"Good morning mahal ko," nakangiting bati ni Zed.
Umingos si Amythyst at unti-unting nagmulat ng mga mata. Napangiti siya nang maluwag habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng asawa. The feelings was still the same. Though, pitong taon na ang nakakalipas simula nang makilala niya si Amythyst. Ikinasal sila dalawang buwan ang lumipas nang magising siya sa mahabang pagtulog.
The ceremony was not so grand. Kakaunti lang ang dumalo at hindi lahat ng mga elementians ay nakidalo. Hindi lahat ng elementians sa Eleria ay alam ang pag-iisang dibdib nila ni Amythyst. That wasn't quite supposed to be kasi nga prinsepe din siya ng Eleria. Pero dahil hindi pa nalalaman ng buong mundo ang tungkol sa sekreto ni King Charles sa kanya. Hanggang ngayon, ay pamilya niya palang ang nakakaalam.
When the ceremony ended. Isang pangako ang binitawan niya kay Amythyst. Iyon ay pakakasalan niya ulit ito sa loob ng Academy kung saan iyon ang unang lugar ng kanilang pagkilala sa isa't isa.
That was his promise...
"Good Morning din... mahal ko," nakangiting sagot ni Amythyst sa inaantok na boses.
Bumaba ang tingin ni Amythyst. Just at the level of her heart, isang inosenteng bata ang nakatunghay ang mga mata sa mahal niya. Lalong gumuhit ang ngiti sa mga labi ng asawa. Kahit siya ay hindi niya maiwasan na hindi mapangiti lalo na nang ngumiti din ang kanilang anak.
Ah! That cute eyes smile na talagang minana ng anak niya kay Amythyst.
But the color of his daughter's eyes was just like him; Oceanic blue eyes.
"Good Morning Baby Xierra..." she kissed her forehead.
Gumalaw-galaw naman ang bibig ni Baby Xierra as if parang naggi-greet din ito sa kanila ng 'Good Morning'
Natawa na lamang silang dalawa sa kinilos ng anak nila. Anim na buwan na ang nakakalipas simula noong isilang ng asawa niya ang bata.
It was not easy for Amythyst to gave birth. Halatang nahirapan si Amythyst sa una pero himalang nairaos naman nito ang pagli-labor. Si Freya ang Tita nito- ang kapatid ng ama nito na si Master Morley ang nagpaanak sa asawa niya.
Xierra Aimee Deauville was her complete name. His little angel. Their priceless treasure.
And that day was her 6th months birthday.
"Good Morning!"
Napasinghap si Amythyst nang makita nito ang mga kaibigan sa pintuan.
Kinuha naman muna ni Zed si baby Xierra habang inistima ni Amythyst ang mga kaibigan nito. May dala itong mga regalo at mga pagkain na nakabalot sa container.
"Ang aga n'yo ah?" Sabi ni Amythyst matapos mayakap sina Rizza, Mark at Pink.
"Sus! Alas nuwebe na girl!" ani Rizza. Lumapit siya kay baby Xierra at binigyan ng gigil na gigil na halik ang bata. "Hi, baby Xierra. Ang cute-cute mo talaga. Sana maging kasing cute mo din ang magiging baby ko."
Hinimas nito ang tiyan at tumingin kay Mark.
"Sus! love... hindi 'yan magpapahuli ang anak natin 'no!" wika ni Mark saka niyakap sa baywang si Rizza.
Walong buwan na ang dinadala ni Rizza. At hindi na rin siya makapaghintay na makita ang anak nito.
Sunod na dumating ay sina Claire at Chan kasama ang anak na si Cleron.
Napuno ng tilian ang buong bahay. Kanya-kanyang yakapan ang ginawa ng mga magkakaibigan. Palibhasa kasi si Claire ay naninirahan sa palasyo sa Eleria kasama si Chan. Pero madalas, sa Trojan Academy ang mga ito pumipermi.
Trojan Academy was still their home for them. Hindi lang iyon basta-basta paaralan.
Sila naman ni Amythyst ay sa Eleria din pero malayo sa palasyo. Malapit sila sa portal papunta sa mga tao. Gusto nila iyon dahil minsan bumibisita din sila sa Mortal world. Binabalak na rin nilang magtayo ng bahay sa mundo ng mga tao para tuluyan ng maging tahimik ang buhay nila.
"Late na ba kami?" tanong ni Chan habang karga-karga ang anak na si Cleron.
Three days from now will be the 1st birthday of Claire and Chan's son.
"Sus! Saktong-sakto," nakipagbeso si Amythyst kay Claire at Chan.
"What's up bro!" sabi ni Chan sa kanya and do some bro hugs.
Hanggang ngayon wala pang alam si Chan na kapatid niya ito. Pero simula naman nang insidenteng iyon at maging tahimik ang lahat ay himalang nawala ang bigat na nararamdaman niya kay Chan at unti-unti kahit papaano ay natanggap niya rin ito bilang isang kapatid.
"Doing fine, kayo? kumusta?"
"Syempre ok na ok, lalo na kapag nakikita namin kayo na masaya at tahimik dito," sabi ni Claire.
Habang naghihintay na dumating ang iba pa nilang mga kaibigan. Lalong-lalo na ang mga spy member, ay nagkaroon ng oras na mag-usap-usap ang mga magkakaibigan.
"'Di ba sinabi ko sa'yo na mas special ang magiging regalo ko para kay baby Xierra?" panimula ni Pink habang pinapanood si baby Xierra sa loob ng baby crib kasama ni Cleron.
"Ah... ha? Ano 'yon?" excited na tanong ni Amythyst.
Mas lumawak ang ngiti ni Pink saka may kinuhang maliit na bote sa bulsa. Pinakita nito ang maliit na transparent na bote na may disenyo ang takip. Walang ibang laman ang bote kundi buhangin na kulay violet. Nangangalahati lang ang buhangin sa maliit na bote.
"Bote?!" sabay pang tanong ni Claire at Rizza.
"Ops! Don't judge the book by its cover," makahulugang pag-i-iling ni Pink.
Binuksan nito ang bote at inilagay ang laman sa palad nito. Kumikinang ang buhangin and as usual si Amythyst ay napapa-wow na naman nang makita ang tila puno ng mahikang buhangin.
And that's the usual thing, matagal na dito si Amythyst pero hindi parin ito nagsasawang humanga ng mga bagay na nasa paligid nito. Bagay na nagpahanga din kay Zed.
"Anong gagawin mo d'yan?" tanong ni Mark.
"You'll see. Actually, balak ko sana na sa isang taon na kaarawan ni baby Xierra, ibibigay ko ang regalo na ito pero dahil excited na rin ako. Eto na! Walang kukurap!"
Pink's hands moves gracefully. Tila may ginagawa siyang ritual, as her special ability was enchantment. After some seconds, she blew up the sands in the air. At mula doon ay tila nagtipon ang makikinang na buhangin ilang segundo ay naging isang napakagandang paru-paro.
Napasinghap si Amythyst.
Lumipad-lipad sa ere ang paru-paro. Sa bawat pagkampay ng mga pakpak nito ay lumalabas ang pino at glittery na buhangin mula sa mga pakpak nito.
"Wow! ang ganda..." bulalas ni Amythyst nang may paghanga.
Nagpatuloy sa paglipad ang paru-paro hanggang sa makapunta kay baby Xierra. Napangiti si Zed nang makita ang mga mata ni Xierra na tila nabibighani din sa ganda ng paru-paro na lumipad-lipad sa paligid nito.
Itinaas ni baby Xierra ang kamay nito at doo'y dumapo ang paru-paro.
"That butterfly will be her other half. Mananatiling buhay ang paru-paro na 'yan hangga't nabubuhay din si Xierra. Pareho sila ng magiging pakiramdam sa isa't isa. She's not just her pet, but also her guardian," nakangiting sambit ni Pink.
"Ang galing, Pink! Salamat!" kapagkuwa'y sambit ni Amythyst.
"Oo nga! Bigyan mo din ang anak ko ng ganyan ah?" wika ni Rizza na biglang na-excite.
"Ahh... sorry Riz. But that kind of gift was exclusively for baby Xierra. Iba na lang siguro ang ibibigay ko sa magiging baby mo."
"Ay ganoon?"
"How about... beauty?"
"Sige! Sige gusto ko 'yan!"
"Sus! Parang wala kang tiwala na hindi magiging attractive ang looks ng magiging anak natin ah?" sabad ni Mark. "Alam mo na syempre magmamana 'yan, sa atin. Lalong-lalo na sa akin."
"Nagyayabang ka na naman ba Mark?" sarkatikong tanong ni Amy kapakuwa'y tumawa.
"Ah? Slight?"
Nagtawanan ang lahat.
"Aww... tingnan niyo si Baby Cleron oh, shini-share niya ang laruan kay Baby Xierra."
Napatingin ang lahat sa dako ng dalawang bata na nasa baby crib.
"Mukhang magkakasundo ang dalawa kapag malaki na sila 'no?" tanong ni Amythyst.
"Yeah, kahit wala sa ability ko ang makakita ng future I can sense na magiging sila in the near future," Pink said while daydreaming.
"Yeah! Ang cute nila tingnan," pagsegunda naman ni Rizza.
"Well... that's not impossible," nakangiting sabi ni Chan.
Napatingin si Zed kay Chan saka ngumiti.
Yeah, its not impossible dahil adopted lang naman nila si Cleron.
"Nakakalungkot lang at hindi niya nakita ang totoo niyang ina," wika ni Rizza at saka umiling.
"Pupunuin naman namin siya ng pagmamahal kahit patay na ang nanay niya. Gagawin namin ang lahat para maramdaman niya na hindi naging iba ang turing namin sa kanya, 'di ba Claire?" ani Chan at inakbayan ang asawa.
Tumango si Claire. "'Yon ang pinangako ko sa nanay ni Cleron kaya tutuparin namin 'yon," nakangiting sambit naman ni Claire.
Ayon sa kwento ng dalawa sa kanila, ang tatay ni Cleron ay wala na rin inatake daw sa puso nang nangangahoy ito sa kakahuyan ng Eleria.
"Oh? Hindi pa ba tayo magsisimula? Mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan niyo ah?" si Master Morley ang nagsalita mula sa pintuan. Kasunod niya ang si Freya at ang dalawang spy na si Faye at Luiz kasama ang one year old na anak nito na si Kurt.
Mabilis naman na tumayo si Amythyst para yakapin ang Daddy nito. Sumunod naman siya. Ilang minuto ang lumipas at nagkakasiyahan na sa loob ng bahay ngunit si Amythyst ay nasa balkonahe parin. Nilapitan ni Zed ang asawa.
"Tara, magsisimula na tayo."
Nilingon siya ni Amythyst at ngumiti. "Sige na... mauna na kayo. May hinihintay pa ako."
"Sino naman?" tanong ni Zed.
Hinarap siya nito and looked directly unto his eyes.
"'Yong apat na royalties... si Jane a-at... si Dierra."
Hinawakan niya ang makabilang balikat nito.
"Amy... alam naman natin na simula noong graduation mo. Hindi na ulit bumibisita sina Ruby, at alam mo kung bakit."
At dahil iyon kay King Charles. Pinagbawalan nila ang apat na royalties na makipagkaibigan sa kanila. Hanggang ngayon sukdulan parin ang kasakiman ni King Charles. Lahat gusto nitong manipulahin at paikutin sa sariling mga kamay. And its all because of his throne. Na ni minsan ay hindi niya inasam na agawin. At alam niyang ganoon din si Amythyst. They both want to live in a peaceful living.
"At kung tungkol naman kay Jane, hindi na din natin siya nakita hindi ba? Hindi nga niya tinapos ang graduation party mo. She left without saying goodbye."
Isang sulat lang ang nakita nila sa silid ni Amythyst na nagsasabing pumunta sa malayo si Jane. Kung saan man ay walang nakakaalam.
"And... Dierra? You mean, the girl who lived in Helio? Ang kapatid ni Kaisser? Ang pinsan mo?" napailing si Zed, "I don't think pupunta 'yon dito."
Nakita niyang bahagyang napaisip si Amythyst kapagkuwa'y bumuntong hininga at tumingin sa kawalan.
"Akala ko Zed simula noong graduation day ko, magiging maayos na ang lahat. Magiging kumpleto ang mga kaibigan natin. Walang umalis... at walang pinagbabawalan."
"Amy... maayos naman tayo 'di ba? Iyon ang mas mahalaga. And if you're thinking with your other friends. Desisyon nila 'yon. It's their life... at yeah, mahirap pero, wala tayo sa lugar para manguna sa desisyon nila."
Napatingin si Amythyst sa mga mata niya. Pinipilit nitong sukatin ang tatag ng mga sinabi nito. Pinipilit nitong alamin ang mapait na katotohanan sa mga sinabi niya. Hanggang sa muli itong bumuntong hininga at tumango.
"Sad to say, but you're right."
"So... pwede na ba tayong pumasok?"
Tumango si Amythyst at ngumiti naman siya. Nauna siyang humakbang papasok bago muling nagsalita si Amy.
"Ah, Zed..."
Nilingon niya ito.
"Yes?"
Humakbang ito palapit sa kanya. Pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya para yakapin siya nang mahigpit. Bahagya siyang nagtaka sa kinilos ni Amythyst pero hindi niya na lang pinansin iyon at tumugon ng yakap sa asawa.
Inihilig ni Amythyst ang ulo sa dibdib niya kapagkuwa'y umangat ng tingin sa kanya.
"I love you..."
Bahagya siyang natigilan sa sinabi ng asawa. Kahit matagal na sila. Hindi niya parin maiwasan kiligin kapag nagsasabi ito ng I love you.
"Thank you, for loving me, for staying with me... sa lahat-lahat, kung gaano mo ako iniintindi at kahit dumaan tayo sa maraming pagsubok. You're still there for me."
Parang tumalon ang puso niya sa sinabi nito. Agad-agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.
"You don't have to say that, I will stay with you no matter what happen. Walang makakapagpahiwalay sa atin, Amythyst."
"Pero... paano kung dumating ang araw na... magkahiwalay tayong dalawa?"
Napangiti siya at umiling. "Hindi mangyayari 'yon."
"Zed... alam mo naman na hindi pa talaga maayos ang lahat. Paano kung dumating ang araw na... bumalik ulit si Haring Rio at kunin ulit nila ako para ipagpatuloy ang naudlot nilang kagustuhan na-"
"Ssh, Amy... It will never happen to you again."
"No Zed... ka-kasi baka-"
Diniininan niya ang pagkakahawak sa balikat nito. "Amy listen to me." Tiningnan siya nito sa mga mata. "I won't let those things happen again.
"Pero paano kung mangyari pa rin 'yon Zed? Paano kung makuha parin nila ako."
"I will find you. No matter how hard they build a wall for us, I will break it just to have you. No matter how far we gone in each other still... I will find you."
Matagal silang nagkatitigan.
Nawala ang lungkot sa mukha ni Amythyst sa sinabi niya.
Ginawaran niya ng magaan na halik ang asawa. "Shall we get in?"
Muling tumango si Amythyst at magkahawak sa baywang na pumasok ng bahay kung saan naroon ang malakas na tugtog at mga masasasayang halakhakan ng mga kaibigan at pamilya nila.
"Amy, Zed! Take a look at these," sabi ni Claire saka ipinakita ang cellphone sa kanila.
It is the pictures of their babies. Si Kurt, Xierra at Cleron sa sofa.
"Wow! Ang cute naman!" sambit ni Amythyst.
"'Di ba? Ang cute-cute nila! Bigla tuloy ako nagkaroon ng idea na pagawan ng malaking portrait ang picture na ito. Ano sa tingin niyo?" excited na sabi ni Claire.
"Good Idea! Gawan mo na rin kami para maisabit ko dito sa dingding."
"Oy! Kami rin ah!" pahabol ni Luiz.
"Sus! Papahuli ko ba naman kayo."
Nauwi ang celebration sa kwentuhan.
Matagal-tagal din kasing hindi nakita ni Amythyst ang mga kaibigan nito. Parang kailan lang ang nangyari na mga estudyante lang sila ng Trojan Academy. Ngayon, ay bumubuo na sila ng sari-sarili nilang pamilya.
Alas singko na nang hapon natapos ang celebration sa bahay nina Zed. Huling umalis sa bahay nila ay ang Ina niya kasama si Master Morley at si Freya.
"Paano ba 'yan, maiwan na namin kayo. Bibisita na lang kami kapag may oras kami," paalam ni Master Morley.
"Ako naman... bibisitahin ko muna saglit ang bahay at bukas babalik din ako," sambit naman ng Ina niya na si Morphene.
"Sige po," sabay pa nilang sabi. Niyakap ni Amythyst ang Ama at Tita nito.
"Ingat kayo dito ah?"
Tumango sila. Makalipas ang ilang sandali ay muling binalot ng katahimikan ang pamamahay nila.
Hinapit niya ang baywang ng asawa. "Mukhang masosolo kita ngayon ah?" Nakangiting sabi niya saka kinindatan si Amy.
Halatang kinilig naman si Amy sa sinabi niya. Pero napaaray siya nang bigla nitong kinurot ang sikmura niya.
"Solo ka diyan, may anak na tayo 'no! At saka pagod ako. Gusto kong umidlip."
"Sige... tapos paggising mo saka natin ipagpapatuloy ito." aniya habang hinihimas ang taas-baba ang baywang ng asawa.
Napahagikhik si Amy. "Loko ka talaga Zed, basta gisingin mo na lang ako mamayang 8 ako na ang magluluto."
"No, ako na... you have to reserve your energy for me." Muli siyang kumindat at muli naman siyang siniko ni Amythyst sa sikmura. Umilag naman siya saka nauwi sa hagikhikan.
Ilang minuto ang lumipas ay unti-unting sinara ni Zed ang kwarto kung saan mahimbing na natutulog sa kama si Amy at baby Xierra.
He took a deep breath with a smile. He felt free and contented. Wala na siyang mahihiling pa.
Dumeritso si Zed sa kusina para magsimulang magluto. Habang hinahanda ang niluluto ay napatigil siya.
He narrowed his eyes as he sense the familiar energy around.
He looked around and then his eyes stopped just outside the window na nasa tapat niya lang mismo.
Mas lalong naningkit ang mga mata niya para kilalanin ang pamilyar na pigura mula sa hindi kalayuan.
He frowned. "Sapphire?"
Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang babaeng royalty na kaibigan ni Ruby.
Napatingin siya sa kwarto ng mag-ina niya bago nagpasyang lumabas para lumapit babaeng royalty na kayang magkontrol ng kapangyarihan ng tubig. Hindi niya alam kung bakit lumabas siya para lang lapitan ito. O dahil may nasi-sense siyang kakaiba dito na dapat niyang alamin sa mga oras na iyon.
"Oh? Sapphire? Ba't ngayon ka lang? Nagsialis na ang mga bis-
"Zed!" May pag-aalalang sabi ni Sapphire nang makalapit siya. "Umalis na kayo dito."
"A-ano?"
Hinawakan nito ang braso niya. Her hands were trembling.
"Please! Nasa panganib ang pamilya mo! Lalong-lalo na si Amy at ang anak niyo!" kitang-kita niya ang takot sa mukha nito.
"T-teka... a-anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan!"
"Zed, wala na kayong oras! Papunta dito ang mga kawal at-"
Napatigil si Sapphire sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata. Ilang sandali ay lumamlam iyon. Kasunod nang paghina ng tuhod nito.
Sinalo ni Zed ang katawan nito. Tiningnan niya ito sa mukha at doo'y napasinghap nang lumabas sa bibig nito ang sariwang dugo.
"S-Sapphire!"
Mula sa kung saan ay may nakapa siyang bagay mula sa likod nito. Tiningnan niya iyon at doon nakita ang ang nakabaon na palaso. Tuluyan siyang napasinghap.
"Sapphire!" Tuluyan niyang inalog ang katawan nito para hindi matulog. "G-Gamutin kita."
Ngunit pinigilan nito ang kamay niya.
"Wala ng oras Zed. S-Si... King Charles... S-"
Tuluyang itong napapikit nang muling tumusok ang isa pang palaso sa likod nito.
Napalinga-linga si Zed at halos hindi malaman ang unang gagawin. Hindi niya inaasahan iyon at wala siyang ideya sa mga nangyayari.
May naramdaman siyang kakaiba sa likuran niya pero bago pa man niya makalingon ay isang matigas na bagay ang tumama sa batok niya. Napasubsob si Zed sa lupa at nawalan ng malay.
***
Naimulat ni Amythyst ang mga mata niya nang may marinig na kaluskos sa labas ng bahay nila.
She frowned. Pero nanatili siyang nakahiga. Pinipilit na pakiramdaman ang kaluskos sa labas. Ilang sandali ay naningkit ang mga mata niya nang may marinig na nagmamadaling yabag ilang metro mula sa bahay niya.
Hindi nagdalawang isip na bumangon si Amy. Inilibot niya ang mga mata. Tumigil lang ang mga iyon sa anak niya na mahimbing na natutulog sa baby crib.
Nilapitan niya ito saka hinaplos ang malambot na mukha. Napangiti siya, hindi siya makapaniwala na makakapagluwal siya ng ganitong kagandang sanggol.
Inayos niya ang kumot sa katawan ng anak at hinalikan sa noo. Saka lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina. Ini-expect niya na nandoon si Zed at nagluluto ng masarap na hapunan. Pero nang makarating siya sa kusina ay wala doon ang asawa.
Hinanap niya ito sa sofa at bakuran. Ngunit, hindi niya nakita si Zed. Tuluyan ng kinabahan si Amythyst.
Bigla siyang napalingon siya sa kakahuyan. Para kasing may anino na dumaan mula doon.
"Zed?"
Lumabas si Amythyst ng bahay. Humakbang siya palapit sa kakahuyan. Palinga-linga siya sa paligid at hinanda ang sarili sa maaaring mangyari sa kanya.
"Amy!" sigaw na narinig niya sa hindi kalayuan.
Tinamaan siya ng kaba. "Zed?!"
Hindi siya nagdalawang-isip na tumakbo papasok sa madilim na kakahuyan. Takot at kaba ang unti-unting bumalot sa puso ni Amythyst.
Napatigil siya nang akmang muling uundayan si Zed ng saksak ng hindi kilalang nilalang.
"Zed!"
Hindi siya nagdalawang isip na pakawalan ang kapangyarihan niya. Tumumba naman ng walang kahirap-hirap ang lalaking nakadamit na itim.
Mabilis pa sa segundo na lumapit siya kay Zed na naliligo na ng dugo.
"Z-Zed!" Nanginginig ang buong katawan niya habang pilit kinakanlong ito.
Pa-isa-isang paghinga ang ginawa ni Zed habang bumubulwak na rin sa bibig nito ang sariwang dugo.
"A-Amy... Amy..." Paulit-ulit na sambit nito sa pangalan niya. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito. Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang mukha niyang basa na ng luha. "Ang anak natin... alagaan mo siya."
Impit na napahagulhol si Amy at mabilis na umiling.
"Hindi! A-aalagaan natin si Xierra. Tayong dalawa ang magpapalaki sa kanya. G-Gamutin kita."
Mariing hinawakan nito ang kamay niya para pigilan.
"Amy... mahal na mahal kita. Tandaan mo 'yan."
"Zed! Ano bang sinasabi mo! Hindi mo ako iiwan 'di ba? Hindi 'di ba...?"
Inalis niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito at itinapat sa sugat nito.
"Just hold on... please Zed, hold on..." sabi niya sa garalgal na boses.
Umiling si Zed. "Its too late."
Unti-unting lumamlam ang mga mata ni Zed. Kasunod niyon ang paghina nang t***k ng puso nito.
"No...! No no, Zed!" sigaw niya. "Hindi ka mawawala, h-hindi ka mamatay!"
Lumamlam ang mga mata ni Zed kasabay ng pagbagsak ng kamay nito nakahawak sa balikat niya.
"Zed!!" sigaw niya paulit-ulit na yinuyogyog ang katawan ng asawa.
Napatigil siya sa pag-iyak nang may marinig na pagsabog. Nasundan niya ng tingin ang tunog na iyon lalo na nang biglang sumiklab ang napakalakas na apoy na nagmumula sa bahay nila!
Napatulala siya nang makita ang makapal na apoy mula sa bahay mula sa kinauupuan niya.
Nasusunog ang bahay nila. Nilalamon ng malakas na apoy ang bahay nila. At naroon sa kwarto ang anak niya!
Sa ideyang iyon saka lang palang natauhan si Amythyst. Napasinghap siya at mabilis na tumakbo papunta sa bahay nila.
"Xierra!"
Itinaas niya ang kamay niya para pakawalan ang elemento ng tubig at mapuksa ang apoy.
Ngunit napigilan niya ang sarili nang makita ang isang itim na pigura mula sa bintana sa loob ng bahay nila. Nilalamon na ito ng apoy ngunit sadyang hindi nasusunog. At ang mas lalong nagpakaba sa kanya sa matinding takot ay kalong-kalong ng pigurang iyon ang anak niya!
"X-Xierra!"
Hahakbang sana siya palapit nang biglang makita niya kisame ng bahay na bumagsak sa mismong kinatatayuan ng pigurang iyon.
"Anak!" malakas na sigaw ni Amythyst. Itinaas niya ang kamay niya para puksain ang apoy ngunit sadyang malakas ito.
Unti-unting napaluhod sa lupa si Amythyst habang panay ang agos ng luha sa mga mata niya. Nanghihina na siya.
Dahil sa matinding kaba at takot. Pati na rin ang isang malaking katanungan na bumagabag sa isip niya ay parang umikot ang paligid niya hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.
***