Chapter 3

2005 Words
DIERRA "Oh? Saan kayo galing at ngayon lang kayo?" tanong ko agad kay Xia nang makauwi siya ng bahay kasama ang paru-paro niya. "You'll never imagine where Nixie go, Mom. Ang ganda ng pinuntahan niya!" masayang balita ni Xia. Ang ganda ng ngiti niya. Halatang nasiyahan talaga siya sa napuntahan. "Talaga? Saan?" nakangiting tanong ko. Nakakahawa kasi ang ngiti ni Xia. "Medyo may distansya po dito eh. Feeling ko nga nakalabas na kami sa portal. Pero grabe! Ang daming bulaklak. Ang lawak ng meadow, super green ang grass at feeling ko bigla akong dinala ni Nixie sa isang napakagandang paraiso." Meadow?... Paraiso? Isa lang kasi ang ang lugar na alam kong may ganoon. Boundary 'yon ng Eleria at gubat na sakop ng mga tao. Sa may gawing silangan iyon ng kagubatan na ito. Bihira iyon mapuntahan at dalawang tao lang ang alam kong nagbabalik-balik sa lugar na 'yon. Kasi sila man ay talagang nabighani sa ganda niyon. "Meaning sa mundo ng mga tao?" Tanong ko. Hindi ko mapigilan kabahan kung 'yon nga ang lugar na napuntahan niya. "Parang ganoon na nga," she answered. "Bakit? Alam mo ba ang lugar na 'yon Mom?" "Ahm," mabilis akong umiling. "hindi. Medyo nabigla lang ako kasi w-wala pa akong nakikitang ganoon dito." Pagsisinungaling ko. "Don't worry Mom, if hindi kayo busy sasamahan ko kayong pumunta doon." "Well..." wika ko at hinawakan siya sa balikat. "Matagal pa 'yon. Kasi simula bukas kailangan mo ng magsanay dito." "Magsanay? Meaning 'yong humawak ng mga armor and self defenses? Nagawa ko na 'yon 'di ba? Lagi na akong nagsasanay 'non ng nasa Manila palang tayo." "Yeah, but that's not enough," deretsong wika ko. Natigilan siya at napatingin sa akin ng deretso. I snapped back saka napabuntong hininga na lamang. Hinawakan ko ang balikat ni Xia. "Anak, sa mundong ito hindi lang kapangyarihan ang pinapairal. Kailangan marunong kang makipaglaban. Marunong depensahan ang sarili. And... sometimes, even if you don't have magic kaya mong talunin ang kalaban mo sa pamamagitan ng pakikipaglaban with bow and arrow, sword or just a dagger in your hand." "I understand you, Mom..." Ngumiti ako at niyakap siya nang mahigpit. "Hey, you two! Tama na ang drama at baka mapanis na ang nakahain sa lamesa," tawag ni Tita Esther sa amin. "Tara na 'nak?" Nakangiting tumango si Xia. "Pero, Mom kapag may time na tayo pupunta tayo sa napuntahan namin ni Nixie ah?" Napangiti ako nang maluwag. "Oo naman, gusto ko rin makita 'yon." Muli kong nakita ang kislap sa mga mata ni Xia. Ang cute lang kasi ang bilis lang mawala ang tampo niya sa akin. Nauna na siyang pumunta lamesa para kumain. Pasimpleng nilapitan ko si Tita Esther. "Tita, maihanda mo na po ba ang iinumin niya?" bulong ko sa kanya. "Already, Madam," pagka-sarkastikong bulong niya sa akin. "Nakahalo na sa tubig na iinumin niya." Tumingin ako sa baso na nasa tabi kinakainan ni Xia. Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Ngumiti ako at tumingin kay Tita Esther. "Thank you." "Oh? Nag-thank you? Himala ah?" Natatawang sabi niya. "Tss! Ano naman ang akala mo sa akin Tita, para hindi ako mag-thank you sa'yo," pag-iirap ko sa kanya. "Sa totoo lang, ngayon ka lang talaga nag-thank you sa akin sa tuwing pinapainom ko ng block potion si Xia kada-taon." "Huwag mo na lang pansinin 'yon kung ayaw mo ng thank you ko." "Mom, Tita, kakain na tayo," tawag ni Xia. "Ah, oo, nandito na." Sabay kaming pumunta sa kusina ni Tita Esther. Habang kumakain ay pasimpleng tinitingnan ko si Xia. Sana kagaya parin ng dati ang epekto ng potion. Sana sa pagpasok namin sa mundong ito walang magbabago sa kakayahan niya. Sana talaga... sana... ***** XIA "Hay!" Pabagsak na naupo ako sa luntian na grass field ilang agwat ang layo mula sa bahay ni Tita Esther. Plain grass at may mangilan-ngilan na puno ang naroon. Walang bulaklak na gaya ng napuntahan namin, pero sariwa din ang hangin doon at ma-rerelax ka din sa ganda ng bundok na natatanaw ko mula sa kinauupuan ko. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa grass na inuupuan ko at napatingala sa langit. Ang ganda ng formation ng clouds, pinong-pino. Parang na-imagine ko tuloy bigla ang sarili ko na humihiga sa pinong ulap na nakikita ko. Parang sa isang iglap nawala ang pagod ko mula sa pagsasanay. Mula sa pagtitig ko sa kulay asul na langit ay lumipad-lipad sa ere si Nixie. Palapit siya sa mukha ko. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya. Ang ganda niya talaga. Siguro kung isang tao lang ito pwedeng maging crush ko ang paro-parong ito eh. Napahagikhik ako nang tumigil siya sa tungki ng ilong ko. Inilapit ko ang hintuturo ko para doon siya lumipat. Umayos ako nang upo at tinitigan siya. "Mabuti ka pa palipad-lipad lang sa ere. Kung saan-saan ka nadadala ng pakpak mo. Samantalang ako, nandito lang sa bahay kakain, magsasanay at matutulog." Gumalaw-galaw ang pakpak niya. "Oo na, aaminin ko. Nababagot na ako. Eh, ilang linggo na rin kaya akong nagsasanay. Buti pa sa Manila kahit papaano nakakakausap ko mga kaibigan ko." Kahit pa kasi may computer, may cellphone sa bahay, iba parin 'yong personal mo silang makakausap. "Ano kaya kung samahan mo ako sa meadow na napuntahan natin? Matagal na rin noong unang makita ko 'yon. Gusto ko ulit makapunta doon." Mabilis na gumalaw ang pakpak niya. Kaya akala ko ay aalis siya sa hintuturo ko pero hindi niya ginawa. Napasimangot ako. "Bakit? Ayaw mo ba akong samahan?" Lumipad siya at lumipat sa palaso na nasa tabi ko. Napataas ako ng kilay at kinuha ulit siya mula sa doon. "Ahh... iniisip mo na mapapagalitan ako ni Mommy kasi dapat nagsasanay ako?" Gumalaw ang pakpak niya. Sabi ko nga naiintindihan ko ang kilos niya kahit hindi siya nagsasalita. "Wala si Mommy! May binili sa labas ng Eleria. Mga personal needs namin, si Tita Esther lang nasa bahay. Kaya please... samahan mo ako." Hindi muna gumalaw si Nixie. Feeling ko pinag-iisipan pa niya ang gusto ko. "Nixie!" kunwa'y untag ko sa kanya. "Mabilis lang tayo. Hindi tayo magtatagal." Gumalaw ng mabilis ang pakpak sa sinabi ko at lumipad-lipad sa ere. Tumayo naman agad ako at sinakbit ang palaso sa likuran ko saka maluwag ang mga ngiti na sinundan si Nixie. 'Yon lang naman pala ang magic words na gusto niyang marinig para samahan akong mamasyal. "Nixie! Teka, hintayin mo ako. Ang bilis mo eh," pagrereklamo ko habang naglalakad kami sa masukal na gubat. Ilang sandali ay napatigil ako sa gitna ng madilim na kagubatan. Naigala ko ang paningin ko. "Parang..." tiningala ko ang bawat puno na naroon para alamin kung gaano iyon kataas. Puno ng tuyong dahon ang paligid halos hindi na nasisikatan ng araw ang lupa dahil sa mataas at mayayabong na dahon ng mga punongkahoy. "Parang, hindi naman ito ang daan na dinaanan natin dati ah?" Hinanap ko si Nixie. Malayo na ang agwat niya sa akin. Kaya kahit nalilito ay wala akong ibang nagawa kundi ang sundan na lamang siya. Nang makalapit ako sa kanya ay saka ako nagsalita ulit. "Nixie, sigurado ka ba na dito 'yong meadow na sinasabi ko sa'yo? Parang..." Lumipad-lipad siya sa mukha ko. "Nixie nakikinig ka ba?" Sa totoo lang minsan naiinis na rin ako sa sarili ko kasi alam kong hindi naman nagsasalita si Nixie pero daldal parin ako ng daldal. Nang umalis siya sa mukha ko ay sinundan ko siya ng tingin. Susundan ko sana siya ng makita kong nakatayo ako sa isang maliit na burol. Mapapangiti na sana ako kasi alam kong meadow na ang nasa harapan ko pero... wala akong nakitang bulaklak. Sa halip ay isang malawak na field na maraming puno ang nakita ko. Napakunot-noo ako nang makita ang nasa gitnang bahagi. Parang... isang malaking gate ang nakikita ng mga mata ko. Tumingkayad ako para tingnan ng maigi iyon. Kaso hindi ko pa makita kasi matataas din ang mga puno na naroon. At hindi naman ganoon kataas ang kinatatayuan ko. Lumapit ako sa puno na nasa tabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa malaking gate. Lalo pa sa unahan niyon ay isang malaking bahay ang nakikita ko. Teka... bahay nga ba 'yon? Ba't ang laki naman ata. Parang isang... palasyo! Tama! Parang palasyo nga! Inangat ko ang paa ko sa puno at umakyat doon. Gusto ko talagang makita ang kabuuan ng malapalasyong bahay na iyon. Nakarating ako sa unang sanga ng puno. Pagapang na niyakap ko ang sanga ng puno at kumapit sa isa pang sanga saka unti-unting tumayo. Muli kong itinuon ang mga mata ko sa mala-palasyong bahay. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. At umawang ang bibig ko. "Wow...!" Totoo ba ito? Ano 'to? I-I mean... anong klaseng bahay 'to? Ba't parang ang ganda? Hindi lang maganda... sobrang ganda! Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang ganda ng loob ng gate. Sobrang green ang grass. Well trimmed ang mga halaman na naroon at hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko, kasi... kumikinang sa ganda ang palasyo. Hindi ko maipaliwanag sa salitang maganda ang nakikita ko. At ewan ko ba pero... kakaiba ang pakiramdam ko. Sobrang kakaiba. Parang hinahatak ako na pumasok sa mala-palasyong bahay na 'yon. "Ganyan ba talaga kaganda sa paningin mo ang Trojan Academy?" Napatingala para tingnan kung sino ang nagsalita. Awtomatikong kumunot ang noo ko. Isang lalaki ang preskong-presko na nakahiga sa sanga. Nagawa pang itukod ang kamay niya sa ulo niya. Kung titingnan halos kasing-edad ko lang siya. At... gwapo ah? Wait! Sinabi ko ba 'yon? Maluwag na ngiti ang pinakawalan niya. At tinitigan ako ng makarisma niyang mga mata. "Hi..." Sa sinabi niyang iyon ay napaatras ako. Pero dapat pala hindi ko iyon ginawa kasi nasa itaas ako ng puno at nakatuntong lang ako sa sanga. Napasigaw ako nang maramdaman na nahuhulog na pala ako. Napapikit ako. Pero bigla akong napatigil nang may matitigas na bisig na sumalo sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay 'yong lalaki na naman na nasa puno kanina ang nakita ko. Natitigan ko siya. What the hell! Paano siya nakababa ng ganoon kabilis? Multo ba 'to o ano? Nang muli siyang ngumiti ay agad naman akong natauhan at nagpumilit na bumaba kahit na hawak-hawak niya pa ako na parang bagong kasal. Napaupo tuloy ako sa kagustuhan na makaalis agad sa mga bisig niya. "Oh teka, dahan-dahan," aniya at hinawakan ako sa kamay. Pero napa-aray ako. Doon ko lang napansin na nagalusan pala ako. "Oh, s-sorry," paumanhin niya at pilit na hinahawakan ang kamay ko. Agad ko naman inalis ang kamay ko sa kanya. "Kasalanan mo 'to! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot kung saan," singhal ko sa gwapong lalaki. "Kasalanan? What do you mean?" Kibit-balikat na tanong niya. "Haler! Muntik na akong bumagsak sa lupa!" Hinipan ko ang galos ko. "'Yan tuloy nasugatan ako," naiiyak na mutawi ko sa mahinang boses. Lumapit siya sa akin inilapit ang mukha sa mukha ko. Awtomatikong umatras naman ang ulo ko at tinitigan siya. Ngumiti siya habang nakapamulsa sa pantalon na... ano ang suot niya uniform ng isang estudyante? "Kaya nga kita sinalo 'di ba? Miss Pretty Blue Eyes." Awtomatikong uminit ang mukha ko sa sinabi niya. "Kinilig ka 'no?" "A-ano?" Ewan ko ba, nabingi talaga ako. "Nagba-blushed ka kasi." Ngumiti siya. This time 'yong litaw na litaw na ang mapuputi niyang ngipin. Nang-aasar ba ang mokong na 'to? Mabilis na umiwas ako ng tingin. "E-Ewan ko sa'yo! M-maghanap nga ka ng kausap mo." Tinalikuran ko siya at saka naglakad paalis. "Miss Pretty Blue Eyes!" Nilingon ko siya. s**t! Ba't ba nilingon ko pa siya! "Cleron nga pala." Kumindat siya. Muling uminit ang mukha ko. Pero mas pinili ko siyang irapan kaysa ngitian. Sino ba 'yon? Ba't nandoon 'yon? Napailing ako. Tss, ba't ko naman iniisip ang lalaking 'yon. Mabibilis ang mga hakbang na bumaba ako sa burol. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD