18 years after...
AMYTHYST
"The preacher announced the groom to kiss the bride, the whole people of the kingdom rejoiced. As the prince finally found his princess. And now she became his Queen."
Inilipat ko sa kabilang page ang librong binabasa ko. Bago ko ipinagpatuloy ay tumingin ako sa mga bata na nakikinig sa akin. Kuhang-kuha ko ang attention nilang lahat.
I smirked as an idea came in my mind. That was the perfect moment para bigyan ng kakaibang twist ang kwento. I heaved a deep breath and continue. I also changed the tone of my voice para bumagay sa kwentong ilalahad ko.
"But then, the stepmother of Cinderella stepped in and ruined the sacred occasion. And just a blink of her eyes, Cinderella found out her husband lying down on the floor. Showering with his own fresh blood. His white suit had covered with fresh red blood as his mouth began to bubbled with his own blood too."
Nagsimulang magkatinginan ang mga bata. Kitang-kita ko ang pag-ahon ng pagkalito sa kinu-kwento ko habang nagsisimulang mamuo ang luha sa mga mata ng iba.
Napangisi ako. "Cinderella heard the terrifying thunder-like laughed of her stepmother. She spread her hands above where she was holding the knights sword field with the prince fresh blood. There's is no happy ending Cinderella. So don't ever dream on it. Her stepmother hurled. And-
"No!" Napaangat ako ng tingin. The girl in braids stood up and looked at me as if I am the worst creature that ever existed in this world. Well, I am now.
"That's not true teacher! The stepmother of Cinderella didn't exist on her wedding to kill the prince and she got her happy ending."
"Oo nga! Hindi ganyan ang story na binabasa sa akin ni Mommy!" pag-segunda naman ng isa pang bata na nasa unahan.
"You're a liar! Cinderella got her happy ending!" They cried furiously. But then imbis na patahanin sila at ma-panic sa naging reaction ng mga bata, wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti ng napakatamis.
"If there's a liar here, then that would be this book." Itinaas ko ang libro kung saan naglalaman ng mga fairytale stories na nauuwi sa happy ending.
"They made people believes that happy exist but its not, because in reality, there is no such thing. There is no happy ending."
"No! Hindi ako naniniwala sa'yo."
"Liar!"
"I hate you!"
Nagsimula na silang umiyak na para bang naging character sila ng story.
"We have to accept the sad fact children."
"No!" Lalong lumakas ang iyakan nila na nauwi sa pagwawala.
"What's going on here?"
"Teacher Cathy!" Halos lahat ay nagsitakbuhan papunta sa pintuan kung saan naroon ang nagsalita.
"Teacher Amythyst told us that the Prince of Cinderella died and they don't get their happy ending. Is that true teacher?"
Mangiyak-ngiyak na sumbong ng mga bata. Bago pa tumingin sa gawi ko si Catherine ay isinilid ko agad ang libro sa ilalim ng lamesa ko. Pero alam kong kahit ginawa ko 'yon alam niya na iyon ang libro ng Fairy tale stories.
"Teacher Amythyst... mag-uusap tayo mamaya," seryosong sabi niya. Tumango na lang ako.
Hindi na big deal sa akin ang ganoon pagmumukha ni Catherine. She's five year's older than me, and pre-school head teacher. Ganoon pa man hindi naman ako natatakot sa kanya. Alam ko naman kung ano ang sasabihin niya. Paulit-ulit lang...
And here she goes...
"Amythyst... alam mo pa rin ba ang ginagawa mo?" Iritadong tanong niya sa akin. Hindi ako nagsalita. I just took a deep calming breath.
"Pang-ilang beses mo na ba 'yan ginagawa sa mga estudyante? God naman Amy! Hindi mo ba alam na pwedeng maapektuhan ang paniniwala nila sa ginagawa mo?"
Ilang beses na nga ba? Ahm, siguro pang-lima na silang batch. Pero syempre sa isip ko lang iyon.
"All right! I don't know what's your past. Or what happened in your past love life. And I don't even care. Pero Amy, huwag mo naman sanang dalhin iyon sa trabaho mo. Those kids needs a positive vibes. Huwag mo sana silang idamay sa kung ano man ang nakaraan mo."
Napaisip ako, kapagkuwa'y yumuko. "I'm sorry..." Natahimik sandali si Catherine kapagkuwa'y napabuntong hininga.
"Ok, I will accept that for the last time around. Pero once na gumawa ka ulit ng sarili mong kwento na wala naman sa libro. Maghanap ka na ng ibang school na pwedeng turuan, maliwanag ba?"
Wala akong choice kundi ang tumango na lamang. Isa lang akong volunteer pre-school teacher. Kaya kung aalisin nila ako sa school na 'yon. Maaaring hindi na rin ako mag-aaksaya pang maghanap ng iba. Ginawa ko lang naman iyon kasi kailangan kong may mapagtuunan ng oras.
The bell rang hudyat na tapos na ang trabaho ko sa araw na ito. Hudyat rin na may isang araw na naman akong nalampasan sa buhay ko. And kahit papaano I was thanking yet hoping na sana wala na akong madatnan pang bukas. Ang hirap na kasi...
Bago pa bahain ng emosyon ang puso ko ay bumaba ako ng kotse. Tumambad sa akin ang maliit at konkretong bahay na may distansya sa Willerston City at sa eskwelahan na tinuturuan ko. Nasa isang makahoy na lugar nakatirik ang bahay ko. May distansya din ako sa mga kapitbahay ko. Ewan ko ba kung bakit sa makahoy na lugar ko naisipan tumira.
Siguro kasi dahil... nasa bakuran ko lang ang portal... o siguro ay dahil iyon din ang lugar na gusto niyang tirahan namin. I don't know. Pagkapasok ko sa bahay inilapag ko ang dala kong pinamiling gulay at groceries sa lamesa. Inatupag ko agad ang paglalagay ng gulay sa ref at mga groceries sa tamang lagayan niyon. Habang ginagawa ko iyon ay saglit akong napatigil. Bahagya akong nagtaas ng tingin pero hindi ako derektang tumingin sa malaking bintana na nasa sala. Sa gilid ng mga mata ko alam kong may nakamasid sa akin mula doon.
Napatiim-bagang ako para pigilan ang sarili ko na huwag tingnan si Daddy na alam kong nasa labas ng bintana at matamang pinagmamasdan ako. At para tuluyang pigilan ang sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinalukat iyon. Kinuha ko din ang maliit na speaker na nasa TV, sa sala at kinabit doon ang cellphone. Umalingawngaw ang malakas na tugtog ng pop music sa buong bahay.
Sinasabayan ko ang tugtog sa pamamagitan ng pagtango-tango habang nagsisimula sa pagluluto ng hapunan. Ilang sandali at napatingin ako sa bintana. Wala na doon si Daddy. Alam niya na kasi na kapag nagpapatugtog ako music isa lang ang ibig sabihin 'non.
Ayoko ng kausap...
***
MASTER DAVID MORLEY
Naramdaman ko ang kamay na pumatong sa balikat ko. Napatingin ako sa likuran ko. Ang kapatid kong si Freya ang nagmamay-ari niyon. Isang tipid na ngiti ang sinuklian ko sa presensya niya. Lumapit siya sa akin at tumingin sa bahay na nasa ibabang bahagi ng kinatatayuan namin.
Nasa isang maliit na burol kami kung saan kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ang bahay ni Amythyst.
"Kumusta na siya?" tanong niya sa paos na boses.
Napabuga ako ng hangin. "As usual..." tipid na sagot ko.
"Hindi natin siya masisisi kuya. Masyadong masakit ang mawalan ng anak at asawa... pareho nating naramdaman 'yon."
"Pero natatakot ako Freya... ayokong habang buhay ganyan na lang siya. Sina Zed at si Baby Xierra lang ang nawala..."
Napatingin sa akin si Freya kaya mas binigyan ko pa ng tamang paliwanag ang sinabi ko.
"Yeah, I know it's really hard. Pero nandito pa naman tayo 'di ba? 'Yong mga kaibigan niya... pero dahil sa nangyari parang pati tayo kinakalimutan na rin niya. It's almost 18 years na rin."
"I understand her at ikaw din kuya. Pero... siguro ginagawa niya iyon dahil naiisip niya lang ang dalawa kapag nakikita niya tayo." Napabuntong hininga ako, saka yumuko. Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko.
Marahan naman akong inalo ni Freya. "Just don't give up on her Kuya. Alam kong pati ikaw pagod na din. Pero kahit ipangalandakan ni Amythyst na hindi na niya tayo kailangan, dapat lagi parin tayong nandiyan para sa kanya. Lalong-lalo ka na. Even if she didn't say anything I know that deep in her heart, she needs you,"
Yeah! Naiisip ko na rin ang sumuko sa pagbabalewala sa akin ni Amythyst. Alam kong araw-araw niya akong nakikita pero mas pinili niyang magbulag-bulagan. Na nararamdaman niya ang presensya ko pero pinili niyang maging manhid at magpretend sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng music niya sa malakas na volume.
Katulad ng ginawa niya kanina... isa lang iyon sa maraming pagkakataon na gusto ko siyang kausapin pero siya mismo ang umaayaw. Hindi niya man sabihin pero dinadaan niya iyon sa kilos niya.
Tumango ako. "Thank you Freya... sana lang, if time really heals... sana dumating na ang oras na magagawa niya ulit harapin ang mundo ng Eleria bilang mundo na kabilang siya."
Ngumiti na lang si Freya. Alam kong pati siya ay hindi din alam kung may dadating pa bang ganoon na oras para kay Amythyst. Ilang sandali ay umalis na din si Freya para bumalik sa bahay niya. Malalim na din kasi ang gabi.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay ni Amythyst saka pumasok. May duplicate key ako ng bahay niya. Iyon lang ang hiniling ko sa kanya simula ng maisipan niyang mamuhay ng mag-isa. Ayoko rin kasing maging marahas na mag-teleport na lang basta-basta dahil gusto ko rin igalang ang pagiging pribado niya. Kahit alam kong tulog na si Amythyst sa mga oras na ito ay ingat na ingat parin ang paghakbang ko. Kinuha ko ang cellphone niya na nasa sala pa at sa mga oras na iyon ay umaalingaw-ngaw parin ang musika mula doon. Inalis ko ang speaker na nakakabit doon at pinahina ang volume at hininto ang music. Saka ako napabuntong hininga.
Paano ko ba masasabi na naka-move on na si Amythyst, sa nakaraan kung itong gawain na nakasanayan na niya simula ng mawala ang dalawa, ang isang bagay na nagsasabing hanggang ngayon masakit parin sa kanya ang lahat.
Pumunta ako sa kwarto niya at dahan-dahang binuksan iyon. Expected, tulog na tulog na nga si Amythyst. Inayos ko ang kumot na tumatakip sa katawan niya. Pinagmasdan ko siya. Kahit wala na akong nasisilayan na luha sa mga mata niya bakas parin sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Muli akong napabuntong hininga. Ayaw na ayaw ni Amythyst pakitaan siya ng matinding awa. Kaya siguro iyon na din ang dahilan para iwasan kami. Kasi... alam niyang kapag makikita namin siya... maaawa lang kami. Hinagkan ko ang noo niya saka inilapag ang cellphone sa bed side table.
Ilang sandali ay pinatay ko ang lampshade bago ako lumabas ng kwarto niya. Humiga ako sa sofa na nasa sala. Halos sampung taon ko na rin itong ginagawa; ang bantayan ang anak ko at magkasyang matulog sa sofa ng sala niya. Gumigising lang ako ng maaga para hindi niya malaman na nandoon ako natutulog sa sala.
Simula nang mangyari ang trahedya sa pamilya ni Amythyst. Hindi lang buhay ni Amythyst ang nagbago. Kundi sa amin din kasama na doon ang mga kaibigan niyang commoner at mga naging miyembro ni Zed sa Spy. Lahat kami ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa Trojan Academy. Hindi na ako nakakapagturo pa. 'Yong mga commoner hinintay na lang na grumaduate pero hindi na sila nagkaroon ng chance ma-level up ang kakayahan nila. Ang mga spy naman lalong-lalo na si Faye ay hindi na din pinahintulutan na i-train ang mga baguhan na spy. At ang lahat ng iyon ay dahil sa utos ni King Charles. Lahat ng nakakakilala kay Amythyst at Zed ay inalis sa Trojan Academy sa kadahilanan na nakipagkaibigan sila sa mga traydor at kalaban ng Eleria.
Isang napakababaw na dahilan para pati mga naging kaibigan ni Amy ay idamay niya sa pagpapaalis sa Trojan. Nakakalungkot lang na pati sila ay dinamay ni King Charles. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ipinatong ko ang braso sa noo ko saka unti-unting pumikit para matulog.
*******
AMYTHYST
"Amy listen to me. I won't let those things happen again..."
"Pero paano kung mangyari pa rin 'yon Zed? Paano kung makuha parin nila ako."
"I will find you. No matter how hard they build a wall for us, I will break it just to have you. No matter how far we gone to each other, still... I will find you."
"Zed!"
Naimulat ko ang luhaan kong mga mata.
Panaginip... isa na namang panaginip.
agi na lang ganoon. It always happen eveytime I close my eyes and took a sleep. Laging ganoon ang nangyayari.
Pero... mas gusto kong napapanaginipan si Zed. Mas gusto kong nakikita siya kahit man lang sa panaginip. Minsan nga nahiling ko na sana huwag na akong magising pa. Sa panaginip ko na lang kasi siya nakikita... nahahawakan... nahahalikan.
Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang pagbalong ng luha sa mga mata ko. Pero kahit anong pigil ko, nandoon parin. Lalo ko lang nararamdaman ang sakit.
I really missed him... I missed my loving daughter. 'Yong halakhak nila. 'Yong kung paano ko sila tinitingnan habang mahimbing na natutulog. Ang lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap. Ang lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko ay kinuha sa akin sa isang trahedya lamang.
Umalis ako sa kama ko saka lumabas ng kwarto. Nasa hagdan palang ako ay naaninag ko na si Daddy sa madilim na sofa.
Nandoon lang lagi si Dad... at mahimbing na natutulog. Hindi ko na tuloy mapigilan mapahagulhol. Nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa hagdan at impit na napaiyak.
"Sorry... kung pati kayo nadadamay sa kalungkutan ko. Sorry Dad... sorry kung n-naging ganito ako. Sorry... kung hindi ko na kaya. I just...really missed them."