Kabanata 2

3216 Words
On the next day, I went straight to my classes and will meet my stylist and choreographer in the afternoon. I’m trying to fit everything in even if I’m so exhausted. I haven’t rested well. Everyday I’m questioning myself why I’m doing this to myself but I’m too young to be exhausted! Schedules are too tight for me, but it is what it is. I’m responsible for everything I do now, I’m nearly eighteen, I’m technically eighteen. Kahit na gustong tumulong ni mommy sa akin pero hindi ako nagpapatulong. Now she’s spending her last days in her province with daddy before my birthday, so she won’t get into the way. Gusto ko na ako ang hahawak ng lahat! I budgeted everything and mum was hesitant because she wanted to give me the grandest debut, so I declined. It will still grand but not as they wanted to be. Hindi rin naman magmumukhang kawawa ang debut ko. Besides my meeting with the coordinator yesterday was an assurance that it will be perfect on the actual night. Half a million is already grand. I’m fine with that. It fits the budget, and it will accommodate everyone. Hindi ko na rin iniisip ang iba dahil nga sa bago kong trabaho. Nagrereklamo nga si daddy dahil ni-reject ko ang offer niya sa hotel niya ako magtrabaho at minsan din nagre-reklamo na rin ako sa sarili ko dahil may madaling paraan naman pero pinipili kong pahirapan ang sarili ko. Still, I chose this… Kuya one day said to me, “Own up to your decision.” Hindi naman masyadong mataas ang pride ko pero gusto ko pa ring subukan. I want to be worthy of my parents’ hard work. I’m not copying kuya because he has his own way, but I want to be the same with him. Responsible and doing his very best for the company he will someday own. I’m also practicing public transportation when I’m not good at it. Mauubos pa yata ang sweldo ko sa kaka-taxi. My work is ten minutes away from my school and walking will make me more exhausting. Traysikel is my go-to transport. For now… “Have you seen Rence?” I asked my bestie. “Of course, iisa kami ng bahay.” Saying as if I was dumb to ask. “I know, what I meant in school. I texted him yesterday, no reply. Gusto ko siyang makita at makausap.” Sabi ko. She looked at me with a full disappointment. “Hindi pa rin kayo nagkakaayos hanggang ngayon? Ang OA ng relasyon n’yo ha…” I don’t know why this is even happening to us. “Ayaw niya pa rin akong magtrabaho sa hotel na ‘yon. Hindi niya raw ako masusundo kapag night shift ako dahil maaga klase niya. At kapag naman bandang gabi, mahihirapan na siyang mag-commute pag-uwi. Although I have Monday and Tuesdays off, hindi rin assurance na magkakasama kami kasi may classes kami.” Paliwanag ko. “Grabe ha! Parang mag-asawa na kayo sa dami ng problema ninyo. You should quit your job or else it will compromise your relationship. Ayaw ko nang makialam sa inyo,” bunyag ni Rissa. “You’re so mean. You are not helping.” Ngumiwi ako sa kaniya. Sinundo kami ng driver naming patungo sa stylist ko. After that, pupunta kami sa choreographer para sa final practice. Ang babait ng mga kaibigan ko, diligent silang uma-attend sa practice kahit wala ako. I feel bad for being absent, but I appreciate their thoughts of understanding my situation. “Ang akin lang naman, gusto ko kayong magkaayos pero kung wala ni isa sainyo ang kukurap dahil sa taas ng pride, you’ll fall apart.” Helpful suggestion from my not helping friend. “Hindi niya kasi maintindihan e. I have a tight schedule, for now. Hindi rin naman ako nagpapasundo sa kaniya. I can still make time but not like before. Gusto ko ‘to, gusto ko lang may gawin para sa sarili ko. I hope he can support me,” pangangatwiran ko. Humingang malalim ang kaibigan ko at kinuha ang phone sa kaniyang bag. Akala ko gusto niya lang akong i-ignore by browsing on her phone but when she put her phone on her ears, it changed. “Who are you calling?” “Of course, your boyfriend, sister-in-law.” Umirap pa ito pero ngumisi pagkatapos. Napangiti ako at halos tumili sa ginawa niya. She’s the best! Kaya mahal na mahal ko siya. “Hello kuya! Saan ka?” I looked at my friend with full of hopes. I bit my lower lip. “Okay, magkita nalang tayo mamaya sa practice. Yes, she’s with me. Kung kinokontak mo lang sana ang jowa mo, hindi mo na dapat itatanong pa sa akin kung nasaan siya o pupunta ba siya? Magjowa ba talaga kayo? Ang aarte niyo! Okay, see you.” Then she ended the phone call. Hulog talaga ng langit itong si Rissa sa akin. “You heard us, right? Nasa practice siya mamaya. Also… never umabsent ‘yon sa practice kahit na partner niya lagi ang baklang choreographer. Kahit papaano, mahal na mahal ka pa rin niya.” OMG! Ang sweet talaga ni Rence. Malakas akong tumili sa kaibigan ko na halos tanggalin ko pa ang seatbelt ko para mayakap lang siya. I miss my boyfriend so much. I will ask for apology and hopefully he will accept me. Ayaw kong magkatampuhan kami. “Thank you! Thank you!” Halos halikan ko pa siya. “Kadiri ka talaga.” Maarte niyang iwas sa akin. “Thank you!” Patuloy ko. When we arrived at the stylist’s office, we waited for at least 20 minutes for the stylist to arrive. May lakad daw ito kaya iniwan kami ng driver para makapaghanap ng parking spot. All we did was check the brochures, the stylist’s works, and chitchat. Sa kaniya ako hindi nag tipid. This stylist of mine was the best in town. Talagang fully booked ito lagi kaya buti nalang tinanggap niya pa rin ako. He likes my kuya so… I grabbed the opportunity. “Rave just arrived. You may enter his office.” Anang secretary niya. Dali dali naman kaming pumasok ni Rissa para makausap ito. May 30 minutes lang siyang oras para sa amin dahil sa susunod niyang client kaya hindi namin pwedeng sayangin ang oras. Isa rin sa kondisyon niya kung bakit niya ako tinannggap, gusto niyang siya ang gumawa ng suit ni kuya. Ayaw niyang sabay ko si kuya na bumisita, he wants a private appointment with him. Ako naman na oportunista, pumayag ako. Basta lang tanggapin niya ako. “Hey, Miss Montenegro.” Bungad niya sa amin. “Good afternoon. How are you? I want to see my gowns…” excited kong sabi. “Too excited, huh? Follow me. By the way, I’m well. Thanks…” Tumalikod siya sa amin at tumungo sa isang room na connected lang sa kaniya. May kung anong sinusulat siya sa papel niya kaya doon ako nakatitig. Apparently, mommy likes him. My mom respects her. I have a thing for fashion too, but I’m not as wonder as my mother. Marami ring nagtatanong kung bakit hindi ako nagpagawa kay mommy pero kasi inayawan ako ni mommy. My mother Athena Claire Montenegro is a fashion designer. Isa na rin sa kadahilanan na tinanggap ako ni Rave ay dahil fan niya si mommy. Athena Claire trained this bad b***h. She even hired him, but he didn’t take long, he wants his own. Athena let him go. “Sorry, I have something in mind, so I must sketch them before I forget. I got this from your mother.” “Yeah, kahit na sa kalagitnaan ng pagkain, aalis o talaga katabi niya ang pad niya para mag sketch.” Sagot ko naman. “Your mother is an icon. How about you? I heard you took Hospitality. You’ve got a potential.” He arched his eyebrow. “I’m not like my mother, Rave. I have passion but not to the point. Maybe someday, but for now, I’m into business.” I replied. “Ang galing niya ha…” bulong ni Rissa. I know. I know. “Well…” aniya. Kalauna’y tinabi niya ang kaniyang pad at mabilisang inalis ang malaking kurtina. “I’m proud to present to you… your gowns.” Wow! Nahulog ang panga ko nang makita ang dalawang likha niya para sa akin. The beige long gown and the champagne ball gown. Napasinghap rin si Rissa sa kaniyang nakita. I love it. Sobrang ganda ng pagkakagawa halos hindi ko malapitan sa kaba na baka mapunit ko. “How much are those?” “Hundred fifty. Naka fifty percent discount ako sa long gown.” Bulong ko. “Tangina mo! Seryoso?” Mura ni Rissa nang mahina. Ngumisi si Rave sa akin, “Go ahead Miss Montenegro. You should be proud you took part of these creations. I told you… you have a potential.” Natameme nalang ako sa kinatatayuan. I can’t believe this… After the remaining time of appreciating his creations, we have to say goodbye. I had the opportunity to fit them, and they all look good on me. Kaya alam ko na kailangan ko na itong i-maintain. Lumabas na kami ng office nang makasalubong ko ang aking boss. Kumunot agad ang noo ko pero nang nagkatinginan kami, inayos ko ang facial expression ko. After all he’s my boss. Hindi naman siguro ako sinusundan nito ‘di ba? I mean, ang feeling ko naman. It’s just that… pati dito? Stress na nga ako sa work. Nakikita ko pa siya kung saan-saan. Para bang sinusundan ako ng trabaho kahit saan. “Aga…” bulalas ko. “Miss Montenegro. Happy to see you here.” Salubong niya sa akin, hindi na siya nagulat. “Yes… s-sir.” Boss ko pala ‘to. Kung maka-first name basis ka, Gab ‘no? “See you around.” He smiled at me and let himself into Rave’s office. Hindi ba siya magtatanong kung bakit ako nandito? Yun lang ‘yon? Wow ha! Hindi naman sa kailangan niyang malaman kung bakit, nagulat lang ako na wala man lang sa kaniya. O baka may gano’n lang talaga siyang may attitude problem. No wonder takot sa kaniya ang lahat. Well… not me… at least… “Was that your boss? What’s his name?” Si Rissa. “Aga Damian Lim.” “He’s hot.” I know but… I have a boyfriend. “Let’s go, Rissa.” “Invite him to your debut.” Ani Rissa. What? No way. Nakaayos na lahat ng lists ko. I don’t want to invite my weird and strict boss to my debut. “No. Hindi na pwedeng magalaw ang lists.” “Why are you cheating with him?” What the hell, Rissa? Nanlaki ang mga mata ko at tiniignan ang kaibigan. Where did that come from? Nang makita niya ang reaksyon ko ay bigla itong tumawa ng napakalakas. Nasa labas na kami ng building at naghihintay sa driver. “I’m just kidding. Kung nakita mo lang ang mukha ko. You’re so fun to prank, Gab. My brother is hotter than him of course, you won’t cheat on him.” Sabi niya habang tumatawa pa rin. “It wasn’t funny.” Maingat kong bulong. Hindi na niya ‘yon narinig dahil tawang-tawa pa rin siya. I won’t ever cheat on my boyfriend. Sa boss ko pa na may laging kasamang babae? No way! Baka may sakit na siya ‘no. Iniisip siguro ng lahat, ang daming red flags ni Rissa. I heard that a lot, but I have many red flags too. We’re not perfect but we’re not toxic to each other. Madali lang talaga akong mapikon, medyo sensitive at si Rissa ang katapat ko. Kung lalaki lang siya, kami siguro ang magkakatuluyan. We’re soulmates. Three more days before my debut. I’m definitely struggling. Nasa practice kami ngayon at nakakalimutan ko ang ibang steps. I’m screwed! “Again! Again! Please debutant, focus!” Reklamo ng choreographer. “Yes, I’m so sorry.” Bulong ko, medyo naiiyak. “You’re out of focus.” Sabi ni Rence. Kinakabahan ako. Siguro dahil hindi nga kami maayos ni Rence. He’s here for the practice. Medyo nagkaka-ilangan kami. Nahihiya ako sa kaniya kaya nakakalimutan ko ang ilang steps. “I’m sorry.” Mahina ko ulit na tugon. “Is it about our fight? Are you uncomfortable?” He assumed. Mabilis akong umiling. Umiinit ang pisngi ko na parang kinikilig pa. Para bang hindi nobyo ang kausap. Crush kita kuya. Hehe “I’m sorry. Am I making you uncom—” “No! No. Sorry talaga, I’m just feeling butterflies. It has been days na hindi tayo nag-uusap. Are you still angry?” Ngumiti siya sa akin. Mas lalong uminit ang pisngi ko. I’m all over the place. Ano ba ‘tong mga demonyo sa tiyan ko? Tigilan niyo ako! Practice ‘to! Uusok na ang choreographer. “Get a room!” Panunuya ni Rissa sa tabi. Agad ko siyang sinamaan ng tingin habang malakas itong tumatawa. Ang mga kaklase at ibang kaibigan nandoon ay tumatawa na rin. “Ang landi n’yo, mahiya nga kayo! Para kayong nagliligawan pa…” ani Leanne, kaklase ko sa Biology. Umalingawngaw ang mga panunuya ng iba na mas ikinabaliw ko habang si Rence ay tuwang-tuwa sa reaksyon ko. Sana hindi ako nagmukhang kamatis ngayon. Well, it’s too late. Nagpatuloy ang practice at masaya talaga ang puso ko na maayos na kami ni Rence. Wala nang kailangang pagtalunan pa. Alam kong naiintindihan na niya ako kahit na may pag-aalinlangan pa siya. He understands. Tsaka hindi rin nagtatagal talaga ang tampuhan naming. He loves me. Me too, I love him. When adjourned, pinahatid ko na si Rissa at ibang kaibigang walang dalang sasakyan sa drayber. Sasakay ako sa motor ni Rence at ihahatid niya ako sa work ngayon. Nakakatuwa kasi mararamdaman mo talagang mahal ka ng isang tao kapag kahit na may hindi kayo pagkakaintindihan, pipiliin ka pa rin suportahan dahil mahal ka niya. “Kain muna tayo. Ayokong gutom kang papasok.” Aniya habang sinusuotan ako ng helmet. “Kilig naman po ako.” Sagot ko. Tumawa siya at kinatok ang transparent shield ng helmet. “Mahal na mahal kita.” Aniya. “Same.” At bumelat ako. Umiling itong tumatawa habang sinusuot ang kaniyang helmet tsaka ito sumakay sa kaniyang lumang motor. Bigla ko tuloy na-miss ang out-of-town trips namin na nakamotor. Kapag nagkakaayayaan ang mga kaibigan, kami ni Rence ang laging nauuna dahil nga naka-motor kami. My parents are pretty much chill about this. Trustworthy naman si Rence at isa pa, kasama naming lagi si Clarissa. Si Kuya Daevan lang ang laging may comments about us pero we end up ignoring him. Imbis si daddy ang maghigpit sa akin, siya pa talaga na hindi ko tatay. Pagkasakay ko, mahigpit akong yumakap sa kaniya at pinaandar na niya ang kaniyang motor. This is also convenient. Kaya niyang sumingit sa kahit na masikip na daan. Along the way, nakayakap lang ako ng mahigpit sa kaniya. Hindi naman siguro niya mahahalatang hinihipuan ko siya ‘di ba? I mean, I can feel his flaming abs. Talagang hindi umaabsent sa gym ang lalaking ito. Hindi rin maipagkakailang crush siya ng campus. Kaya alam kong maraming gusto sirain relasyon namin. Akala nila ‘di ko alam ang paninira nila? Best friend ko kapatid nito ‘no, may mata at bibig ako sa lahat ng ginagawa niya. Binaba ko kaunti ang pagkakakapit ko kasi nangangalaay na ang braso ko. Habang ini-enjoy ko ang road trip, nakakangalay din kaya. “GABRIELLE!” Malakas na tawag ni Rence, sa kadahilanang hindi kami magkarinigan sa daan. “Ha?” Gamit ang isang kamay niya. Binalik niya sa tiyan niya ang pagkakapit ko. Teka… Oops… May napatayo ba ako? Hindi ko naman naramdaman dahil sa pants niya. “HOLD TIGHT!” Utos niya. Malakas akong tumawa habang sinusunod ang utos niya. Grabe ka naman, mamser! Wala naman siguro akong napatayo. Sensitive ka naman masyado… Sana masaya lagi. Kapag kasama ko siya, talaga lagi akong masaya. Well… I’m f*cked. Matamlay akong nakatitig sa PC ng reception desk. Sa isang 3-star na hotel tulad nito, nakaka-strike 3 na rin sa akin. FULLY BOOKED na naman at ako lang ang nasa desk para harapin ang pagsubok. They should hire someone to be my partner. Nakakaloka ito! May forecast naman. Alam kong FULLY BOOKED pero umaasa akong may NO SHOW o ‘di kaya CANCELLATION ng bookings. Binigo ako ng mundo. Sana talaga walang complains. Although naka-checked in naman ang lahat, hindi na ako mahihirapan sa kaliwa’t kanan na check-in, mamamatay naman ako sa kakasagot ng telephone calls. Gaya ngayon. “Yes, reception, good evening.” Sagot ko sa tawag. “Can you connect me to the restaurant? We wanna order.” Anang nasa kabilang linya. Agad akong may pinindot na button, “right away… also please be reminded, the restaurant will be closed at 8pm.” “I know.” The guests answered bluntly. “You will be transferred now. Thank you.” Nakangiti ko pa ring sabi. Pagkababa ko ng tawag, ginawa ko naman ang mga naka-endorse sa aking trabaho. Ang akala siguro ng iba na madali lang ang trabaho ng mga receptionist, ngingiti lang sa customers at magbibigay ng susi. Marami din kaming mga trabaho na hindi alam ng iba. Gaya ng pag-o-awdit. May mg admin jobs din kaming pinagkakaabalahan sa gabi. Mga hindi natapos sa umaga, binibigay sa gabi. Kalaban mo pa ang antok at laging nakatutok na CCTV sa harap. Hindi ka pahihingahin ng General Manager na ON DUTY. Habang ginagawa ko ito, marami-rami rin akong nasagot na phone calls at mga emails. Alas 8 na nang gabi, at may tumawag na naman. “Good evening, this is Gab from the reception.” “This is from the room A201, please connect me to the resto.” Aniya. Kumunot ang noo ko. We always inform our guests upon check-in about the closing of our facilities and services. Napa-check ulit ako sa relo ko, it’s 8.05pm. It’s definitely closed. “I’m sorry but it’s now closed. It closes at 8pm.” “It’s still 8.” The guest insisted. “Yes po. At close na po ito 8 sharp.” Sagot ko na kalmado. “Paano ‘yan? Hindi pa ako kumakain. How come no one told me about this?” Here we go again. I know this guest. She checked-in yesterday evening. Na-inform ko siya sa lahat pero tumawag pa rin para mag-order sa resto pero closed na rin. So she tried again, at this very moment, 8pm. Muntikan na akong bumuntong-hininga pero napigilan ko dahil hindi pwede. “Apologies. I’ll see what I can do. Please hold…” sabi ko. Tumawag ako sa restaurant at wala nang sumasagot. That means, it’s effin closed. Wala nang tao o ‘di kaya’y naglilinis na sila sa loob. Nakakatakot pa naman ang chef, paniguradong bubulyawan ako kapag nalaman niyang tumawag ako at mag-re-request. Sorry miss. Hindi ko kasalanang hindi ka kumain. “Thank you for holding. Hindi ko po makontak ang restaurant—” “It’s okay Gab. Thanks.” A deep, dark voice from a man. Then he dropped the call. Was that my boss? Aga? EWWWW! Another girl?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD