ELY
“MA’AM, nandito na tayo,” usal ng driver nang magpark ito sa building ng unit ko.
Napangiti naman ako sa kan’ya bago tumingin sa labas.
“Dito na lang ako, kuya,” usal ko sabay bukas ng pintuan na siyang sinundan naman niya.
Kinuha nito ang gamit ko na nilagay niya sa trunk ng kotse habang ako naman ay kumuha ng pera para ibayad sa kan’ya.
Nang nakita kong nailabas na niya ang lahat ay mabilis akong lumapit at ibinigay ang bayad sa kan’ya.
“Hindi na kita hahatid sa unit mo, ma’am ha. Kaya mo naman itong maleta mo,” usal nito.
Alam kong may kakaiba sa tono ng pananalita nito kaya naman ang nakangiti kong mga labi ay naging pantay na linya dahil sa mga sinabi niya.
“Kaya ko na po yan,” usal ko at mabilis na kinuha ang maleta ko sa kan’ya dahil nakakahiya naman at baka pati buong pagkatao ko ay husgahan na niya.
Napataas ang kilay ko nang bilangin nito ang perang ibinigay ko sa kan’ya bago tumingin sa akin at ngumisi.
“Salamat sa tip, ma’am. Akala ko wala kang ibibigay e, medyo malaki ka pa naman,” usal niya.
Hindi ko napigilang mapasalita dahil sa mga sinabi niya.
“Wala iyon, kuya. Next time sana hindi na ikaw ang masakyan ko, wala po kayong respeto,” saad ko at mabilis siyang tinalikuran habang hila ang dalawang maleta ko.
Lagi ko naman iyong naririnig pero naiinis pa rin ako dahil bakit kailangan pa nilang sabihin iyon. Aware ako na malaki ako kaya hindi na nila dapat pang sabihin iyon sa akin.
I love myself kaya wala silang magagawa sa akin.
Narinig ko pa itong nagsalita sa likod ko pero hindi ko na siya pinansin dahil wala na akong pakialam sa kan’ya.
Nang makapasok ako sa labi ng building ng unit ko, agad akong hinananpan ng identification nito pati na susi ng unit ko.
Isang ngiti naman ang sumilay sa guard na nandoon.
"Welcome po, ma'am. Secured po ang lugar at kapag may bisita po kayo na darating ay tatawagan ko po kayo para makumpirma kung bisita po talaga ninyo," usal nito na ikinangiti ko.
"Maraming salamat po," I told him before bowing my head.
I always bow my head to show some respect to the elderly or those people who deserve this.
Matapos kong makipag-usap sa kan'ya ay agad na rin akong lumakad papunta sa elevator, gusto pa nga ako nitong tulungan sa mga dala ko dahil mukha raw mabigat pero I insist na kaya ko naman lalo pa at wala rin naman siyang kasama sa pwesto niya.
I immediately push the elevator button to the 5th floor where my unit is.
Sa 5th floor ay may anim na unit at nasa dulong parte ang akin, hindi talaga totally dulo dahil may nakakuha na raw non kaya ang unit ko ay bago magdulo. Sabi noong agent na kausap ko about dito ay tatlo palang raw kaming nakakakuha ng 5th floor.
Hindi ko pa nakikita ang kapitbahay ko dahil tuwing pupunta naman ako dito ay walang tao.
Nang makarating ako sa 5th floor ay agad akong lumabas at muntikan pa ngang maipit ang isang maleta ko dahil sa bigat at hindi ko nahila ng maayos, mabigat naman kasi talaga pero syempre strong independent woman ako e.
Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko nang marating ko ang pintuan ng unit ko.
Marahan kong binitawan ang mga maleta ko para mahanap ang susi ko na inilabas ko lang kanina, doon ko lang naalala na hindi pala na ibalik sa akin ni kuya guard ang susi ko!
Tinignan ko muna ang maleta ko bago ako tingnan ang mga katabing unit ko.
"Mukha namang walang tao," mahinang usal ko sa sarili ko.
Tipid akong ngumiti at mabilis na tumakbo papunta ng elevator.
Mabilis kong pinindot ang lobby button para makapunta sa ibaba at kunin ang susi ko.
"NAKU! pasensya na, hindi ko pala naibalik sa iyo. Naiwan mo pa ang mga gamit mo doon," usal ng guard sa akin nang makababa ako at hingin ang susi ko sa kan'ya.
"Ayos lang ho! Mukha naman pong walang tao ngayon doon sa floor ko. Sige na po, maraming salamat po ulit," saad ko.
Muli na lamang akong ngumiti sa kan'ya bago nagpaalam at mabilis na bumalik sa floor ko.
Nang makarating ako ay bahagya naman napataas ang kilay ko nang makita ko ang isang lalaking sinisipa ang mga maleta ko! Para siyang diring-diri na hinahawakan ito!
Pakiramdam ko ay siya ang nakatira sa dulong unit dahil nakapang-alis pa ito at mukhang papasok pa lang ng unit niya. Baka galing sa trabaho since hapon na din naman.
"Who the hell left this luggage?" mahina at iritableng usal nito. "Masyadong burara," habol pa niya na nagtunog slang ang tagalog.
Alam ko namang mali ang iwan ko ang gamit ko doon kaya naman imbes na mainis ay mas pinili kong huminga ng malalim at humingi ng paumanhin.
Marahan akong naglakad papalapit sa lalaking hinahawi pa din ang gamit ko.
“Excuse me ho! Baka ho okay na iyong daanan ninyo, pwede mo nang binatawan yung maleta ko,” marahang saad ko.
Agad naman niyang ginawa iyon bago lumingon sa akin.
He immediately raised his thick eyebrows that complimented his almond shaped eyes when he saw me.
“Are you the owner of this huge luggage?” he asked.
I didn’t hesitate to nod my head because I’m the owner of those luggage.
“Yes, that’s mine. I’m sorry–”
I stopped my statement when I heard his insulting laugh! Based on his laugh– he is mocking and insulting me.
“No wonder it’s huge,” saad niya at walang pag-aalinlangan sa mula paa paakyat sa katawan ko at nahinto ito sa mukha ko.
My apologetic look turns into a stoic expression. Earlier, I wanted to say sorry for what I did because I know it’s my fault but now! Looking at his judgemental face, I want to crush it! I want to step on it!
“Grabe ho, ‘no? Najudge na ho ninyo ako dahil lang sa maleta ko. Kayo ho talaga ang dahilan kaya maraming toxic sa lipunan,” usal ko at mabilis na kinuha ang gamit ko na nasa tapat niya.
Mabilis ko itong tinalikuran at hindi pinansin ang pagtawa muli niya. Mabilis akong humarap sa pintuan ko at agad na inilagay ang susi ko!
“Excuse me, fatty. I didn’t judge you, I have proof that you are huge, look at you,” natatawang usal nito na ikinatigil ko sa ginagawa ko. “Besides, it’s your fault. You are the one who left those luggage here– in front of my door! So what do you expect me to do? Throw a party while your luggage is in my doorway?” sarkastiko nitong usal na ikinainit ng ulo ko lalo.
Humarap ako sa kan’ya na sobrang iritable ang mukha.
“What’s so big deal about my f*cking huge luggage?! You can set it on my side and go inside to your unit! Sana iyon ang ginawa mo at hindi iyong ang dami mo pang sinabi!” angil ko sa kan’ya.
Nag-iba naman ang ekspresyon ang mukha nito at agad na naningkit ang mata.
“You don’t know me, don’t you?” tanong niya.
“Bakit? Sino ka ba? Anak ka ba ng presidente? Kamag-anak ng may-ari ng building na ito? Vice president? Chairman? Dean ng school ko noon? O baka naman ikaw si kamatayan? Pwes, kung ikaw man iyon ay wala akong balak na magpakuha sa iyo! Hindi pa ako sawa sa buhay ko!” usal ko dito na ikinatigil niya bahagya.
Naging dahilan ko iyon para kuhain kong muli ang mga bagahe ko at ipasok sa loob ng unit ko isa-isa.
“You should say sorry to me!” usal niya nang makabawi niya at nakita akong isasara ko na ang pinto ng unit ko.
“Magsorry ka sa pw*t mo!” singhal ko sa kan’ya at malakas na sinara ang ko.
Nakarinig pa ako ng ilang mga katok at pagtawag sa pintuan ko pero hindi ko iyon pinansin.
I don’t have any accountability to him! I already said sorry to him because of my irresponsibility on my luggage.
Siya na nga dapat ang humingi ng sorry dahil nang body shame siya porke ba halata sa suot niya ang ganda ng katawan niya. Hindi porke malaki ako ay gagawin na niya sa akin ang gusto niyang panlalait!
Mabilis akong lumakad papunta sa couch ko at agad na ibinaba ang backpack ko at kinuha ang laptop ko.
Agad akong sumalampak sa sahig at binuksan iyon.
I want to write on my blog! Gusto kong isulat ang mga nangyari sa akin ngayon sa dalawang taong judgemental na nameet ko! At syempre gusto ko ishare ang ginawa ni kuya guard sa akin.
The moment na bumukas ang laptop ko, agad akong nagpunta sa website blog ko at huminga ng malalim, kinuha ko ang salamin ko sa mata at mabilis na nagtipa sa keyboard ng laptop ko.
‘Hi, fellas! How are you today? I hope you are in good shape and enjoying your day.
I’m in my new house now. The building is very secure and private. I met the guard at our lobby. He is kind and thoughtful. Even though he saw that I carried my luggage on my own, he still tries to offer me a hand but of course, I insisted that I can do it by myself since he is the only one in his post.
If people are like kuya guard, maybe our world will be healing soon but of course it’s not! There’s still a lot of people who will mock and insult us (plus size people) like the two people I met also today.
First is the driver of the car I rented to drop me here at my building, I didn’t do anything to him. I also gave him a tip because of his smooth style driving but at the end of our trip, he still mocked me because of my size. And the second one is my arrogant neighbor! He is the most arrogant person that I have ever met!
But at the end of the day, even if there are those people who are not treating us (plus size) normally, always remember that there are still people who are nice and kind. We should still be thankful that they are treating us nicely.
We can’t hold the mind of toxic people but who cares! We can slap them with confidence!
So, that’s all! Thank you for reading this simple blog of mine! Just always remember…
Love yourself!
Ciao!
- simplyE’
After I wrote my blog, I’m now calm and I can now do the unpacking of my things.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang papasok ang mga gamit ko. Dinala ko agad iyon sa kwarto ko at napangiti ako dahil pakiramdam ko talaga ay umpisa na ito ng bagong buhay ko. This is so nice!
------------------------------