18: The Nightmare

1444 Words
"SI Euna at si Enang na batang kulang ang ngipin sa harap ay... iisa," mahinang sambit ni Red sa sarili matapos niyang mabasa ang report na iyon ng private investigator. Iyon ang mga nakasaad sa folder na dinala ni Grey sa kaniya. Nakakagulat ang kaalaman na iyon but lately na isang gulatan na lang kung ilapag sa kaniya ng tadhana ang mga tungkol sa kanila ni Euna ay hindi niya maiwasan na maisip na para talaga sa isa't isa. "May I know kung para saan ang pagpapatawag mo sa 'kin na 'to, CCEO?" pukaw kay Red ng tiyo niyang si Vincent. Tuloy-tuloy itong pumasok sa office niya at kumuha ng maiinom sa fridge na naroon. ay "Ang nagpapatawag lang sa akin ay ang CEO kaya nakakagulat ang pag-imbita ng CCEO sa akin ngayon," kaswal na ani pa nito bago lagukin ang bottled drink na hawak. "Have a seat, Uncle Vince," out of respect ay alok ni Red dito. Tumugon naman ito sa paunlak niyang pag-upo. "Well, thank you for coming over," panimula niya sa tiyuhin. Tila naging masikip na box ang office niya ngayon naroon ang kaniyang Uncle Vince. Sa totoo lang, bawat lugar na puntahan nito ay ganoon naman. May nakakasakal na aura ang Uncle Vince nila, at ang malaman niyang ito ang nagpasunog ng riles ay hindi na niya pagtatakhan. "May katagalan na rin nang huli tayong magkausap," tugon naman ni Vincent sa pamangkin. "Kaya nagtataka talaga ako sa pagpapatawag mo sa 'kin ngayon, CCEO Fordd Henson." Nagkibit ng mga balikat niya si Red. "Hindi naman gano'n ka-pormal ang nais kong pag-usapan natin Uncle Vince, though, it is about business pa rin naman." "Then, fire away." He looked straight at the face of his Uncle Vince. He leaned on to his office chair, nang sa gayon ay madali para sa CCEO na ma- captured ang magiging reaksyon nito. Tumikhim siya bago nagsimulang magsalita, "Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, Uncle Vincent. Napag-alaman ko kasi na ikaw pala ang namamahala ng Henson Builders Corp. noong ako ay labing isang taong gulang pa lamang. I wanna know, ano ang nangyari sa sunog sa riles? Bakit mo 'yon inutos sa mga tauhan noon ng H&D gayong alam mong hindi iyon makatao?" Napatda ito, ngunit saglit lamang iyon. Mariin siyang tinitigan ni Vincent bago ito sumagot, "Bangungot. Iyon ay ang aking bangungot na kay tagal ko nang ninanais na kalimutan ngunit sa pagdaan ng mga araw ay lalong tumitindi ang sundot ng konsensya sa kalooban ko, Red." Nabigla ang CCEO nang dukwangin siya ng tiyuhin niya't mariin na pisilin ang mga palad niya. "T—Tulungan mo 'ko na makatakas sa bangungot na iyon, kung maaari..." "TELEFLORA na nasa Ford '48 na flower arrangement ang gusto ko. Hindi pa naman ngayon e, so, you guys have time pa naman na maayos at makuha ang want ko," maarteng saad kay Euna at Reyna ng customer nila nang araw na iyon. Sabi nga nila, customer is always right. Oo, kahit ito pa man ang nakakainis na babae na nasagi at natapunan niya noon ng drink sa mall—none other than, Venus Valderama. Anyway, hindi na mahirap hulaan na para kay Red ang inoorder nito sa kanila na flower. Kung bakit kasi nataon pa na sila lang ang nag-o-offer ng flower arrangements na ganoon. Well, kaya nga rin naisip ni Euna na sila lang ang unang gagawa ng ganoong flower arrangements ay para sa boom earning ng bagong bukas nilang flower shop. Strategy, kumbaga. Kaya lang, sa malas naman, mula nang magbukas ang bulaklakan niya sa Dangwa ay tila siya sinusundan ng bangungot—ni Red. Dahil kung hindi ay bakit mga involved na tao rito ang halos nagiging customer niya? "So? Maaasahan ko ba kayo on this one? I'm gonna pay 200 dollars with tip. Or name your price for it, kukunin ko 'yan," mayabang pang sabi ni Venus. Napabuntonghininga si Euna. Kilala siya sa lugar nila na raketera at walang inuurungan kaya kahit pa ba para kay Red ang pinagagawa nito ay kukunin niya iyon. Kahit nagngingitngit ang kalooban niya sa mga oras na iyon na siya pa naman ang may-ari ng bulaklakan pero hindi niya naisip na magandang ipangregalo nga iyon kay Red— Stop! Hindi niya na reregaluhan ang lalaking nagpanggap na rider dahil hindi na sila okay kaya dapat siyang tumigil na sa pag-iisip ng kung ano-ano. "Okay, madam, pakisulatan na lang po ito ng message sa pagbibigyan niyo." Inabutan na niya ng maliit na papel na maaaring pagsulatan ang maarte at sosyal na babae. Makahulugan na nagkatinginan na lamang sila ni Reyna nang magsimula na itong magsulat. Nakakapagtaka na mukhang hindi na sila nakilala ng sosyal na babae at ilang buwan pa lang naman ang nakalipas nang magkita sila nito sa mall, pero naisip din niya na sino ba sila para alalahanin nito? Sa rami ba naman ng nakakasalamuha nito e, aalalahanin pa ba sila? "Here. Do I need to give an advance payment for that?" "No need na, Madam, kapag nasimulan na namin kami nanghihingi ng AP," si Reyna ang sumagot sa tanong ni Venus. "Hmn, Red, nice name. Boyfriend niyo po?" Gusto na lang umikot ang mga mata ni Euna sa pang-uusisa ng kaibigan niya na halata naman na pinarinig lang talaga sa kaniya. Humagikgik naman ang maarteng babae. "Well, yes, sort of... sana nga maging official na kami sa birthday niya since buong pamilya naman namin ay gusto na magkatuluyan kami." "Ah, opo. Wish ko rin po 'yon sa inyo, Madam. Suwerte niya nga sa inyo, ang unique nitong pinapagawa niyong bouquet," komento pa ni Reyna. Humagikgik ulit si Venus na tila nasiyahan sa narinig. "I know, right. Ako pa ba? Wala na siyang makikilala na babaeng kasing unique ko." Unique ang pagmumukha, oo! Aba, ang amo ng mukha ni Venus pero ang tapang ng kurba ng mga kilay. Unique na talaga iyon ah, sa loob-loob ni Euna. "Anyway, I gotta go. Just ring me a call about it, okay?" "Okay, Madam. Bye!" Nang makaalis si Venus ay padabog na hinila ni Euna ang papel na sinulatan nito mula sa kamay ni Reyna. "Akin na nga 'to!" "O, ba't galit, bes? Inano ka?" "Tigilan mo 'ko, Reynalyn. Sumasama ang pakiramdam ko sa 'yo," aniya sa kaibigan. Inikutan niya ito ng mga mata. Tumapat na siya sa harap ng computer para humanap ng idea sa nais mangyari ni Venus. "May pa- dollar pa, e, nasa Pilipinas naman," mahinang mukmok niya pa. Malakas na tumawa si Reyna. "'Yan tayo e, obvious na obvious ka gurl!" buska pa nito sa kaniya. "Tse!" "IHANDA mo na ang pinusta mong Dior, Haya Chevy Henson," saad ni Venus nang makasakay na siya sa kotse kung saan nasa loob niyon at naghihintay si Haya. Haya giggled. "Anong nangyari?" "E, ano pa ba? Success! Napagselos ko siya!" "Are you sure?" "Oo naman! Ako pa ba? Para sa Dior? You know me, girl!" Nagkatawanan ang dalawa at nag-high five. Kinontrata ni Haya ang kaibigan niyang si Venus para sa plano niyang pagtulong kay Red na makausap at makasundo ulit nito si Euna. Naalala niya kasi na gumawa ng eksena noon si Venus sa mall kung saan nalaman na nga ni Euna na hindi simpleng rider lang ang pinsan niya. Of course, Haya knew what was going on between Red and Euna. At base sa nakikita niya sa huli, mahal naman nitong talaga ang pinsan niya. Iyon nga lang, sino ba ang hindi magugulat sa mga rebelasyon tungkol sa Henson at sa old issue na nangyari sa pamilya nito. Well, again, old issue na nga iyon. So, here she was, kukulitin niya lang ang feelings ni Euna, through Venus. "Thank you at may silbi ka pala bukod sa pag-arte 'no?" birong- totoo ni Haya sa kaibigan. Oo, kaibigan niya si Venus kaya iisa ang takbo ng mga utak nila pagdating sa mga kaartehan. Kaya rin kahit naiirita kay Venus ang mga pinsan niya— mas lalo na si Grey—wala ring magawa ang mga ito sa tuwing iniimbitahan niya ang babae sa mga social gatherings ng Hensons. Besides, anak din naman ng businessman si Venus kaya invited talaga rin ito minsan. Madalas nga lang na ini-invite nito ang sarili lalo na at alam nitong naroon si Grey. Inirapan siya ni Venus. "Ewan ko ba sa 'yo, you're playing cupid now but look at you, ni wala kang love life!" "My love life is none of your business." Inirapan din niya ito, of course. "E, kumusta naman ang love life ko na pinupurnada mo? Hello? Hindi si Red ang type ko. 'Kainis ka!" maktol pa ng kaibigan sa kaniya. Pagak siyang natawa. "'Arte mo, hindi ka naman type ni Grey!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD