“No, it will just be me. Why are you assuming I’m with somebody?” Putol niya sa tanong ko.
“I did not assume, sir. I was asking if anyone is coming and join you tonight.” Sagot ko.
Taimtim niya akong tinitigan sa mga mata. Hindi rin ang ako nagpatinag sa kaniya. I’m not intimidated at some point. Hindi ko kasalanang nasanay na akong may kasama siya lagi. Also, it was a question. I didn’t assume or anything. Baliw! Himala at wala siyang kasama ngayon.
Wala rin naman akong pakialam doon. He can do whatever he wants, matanda na siya at buhay niya ‘yan. Bahala siya sa buhay niya.
Sa huli, huminga siya ng malallim at… “It… will just be me. Okay?”
Napapikit ako at parang nanginig nang maalala ang huling sinabi sa akin ng boss ko kagabi. Hala! Akala mo naman sincere siya. As if naman maniniwala akong wala talaga siyang kasama, at tsaka wala rin akong pakialam doon. Buhay niya naman ‘yon.
Bakit ba nagfa-flashback siya sa akin? Kadiri.
"Oh come on, Gabrielle Lariza Montenegro..." whining like a lil kid, Rissa.
I almost forgot I’m with my friend right now. Lutang na lutang ako ngayon. Where are we again? Halos makalimutan ko na kung ano ang pinag-uusapan namin. I probably need more sleep.
“Gabrielle! Ano na?” Rissa snatched.
Oh yeah, we’re talking about the pre-debut. "I will be so tired by then Riss."
"Sino ba kasing may sabi sa 'yo na magtrabaho ka? I don’t understand. Look, you're an heiress." She said unbelievably.
"I am not, Riss. Kuya is going to get everything. Walang iiwan sa akin ang parents ko na businesses. Just heaps of properties I guess." I lied.
She looks at me horribly. I know she never believed me at all.
Pinapakita ko na hindi ako iiwanan ng parents ko ng malalaking business. We have small chain of hotels. Hindi na nila mahahalata ang iba. I didn’t even study business.
"I don't believe you! Tita Athena won't ever do that to you."
Hindi na ako sumagot sa kaniya. We will not make this an argument again and again. Ganito talaga kami, parang mag-asawa kung mag-usap o mag-away. Pinag-awayan na namin ito ng kaniyang kuya. Rence is my boyfriend. Let's say Clarissa was our cupid, the matchmaker. Kuya niya si Rence at talagang nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya. Sino bang maiinlove sa kuya niyang sobrang gwapo at talino? Who wouldn’t? Ang daming gusto sumira sa amin. He loves me so much and we have the same feelings when he courted me. I know he is just worried for me but I am fine. Nagalit siya dahil nagta-trabaho ako kahit na may kaya kami at hindi ko na kailangan pa.
Gusto ko lang din naman maintindihan ang trabahong ito. I'm advancing my mind, experience and expertise towards this kind of industry. My parents didn't pressure me to take Business Ad or big courses, I chose what my heart wants me to start. I'm a Hotel and Restaurant Management freshman. I will start being a receptionist and will try different department if given a chance. Para matutunan ang industriya ng hotel.
"Ah basta! About your debut. Take a night off. We will party before your actual celebration. This time, we will no longer fake your birthdate. Legit na legit na ito! Exactly 12am, eighteen ka na," sabi niya.
Tumitili na ito. Na divert agad ang atensyon niya sa pinag-uusapan naming debut ko sa Sabado. Since it's a duty night for me, I won't go with them. I can’t, I made it clear to her. I can’t change the schedule or anything. Nasabihan ko na siya pero ayaw niya yata ng sinagot ko sa kaniya.
"Hindi nga ako pwede."
Tumaas na ang kilay ng kaibigan ko.
"Are you cheating with my brother?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong iyang iyon. Where even that came from? Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. What kind of accusation is that? Anong koneksyon ng dalawa?
"What?" Hindi ako guilty pero namumutla ako.
"Is it because you heard another rumor of him cheating on you so you want get even?" She fired.
What the hell? Of course not! Ilang beses na napatunayan ni Rence na hindi totoo ang mga paratang sa kaniya. Ilang beses ko nang narinig ang paninira ng ibang tao sa kanilang magkapatid pero hindi ako kailanman naniwala. I never wanted to be even with anyone. Kahit sa boyfriend ko. Mabait si Rence, galit lang 'yon sa akin ngayon pero eventually, magiging okay din kami.
We’re not fine as of now…
"Calm down, Rissa. Of course not. I just can't, may big event naman na mangyayari Saturday evening. Tsaka nalang tayo mag-bar. After the debut, I’m legally legal." I said.
Tinatapos ko ang assignment kong kopya ko sa kaniya. I admit, she has a brain and I'm just rich. Hindi ko nga alam, e. People are accusing her of using me and my rich but it’s the other way around. I feel like I’m using her. I have no brain. I'm used to the life I am enjoying right now but I wanted to be just like my brother, Kuya Daevan. At the young age, he started to study our businesses not because he wanted it alone. He's really interested in it. He has a vision of having his own in the future. Meaning, he will build his own. Surely, he will have most of our businesses. Gusto ko namang matuto. I want to have our small chain of hotels, not yet that big but I have a vision. Kaya nagsisimula ako sa umpisa. Later on, I will study the business itself and will perfect it.
That’s what I learned from my parents. They don’t pressure me. They want me to like what I’m doing. Sa totoo lang, I'm done partying. At the age of 15, I started entering clubs. Nakakalusot dahil sa fake IDs ko, at kung nahuhuli naman ako, I can call Kuya Daevan to help me out. He saves me all the time. Kaya nga ngayon, masaya siya na magiging legal ako. Ang problema lang, I’m done with it.
Is it because I started early? Am I miserable?
I'm not at messed.
I'm just a regular rich kid. I’d admit to that. I’m privileged and I don’t even have to worry about the future to be honest.
Pinalaki akong simple lang ni mommy. Princess naman nina daddy at kuya Daevan. When I met Rissa, she taught me night life and rebel. I never rebel to my parents but with the taste of parties, I experienced life.
Wow, a young lad said that.
I'm very popular at school, I dont know, they all like me. I'm in a public university. Isa sa pinakasikat at pinakatanyag sa bansa. Hindi ko alam kung paano ako pumasa rito, halos mawalan ng pag-asa sa akin si Rissa pero hindi siya sumuko sa akin. Todo ang review namin no’n, kaya gustong gusto siya ng parents ko. She’s a good influence. Ayon, pumasa naman at alam kong makakapasok agad si Rissa dahil matalino talaga ang babaeng 'yon. Her kuya Rence too.
Pinaghirapan ko talagang makapasok dahil gusto rin ni Rence na makapasok ako.
"Gab, thanks for the invitation." Sabi ng classmate ko.
He’s a batchmate in Senior High so…
"See you this weekend." Sagot ko.
He winked at me. Ngumiti lang ako at umiiling na naglalakad.
I'm still tired from work. Hindi sapat ang tulog ko at sobra pa ito sa hang-over sa tuwing pumaparty kami ni Rissa. Tao pa kaya ako? Paano nakakasurvive ang mga working students sa ganitong lifestyle? I hope I know what I am getting into. Kaya ko pa naman! Gusto ko rin naman ang ginagawa ko.
"Ba't mo inimbitahan? Ayaw ni kuya sa kaniya."
"He's nice kaya. He's a kaibigan. Matagal na kaming magkakilala." Sagot ko naman. Nakatingin sa daan at tumutungo kami ngayon sa next classs namin.
"Ayaw ni kuya sa kaniya. You'll choose your friendship over your relationship?" Aniya.
Ang OA naman no’n, choosing friendship over a relationship? He’s a friend. Besides, his kuya is Kuya Daevan’s friend. Invited nga ‘yon e, siya pa kaya na malapit sa akin.
"No, of course, I always choose Rence but he's a family friend too. Hindi ko na mababawi ang invitation, that would be mean." I replied.
Iniisip ko pa kung makakapunta pa ako sa shop. It's my final fitting today. Kailangan ko lang i-check kung sukat ko ba ang gowns ko. Mukhang namayat ako sa night shifts ko. I don't want to be too skinny. I want to look just fine.
I don’t want to overthink. I’m sure tama lang ang mga ‘yon.
"Sa akin lang Gab, hindi ko lang gusto na nagtatampuhan kayo ni kuya. Siya na ang soulmate mo. Ang nakakaintindi sa 'yo. Tandaan mo na nag-iisa lang si Kuya Rence sa mundo." Kaibigang paalala ni Rissa.
She's right.
Rence is my soulmate. My only one. I felt that from the beginning. He proved to me that he is. He's got my parents' blessing. Well not kuya though but he's fine.
Not yet. Si Kuya Daevan ang totoong OA, mas malala sa magulang ko.
I wil explain things to Rence when we see each other. He's still disappointed in me but I'm sure everything will be fine. Mahal ako no’n…
I have every set for my debut. I forgot how I did it but I'm glad I was able to accomplish most of it. Hopefully, nothing bad happens on the day. Eveyone is anticipating for it. I don't want to disappoint anyone not even my parents. They trusted me for everything. They had me incharge for the preparation.
"H'wag kang paranoid Riss, Rence will be alright. Hindi siya ganoon ka babaw. He loves me. Look, I'm turning eighteen. So legit. Let's just celebrate it altogether." Masaya kong tugon.
"Nag-aalala lang naman ako. Hindi pa kayo nagkakaayos dahil sa pinasukan mo. Ginagawa ko rin ang lahat para kausapin siya. Maging ako, ayaw ko sa pagpasok mo sa trabaho dahil hindi mo naman kailangan at aralin pa. Ang yaman yaman mo na! Tapos ito pa ha, ang dami mong bisita. Parang hindi naman kami niyan makakaadjust ni kuya." Litanya niya.
"All my friends, nakilala mo na halos sa kanila."
She rolled her eyes. "Palibhasa, hindi niyo kami ka-level. Hirap pa nga akong manghiram ng maisusuot sa debut mo."
"I already offered you. You declined my offer. I have many gowns to lend you..."
Tumigil siya sa paglalakad. "That's why people are keep looking down at me. Pinapakita mong umaasa lang ako sa 'yo."
"No! It's not like that." Napatigil na rin ako.
Mag-aaway ba kami dahil lang sa damit? I know she's getting upset because I won't be able to attend the party she prepared for me. I don't want to be unprofessional at work. Saturday evening lang ang na file kong leave. Hindi na ako papayagan sa susunod kung lalabag ako.
"Fine! Ayaw kong nag-aaway tayo. Gosh! Fine..."
Pumasok kami sa class. Naging maayos naman ang umaga ko, around lunch time, hindi na kami sabay ni Rissa dahil iba ang course niya sa akin. Kumakain ako ng sandwich sa classroom ng palihim habang nakikinig sa professor namin. Hanggang 1:30 PM lang ako dahil may work ako bandang 2:30 PM. I'm trying my best for this work. I don't know if I'm trying enough.
"Here's the answer." Sabay abot sa akin ng katabi ko ng papel.
I was too busy eating. Hindi ko namalayang may seatwork na pala. Tinanggap ko ang papel at nagpasalamat sa kaniya. Lahat ng kaklase ko sa subject na ito, imbitado rin sa birthday party ko.
"Malapit na birthday mo. H'wag kang masyadong magpapayat." Bulong ni Judy Lou.
"I know." Ngumiti ako. "Did I really loose more weight? Halata na ba?"
"Konti lang naman. Baka may last minute adjustment ka pa kung papayat pa. You look good enough. Excited na kaming lahat. Hindi na ako magtataka kung bakit super sikat ka sa school." Aniya.
"See you then..."
"Girls at the back?!" Sita ng professor.
Napatingin kaming dalawa. Ngumunguya pa ako ng aking huli kagat ng sandwich ko.
"Eyes on your seatwork."
"Yes ma’am," we replied unison.
Judy and I stared at each other and then laugh silently. Tinago ko na ang lunch box sa bag ko at binuklat ang papel na binigay niya sa akin. Sinimulan ko nang sagutin ang seatwork.
After today’s class I rushed my way home to meet my coordinator, instead of going to their office, I told them to visit our house. Kapos kasi talaga ako sa oras. Sabihin man nating pwede akong lumiban sa trabaho para mag-focus sa debut ko, ayaw kong gawin ‘yon. We’re short-staffed at kababago ko pa lang. Ayaw kong mag request ng leave agad.
I chose this. Kailangan ko itong panindigan.
Sinundo ako ni Kuya Daevan na bad trip. Pagod na pagod ang mukha niya. Sino ba kasi ang may sabing puntahan niya ang Pontevedra para mag-judge doon ng isang pageant contest. Tignan mo ngayon…
“Pagod yarn…” ngumisi ako.
“I’m tired, Gab.” Tamad niyang sagot.
“Me too.” I pursed my lips, nang-iinis.
“Whatever.”
Diretso lang ang mukha niya sa daan pauwi. Wala talaga siya sa mood na makipag-inisan sa akin. As if naman may energy pa ako para doon pero baka naman may natitira pa?
“How’s mom and dad? Kailan sila uuwi?” I casually asked.
“Soon…”
Bwesit! Ang tipid talaga. Anong nangyari sa kaniya doon para magsungit siya ng ganito ngayon?
“Akala ko ba isang linggo ka do’n, anyare?”
“Don’t ask.”
Buang talaga ‘to! I’m asking nicely. H’wag niya sa akin ibuntong ang pagkabad trip niya ha.
“I’m trying my best. Mukha kang inaantok. Ayaw kong maaksidente ‘no. Kung gusto mo ako na magdrive.” Gago ‘to, naiinis na ako sa kaniya.
Huminga siya ng malalim. Mariin niyang pinagdikit ang labi niya na parang nag-iisip. Tignan mo ‘to. Ano kayang nangyari sa Pontevedra. May nalandi yata ‘to doon. Naku! Matutulad siya kay daddy na sa probinsya nahanap ang true love.
Wait…
I looked at kuya. What the heckery deckery duck!
“I’m sorry. May problema lang sa office. Pagkahatid ko sa ‘yo, didiretso ako sa office. I’m sorry Gab.”
“Okay.”
Tahimik lang kaming dalawa pagkatapos noon. Mukhang seryoso ang problema niya dahil nakikita ko sa ekspresyon niyang nahihirapan siya. Kung ano man ‘yon, I’m sure he can handle it. To think, nasa province pa sila mommy at daddy, that means it is not that serious. Yung pang bankruptcy na.
Just kidding.
Pagkadating naming sa bahay, binungad agad kami ng driver para pagbuksan kami. Lumabas kami ni kuya ng sabay. He said something to manong before he offered to carry my bag.
“Yes sir, ilalabas ko ang isang sasakyan. Maghihintay ako rito sa labas.” Anang manong.
“Thank you. Magbibihis lang ako… we’ll leave in 30.”
Pumasok na kami sa loob at wala pa rin sa sarili ang kuya. Hindi na ako nagtanong at dumiretso na sa living room. My coordinator texted me before I left school that she and her team are here.
Agad ko naman silang nakitang kumakain ng snacks pagkadating ko.
“Miss Montenegro. Gabrielle hija…” anang coordinator.
She looks very young with her formal clothing, to think that she’s in her late 30s. Tumayo ang team niya na ngumunguya pa ng cake. I smiled at them.
“Hello everyone. I’m sorry for being late. You can continue eating.” I politely said.
“It’s okay, it’s okay. Our pleasure to work with you. Alam mo so far, ikaw ang pinakamagaan makatrabaho.” Thalia said, the coordinator.
“Good afternoon everyone.” Bati ni kuya.
Nakasunod pala ito sa akin.
Napalunok ang iba, at napapahid sa mga labi. Most of her team are women. At alam ko na kung bakit sila nagkakaganiyan. Buti hindi ako ngumiwi. My kuya loves attention, hey?
“G-good afternoon,” maging si Thalia.
Nauutal silang lahat.
Ngumiti pa rin ako. Kuya should leave or else they will be distracted.
“Iwan mo nalang ang bag ko sa room ko kuya. You go now, manong will be waiting…” I shooed him away.
Matalim akong tinignan ni kuya. “I’ll leave you all then.”
I gave him my sweetest smile. “thanks…”
I joined everyone after kuya left. Inaantok na ako dahil wala pa talaga akong tulog pero maikli lang naman ito kaya ngayon ko na ginawa. It will just be finalization of the event and the flow. Look at their professionalism. Nagulat ako nang nagging seryoso sila agad. Isa isa silang nag-present ng mga plans at mga magiging look ng function room. Nawala agad ang antok ko habang tinitignan ang mga templates nila.
They really took this seriously.
I hired really the best. Salamat nalang at naniwala ako sa kay Rissa. Siya ang nag-suggest sa akin at marami na itong successful na events including debut, weddings and government events. Nakatipid din ako sa kanila. Hindi masyadong malaki ang fee nila compare sa mga binigay nila mommy, kuya at iilang friends.
Of course, before I hired them, I went to their events myself. Hindi naman sa wala akong trust kay Rissa at sa kanila pero gusto ko lang talagang makita in person. They’re really good.
Nagpapasalamat talaga ako kay Rissa.
“Since you requested for purple and beige combination, lahat ay naka coordinate diyan. This is the look of the tables and chairs, all in beige and decorations are in purple and beige.” Thalia presented a table cloth.
Shocks! I love the aesthetic in it.
I’m so far loving it. Nasusunod lahat ng gusto ko.
“That’s beautiful. My gown will be beige and champagne. I know they look so plain, similar and simple but I want it like that.” I shared to them.
“We promise you we will give you the best debut. This is the first event namin na ganito kalaki at of course the budget… we are pressured but challenged. Hindi ka namin bibiguin.” Thalia promised me.
“I trust you all. Thank you so much. I can’t wait…”
They left after an hour. Makakatulog ako ng mahimbing ngayong hapon, may assurance na magiging okay ang aking debut. Hindi namana ko nag-aalala dahil tumutulong din si Rissa sa mga bagay-bagay. Malaki talagang tulong niya sa akin. Kaya mahal na mahal ko siya.
Before I went to bed, I texted both Clarissa and Clarence.
Rissa:
Thank you so much for everything. Love you bestie…
Rence:
I miss you. I love you so much love.