14: The Offer

1643 Words
"NO. Hayaan niyo sila," kaagad na utos ni Don Vladimir Henson sa bodyguard niya na akmang lalapitan sina Euna at Red. Nakita niya ang lahat. Nakita nila ng dalawa niyang bodyguards na siyang nagda-drive sa kotse niya at ang isa na nasa tabi niya. Nasaksihan nila kung paanong hinabol-habol ni Red ang girlfriend nitong taga squatter. Taga riles. Oo, gustong ipagkariin ni Don Vladimir ang mga salitang iyon upang tumimo sa isip niya kung para saan at para kanino lang ang babaeng hinahabol-habol ng kaniyang apo— na animo kung umasta ngayon ay gold. At ang gagong apo niya, sa taas ng apog nito sa pamilya nila ay tila basang sisiw naman ngayon sa kalagitnaan ng kalsada, nagpapakabasa sa ulan, kuyom ang mga kamao at nakayuko roon na parang siraulo. Kung ano pa ang hinihintay ni Red doon ay hindi niya alam, gayong ilang minuto nang nakaalis ang pinagmamalaki nitong nobya sa kaniya. Napakalakas pa naman ng ulan. "Tsk, isn't funny how love can make a person stupid? " anang don sa dalawang bodyguards, kahit alam naman niyang hindi tutugon ang mga ito sa kaniya. Work etiquette, simple as that. "I remembered my wife, she said that maybe being in love and being stupid is actually the same thing on her because she chose me as her husband. Sa dinarami nga naman ng manliligaw niya ay ako ang napili niya. Tsk, pero tila kabaligtaran 'yon kay Red. Hay, ang apo kong si Redd Ford Henson talaga... parati na lang palpak..." * * * "NAKU, bakit ka nagpakabasa sa ulan, bruha ka?!" tarantang dinaluhan ni Reyna ang napagbuksan ng pinto na kaibigan. "Ano ba naman ang ginagawa mo sa buhay mo? Ikaw 'tong palaging nagpapaalala na huwag magpapaulan pero heto ka ngayon, Fileuna Del Fierro," aniya pa sa kaibigan. Tulala lang si Euna na naupo sa isa sa upuan na nasa mesa nila. "Si... Red, iniwan ko si Red do'n..." "Ano?! Sa lakas ng ulan, hindi mo muna pinapasok 'yong tao!" Hindi malaman tuloy ni Reyna kung lalabas siya o ano. Nang akmang sisilipin niya sana si Red, inawat siya ni Euna sa braso. "Euna—" "Nando'n siya sa kanto. Iniwan ko siya ro'n." Napanganga si Reyna. Itinikom lang din niya ang bibig pagkuwan at ayaw niyang may masabi na pagsisisihan niya rin sa huli. Galit si Euna sa natuklasan nito at wala siyang karapatan para pakialaman ang mga desisyon nito. Basta siya, mananatili lang sa tabi nito, pakikinggan at pipilitin itong unawain. Buntonghininga na niyakap na lang ni Reyna ang kaibigan. "Oh, Euna..." And there, hindi na naawat ni Euna ang sarili at napaiyak na siya sa balikat ng matalik na kaibigan. "Bakit siya pa... bakit ang komplikado...?" bulong ni Euna, mas sa sarili. "Aayos din 'yan. Huwag mo sanang isara ang isip mo para sa kapanatagan niyo ni Red." "Tinapos ko na, Reyna. Wala na kami..." Minabuti ni Reyna na huwag nang tumugon at hinaplos na lang niya ang likod ni Euna para kahit paano ay mapakalma niya ito. "Okay lang 'yan. O-okay ka rin, Euna," bulong niya pagdaka. Ang pagtunog ng cellphone ni Euna ang pumutol sa mahigpit na yakapan nilang magkaibigan. Eager ang tumatawag dahil walang tigil iyon sa pag- ring. "Sino 'yan?" Kunot ang mga kilay na tanong ni Reyna nang mapuna niyang unregistered number ang tumatawag. "Hindi ko kilala." "Tsek mo muna at baka nag-text naman bago tumawag," suhestyon ni Reyna, na siyang ginawa naman ni Euna. May text nga. Text na awtomatikong binasa nila iyon pareho. Nagkatitigan sila pagkatapos, dahil nagpakilala naman ang sender s***h caller—ito raw si Don Vladimir Henson—abuelo ni Redd Ford Henson... * * * NOONG ikuwento kay Euna ng lola niya ang tungkol sa tatay niya ay sumumpa siya na bilang ganti sa ginawa nito sa nanay niya ay hinding-hindi niya ito kakausapin at ituturing niya itong patay na. Na nagawa naman niya kaya lihim niyang tinatapik ang sarili niyang balikat hanggang ngayon na nagsilaki na ang mga pamangkin niya na ni kapirasong tulong ay hindi siya humingi sa kaniyang ama. Ganoon kahalaga sa kaniya ang kaniyang dangal. At ngayon heto, hindi niya mapaniwalaan ang naririnig mula sa mayaman na lolo ni Red—isang milyon. Inaalok siya ng don ng isang milyon kapalit ng pag-iwan niya sa apo nito! "I want to be frank here, I don't want you for my grandson. I don't care whatever you want to think of now, as well as I don't care kung saan mo man dalhin ang pera." Iniumang ng don ang black bag na nasa ibabaw ng mesa nito. "Well, soory, but I'm just being true to myself, here, Ms. Euna Del Fierro... Ah, wait, your surname ring a bell..." "Hindi ko po matatanggap ang perang 'yan. Kaya ko pong iwasan ang apo niyo nang wala ang perang 'yan." Euna is at the verge of anger. Dama niya sa sarili niya 'yon. Kaya habang may natitira pa siyang kakaunting katinuan na nagsasabi sa utak niya na matanda na ang kaharap niya at dapat igalang, inawat na niya ang kapupuntahan ng sinasabi ng don patungkol sa apelyido niya. Sa apelyido na iyon siya sasabog, alam niya. Sa may-ari ng apelyido na iyon, mismo. Tumaas ang isang kilay ng don. "Ms. Euna, naroon ako kagabi. Nakita ko kung paano ka hinabol-habol ng apo ko." Napanganga si Euna, isinara lang niya agad ang bibig niya at baka masigawan niya lang ang don sa ginawa nitong pagmanman sa kaniya! Tumikhim siya bago nagsalita. "H—Hindi ko na po siguro problema 'yon, Don Vladimir Henson. Sa apo niyo pong problema 'yon. Kung naroon kayo ay nakita niyo tiyak na tinapos ko na ang kung anong namamagitan sa aming dalawa." "Of course, of course, I know. Base sa pagkakatapon mo ng malagkit na sarsa sa mukha at damit ng aking apo, nahinuha ko na ang eksena niyo kahit hindi ako lumapit." "D—Deserve niya po 'yon." Tumawa ang don. "And you deserve this money as well, hija. Mas malayo, mas hindi ka magugulo ng aking apo." Napakunot-noo si Euna. "Bakit niyo po pinipilit sa akin ang pera na 'yan? Bakit hindi niyo na lang pagsabihan ang apo niyo na layuan na 'ko at tigilan?" Halakhak ang sunod na tinugon ni Don Vladimir kay Euna. "Na parang gano'n 'yon kadali, hija? Ms. Euna, ang pag-ibig, lalo at nagsisimula pa lamang ay napakakulit. Hindi ka titigilan ng aking apo unless may nakita na siyang ibang babae na mapagtutuunan niya ng atensyon." Ewan ba naman ni Euna kung bakit tila may sumundot sa dibdib niya nang sabihin iyon ng don. Nang isalarawang- diwa niya na maglalaho na sa kaniya si Red dahil magkakaroon na ito ng bagong pag-ibig... "Okay, mukhang nahihirapan kang mag-decide, I will help you," ani pa ni Don Vladimir. "Hindi niyo po ako mababayaran," matatag na saad ni Euna. Tumayo na siya at sinukbit sa kaniyang balikat ang bag niya para sa paghahanda sa pag-alis. "Salamat na lang po sa offer, Don Vladimir, kung alam ko lang po sana na ito po pala ang tinutukoy niyong importante, sana ay sa telepono pa lang nasabi ko na sanang hindi kahit ano man ang mangyari ay hindi niyo po mababayaran ang dangal ko." Bahagyang yumukod siya bilang pamamaalam sa don saka siya tumalikod na. Hinayaan lang siya ng don na maglakad hanggang sa pinto. Parang sa mga eksena sa TV program, nang hawak na niya ang seradura ay nagsalita na naman ang don... "Kahit sabihin ko sa 'yo ngayon na isa sa mga Henson-Do ang nagpasunog ng riles noon? Na oo, Henson-Do ang owner ng lupang 'yon na binenta sa Henson Builders Corp. noon pa man. Dapat ko rin yata na ipaalala sa 'yo na matagal na panahon na rin niyong napapakinabangan ang lupa ko." Napahigpit ang pagkakapihit ni Euna sa doorknob dahil sa kaniyang mga narinig. Umahon ang galit sa kaniyang dibdib. Dama niya at dinig niya kung paanong tumambol sa galit ang pintig ng kaniyang puso sa mga sandaling iyon. "I'm offering you a win-win situation here, Ms. Euna, take this one million in exchange of leaving my grandson na siyang ginagawa mo na nga kung tutuusin, ayaw ko lang na mabalitaang nagpasuyo ka sa 'king apo dahil ganyan naman ka-estupido ang pag-ibig. Gusto kong magpakalayo-layo ka gamit ang pera kong 'to." Sa mga sinasabing 'yon ng don ay mas unti-unting bumibingi kay Euna ang kabog ng dibdib niya sa galit. Kaaway niya pala ang matandang don. Kaaway niya pala ang lalaking minahal niya. Dahil kung may itinuring siyang kaaway sa mundong ito habang nabubuhay siya bukod sa tatay niya, iyon ay ang mayaman na may-ari at nagpasunog ng riles na kumitil sa buhay ng buong pamilya niya. "Hayup kayo," matalim niyang sambit. Kuyom ang dalawang kamao na hinarap ni Euna ang nakangisi pa na si Don Vladimir. "Hayup kayo..." "I know. Believe me," proud pa na sagot ng don kay Euna. Iniumang nito paabante ang itim na bag na nasa mesa nito, obviously ay iyon ang one million na ino-offer nito sa kaniya. "Take this and leave my grandson or..." Inisang hakbang ni Euna ang paglapit sa table ni Don Vladimir at hinaklit niya ang itim na bag, agad niyang kinipkip iyon. Tutal ay gustong maglaro ng don, pagbibigyan niya ito. "Kukunin ko ito, pero hindi ang pag-iwan ko sa apo mo ang magiging kapalit. Wala na akong pakialam sa apo mo, madali na para sa 'kin na kamuhian ang apo mo dahil kayo ang mga hayup na pumatay sa pamilya ko." "Oh," sarkastikong react ng don. Kontrabidang-kontrabida ang tingin ni Euna ngayon kay Don Vladimir, lalo na nang nakakaloko siyang ngisian nito. "Kukunin ko 'to at ang kapalit ay ang lupa ng mga bahay sa riles. Pakiaayos ang kontrata ngayon din Don Vladimir Henson of Henson Builders Corp. dahil wala na 'kong balak na tumapak muli sa lugar ng kaaway ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD