Chapter 4 - New work

1476 Words
ELY "SO, welcome to our company. I hope you can see yourself here at our office," usal ng akin boss na siyang nahtour sa akin dito sa floor namin. Unang araw ko ngayon at talaga namang inayos ko ang sarili kong suot, naglagay lang din ako ng lipstick sa labi ko kahit hindi ko talaga alam kung paano iyon dahil nalimutan ko na ang itinuro sa akin ni Mommy. Pero kahit paano ay pinilit kong aralin kaya nga nakapaglagay ako ng lipstick nang maayos. “So, Ely doon ka umupo. Ang katabi mo doon ay si Kristel, kakapasok niya lang last week,” usal nito sabay turo sa isang bakanteng upuan sa kaliwang dulo– katabi ng isang babaeng kumakaway habang may mga ngiti ang mga labi. “May mga gamit na doon and later after you check those office things, punta ka sa akin para mapapirmahan ko yung receiving slip na ibibigay ko sa HR natin, okay?” Tipid din naman akong ngumiti dito at simpleng kumaway doon sa babae bago ako humarap muli sa boos ko at tanguan siya. Marahan akong nagpaalam sa boss ko bago ako marahan na lumakad papunta sa sinasabi nitong lugar ko. Habang lumalakad nga ako ay may nararamdaman akong mga matang nakatingin sa akin na para abang agad na akong hinuhusgahan. Ewan ko ba, maayos naman ang damit ko at sinigurado ko na maayos ang itsura ko kahit pa nagkaroon na naman kami ng engkwentro ng lalaking ubod ng yabang! Hindi kasi sinasadya na magkasalubong kami habang paalis ako, habang siya naman ay papunta sa unit niya. Pilit ko na nga siyang iniwasan dahil gusto ko talagang maging tahimik pero sadyang hindi talaga kami tinititigilan ng tadhana dahil nagkabungguan pa kami kaya hindi talaga namin na iwasan na magkasagutan na naman. Sa susunod ay talagang iiwasan ko na ang bakla na iyon para hindi na ako magkaroon ng kahit anong kakilala sa lugar ko. “Hi, Ely! Ako nga pala si Kristel, I’m your seatmate for today’s video!” usal ni Kristel na siyang ngitian ko. “Salamat,” usal ko habang nauupo sa bakanteng upuan doon. Totoo nga ang sinabi ng boss namin, may nakahanda na doong mga gamit katulad na lang ng isang laptop at isang monitor. May mga nakalagay din na holder, sticky notes, at mga ballpen. "All our things is almost complete, dadalhin mo na lang ata ang sarili mo. It's so nice, 'di ba?" usal bigla ni Kristel na siyang ikinatango ko habang nakangiti. "Oo nga e. I also brought my laptop because I thought they would just only give me a table," usal ko sabay pakita ng bag ko. Mukha naman mabait si Kristel kaya kahit paano ay komportable ako makipag-usap. "Oh! I actually, that's what I thought too last week," usal niya sabay tawa. "Kanda hirap ako sa pagbubuhat tapos meron na pala, pwede nga natin itong iuwi pero pwede rin naman raw na hindi– dipende na lang sa iyo kung gusto mo iuwi o hindi,” dagdag na imporma niya sa akin na siyang tinanguan ko. Marahan kong inilapag ang bag ko sa ilalim ng table ko bago ko binuksan ang laptop na nakalaan sa akin. Nang buksan ko ay may nakalagay doon na sticky notes. Nakanote doon ang password ko pati na ang username na gagamitin ko sa buong durasyon ko dito sa trabaho. Mabilis ko iyong inalagay doon, habang nag-iintay ay tinignan ko ang pwede ko pang ilagay doon sa table ko. Tingin ko ay pwede akong maglagay dito ng picture frame or stand motivational quotes. “Ilang years ka ng junior marketing consultant?” tanong bigla ni Kristel kaya naman napalingon ako dito. Hindi ito nakatingin sa akin, mabilis itong nagtatype ng ginagawa niya na panandaliang huminto at tumingin sa akin. “Ah! Fresh grad ako,” usal ko dito na ikinagulat niya. Well! Nakakagulat naman talaga dahil fresh grad ako pero may trabaho agad, siguro naswertehan lang na nakita nila ang almost five years experience ko in virtual assistant kaya agad nila akong tinawagan for interview. Nang malaman nga nila na graduating pa lang ako ay bahagya silang nag-alangan but since they really impressed with my working experience ay hindi na nila ako pinakawalan. They just told me to process my papers while working on them. Kaunti na lang naman ang aasikasuhin ko since some of my requirements are already with them– TOR na lang at good moral kaya naman madali lang iyon lalo pa at maganda naman ang records ko sa campus namin kapag nagrequest ako doon ay makakakuha ako agad ng response. “Buti nakuha ka nila kahit fresh grad ka?” usal nito tapos bahagyang nagbilang sa kamay niya. “At’ska parang kakatapos lang ng mga graduation ha,” habol niya na parang gulat na gulat. Marahan naman akong tumango sa kan’ya bago sumaot. “Oo, last week lang ako gumraduate talaga tapos na hired ako dito last 3 weeks ago, binigyan lang ako ng mga one week na pahinga bago pinagstart,” usal ko na ikinatango niya. “Wow! Ako may one experience muna ako bago nag-apply dito kasi sabi nila mahirap raw mag-apply kapag walang experience,” usal niya na siyang ikinatango ko. Alam ko naman iyon kaya nga sabiko ay napansin agad ako dahil sa almost five years of working experience ko. “Siya sige na! Mamaya ulit kita chichikahin ha! Tatrabaho muna ako lalo na at medyo tambak ako at inaaral ko pa rin itong product na napunta sa akin,” usal nito at nguiti. “Sabay tayo maglunch ha!” saad niya na siyang ikinatango ko at ngumiti. Nang mawala ang kausap ko ay agad na akong humarap sa laptop na gamit ko pati na sa onitor na siyang nandoon. Since kahit papaano ay may alam na din ako sa computer ay inayos ko na din ang ibang gagawin ko. LUMIPAS ang oras at lunch na namin kaya naman mabilis kaming nag-asikaso ni Kristel para makapunta sa cafeteria. Habang pababa kami ay hindi naman nakaligtas ang mga bulugan ng mga taong pababa rin ng cafeteria. “Shocks! Ang gwapo talaga! Pakiramdam ko kapag kinawayan niya ako ay lalaglag ang panty ko,” saad ng isang beki doon. Meron silang pinagkakaguluhan na hindi ko sa isang cellphone parang picture. tumitili -tili pa ang ilan sa kanila. “Grabe! Ang gwapo talaga ni Mr. Ford! Ikama mo ako!” usal ng isa doon na may patumba pa kuno. Hindi ko naman naiwasan mapailing dahil sa inakto nito pati na ang sinabi niya. “Hindi ka mahilig sa showbiz, ‘no?” biglang saad ni Kristel na siyang ikinabalik ng tingin ko sa kan’ya. Tipid akong ngumiti at marahang tumango. “Halata ba?” tanong ko dito na mabilis niyang tinanguan. “Halata kasi sa itsura mo habang tinitignan sila, nagtataka ka ba kung sino iyong pinagkakaguluhan nila?” tanong niya sabay sulyap din doon sa mga nagkukumpulan. Napanguso naman ako at marahang umiling sa kan’ya. “Hindi naman, hindi ko lang magets bakit ganyan sila kung makareact, e tao din naman iyon bukod doon hindi rin naman sila papansinin non dahil sikat nga iyon at masyadong mataas,” usal ko. Muli naman itong natawa at umiling iling sa akin. “Ilang taon ka na ba?” tanong nito sa akin. “23 years old,” usal ko na siyang tinanguan niya na at parang nag-iisip. “Hindi ba dapat sa edad mo kayo ang pinaka nakakakilala diyan kay Magnus Ford? Generation ninyo iyan e. Parang matanda lang siya sa iyo ng dalawang taon,” usal nito sabay nguso din sa akin. Si Kristel din ay mukhang fan noong sinabi niya kaya ganyang na lang siya magsalita. “Ah! Hindi ko talaga siya kilala, bukod doon, wala talaga kasi akong hilig sa kanila kaya hindi ko sila kilala,” tipid akong nakangiti matapos kong sabihin iyon sa kan’ya. “Okay lang iyon, hindi naman ata iyon ang trabahong gusto mo kaya siguro ayos lang na hindi mo sila kilala pero te! Sinasabi ko sa iyo, ang gwapo ni Magnus Ford! Yummy!” usal nito na tipid ding kinikilig. Napatawa na lang ako dahil sa reaksyon niya at kung tutuusin ay normal lang naman siguro ang kiligin pero kung katulad noong nandoon na gusto silang ikama ay parang iba na ata iyon. Muli akong sumulyap doon sa mga tao doon nang muli silang nagtilian na halos lahat ng nandoon ay napatingin sa kanila. Sabay naman kaming napatawa ni Kristel nang agad silang sawayin ng guard dahil sa tilian nila. May iilan na kasing nagreklamo dahil sa tilian nila doon sa sinasabi nilang artista. Mabilis kaming umiwas ng tingin doon ni Kristel nang makita namin na nakabusangot na ang mga ito dahil sa pananaway ni guard. “Tama na nga iyon. Kumain na tayo,” usal nito na siyang tinanguan ko. --------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD