ELY
"CONGRATULATIONS, Ely!" malakas na sigaw ng isa sa mga kaklase ko na siyang kumukuha ng litrato ko.
Siya na lang kasi ang pinaghawak ko ng cellphone ko dahil wala naman akong kasama.
Do you believe, I graduated with latin honor today but I don't have any family or relatives who attended.
I told them naman about this but since they are not really interested in my study, they ignore that information.
Well, I don't care naman kung pupunta sila o hindi. But to respect them, sinabi ko na lang din kahit pa sila naman ay walang respeto sa akin.
"Ely, congratulations ulti ha! Eto na phone mo. Punta na ako kila Mama," usal nito habang inaabot ang phone ko sa akin.
Nakangiti ko naman iyong kinuha at nagpasalamat sa kan'ya. Medyo humingi na din ako ng pumanhin dahil sa abalang naibigay ko.
Mabilis akong ngumiti nang makita ko ang mga litrato na kinuha nito sa akin.
"You did a great job, Ely. You make yourself proud," usal ko habang inililipat ang mga litrato.
Umangat ang ulo ko nang makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.
Nakita ko ang mga kaklase ko na kahit paano ay mga naging close ko.
Nakangiti lamang akong binati ng mga ito na siyang ibinalik ko rin sa kanila.
Matapos ang batian namin ay umuwi na rin ako agad para makapagpahinga dahil may pasok pa ako sa part time ko, eto actually ang huling araw ko sa part-time ko dahil by next week ibang work naman na ang papasukan ko.
Bukas rin ay aalis na ako sa bahay dahil sa totoo lang ay inaantay ko lang na makapagtapos ako, this time alam kong hindi na ako hahabulin nila Daddy dahil tapos na ang pamahiin nila.
Bukod doon, tapos ko na rin namang bayaran ang unit na kinuha ko para sa sarili ko, meron na ring mga iilan na gamit doon kaya malakas ang loob kong umalis dito.
PAGPASOK ko sa bahay ay malalakas na tawanan ang agad sumalubong sa akin.
"Daddy! This is so funny! I find it candid! Gosh! I'm going to post it on my social media so my followers can share it!" matinis na atungal ni Mikaela.
"Oh sure, princess! I will edit it for you, medyo kita kasi ang pekas mo dito, you need to be flawless on your photo para mas mapansin ka ng mga talent squad…" rinig ko namang usal ni Daddy sa kan'ya.
"Yes, and look! Medyo mukhang malaki ang braso mo dito kaya kailangan medyo paliitin ito para magmukha kang sexy," rinig ko namang usal ni Mommy.
"Oh My! Hindi pwedeng ganito, mommy! I think I need to do some diet! I need to do a fasting! It can't be!" rinig kong usal muli ng kapatid ko na agad na naghihisterikal.
Kusang umikot ang mata ko habang patuloy na naglalakad papunta sa hagdan para pumunta sa kwarto ko.
Naglolokohan lang sila sa ganyan! If modeling, acting, or any other related in showbiz industry are not for us then it is not for us! Hindi na dapat ipinipilit ang ganon!
Marahan kong inihiga ang katawan ko sa kama ko at huminga ng malalim bago ipinikit ang mga mata nang makarating ako sa kwarto ko.
Finally, after so many years of struggles– I will be free from my parents…
Iniisip ko pa lang na aalis na ako dito ay sobrang saya ko na.
Alam kong kasama sa pag-alis ko dito ang paghihirap lalo na at kailangan kong kumayod para sa sarili ko na talaga at hindi lang sa pag-aaral ko. Hindi na libre ang tubig at kuryente, ang pagkain pati na ang mga gamit ay dapat ko ng sarilinin ng bili. Pero kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon ay mas gugustuhin ko na iyon kesa ang tumira dito at manipulahin ang mga ikikilos ko.
NAPATINGIN ako sa cellphone ko nang makita ko itong umilaw.
Marahan ko iyong kinuha at napangiti ako nang mabass ko ang mensahe iyon na galing sa rent-a-car na kinontak ko para ihatid ako sa unit ko na siyang titirhan ko.
Mabilis kong kinuha ang ibang gamit ko na nasa ibabaw ng kama ko. Mabilis kong isinilid iyon sa backpack na dala ko dahil ang mga maletang binili ko ay medyo puno na ng mga damit.
Mabilis kong isinukbit ko ang backpack ko at kinuha ang dalawang maletang naglalaman ng gamit ko.
Puro na lang naman damit at sapatos ang mga nandito dahil ang ibang libro ko ay nandoon na at dinala ko na noong libre ang araw ko.
Muli kong ipinaikot ang paningin ko sa kwarto ko upang tinignan kung may naiwan ba akong gamit. Mabilis naman din akong lumabas nang makita kong wala akong naiwan.
Nang makababa ako sa ibabang palapag ng bahay ay hindi nakaiwas sa mga mata ko ang tingin ni mommy sa akin pero hindi ko iyon pinansin at nagdire-diretso lang palabas ng bahay.
Isang hakbang na lang para makalabas ako nang tuluyan nang napahinto ako dahil biglang nagsalita si Daddy.
“Once you step out of this house with all of your things, don’t you dare come back here and beg us to accept you! You decide on your own then live on your own!” usal nito na mababakasan ng pagkairita, inis, galit, at disappointment.
“Then, bye! See you in my next life,” usal ko at mabilis na hinakbang ang paa ko palabas kasunod ang mga gamit ko.
My decision is final! I will leave this house and live on my own! Hinding hindi ako babalik sa bahay na ito kahit mahirapan pa ako! Hindi ako hihingi ng tulong sa kanila!
Taas noo akong umalis ng bahay kahit pa narinig ko si Mommy na tinawag ako. Hindi ako lumingon o nagbigay ng kahit anong atensyon doon.
Agad kong ibinigay ang mga gamit ko sa driver ng kotse para mailagay sa trunk ng sasakyan.
Akmang papasok na ako sa loob ng kotse nang napahinto ako dahil may nakita akong pamilyar na kotse na huminto sa harap ng kotseng sasakyan ko.
Agad naman na lumabas doon si Mikaela na maikli ang suot na dress. Putok na putok ang makulay nitong mukha. Para bang make-up na nilagyan ng mukha ang itsura niya.
“Oh! Fatty Ely! You’re living na? So our house will be so maluwag na because there’s no more mataba? I’m so happy! At sa sobrang saya ko parang gusto kitang bigyan ng sampung cake! Tapos ivivideo ko para makita ng maraming tao na tumulong ako sa isang matabang katulad mo! Baka kasi pumayat ka!” natatawang pangungutya nito.
Napangisi naman ako sa kan'ya at maayos na tumayo.
"Why not give it to yourself, para naman magkalaman ka ng kaunti. You look so malnourished… oh! You can't eat that cake nga pala because you are too delusional that you will accepted being a supermodel kahit pa kitang kita naman sa itsura mo na ang katulad mong make-up na nilagyan lang ng mukha ay walang lugar sa sinasabi mong industriya," bwelta ko sa kan'ya bago tinignan siya mula ulo hanggang paa. "And for the record! I can buy 2x of the cakes you offer! And take note, I will buy it WITH MY OWN MONEY!" habol ko sa kan'ya.
Talagang pinagdiinan ko ang pagkakasabi ng with my own money para maramdaman niyang mas mataas at may kaya ako sa kan'ya. Minsan hindi rin masama na magmayabang ka lalo na kung mas may kaya ka sa nagyayabang sa iyo.
Alam kong nagpupuyos na siya ng galit pero dahil delulu siya masyado ay pipilitin niyang itago iyon dahil iniisip niyanh may mga camera na nakatutok sa kan'ya.
"Whatever you say but just to remind you! When I become a famous superstar, I will never let you claim that you are my sister! Because I don't have a sister who is fat and ugly like you!" madidiing usal nito.
Malakas naman akong natawa at muling ngumisi sa kan'ya.
"Don't worry! I don't actually feel to have a delusional sister like you," saad ko at muling binuksan ang pintuan ng kotse. Akmang papasok na ako nang may biglang pumasok sa isip ko kaya naman muli ko siyang tinignan. "Actually! Hindi lang pala delusional sister. Even a judgemental, body shamer, manipulator, and a racist like the family you are boasting,” habol ko pa sa kan’ya at ngumiti bago tuluyang pumasok sa kotse.
I didn’t bother to look at her kahit pa ramdam ko ang pagdadabog nito papasok ng bahay.
“Ma’am, aalis na ba tayo?” tanong ng driver sa akin.
Mabilis naman akong tumango sa kan’ya bilang sagot bago ko kinuha ang phone ko para magbasa para hindi ako mabored sa biyahe namin, medyo malayo kasi ang kinuha kong lugar.
For me to have a fresh start kailangan kong lumayo kila mommy. Bukod doon, inilapit ko siya sa trabaho ko bilang isang kompany bilang junior marketing consultant.
Since public relation nga ang course ko ay pwede kaming makipag-usap sa mga tao sa labas para malaman namin kung ano ang pwede pang iimprove ng company na kinabibilangan ko.
I also started to write my own blog last month and it is only about my adventures as a fatty person but of course hindi ko pinakilala ang sarili ko bilang Ely, I hide my identity as much as possible. And in that 1 month, I already have followers and different stories I read about them being criticized because of their body.
Minsan kasi talaga ang mga tao sa paligid natin ang mas nakakatanggal ng confidence natin bilang isang tao. Kahit wala naman tayong ginagawang masama ay hindi nila tayo tatantanan hanggang hindi nila nakikita na naghihirap tayo o kaya naman ay nagmamakaawa na sa kanila.
And that's what I wrote on my blog, us being fat or plus size is not a sin or mistake– yes, masarap kumain at masayang kumain but what if behind those reason is dahil broken hearted, family problem, stress sa school or work, may sakit na naging dahilan kaya siya naging plus size– maraming dahilan but imbes na intindihin, we choose to judge and insult people.
Siguro personal experience na lang din talaga kaya naman nagawa ko ang blog at talkings ko. And I don’t want others to be like my past me, who is weak and almost lost my confidence because of the racist and judgemental people.
----------------------