19: Realizations

1777 Words
"BAKIT mo tinatakasan ang dad mo, Fordd?" "Dahil inaaway niya 'ko." "Inaaway? E, hindi ba siya nagso-sorry sa'yo?" "Enang, kahit mag-sorry pa siya, hindi niyon mapagtatakpan ang mga nagawa niyang mali." "Sabi kasi ng nanay ko, ang Diyos daw ay marunong magpatawad. Kaya dapat daw ay tayo rin matutong magpatawad." "Haist, kung ano-ano nang sinasabi mo, Enang! Tara na nga, sayang ang oras kung magkuk'wentuhan lang tayo. Tara na, takbo na!" Naghabulan sina Enang at Fordd. Iyon nga lang, sa sobrang saya nila habang naghahabulan ay hindi nila napuna ang isa aso na basta na lang sumulpot kung saan at hinabol sila! "Takbo, Enang! Doon!" Tinuro ni Fordd ang direksyon na taliwas sa tinatahak nito. Alam niya kung ano ang gustong mangyari nito. Gusto nito na malihis siya ng takbo para ito na lang ang habulin ng aso. "Ayoko! Hindi kita iiwan. Tara na, tumakbo na tayo!" Nang ngumiti si Fordd at kunin ang palad niya, pareho silang tumakbo habang humahagikgik. Kaya lang, makalipas ang ilang minuto ay nadagdagan ang asong humahabol sa kanila ng isa pa... at isa pa... tatlo na ang asong humahabol sa kanila! "Tatlo na ang asong humahabol sa 'tin, Fordd!" sa nanlalaking mga mata ay bulalas ni Euna. "Takbo pa, Enang!" Natawa siya. "Baliw! Umakyat tayo sa punong mangga, kaya mo ba?" hikayat niya rito. Sa puno ng mangga lang na natatanaw niya ang ligtas na lugar na naisip niya. "Ano? Tayo na?" "O—Oo, sige, akyat na, Enang." Wala na silang choice kundi akyatin ang puno dahil naroon na ang mga galit na galit na mga aso, pilit silang inaabot! "Mataas pala 'to, Enang," reklamo ni Fordd nang mangalahati na sila sa puno. "Kaya mo 'yan," tugon niya. Agad niyang nilingon ang kalaro nang makarating siya sa tuktok ng puno. "Humawak ka sa kamay ko, hihilahin kita." Inilapat naman ni Fordd ang sariling palad at pilit na inabot siya. Pareho na silang pawis at hingal dahil sa ginawang pagtakbo. Idagdag pa na hirap si Fordd na makaakyat sa puno—hindi pala ito marunong umakyat doon na tulad niya. Hindi pa roon natapos ang kamalasan nilang dalawa, nang magpapang-abot na kasi sana ang mga palad nila, siyang c***k naman ng sanga! "Aaahhh!" Ganoon na lang ang panlalaki ang mga mata ni Euna sa sindak nang masaksihan niya kung paanong nahulog si Fordd! "Fooordd!" bago pumanaog sa puno ay buong puwersang pinilas niya ang kapiraso ng sanga na nalagas at pinukol sa mga aso na plano pang lapain ang nahulog na nga niyang kalaro! "ENANG, tumahan ka na. Maraming pera si Fordd. Gagaling 'yon." Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal na umiiyak at sumisinghot. "Nakakaawa kasi siya, Reyna. Hindi mo kasi siya nakita. Parang... parang hindi na siya humihinga..." "MASAYA akong malaman na okay ka, Fordd. Redd Fordd," mahinang sambit ni Euna sa sarili nang maglakbay ang diwa niya sa partikular na alaalang iyon ng kabataan niya. Kabataan kung saan naroon na pala si Red. Akalain niya ba naman na ito pala ang batang iyon? Napailing na lang na hinigop niya ang tasa ng kape na nasa kaniyang harapan pagkuwan. Tinatrabaho niya ngayong gabi ang pinapagawa ni Venus kaya hindi maiwasan na mapaglaruan sa kaniyang isipan si Red. "Hindi ko alam kung bakit may pagtatalo sa akin ngayon kahit alam ko naman na tama lang ang ginawa ko dahil 'yon naman ang alam kong tamang gawin," pagkausap niya sa sarili habang mataman siyang nakatitig sa screen ng laptop niya kung saan naroon ang image ng isang pulang Ford na kotse. Kumusta na kaya siya? Kinokontak pa kaya siya nito kahit alam naman nitong nagpalit na siya ng numero? Mayaman ka, pinahanap mo ba 'ko? Sa mga napapanood at nababasa ko ay gano'n... "Hay, tama na, Euna. Hindi 'yan nakakatulong sa pagkalimot," turan na lamang niya sa sarili. Nahilot niya ang sariling sentido nang maramdaman niyang pumintig iyon. "Euna, mauna na 'kong matulog. Ikaw?" untag sa kaniya ni Reyna. Tinanguan niya ito. "Tulog na ba ang mga pamangkin ko?" "Oo naman, kanina pa. Pagkatapos magpaalam ni Nica sa 'yo na magmo-mall sila bukas bago sila umuwi sa byenan niya ay natuloy na sila nang sabay-sabay." Oo nga pala. Mag-mo-mall daw ang mga pamangkin niya bukas. Parang kailan lang. Noon ay hindi nakakaalis ang mga ito nang wala siya, ngayon ay kaya na nilang mamasyal nang sila-sila na lang. "Sige, mauna ka nang matulog. Tatapusin ko lang 'to." "Sige." Naghihikab na tugon sa kaniya ng kaibigan. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Euna nang makaalis na si Reyna at maiwan siya ulit doon nang mag-isa. Ngayon na hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kaniyang sarili ay napag-isip-isip niyang... "Kailangan kong isauli ang isang milyon. Kailangan kong makipagkita kay Don Vladimir ulit. Baka dahil sa isang milyon niya kaya hindi ako matahimik..." Pero paano ang mga kapitbahay niya sa riles? Paano na ang usapan nila ng don? Ah, hindi akalain ni Euna na makakagawa siya ng desisyon na unti-unti na yatang sisira sa katinuan niya. Nakagat na niya ang sariling hinlalaki. "Ibabalik ko ang pera, oo tama. Hindi ko naman babalikan ang apo niya. Ipapakiusap ko sa don na ang lupa sa riles na lang ang magiging kapalit nang hindi ko na pakikipagkita sa apo niya kahit na kailan." Kaya ba niya? "Kakayanin. Kailan ka ba may inurungan, Euna Del Fierro?" Gaano siya kasigurado na papayag ang don? Hindi niya naman ito kilala... Mayamaya pa ay natagpuan na lang niya ang sarili sa na tumitipa ang mga daliri sa keyboard at sinimulan nang saliksikin ang pagkatao ni Don Vladimir kasama nang H&D Builders. Pati na ang nangyaring sunog noon na kumitil sa buhay ng kaniyang pamilya... "DOC, ano ba ang sakit ko? Ilang buwan na lang ang itatagal ko?" Pagak na natawa ang duktor sa sinabi ng kaniyang pasyente. "Hindi ka pa naman mamamatay. Masamang d**o ka e." "Aldrin, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo," hindi na naawat ni Vincent na pagsalitaan ang kaniyang duktor at tawagin ito sa tunay nitong pangalan. Si Aldrin ay isa sa mga naging kaklase niya noong college. "Hindi rin naman ako nakikipagbiruan, Vincent Henson." "So? Sasabihin mo na ba kung hanggang kailan na lang ako sa mundo?" The doctor stared at his patient intently. "Alright, it's brain tumor. Stage 3." Namayani ang katahimikan sa loob ng private clinic ng duktor pagkatapos nitong sabihin ang sakit ng pasyente nito. "'Pa? Uhm, Doc Faustino?" Kung hindi pa may sumilip na mas batang duktor sa clinic na iyon ay hindi mauuntag sina Aldrin at Vincent. "Sorry to disturb you," anang batang duktor sa kanila. "Ibibilin ko lang sana na kung kailanganin ako ng pasyenteng sinasabi mo ay naroon lang ako sa cafeteria." Tumango lang dito si Aldrin. Umalis naman kaagad ang batang duktor na tumawag dito ng ''Pa, matapos mag-excuse sa kanila. "'Yon na ba ang anak mong si Alfa?" tanong ni Vincent Henson sa duktor nang maiwan na ulit silang dalawa. "Uh-huh," simpleng tugon ng duktor. Naging kaibigan ng duktor na si Aldrin Faustino ang pasyenteng kaharap niya ngayon kaya kahit paano ay nag-iingat siya sa mga sasabihin niya rito dahil ayaw niya na mas masaktan pa itoo pagkatapos marinig ang sakit. Kaya lang ay ang tadhana na ang nagpakita rito ng kaniyang anak. Anak na hindi man lang nabiyayaan kahit isa si Vincent Henson. "Pa'no, mauuna na 'ko," paalam ni Vincent, tumayo na 'to at nakipagkamay sa duktor. "Nakakatuwang malaman na naging duktor na rin ang anak mo." "Yeah, a pediatrician." "Nakakainggit naman," parang bata na sambit ni Vincent sa sarili nang naglalakad na siya palabas ng ospital na pinanggalingan. Hindi kasi miminsan na inasam niyang magkaroon ng sariling anak. Anak na hindi kailanman magkakaroon ang baog na katulad niya. Lihim siyang natawa, baog na nga siya, may tumor pa. Anak ng teteng na kamalasan! O, kamalasan nga ba? Mas lalo lang siyang natawa sa mga pinagsasasabi sa isipan habang naglalakad siya palabas ng St. Jude Hospital. Paanong hindi siya matatawa, alam na alam naman niya sa sarili niyang ang lahat ng mga pinagdaananat pinagdaraanan niya ngayon ay walang iba kung hindi ang tinatawag nilang karma. Siya ang gumawa ng kung ano man na nangyayari sa kaniya, hindi ang tadhana. Nag-boomerang na sa kaniya ang lahat ng kasamaan na nagawa niya sa nakaraan, oo, ngayon niya nari- realize ang lahat ng 'yon. Kaya nga nakikiusap siya kay Red na tulungan siya na mabawasan man lang ang mga bangungot niya. Mabawasan man lang hanggang sa huli. Bago mahuli ang lahat sa kan— "Sorry, excuse me," may pagmamadaling hinging paumanhin kay Vincent ng kung sino na sumagi sa balikat niya't umistorbo sa tahimik niyang paglalakad. Agad naman niyang nakilala ang duktor na nakasagi sa kaniya, ang anak pala iyon ni Aldrin. Nang sundan niya ito ng tingin ay ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata niya nang mapagtanto niya ang rason ng pagmamadali nito... Plano ng batang duktor na iligtas ang isang batang babae na malalagay sa kapahamakan nang hindi pa namamalayan ng mga tao sa paligid! "Ang bata!" "D'yos ko po!" Hindi na niya halos narinig ang mga sigawan ng tao sa paligid na sa wakas ay nakita na rin ang kasalukuyan niyang nakikita. Kusang kumilos ang kaniyang mga paa pahabol sa anak ni Aldrin—patungo sa isang bata na masasagasaan... Masasagasaan ito ng isang malaking truck na nang lingunin ni Vincent ay tila wala iyong preno o nasiraan ng preno! "Tabi! Akayin mo na lang ang bata para hindi masubsob sa semento!" Iyon na ang huling sigaw ni Vincent kay Doc Alfa. Kay Doc Alfa na may kalakasang itinulak ni Vincent Henson upang mailigtas niya rin ito kasama ng batang dinig niya pa ang nasindak na palahaw. Nagtagumpay siyang palitan ang puwesto ni Doc Alfa at ng batang babae. Siya na lang. Kung ang mamatay na may iniligtas na tao ay makakabawas sa mga naging kasalanan niya habang nabubuhay siya, buong puso niyang tatanggapin ang kamatayan na iyon. "WALA ako sa kondisyon na makisali sa pagsasaayos ng birthday ko, Haya. Actually, wala ako sa kondisyon na mag-celebrate ng birthday," nababagot na sabi ni Red sa pinsan. Hinayaan lang niya ito na humabol sa kaniya hanggang sa elevator. "Ang boring mo naman, Red! Grabe, e, minsan lang ang birthday!" Tinatamad na sinulyapan lang niya ito. "Kahit mapapunta ko si Euna? Ayaw mo talaga?" Red smirked. "Hindi mo 'yon mapapapunta sa birthday ko, believe me." "Ha? E, what? Hahayaan mo na lang ba siya?" 'Yon ang buong akala niya. Na hahayaan ko na lang siya. Dahil kahit sampung milyon pa ang ialok ni Granpops sa kaniya at tanggapin niya man 'yon nang paulit-ulit, hinding-hindi mangyayari na hahayaan ko na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD