Kabanata 3

3093 Words
New girl? Buti ‘di siya nagkakasakit… iba iba lagi babae niya. Kahit na bago pa ako rito, ang dami ko nang nakita. What a sight! Wait, it’s also none of your business, Gab. Be ethical. Hindi ka nagtrabaho para maging chismosa. The night went on. I was bombarded with many phone calls that I’ve forgotten to eat my midnight lunch. Kaya naman kinabukasan, para akong si Sisa. Nabaliw sa sobrang busy. Ni wala akong break buong gabi. Kaya ang gusto ko ngayon ay makauwi at makapahinga bago pumasok sa school. Naisip kong hindi na pumasok sa first two subjects ko pero alam kong hahanapin ako ni Rence at sesermunan na naman ako. He values school. He loves studying. He’s a hot nerd. Nababaliw na yata ako, walang oras na hindi sumasagi sa isip ko si Rence. As a protective boyfriend, lagi rin akong nakakatanggap ng text messages from him. To take care of myself. Let him know if I need help. Sa araw-araw na dumadaan, lagi kong nare-realise kong gaano ako kamahal ng isang katulad niya. Alas sais, nang makarating ang papalit sa akin sa morning shift, agad akong nag-endorse. Sana after rehearsal, umuwi muna ako at nagpahinga ng maayos. But then, I can’t ignore Rence. Nagsisimula na akong mapagod talaga. After my debut, hopefully, I’d be able to rest and go on with my planned daily schedule. Kailangan ko na talaga ng maayos na pahinga. “Thanks, Gab. Kaya mo pa ba? Mukha ka nang bangkay.” Biro ni Lia. Mukha siyang concern sa akin. “Bangkay agad? ‘Di pwedeng mamamatay pa?” Biro ko pabalik. “Di ka ba pinatulog ni GM?” Mahina niyang tanong. Habang naghihintay sa drayber, nanatili muna ako sa desk para matulungan makapagsimula si Lia. Yung partner niya around 10am pa kaya siya lang mag-isa. “Daming calls. Stress din ako sa audit…” sabi ko nalang. “Natapos mo naman kaya mabuti.” Sabi niya pa. Hindi alam ng iba ang background ko. First of all, hindi naman ako ang may-ari nito kaya wala rin silang pakialam. Although may influence kung paano ako nakapasok dito pero hindi naman ito makakaapekto. I will be treated fairly as others too. I will not be treated differently or special here. Even Aga who seemed to know me at the first time we saw each other treats me the same. I have nothing to tell. Ilang sandal lang ay dumating na ang sundo ko. Nakapaglog-out na ako kanina pa kaya mabilis lang akong nakalabas sa hotel. Van ang dalang sasakyan ni manong, ako naman ay tuwang-tuwa kasi makakahiga ako ng maayos. It’s a customized van. Parang CARAVAN kung tawagin. May mini kitchen, bathroom at bed kaya ito ang pinakapaborito kong sasakyan sa lahat. Kung sino man ang nakaisip nito, may plus 1 ka sa langit. Good thing about this van, kahit nakaarangkada sa daan, pwede pa rin akong maligo. Ito na yata ang magiging second home ko. Buti nalang talaga mayaman kami. Napatawa ako. Flex yarn? Hindi kalayuan sa school nag park si manong. Nasa upuan ng bed ko na ang agahan ko na pinadala ni kuya. May note pa ito. Note: Have a great day! I’m proud of you. I’m just so happy I make them proud. Akala ko pagtutulungan ako nila mommy at pababain ang self-confidence ko pero hindi. I know they’re against this, but I’m delighted they let me go. I’m fortunate enough to have a family like them. This might be so-called privilege to others, but this is a dream come true to me. Ayaw ko talagang umasa sa yaman ng pamilya ko. Some of my friends are like that though I’m not discriminating them for that. May kaniya-kaniya kaming buhay at hindi nila ako pinakikialaman. In fact, they were shocked and proud of me… They said they could never do that. But I did. For myself, to prove my worth. Not to my family… but for myself… I called my parents first. I received a message from kuya na nakauwi na sila. My mum was sad for not seeing me. My dad gave me headaches asking me various questions. Pagkatapos kong sabihin na maayos lang ako at nagpapahinga lang sa van, hinayaan lang nila ako. I will see them tonight. Looks like I will not get the sleep I wanted. Alas 9 ng umaga, bumaba na ako sa van at nagpaalam kay manong. Rence: Waiting… Me: Malapit na ako love. Huminga ako ng malalim. Nasa harap ko ngayon ang sampu kong mga kaibigan at si Rence. Nasa duty ako at lutang. “Bakit kayo nandito?” Tanong ko ng mahina. I lean forward to make sure my manager wouldn’t see me. “We want to spend your birthday here,” maligayang tugon ni Rissa. Ngumiti ako pero sa totoo lang hindi ako natutuwa. Who told them I work here? Also, I’m on duty. Hindi ako pwedeng makipagchismisan sa kaniya may CCTV na nakaharap sa akin. Pagod na pagod ako the whole week at ito pa ang ibibigay sa akin ng tropa. Look! I’m happy. But not here… Baka magkalat pa sila. “My birthday is still tomorrow AND…” I paused. Pinagdiinan ko ang AND. “I have a grand celebration, why here? Please. No one here knows.” “Your birthday is an hour away… who works before a grand celebration? Naghihirap na ba kayo?” Sagot ni Tania. Halos sambunutan ko ang buhok ko sa frustration. Agad, I’m happy. They’re here for me… and my boyfriend… but… Tapos may biglang tumabi sa akin. Nagulat ako kasi ang GM ko at hindi ito masaya. Lagot! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at nanlaki ang mga mata. What did my friends put me into? Masisisante ako nito. “Ms. Gabrielle.” Madilim niyang tawag sa akin. Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Sabi ko nan ga bang nakatutok siya lag isa CCTV. She knows my friends are bugging me. Wala pa namang ibang guests pero dapat nagsisimula na ako sa ibang gagawin. Good thing it’s not fully booked tonight. “You may leave.” She continued. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko, at naibubulas nalang ay, “po?” “Sir Aga called to let you go tonight. Masama raw ang pakiramdam mo. Napadaan siya kanina, at nakita ka niya.” Aniya. What? Wait, who? Sir Aga? Yung may-ari? Gusto ko sanang hanapin siya sa paligid pero sa sobrang takot sa GM ko parang gusto ko nalang lamunin ng lupa. So, ‘di pa ako fired? “Eh, kasi…” “Nandito po kami para sunduin siya.” Sabi ni Tania. Nang napatingin ako sa kanila, lahat sila nakangiti. What the heck is going on here? Mas lalong sumakit ang ulo ko. Kumunot ang noo ng manager ko nang mapansin ang mga reaksyon ng mga kaibigan. Kaya mabilis akong kumuha ng mga documents na dapat gagawin ko pa. Binigay ko ito sa kaniya at agad niya naman itong tinignan. “’Yan po yung mga gagawin ko po tonight. Yung pinapagawa niyo kanina, tapos na. Pasensya na po sa abala. Dapat nag-call in sick ako kanina para hindi kayo maabala.” Sabi ko. Agad kong kinuha ang bag ko. “Rest well.” Sabi ni GM at umupo na. So, siya ang duty sa desk ngayong gabi. “Thank you po. I will.” At umaripas ako ng alis para maka-time out. Sa limo kung saan naroroon ang lahat, malakas ang tawanan at hiyawan. Mukhang nakainom na ang iba at mukhang planado na nila ang lahat ng ito. I can’t believe they pull something like this. At my workplace. Kung papaano nila nagawa? I really want to know. “Who knows my boss?” Sabi ko kay Rence kahit na ang lakas lakas ng musika. Inabutan siya ni Rissa ng beer at agad itong nilagok. “Your friend Tania.” “You should thank me, idea ko ‘to.” Ngisi ni Rissa sa tabi ko. Pinagigitnaan nila akong dalawa. Kahit saan ako mapunta talagang protektado ako sa dalawang ito. Kung hindi naman, pinagtutulungan naman. “I admit, I like it. Thanks, best friend.” I pinched her cheeks. “Of course, I just want you to have fun. You’re turning 18. It should be a great start.” Rissa pointed out. I know. Ito naging eighteen lang last month, akala mo kay layo na ng edad. Agad ko namang niyakap ang walang hiya kong kaibigan. I also thank my friends for being here with me. Kumindat ako kay Tania na isang lifesaver. “HAPPY BIRTHDAY GABRIELLE! WE LOVE YOU!” Sigaw ng lahat. I wonder whose limo is this? Well, who cares. Probably Tania’s. “Thank you everyone! Everything is on me…” sigaw ko rin. It was exactly 12 AM. That means I’m officially eighteen. “Don’t worry. Nasa tabi mo lang kami,” bulong ni Rissa. Akala ko pinalagpas niya lang sa kabilang tainga ang sinabi ko. Bago kasi ako nakapagtime-out, naabutan ako ng GM naming, at may binulong ito sa akin. Aaminin kong nabagabag ako. Nang makalabas kaming lahat sa hotel, nadatnan ko si Sir Aga na nasa gilid ng sasakyan niya. At this very evening nasa hotel siya. Wala akong matanungan kong lagi ba siyang umaaligid kaya hindi ko nalang pinansin. Hinila ko muna si Rence para makausap siya. “Mag-iingat daw ako love.” Sabi ko. “What do you mean? Sinong may sabi?” He leaned toward me. He’s tall. Kailangan niyang mas lumapit sa akin para magkarinigan kami. “Sabi ng GM ko, mag-iingat daw ako.” “Of course, it’s normal to—” “Kay Aga.” Dugtong ko. Agad napatingin si Rence sa kung saan banda nakatayo si Aga. Agad kong binalik ang atensyon niya sa akin at nilakihan ang mata. “Why?” “’Wag mong tignan.” Saway ko. “Don’t worry about it. He won’t touch a skin.” Malamig na sagot ni Rence ngunit ang mga mata niya ay nag-aalab sa banda ni Aga. Sir Aga, I mean. With my real identification card, nakapasok ako sa bar. Puro ang kaba ko nang ipinakita ko ito sa bouncer. Malakas naman ang tawanan ng mga kaibigan kong nanunuya sa akin. Maging ang bouncer ay tumawa. Lagi kaming nandito sa bar na ito kaya baka may marealise siya. I’ve been faking my ID the whole time. “He knows Gab. He knows… they all know.” ani Rissa. What the heck!? I rolled my eyes even at the darkness. I heard from Tania na kumuha siya ng room para mas private ang celebration. Nagsibabaan na kami at doon na nagsimula ang totoong ingay. At this very hour, everyone is wrecked. Everything is a mess. Everyone is a mess. We’re at the peak hour. Hawak ni Rence ang kamay ko at kanina pa siya tahimik. Kanina ko pa napapansin na nililibot niya ang tingin sa paligid. He's really making sure I’m safe. Sumasayaw-sayaw na sila Tania at Rissa whilst ang mga lalaki ay naghahanap na ng mga targets. May isang staff naman ang tumutulong sa amin patungo sa private room na ni-reserve ni Tania. “Miss ko na ‘to! It’s been a week! Hell week.” Sigaw ni Rissa. It was hell’a week. “I should’ve called the other girls. They missed.” Sigaw din ni Tania. Kami lang ni Rissa, Tania at ako ang babae. The rest are boys, so I guess we won’t have to worry. Lagi naman kasing ganito kaya kampante si Rence sa safety namin ng kapatid niya. Pagkapasok namin sa private room, agad nang umorder ang mga boys. Ang iba naman ay lumabas para makapag-hunting, they promised to comeback after a little fun hunting. We let them be… I’m sure lalabas din kami mamaya para ma-enjoy din ang crowd. “Rissa and Gab, no alcohol.” Banta ni Rence. “Aye aye captain!” Nag-salute pa si Rissa na alam kong nakainom na. Lagot ka sa kuya mo! I smiled at Rence and nod. I’m a good girl. Sumusunod ako sa utos. I mouthed ‘don’t worry’ to him. He smiled and left the room. Pupuntahan niya sina Fin at Calvin. Sabi niya may surprises pa raw. Mukhang hindi na ako masu-surprise? Well, hindi ko naman alam kung ano so I guess counted pa rin ‘yon at surprise. “Gwapo talaga ng jowa mo.” Sabi ni Tania. May hawak na itong baso, it’s clear but I know it’s Gin and Tonic. “By the way, how close are you with my boss?” Pag-iiba ko agad ng paksa. Kanina ko pa gustong itanong ito pero hindi ako mabigyan ng pagkakataon. May loud music na sa room kaya halos magkadikit na kaming nag-uusap. “He’s a friend. Well, my brother’s friend.” Pagka-klaro pa niya. “So, you told him we’re friends and…” Tumango siya. “Yup!” The P even popped. “Thank you though. Kahit na stress ako kanina nang makita ko pagmumukha ninyo.” Sabi ko. Nagtawanan kami. Bigla naman niya akong hinalikan sa pisngi, “happy birthday b*tch! You’re legal now. Rence is now legal to taste you…” GAGA! Nagtawanan ulit kami. “Will think about that.” Of course, I won’t. Not until we get married. Naghiyawan naman sila Clarissa at Tania. “Birthday s*x! Birthday s*x!” They both cheered. The loud music made me a bit dizzy. Their loud cheer made me dizzy too. Baliw talaga ang dalawang ito. Nagsasayawan sila kaya tumayo na rin ako para makasabay sa kanila. Drinks arrived. There were non-alcoholic beverages in can as well. ‘Yun agad ang kinuha ko at binuksan. Nilagok ko ang buong laman ng can at sumayaw ulit kasama sila. I’m pretty wild. I love parties. I love bars. I love loud music. I love my friends… like aren’t they the best? Ilang sandali rin ay nagsibalikan na ang mga boys. May ibang babae na silang kasama at sa likod nila, may lalaking hawak ang isang cake na may t*te. It was Rence. Nanlaki ang mata ko at nahulog ang panga. Hindi makapaniwala sa surprisa niya. So, this was it? A d*ck? What the heck!? Tumawa na sila Rissa at Tania. Naghiyawan na ang mga lalaki at tinuturo ng mga babae ang hawak ni Rence na cake. Rence is turning red. “That’s Rence d*ck?” Tania announced. Yung cake kasi ay t*te na mahaba na parang indikasyon na kasukat ito ng totoong t*te. “Yuck kuya! You’re disgusting.” “WHOAH RENCE! FLEXING?” Exclaimed by the boys. After the moment of speechless, I laughed so loud. Umiiwas na ng tingin si Rence sa akin. He looked so embarrassed. Para bang pinagsisisihan ang kaniyang ginawa. I can’t help but laugh at him. He’s just… uh… incredibly unpredictable. Napatakip ako ng bibig. Pinipigilan ko ang sarili na tumawa pa. “What the heck bro!? Say the magic word.” Si Calvin. Nanunuya na ang lahat. Nasa gitna kami habang ang lahat ay nasa lounge at nag-aabang. Huminga ng malalim si Rence bago makapagsalita, “blow… please blow me…” Hudyat iyon ng pagwawala ng lahat. They are shouting at us! Laughing and taking photos. The rule of this friendship though is not posting it online. After all, we all have reputations. We all have names to protect. “Bl*w job! Bl*w job! Bl*w job!” They all rejoiced. I blew the cake. All shouted, “HAPPY BIRTHDAY GABRIELLE!” The party began. Everyone is getting wild. Ako naman dito sa tabi nakikipagsayawan pa rin sa mga kaibigan, Calvin and Fin joined us. Kahit na sabihin nating malayo si Rence sa akin, kitang-kita ko ang mala hawk-eyed eagle niya. Nakabantay sarado sa amin. Kaya naman tinaasan ko siya ng iniinom kong mocktail. This virgin pina colada is making me crazy. Nakakabaliw ang sarap! This is my usual order. Kapag hindi ako pinapainom ni Rence, VPC is my saviour. Tinaasan ako ng kilay ng manyak. Nakaakbay sa akin si Fin at ngumisi ako sa nobyo, tila iniinis siya. “He’s gay.” He mouthed. G*go. Hindi ko na alam kung anong oras na pero alam kong lumalalim na ang gabi. Tsaka ko lang naalala na hindi ko pala nasabihan sila mommy o si kuya man lang tungkol dito. Napahablot ako ng phone ko at sinikap na tignan kung ano ang nasa notification. I have bunch of texts. May iilang tawag din. When I saw kuya’s name I immediately clicked. Kuya: Rence told me they kidnapped you. Kuya: Happy birthday. Awww. I pouted and looked at my boyfriend na inaakbayan ang isang babae. Kikiligin na sana ako, e. Mukhang may mapapatay ako ngayong gabi. Ako naman ang nagtaas ng kilay. Inalis niya ang kamay sa balikat ng babae at tumawa. “Assh*le!” I mouthed. Nagtawanan ulit kami kahit na malayo kami. “Stop flirting please.” Si Rissa. “Ito na po. Focus na ako sa inyo.” Talaga ‘tong babaeng ‘to. Umirap ako at inubos ang pang tatlo ko nang mocktail. The girls got my attention again and was telling me how they’re thrilled for the party later. Alam nilang aftermath ng event, we’ll party again. Habang nagme-measure si Tania sa dibdib ni Rissa may nagsipasukan na mga tao ulit sa room. Malakas na naman ang hiyawan dahil halos lahat sa amin ay kilala ang mga taong ito. Some didn’t forget to greet me. Some went back to their room to continue. Nagulat nalang ako nang bigla nalang napatabi sa akin si Rence. Hindi na maganda ang timpla ng kaniyang mukha. Si Rissa naman at Tania ay nawala. The next thing I saw, the two girls are talking to someone. Umakbay sa akin si Rence. “I’ll be here for you.” Lumunok ako. Nagkatitigan kami ng magsalubong ang mga mata namin… It’s Aga Damian Lim. My boss… He’s here too? Napakurap ako nang nagtagal ang titigan namin. Naalala ko ulit ang banta ng manager ko. Why would she say that to me? He’s our boss. Siya ang bumubuhay sa pamilya niya. Nagkamali lang ba ako ng dinig? Probably. I was desperate to go when she said that. I must’ve misheard. It’s just impossible. Still, binabagabag ako. “Eyyyy! Aga!” Tawag ni Calvin sa kaniya. “Thanks kanina…” as if they have the same age where Aga is older. “All good.” He answered. It’s weird now. I’m supposed to be at work right now. Where I am paid by that man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD