki pa ito kaysa sa bahay nila si pilipinas grabe ang yaman nila.
"Iha ok ka lang natulala ka diyan"
"Salamat tita, ang ganda naman ng bahay niyo,teka asan po pala si Aldrin"
"Oh siya ba?andito lang kanina yun teka tawagin ko"hinanap niya,pero di niya makita tinawag pa siya ng tinawag,pati mga kasamahan nila dito sa bahay di nila alam kung saan siya pumunta.
"Where is he?"tinawagan niya ito ng tinawagan pero di niya makontak.
"Ok lang po tita,baka may pinuntahan siya na importante"
"Kanina andito lang siya eh,pero ba't siya biglang nawala"
"Ok lang po"sabi ko pero nakaramdam ako ng hiya,parang feeling ko ayaw niya akong makita.
"It's ok iha,kumain ka muna at para makapagpahinga,alam kong pagod ka"
"Salamat po tita"
"Halika saluhan mo na ako,wala na kasi yung batang yun para sabay-sabay tayong kumain"
Masaya kaming kumain ni tita habang nagkwekentuhan ng kung ano,ano panay ang tawanan namin.
Pagkapos namin nananghalian, umalis si tita may pinuntahin siyang importanteng bagay.
Ako naman di ako makatulog kaya naglibot na lang ako sa bahay, hanggang napunta ako sa hardin napakaganda grabe parang paraiso tapos napakalawak.
Umupo ako sa may duyan na napalibutan ng mga naggagandahan bulaklak.
"Grabe napakayaman nila ang ganda dito"
napakabango ng buong hardin sa dami ng mga ibat ibang bulaklak na andito.
Nagsawa akong nagduyan,nilakad ko ang buong hardin, saka napakabait ang mga tauhan nila dito,mayat maya nila ako binabati
Diko namamalayan ang oras magdidilim na pala nawili ako sa kalalakad,mamitas na mga bulaklak kasama ang mga tauhan nila dito.
Tumulong pa akong nagdilig,nagtanim nakakawala ng problema,tahimik walang gulo gustong gusto ko ang ganitong lugar.
Nakaramdam na ako ng pagod kaya pumasok ako sa loob ng bahay pumasok ako sa isang kwarto na pinagdalhan nila kanina ng mga gamit ko.Namangha ako sa loob niya ang ganda at napakaluwang kaso wala masyadong nakadisplay tanging master bed lang at mga iilang furniture at mga picture frame nakadisplay.Nilapitan ko ang mga picture na nakadisplay sa may kabinet a
Napangiti ako,isang napakacute na bata ang nasa larawan at walang iba kundi picture ni Aldrin ito noong bata siya.Napakacute at napakainosente pero ngayon,nakakainis at nakakabwisit na.
Kinuha ko ang aking luggage at inayos at nilagay sa closet,saka ako pumuntang banyo para maligo.Nagsuot lang ako ng maiksing short na pantulog at manipis na pawad na damit, nakasanayan ko na rin ang matulog na walang bra mas kumportable ako.
Nahiga ako sa kamang napakalambot, ang sarap ng feeling at fresh dahil sa ginamit kong pinaligo ang mga bulaklak na pinatas namin kanina,ang bango at parang hinihila ako ng antok gusto ko ng matulog.
Ang init at ang bigat ng aking katawan parang may bakal na nakadagan sa aking tiyan di ako makakilos.Akala ko panaginip lang yun pero bakit totoo.Sinubukan kong bumangon pero ang bigat talaga parang tatlong sakong bigas ang nakadagan sa akin.At napakabaho,amoy alak ang buong kwarto lalo na sa tabi ko.Teka parang tao ang nakadagan sa akin ah, nararamdaman ko ang hininga niya sa aking leeg.Pinilit kong kinapa ang aking cellphone,buti nasa ilalim lang unan.Alauna na pala ng gabi, tinignan ko ang taong nasa tabi ko.Nagulat ako dahil mukha niya agad ang nakita ko,sobramg lasing nakayakap sa akin kaya diko magalaw ang buong katawan ko.
"Grabe parang daang daang bote ng wine ang ininom nito, ang baho"
Dahan-dahan ko tinanggal ang kamay niyang nakaibabaw sa aking tiyan pati ang kanyang mga binti na nakadagan sa aking mga hita.
"Aray!"nagulat ako dahil mas lalo pa niya akong niyakap halos di ako makahinga.
Sinubukan ko nanaman tanggalin ang mga kamay nito,pero bigla niya itong hinawakan ng napakahigpit.
"Don't move,I want to sleep"mahina niyang sabi, pinilit ko ulit tanggalin ang binti niya sa aking hita.
"Francesca, don't move or you want more round hah, your so naughty girl but I'm so tired can you make me sleep let's continue tomorrow ok" kahit sa pagtulog binabanggit niya pa ang mga babae niya,kaya ka pala nawala kanina dahil nandoon ka sa mga babae mo.
Kaya nainis ako sa mga sinasabi niya.
Pero tinignan ko muna siya kung nakatulog na,tulog na tulog at humihilik na.
"Francesca pala ah!"sinampal ko siya ng nagpakalakas,akala ko nagising na siya pero umungol lang ito.
"Ouch mosquito bite me"mahinang sabi niya at di na siya gumalaw.
"Wala na talaga dina siya magbabago"
Hinayaan ko na lang siya,diko naman na siya magalaw at diko maalis ang nakapulupot niyang binti sa aking mga hita.
"Makatulog na nga lang,inaantok pa ako"
pinikit ko lang aking mga mata dahil antok na antok ako halos wala akong tulog sa biyahe.
Kinabukasan halos mapasigaw ako ng may makapa akong matigas na mahaba, unti unti tinignan,natulala ako sa aking nakita.
"Oh my god!"agad kong pinikit ang mga mata ko,bakit ganoon kagabi lang may suot pa siyang damit bakit ngayon hubot hubad na siya, nakita ko tuloy ang dapat na diko makita.Noong imulat ko ulit ang mga mata ko,mukha na niya ang aking nakita na nakangisi sa akin.
"You like the view"sabi nito.
"Aahhh bastos!"sigaw ko sa kanya.
"Kunwari ka pa,kala mo naman dimo pa nahawakan at nakain yan!"
"Anong pinagsasabi mo,bastos manyak ka talaga gago!"pinaghahampas ko sa kanya ng unan,di man lang siya nahiya sa akin wala talaga siyang hiya.
"Gusto mo ikawento ko saiyo ang nangyari sa bar ko noong gabing yun kung paano mo yan pinagnasaan at kinain,gusto mo isa-isahin ko"bigla akong namula sa hiya.
"Hindi yan totoo, magbihis ka nga doon wala ka talagang kahihiyan"
"Bat pa ako mahiya saiyo, ikakasal naman na tayo at lagi mo na akong makikitang ganito"
"Bastos,tumayo ako para ako na lang ang aalis,pero bigla niya akong hinila at natumba kaming parehas sa kama,hinawakan niya ang aking mga paluspusan.Nakatitig siya aking dibdib,nagpumiglas ako pero di niya ako binitawan.
"Wag mo akong tignan diyan walang hiya ka"
Nginisian niya ako.
"Akala mo naman napakalaki,kahit nga wala kang suot na bra,yang dibdib mo parang dibdib ng bata walang laman inshort flat"
"Bitawan mo ako,lumabas ka rito bakit kasi andto ka sa kwarto ko"
"Excuse me,alam mo ba kung Kanino tong kwarto na to,this is my room kaya ikaw anong ginagawa mo rito sa kwarto ko"
"Lalabas na ako bitawan mo na ako"
Bigla siyang umalis sa ibabaw ko, naglalakad siyang nakahubad at walang pakialam kahit nakikita ko wala siyang kahihiyan.
"Paglabas ko ng bathroom I don't want to see you here!"saka pabagsak niyang sinara ang pintuan.
"Ang yabang at bastos akala mo naman gusto kitang makita"tumayo agad ako saka nagmamadali akong lumabas sa kwarto niya.
Diko namamalayan na nasa baba na ako at nasa sala na inis na inis.
Nagulat lang ako ng makita ko ang mga babaeng kasama nila dito sa bahay na naglilinis sa buong sala abalang abala silang lahat,pero ang pinagtataka ko nakatingin silang lahat sa akin.
"Bakit kaya pinagtitinginan,may madumi kaya sa mukha ko"kinapa ko pa ang pisngi ko.
"Missss!aaahhhh!!wala akong nakita!" pati so Michael na lalapit sana sakin pero biglang napasigaw at agad tumalikod sa akin,pati na rin ang mga ibang lalaking tauhan nila na pumasok dito sa sala na may mga dala, dalang bulaklak nabitawan pa nga nila.
"Ang weird ng mga tao dito"sabi ko.
"Michael anong nangyari hah bat ka nakatalikod humarap ka nga sa akin"inis na sabi ko sa kanya.
"Miss--ss,di pwede papatayin kami ni boss,kayo wag kayong titingin"sigaw niya sa mga kasamahan niya.
"Bakit ba anong problema niyo"
Nagsalita ang isang may edad na babae na parang siya ang mayordoma rito.
"Magsialis kayo rito ngayon din utos niya!"Nagulat lang ako ng may bumato ng isang bathrobe sa akin.
"Are you crazy you almost naked pero lumabas kang ganyan ang daming tao rito anong akala mo rito bahay mo na gawin mo lang ang gusto mo,you even don't have bra and you only using a panty short" galit na sabi ni Aldrin sa akin,at doon ko lang napagtanto na kaya pala ako pinagtitinginan dahil sa itsura ko.Nakaramdam ako ng hiya kaya agad kong sinuot ang hinagis niyang bathrobe at agad akong tumakbo paakyat sa may hagdan at pumasok sa kwarto daretso ako sa banyo.
"Nakakahiya,kaya pala ganoon na lang na lang silang makatingin sa akin,akala ko nasa bahay lang ako,nakakahiya talaga!"
"Talagang nakakahiya! you wanna display your body there,may mga lalake pa doon anong akala mo sa sarili mo maganda ka"
"At ba't ka nagagalit,saka diko alam nakalimutan kong nasa ibang bahay pala ako"masama niya akong tinignan.
"Kararating mo lang dito gumagawa ka nanaman ng eksena at binibigyan mo ako ng sakit sa ulo"
Napayuko ako, bakit ba nagagalit siya wala naman siya pakialam sa akin.Galit siyang umalis at binagsak pasara ang pintuan kaya nagulat ako.
"Ano ba!"sigaw ko sa kanya.
Naligo na lang ako ako at nagbihis, nahihiya tuloy akong lumabas.Biglang may kumatok sa may pintuan kaya binuksan ko ito.
"Senyorita,andito na ang mag aayos saiyo"sabi ng mayordoma nila dito sa bahay.
"Hah!bakit po nila ako aayusan"
"Nakalimutan niyo na ba,ngayon ang araw ng inyong kasal ni senyorito"
Di ako makapagsalita,oo pala nakalimutan ko na ang pinunta ko rito dito pala idadaos ang aming kasal.Pumasok ang mga babaeng na matatangkad at magaganda para silang professional make up artist.
"Bonjour!"bati nila sa akin,diko magawang magsalita kaya nginitian ko na lang sila.
Nagsimula na silang ayusin ako kanina pa akong walang imik,bakit ganito ang nararamdaman ko,bakit ako nalulungkot parang di ako ikakasal parang may lalamayan.
"Vous êstes si belle"means your so beautiful in french, sabi ng mga nag ayos sa akin.
"Merci"sagot ko naman, means thank you.
Kahit papaano nakakaintindi at makakapagsalita ako ng french.
Matapos nila akomg ayusan pinasuot nila sa akin ang isang napakasimpleng dress na puti na hanggang lagpas tuhod sobrang ganda at mamahalin.Saktong sakto sa aking katawan talagang naisukat talaga para sa akin.
"Wow iha napakaganda mo"saka ako niyakap ni tita Avelina na bihis na rin.
"Thank you po tita kayo din ang ganda niyo"
"Thank you iha,ano handa ka na ba?iha smile mas lalo kang gaganda kung nakangiti ka, alam kong napilitan ka lang sa kasalan na to pero you can considered that you helping me kung okey lang saiyo"
"Don't worry tita it's ok us long you are happy "Sorry iha,dimo na naimbita ang mommy at mga malalapit mong kaibigan,you know my son siya ang magdesisyon na walang ibang tao kundi tayo lang"nginitian ko na lang siya.
"Tara na po tita baba na tayo"yaya ko sa kanya.Hinawakan niya ang aking mga kamay saka kami lumabas.Nakalinya ang mga kasamahan nila sa bahay na may hawak na mga bulaklak, habang pababa kami ng hagdan.Inabutan nila ako ng isang bouquet ng rose na puro puti,at nilagyan din nila ng isang pabilog na ban na puro gawa sa bulaklak pinatong nila sa aking ulo.
"Mas lalo ka talagang gumanda iha"Naglakad kaming papunta sa may hardin.
Sobrang ganda,puno ng mga bulaklak at may nakalatag na red carpet na dadaanan ko.Patungo sa magkakasal sa amin.
Kokonti lang ang mga tao,mga tauhan lang dito sa mansion,at may mga malalapit na kaibigan ni tita pero apat lang lang sila.
Nang makarating kami sa harapan ng magkakasal sa amin.Nagulat lang kami dahil wala si Aldrin dito.
"Where did he go alam niyang mahalaga ang araw na to pero wala siya dito"
"Antayin na lang natin siya tita"
Biglang may lumapit sa amin na medyo may edad ng lalaki,kahit may edad na siya halatang gwapo parin.
"Congratulations iha!" sabay niyakap niya ako
Tumingin ako kay tita Avelina.
"Iha he's Aldrin father"
"Oh hello sir"magalang na bati ko sa kanya.
"Hi, your so beautiful iha,just call me daddy your my son's wife"
"Opo"matipid na sagot ko,siya pala ang tatay niya kamukhang kamukha niya.
"Asan na ba yung batang yun dapat andito na siya eh,pero wala"
"Pasensya kana iha ah,baka may pinuntahan lang ang anak ko"sabi ng ama ni Aldrin.
"Late na ba ako!"napalingon kaming lahat naglalakad siyang papunta dito.Diko maiwasan na titigan siya ang gwapo niya bagay sa kanya ang toxedo na suot nito.Pero bakit parang galit na galit ang itsura niya parang gusto niyang pumatay.
"Why is he here mommy?why you invite him here,I don't want to see him,bring him out"
"Aldrino!I invite him because he is your father kailangan siyang andito dahil ito ang mahalagang araw para saiyo at Marisa"
"Are you kidding me,mahalaga sino ba ang may kagustuhan nito diba kayo at ang babaeng yan,okey na sana eh pero bakit siya andito!"
"Stop it Aldrin he is still your father,sa ayaw at sa gusto mo he stay here, please anak kahit ngayon lang sa kasal mo"
"Ok fine!"bigla niya akong hinila saka patulak niya akong binitawan sa harap ng magkakasal sa amin"
"Anong problema mo!"sigaw ko sa kanya.
"Shut up!simulan niyo na ang kasal"sigaw nito.
Wala ng nagawa pa si tita Avelina hinayaan na lang nila si Aldrin.Diko siya maintindihan kung bat galit na galit siya sa tatay niya.
Dipa nakakalahati ang sermon ng magkakasal tinapos na agad ni Aldrin,kinuha niya ang papel saka siya pumirma"
Nagulat din ang paring magkakasal sa amin.
"Wait I didn't finish the ceremony "sabi ng pari,kaya di ako makaimik.
"Its done,tapos na ang kasal"sigaw nito.
"Aldrino what are you doing?"
"It's done mommy"
"Oh god iho"
Kinuha ko na din ang papers na pinirmahan niya at pumirma na din ako.
Paalis si Aldrin na galit
"Wait Aldrin!"sigaw ko sa kanya.
Kinuha ni Aldrin ang isang silya saka pinaghahampas sa mga nakadisplay na mga bulaklak lahat sinira niya di siya nagpaawat hanggang nasira niya lahat wala ng natira.
"Enough anak!"
"Why you invite him here hah mommy!"
"Anak ama mo parin siya"
"Simula noong iniwan niya tayo wala na akong ama,paalisin siya rito"utos nito.
"Aldrin son!"? mahinang banggit ng ama.
"Dont call me sonI don't have father anymore" sabi nito.
"Aalis din ako kaagad, gusto ko lang dumalo sa mahalagang araw ng kasal mo,I know dimo pa ako kayang mapatawad, please kahit ngayon lang aalis din ako"pakiusap ng kanyang ama.
"Ayaw mong umalis!"sigaw muli nito
Napayuko ang ama nito.
"Anak tama na ama mo parin siya"
Wala na akong ama! Michael let's go follow me!at kayong lahat magsibalik na kayo sa mga trabaho niyo,tapos na ang larong ito"
Nakatingin lang ako sa kanya na nagwawala , at naawa sa kanyang ama, sobrang galit siya.
"And you stop pretending,tapos na ang larong to umalis kana rito"
"Aldrino how can you say that thing,anak she is now your wife"
"I don't have wife,I don't have a father!ano pa ang inaantay niyo magsibalik kayong lahat sa trabaho niyo"muling sigaw nito kaya nataranta ang mga tauhan nila at nagsialisan.
"Aldrin ano ba tama na yan"sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako saka siya umalis.
"Ano pa inaantay mo diyan Michael let's go"
"Yes boss!"
"Where are you going iho comeback here!"
"I'm going to hell!"sigaw nito,saka sila tuluyan umalis.
"Pasensya kana iha sa nangyari,nagulat lang kasi siya"
"Ok lang po naintindihan ko po"
"Sabi ko naman saiyo dina ako pupunta dito you see I ruined everything "sabi ng ama nito.
"Kailangan andito ka para masaksihan mo ang kasal ng anak mo"
"You know that he hate me a lot pero pinagpilitan mo ang gusto mo"
"Enough wag na tayong masisihan pa"malungkot na sabi ng ina ni Aldrin.
"Anong klaseng kasal ito,diko akalain na ganito ang mangyayari,kasal pa bang matatawag ito"sinamahan ko si tita sa taas dahil di niya maiwasan ang malungkot.
Pagkapos na nakakalma si tita,nakatulog na rin ito, nagpaalam na rin umuwi ang ama ni Aldrin
"Tapos na ang kasal, parang laro lang he really hate me,and I hate him also"sabi ko.
Balik na sa normal,nakaupo akong mag isa sa may upuan dito sa may hardin.Naisip ko ang nangyari kanina,diko maiwasang malungkot.
"Sa isang iglap lang kinasal na ako sa taong kinaiinisan ko"ang bilis ng pangyayari.
Halatang napilitan lang siyang pakasalan ako
"Asan na kaya siya gabi na pero dipa siya bumbalik kasama si Michael "
May biglang nagtext sa akin,agad ko itong tinignan,si Michael.
"Miss pauwi na kaming pinas,bukas ipasundo na lang kita ng private plane"
"What,umalis na siya pauwing pilipinas l, iniwan niya akong mag isa dito"
Sobrang nainis ako sa kanya.
Saka diko rin maiwanan si tita Avelina mukhang stressed siya sa anak niya.
Uuwi na lang ako pag okey na si tita.
Biglang tumawag si Aldrin sinagot ko kaagad.
"Tomorrow morning go back here in Philippines"saka niya ahad binaba.
"Hey wait, wait Aldrin!"
"Nakainis kang tao ka sobra"
Three days after,bago ako umuwi dahil diko maiwan si tita, sumakay akong sa private plane nila sinundo ako ni Michael.
Kinabukasan ng makarating kami sa pilipinas.Habang nasa biyahe kami napansin kong iba ang tinatahak na daan hindi na ito papuntang apartment ko,kundi papuntang
daan sa kanilang villa.
"Wait saan tayo pupunta hindi ito ang daan papuntang apartment ko"
"Mula ngayon miss sa villa na kayo titira kasama si boss"
"What nagbibiro ka ba,anong gagawin ko doon"
"Utos ni boss,at dinala ko na lahat ng gamit niyo doon sa villa"
"Ano nagbibiro ba kayo,kinasal nga kami pero di ibig sabihin noon pumapayag na akong makisama sa kanya,magkanya kanya na kami,tapos naman na ang kasal"
"Pinaguutos ni boss na doon na kayo titira sa villa miss"
Wala na akong nagawa kundi sumunod na lamang Nakarating kami sa villa ng mga Williams,wala rin nakatira dito kundi ang mga tauhan lang nila.
"Wellcome po senyorito!"isa isa nila akong binati,wala parin pinagbago ang bahay na to maganda parin ang ayos, dalawang beses na akong makapunta rito.
"Miss magpahinga na muna kayo nasa kwarto na lahat ang mga gamit niyo"
"Bakit ano ba ang trip niya at bakit niya pa ako dinala dito,akala ko ba pagkatapos ng kasal kanya kanya na kami pero bakit pa niya ako dinala dito sa bahay niya"
"Diko rin alam miss basta inutos niya sa akin na idadaretso kita dito sa villa at simula ngayon dito ka na titira"
"Gusto ko siyang makausap asan siya para matapos na ang lahat"
"Nasa company siya miss may meeting "
"Ganoon, katatapos lang ng kasal niya nasa trabaho na siya,tawagan mo siya ngayon at gusto ko siyang makausap,gusto kong umuwi ya apartment ko"
"Busy kasi talaga siya miss saka sasabunin ako noon pag inistorbo ko siya"
"Wala akong pakialam tawagan mo na siya"
Wala ng nagawa si Michael kaya tinawagan niya ang boss niya.
"Hello boss!"agad na inagaw ko sa kanya nag cellphone niya.
"What!why are you calling me in the middle of my meeting,you wanna die Michael!" galit na sigaw niya.
"Hello I want a divorce!"galit na sigaw ko sa kanya.
"What!are you crazy matapos mong sirain ang nanahimik na single life koyou asking a divorce,no way ako ang magsasabi kung kailan kita ididivorce"
"Anong binabalak mo!"
"Nothing,I just found that it's gonna be exciting to become my wife,diba ito yung kagustuhan mo ang maikasal sa akin,
wag kang mag alala I'm not interested on you"
"Kung may binabalak kang masama sa akin puwes dika magtatagumpay"
"Ako pa ang may binabalak,akala mo diko alam nag dahilan mo kung bakit mo ako pinakasalan,you want me tell you. Pumayag ka lang magpakasal sa akin dahil gusto mong maibalik ang hotel mo saiyo,nakipagsabwatan ka pa kay mommy, you know what wala kang pinagkaiba sa mga babaeng mukhang pera kagaya mo rin silang lahat pare-pareho kayo!" sabay binaba niya ito,di ako nakaimik paano niya nalaman nag kasunduan namin ni tita,kung maari ayaw kong malaman niya ang pinagkasunduan namin ni tita.Bigla akong natakot alam kong may binabalak siya na di maganda dahil nalaman na niya ang lahat.
"Anong gagawin ko,alam na niya"
"Miss ok lang kayo namumutla ka"
Napaupo ako sa sofa,bakit nakaramdam ako ng sobrang takot ngayon sa kanya, diko maipaliwanag ang sarili ko nanginginig ang mga kamay ko,parang may di magandang mangyayari.