Chapter 2

2139 Words
DIERRA LEWIS "Mom, malayo pa ba tayo?" Habang naglalakad ay napatingin ako sa kanya. I really don't know why she grew up like this. Hindi ko talaga alam na mapapalaki ko siya ng mag-isa simula nang iwan ako ng asawa ko. "Kaunting tiis na lang Xia, malapit na tayo," nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumuso siya. "Palagi mo naman sinasabi 'yan sa akin pero ilang oras na tayong palibot-libot sa kagubatan na ito. Hindi ko alam kung saan ba talaga tayo pupunta." Natawa na lang ako ng mahina. Ang cute niya kasi kapag nagtatampo. In her 18 years of age she still have an adorable pout like a six year old girl. "Bakit pa po kasi tayo lilipat? Ok naman tayo sa Manila ah? At saka... dito pa talaga tayo sa kagubatan pumunta?" "Xia, napag-usapan na natin 'to 'di ba? Besides high school ka palang sinabi ko na sa'yo na sa pagtuntong mo ng 18 dito na tayo maninirahan." "Eh bakit nga?" Napanguso parin siya. She looked around at kumunot ang noo niya. "Why here?" "Because, this is where you belong..." makahulugang sabi ko. Napatigil siya sa paglalakad. Isang matamis na ngiti lang ang binigay ko sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Mayamaya ay hinabol niya ako. Nang mapantayan niya ako ay nagsalita ulit siya. "You mean... ito ang lugar na para sa atin? Kaya ba pumasok tayo sa isang portal papunta sa E-E... ano nga ulit 'yon, Mom?" I chuckled. Naaliw ako sa pagkakamot niya sa ulo. "Eleria." pagtatama ko. She knew it. She have to know that thing. Atleast, kahit ang mundo lang na ito ang dapat niyang malaman. "So... meaning, may possibility na magkakaroon na rin ako dito ng magic just like you?" nakangiting tanong ni Xia. Muli siyang tumingin sa paligid. Sinisipat niya ang bawat puno na nadadaanan namin. Muli akong ngumiti. "Of course..." She widen her smile. "Yay!" In instant, bigla kong nakita ang masigla niyang mga ngiti. Napapailing na lang ako. Ang bilis niya talaga magbago ng emosyon. Just like her... Naglakad kami ng naglakad. Ilang minuto ang lumipas ay tumigil kami sa isang lumang gate na kasing taas lang namin. Ang pader sa magkabilang bahagi ng gate ay nilamon na ng mga ligaw na halaman. Nagmimistulang creepy ang loob ng gate dahil sa mga puno na may mga malalaking ugat na nakapalibot sa katawan. Medyo madilim din ang buong paligid dahil sa mayayabong na dahon ng bawat puno na naroon. "Mom, are you sure na dito tayo papasok?" kunot-noong tanong ni Xia habang nakatingin sa loob ng gate. Tumango ako. "Yup, hinihintay na tayo ni Tita Esther." "So... dito siya nakatira?" maang na tanong niya, when her innocent blue eyes looked at me, and then looked around. "This place is so creepy!" Ngumiti na lang ako at hinawakan ang pihitan ng gate. Pero hindi ko pa man iyon nahahawakan ay kusa ng bumukas ang gate. Bahagya akong nagulat doon kahit si Xia ay napa 'woah!'. Pareho kaming napahagikgik sa nangyari. Nang pumasok kami ay mahabang aisles ang tinahak namin. Para kaming pumasok sa isang kagubatan na mabaging at nakakatakot na mga ugat ng kahoy ang naglalambitin na para bang may mga buhay. Napahawak si Xia sa braso ko nang gumalaw ang ugat ng baging at pumulupot sa katawan ng malaking puno. "Ang creepy!" puna ni Xia. "But its wonderful, right?" Nilingon ako ni Xia at nakangiting tumango. "Sobra! Sa TV ko lang 'to nakikita dati." "Isa pa lang 'yan sa mga kamang-manghang bagay na makikita mo sa lugar na ito, Xia." Hindi nagsalita si Xia kasi natuon ang atensyon niya sa bumubukadkad na bulaklak sa baging nakapulupot sa kahoy. Nakangiting napapailing na lang ako inaakto niya. "Ayon ang bahay niya." Tinuro ko sa kanya ang isang lumang bahay. Na ilang agwat na lang mula sa amin. Binilisan namin ni Xia ang paglalakad hanggang sa makaalis kami sa magubat na paligid. Pumasok kami sa balkonahe ng bahay at doon kumatok sa nakasaradong pintuan. Nang bumukas ang pinto ay isang itim na mukha ang tumambad sa amin. I mean walang mukha! Napasigaw si Xia at napayakap sa akin. "Oh? Kayo pala," wika ng boses saka pinunasan ang parte ng bibig at mata. "Facial mask cream?" may pagkadismayang sabi ni Xia. Yeah, isang klase ng beauty facial mask cream lang naman pala ang nasa mukha ni Tita Esther. May nakapulupot din na tuwalya sa ulo niya na animo'y bagong ligo. "Seriously Tita? Kailangan pa talagang lahat ng mukha mo ay lagyan ng ganyan? At ano bang klaseng facial cream mask 'yan? Uling?" "Oy huwag ka! Mahal 'to made in Korea 'to," aniya saka tumawa. "Ay, pasok kayo. Ngayon pala kayo darating wala man lang kayong pasabi." "As if naman malalaman mo." Pag-iirap ko sa kanya. "Eh sana naman kumatok kayo sa gate para, naigalaw ko sana ang mga punong 'yan." "Naigalaw?" kunot-noong tanong ni Xia. "Yup! Ganito lang oh!" Winasiwas niya ang kanang kamay niya. Pagkatapos ay nagsipaggalawan ang mga puno na nasa daan. Parang nagkaroon sila ng sariling mga paa para pumunta sa gilid at magkaroon ng maayos na daan deristo papunta sa bahay niya. That's it, may ganoon bagay pa talaga siyang nalalaman. "Ang cool! Parang gusto ko ulit pumunta sa gate at pumasok dito," bulalas ni Xia. Hindi ko alam kung sarcastic ba ang sinabi niya o napahanga siya sa ginawa ni Tita Esther. Nauna na akong pumasok sa bahay niya. "Oh, well, no need for that, nakapasok na tayo." Sumunod si Xia sa akin. "Oh, so... siya na pala si Xia, hello young lady. You look perfectly beautiful kahit simpleng puting t-shirt at pantalon lang ang suot mo." "So, ngayon mo palang po pala ako nakita," Those words... alam kong sarcastic na 'yon. "Oh... ahm, what do you mean?" tanong ni Tita Esther. Ngumiti si Xia. "Nothing," sagot niya saka naupo sa sofa. Inilapag niya doon ang traveler's bag niya at inilibot ang paningin sa loob ng bahay. Napatingin sa akin si Tita Esther habang ako naman ay napakibit-balikat na lang. Minsan unpredictable din talaga si Xia. Mamaya masaya tapos minsan hindi mo alam kung galit pero makikita mo sa labi niya na nakangiti. Ahh, that bipolar young lady... "So... paano po kayo naging Tita ni Mommy?" tanong ni Xia kay Tita Esther. "Oh, well. You know... our green eyes said that we are relatives. Kapatid ko ang mama niya." Napaangat ako ng kilay at tumingin kay Xia na siyang nakakunot-noo naman. Tumakbo si Xia sa salamin na nasa pader sa may pintuan at tiningnan ang sariling refleksyon. "But, why I have these oceanic blue eyes?" curious na tanong niya saka tumingin sa amin. Tita Esther face me as she secretly widen her mouth just like saying 'Oh my fault' Kahit ako medyo nabigla sa sinabi ni Xia. Pero hindi ko iyon pinahalata. I smiled at lumapit kay Xia saka hinawakan siya sa magkabilang balikat. Abot-tenga ko ang height ni Xia. Feeling ko isang taon na lang magiging pantay na ang height namin. Kung saan ang hieght ko ay 5.5. "Anak, alam mo na kung bakit, right Kasi nagmana ka sa tatay mo." Inayos ko ang alon-alon niyang buhok. "I know... nakakainggit lang na hindi tayo pareho ng kulay ng mga mata Mom," she pouted. "Then, you mean you don't like the color of your eyes?" tanong ni Tita Esther. "Hmm... ok na din," aniya habang muling sinisipat sa salamin ang mga mata niya. "Well, that's good to hear. Siyanga pala, ipapakita ko sainyo ang magiging kwarto niyo." wika ni Tita Esther. "Mabuti pa nga, mukhang pagod na din si Xia," sabi ko at kinuha ang bagpack ni Xia. Ngumiti lang siya at sumunod sa amin. Nasa second floor ng bahay ang kwarto namin. "So... what's your magic, Lola Esther?" "What?!" tanong ni Tita Esther sa malakas na boses. "Don't call me that!" Natawa ako habang si Xia naman ay napangiti nang wala sa oras. "Why? you are my Mommy's Tita, and I am her daughter, so tatawagin naman kitang 'Lola'" "Gross! Lola? Ewww, ganoon na ba ako katanda para tawagin mo akong ganoon?" Halos hindi maatim ni Tita Esther ang narinig niya kay Xia. Sabagay, hindi pa naman ganoon katanda si Tita Esther. In fact kung titingnan kami pareho halos kasing-edad ko lang siya. "Edi ano po ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" kunot-noong tanong ni Xia. "Tita... call me Tita Esther," she said plainly and then smiled. "But-" "Ops! No more but's young lady," pag-i-iling ni Tita Esther. Napabuntong hininga na lamang si Xia. "Ok fine, then what's your magic Lo..." Sinamaan siya ng tingin ni Tita Esther. "I mean, Tita Esther?" Ngumiti naman ang kumag na tiyahin ko. "Good! ahm my magic? Wala namang special sa akin except for being a witch." "Oh... that's pretty cool. I wish, malaman ko na rin kung ano sa akin." "Malalaman mo din 'yon young lady." Binuksan ni Tita Esther ang pintuan sa second floor. Itinuro ni Tita Esther ang kwarto namin ni Xia. Magkaiba ang kwarto namin. Pero nasa magkatabi lang na panig. Una ko na kasing sinabi kay Tita na sanay si Xia na solo sa iisang kwarto kaya naman alam na niya ang ibibigay niyang kwarto sa anak ko. Pumasok naman si Xia sa kwarto niya para daw magpahinga. Sabagay mahaba-mahaba din ang nilakbay namin. Nang mabuksan ko ang pinto ng magiging kwarto ko ay pumasok din si Tita Esther. "Kailan mo sasabihin sa kanya ang lahat?" Bulong niya sa akin. Bumuntong hininga ako at tiningnan siya nang deritso. "Tita... huwag mo akong simulan ngayon ok? Pagod kami at kailangan namin magpahinga. Sobrang haba ng biyahe at need ko ng oras para matulog." Tumiklop naman agad siya sa sinabi ko. "Oh, sorry. Alam mo naman curious lang ang Tita mo." Inilapag ko ang gamit ko sa kama at tiningnan siya. "Buti pa po, ihanda mo na 'yong sinasabi mong ibibigay mo sa kanya." Tumango naman agad siya at agad tumalima. *** XIA "Nixie! Nixie!" Hinawi ko ang matataas na talahib na nadadaanan ko. Habang hawak sa kaliwang kamay ang isang bote. "Nixie, nasaan ka na ba? Baka maligaw ka dito," tawag ko ulit sa kanya. Medyo malayo na agwat ko sa bahay ni Tita Esther kaya bahagya na akong kinakabahan kasi baka naliligaw na rin ako. Napatingin ako sa paligid. Isang napakalawak na kagubatan. Matataas ang mga puno at pulos mga tuyong dahon ang lupa na naapakan ko. Nakakakilabot ang mga tunog ng iba't ibang insekto at mga ibon na naririnig ko sa paligid. Pero dahil hinahanap ko ang alaga ko kailangan kong magpatuloy sa paglalakad. Nang hawiin ko ang halaman ay tumambad sa akin ang isang hindi naman kataasang burol. Dumaan ako sa matarik na daan na naroon. Nang makarating ako sa ibabaw ay nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang pagod. Pero nawala na lang iyon bigla nang tumambad sa akin ang tanawin sa burol na inakyat ko. "Wow!" Isang napakalawak na meadow... I mean... isang field na puno ng bulaklak. Mas maganda pa siya sa plaza. May mga bench at may mga iba't ibang kulay ng mga bulaklak ang naroon sa paligid. Buong paghangang nailibot ko ang paningin ko. "Ang ganda..." Pumitas ako ng isang bulaklak at inamoy iyon. Ang bango! Hindi ko akalain na may ganito palang lugar sa gubat na ito. Nag-freezed ang ngiti ko nang makita ko ang paru-paro na palipad-lipad sa ere. Kulay purple ang pakpak niya na may kulay puti sa ilalim na parte niyon. Such a beautiful butterfly. Dumapo siya sa bulaklak na hawak ko. I widen my smile. Naupo ako sa pinakamalapit na bench at pinagmasdan ang paligid saka muling tumingin sa paru-paro na nasa bulaklak. Inilapit ko ang hintuturo ko sa bulaklak at doon lumipat ang paru-paro sa hintuturo ko. Nakangiting pinagmasdan ko ang paru-paro. "Ikaw Nixie ah? Pumunta ka ba dito para ipakita sa akin ang lugar na ito?" nakangiting tanong ko sa kanya. Gumalaw-galaw ang pakpak niya. "Ahh, that's why nagmadali kang umalis sa bote na ito para lang sa lugar na ito, 'no?" Natawa ako. Kahit kasi hindi ko naman alam kung nagsasalita ang paru-paro na ito pero bawat galaw ng mga pakpak niya parang nababasa ko ang ibig niyang sabihin. Kaya habang kasama ko siya feeling ko para akong timang kasi kinakausap ko siya na parang ewan. But I like it. Nagiging magaan ang pakiramdam ko kapag nasa tabi ko si Nixie. She's like my protector. She's my best friend... My guardian, my little sister. Lumipad si Nixie sa mga bulaklak. Hinabol ko naman siya habang masayang pinagmamasdan ang napagandang bulaklak sa meadow. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa sa gitna ng meadow na iyon. Ang ganda talaga. Parang ayoko ng umalis pa at doon na lang tumira. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD