Chapter 5 - Package

2109 Words
ELY “BYE, Ely! See you tomorrow!” mabilis na paalam sa akin ni Kristel nang makalabas kami ng building namin. “See you tomorrow, ingat ka sa pag-uwi at salamat sa pagsama sa akin,” paalam ko dito. Mabilis naman siyang umiling sa akin habang bahagyang natawa. Napakapala tawa niya sa totoo lang, tapos napaka-energetic na na hindi ko alam kung paano makakayanan. Unang araw naming nagsama pero iba talaga ang energy niya. “Wala iyon! Paano dito na ako ha! Nandito na ang jowa ni Inday!” kinikilig na usal nito bago mabilis na kumaway sa akin at patakbong pumunta sa lalaking nakamotor na siyang sinabi niyang jowa niya. Muli itong tumingin sa akin at kumaway habang suot na ang helmet na ibinigay sa kan’ya ng lalaki. Medyo nagtaka nga lang ako nang makita ko ang gamit na helmet noong lalaki, parang iyon yung gamit ng mga nasa rider apps. Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil baka naman jowa niya nga iyon pero nasa riding app. Baka naman talaga. Naglakad na lang ako papuntang sakayan ng jeep na dadaan sa lugar ng unit ko, may mga suv naman na nadaan doon sa lugar ko kaso nga lang mas mura sa jeep kahit pa siksikan at nagkakaagawan dahil sa rush hour na, mas makakatipid ako sa jeep. Tapos lalakarin ko na lang papasok doon sa street ng building ko. At katulad nga ng inaasahan ay sobrang hirap makasakay ng jeep pero dahil malaki akong babae ay kaya kong makipagsabayan sa mga lalaki, nandoon nga lang ang pagkakataon na mabubunggo ako o masasagi ang dibdib ko dahil nga siksikan pero gusto ko na umuwi para naman makapagpahinga. “HAY! Sa wakas!” usal ko nang makababa ako ng masikip na jeep. Marahan akong nag-unat bago ko tinignan ang lalakaran ko at jusko po! Malayo pa ito sa building ng unit ko pero keri lang! Mabuti na lang at hindi ako nakawedge na sapatos at nakapalda kaya kahit paano ay madali ang lakaran ko. Huminga ako nang malalim bago ako nag-umpisang maglakad pauwi. Mabuti na lang din at medyo gabi na din kaya kahit papaano ay hindi na ako maiinitan. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kalamnan ng tiyan dahil nagugutom na ako. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kakain ko mamaya pero nakakatamad magluto lalo na at pagod ako pero siguro magluluto na lang ako pero very light lang. Malapit na ako sa building namin nang makakita ako nang isang malakas na busina ang nagpalingon sa akin. Mabilis ko iyong nilingon at kusang napataas ang kilay ko nang makita ko ang isang itim na sedan. Napataas lang ang kilay ko dahil sa pagtataka dahil malawak naman ang daan at hindi naman ako nakaharang sa daan. Hindi naman ito huminto at parang nagpapansin lang na may kotse siya. Akala naman niya ay maiinggit ako sa kotse niya. Nang makalagpas ito sa akin ay huminga na lang ako nang malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi ng building ng unit ko. “Hello, kuya guard! “ masayang bati ko sa guard na nandoon. Siya lang naman ang binabati kong guard dito dahil siya lang naman ang mabait dito. Yung ibang mga guard kasi dito ay mapanghusga. “O, Ely! Kumusta ang unang araw ng iyong trabaho?” nakangiting tanong nito sa akin. “Maayos naman ho kahit papaano. May naging kaibigan na po ako,” tugon ko sa kan’ya na siyang ikinatango nito. “Mabuti naman kung ganon. Minsan mahirap makahanap ng kaibigan sa trabaho lalo na kung bago ka,” usal nito sa akin. “Totoo po! Mabuti na nga lang po at edyo mago lang din po iyong katabi ko kaya hindi naman ho ako nahirapan na makipag-usap sa kan’ya,” muling pahayag ko na ikinatango niya. “Mabuti, sige na at umakyat ka na doon. Sigurado ako na mahaba ang araw mo sa mga susunod kaya siguradong mapapagod ka kaya magpahinga ka na,” usal nito sa akin at ngumiti ng malawak. Agad ko namang sinagot ang ngiti niya at tumango sa kan’ya ng dalawang beses. “Marami pong salamat. Ingat ka po dito,” usal ko at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Mabilis akong tumakbo nang makita ko na makita ko na magsasara na ang isa doon. “Sandali!” sigaw ko dahil nakita ko na may tao ngunit napakunot ang noo ko nang tuluyang sumara ang pintuan at hindi man lang kumilos ang tao doon. “Apakasama naman ng ugali ng tao na iyon! Nakita na namay gustong sumakay ay hindi pa pinigilan ang pintuan na magsara!” usal ko. Agad ko na lang pinindot ang isang pang button para sa kanang elevator at inantay iyon na bumukas. Hindi rin naman nagtagal ay agad na bumukas ang parte na iyon kaya naman mabilis akong pumasok doon at agad na pinindot ang 5th floor. Nang matapat ako sa tamang palapag ay agad akong lumakad papunta sa unit ko at bahagya namang napataas ang kilay ko nang makita mismo ng dalawang mata ko kung paano sipain ng lalaking mayabang yung gamit ko na nandoon sa tapat ng pintuan ko. “Hoy! Bakit sinisipa mo?” angil ko sa kan’ya at abilis na lumakad papunta doon. Agad naman itong lumingon sa akin, hindi ko makita ang mukha nito dahil nakashades siya akala mo naman ang taas ng araw kung makapagshades! “I’m not kicking it,” usal nito sa akin. “I’m actually giving it to you,” saad niya. Mas tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Mabilis akong huminto sa harap niya at mabilis na kinuha ang box na nandoon. Agad kong niyakap ang box at hinarap siya. “Giving! Ang sabihin mo, gusto mo lang manira kasi wala kang package! Bakit hindi ka umorder ng iyo para magkaroon ka ng package!” usal ko dito. “That’s actually mine! I’m–” “Kung sa iyo? Bakit nasa tapat ng pinto ko at kitang kita ko na sinipa mo! Hindi ako tanga,” usal ko dito. Huminga naman ito ng malalim at kung wala lang ang shades nito ay paniguradong makikita ko ang pag-irap nito sa akin, base pa lang sa paraan ng pagbuntonghinga nito. Napaismid na lamang ako sa kan’ya at mabilis na tumalikod. Akmang bubuksan ko na ang pinto ko nang magsalita ito na ikinatigil ko. “I know, you are not stubid. Sa lapad ng katawan mo, I mean ng utak mo talagang hindi ka maiisahan,” usal nito. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa sinabi niya. I know he is insulting me! Marahan ko siyang hinarap na walang emosyon. “Yes, my brain is idiomatically the same as my size! And that’s also applied to you! Such a loser and a d*ckhead! You keep on calling out of my size. Why? Are you jealous that I’m quite healthy, unlike you?” usal ko dito sa seryosong paraan. Ngumisi lang naman ito sa akin. “I can sue you by calling me names,” usal niya. “Then sue me! We can sue each other, I can also sue you by shaming my body, by keeping on bothering me! I can sue you by s****l harassment!” saad ko. Ako pa ang tinakot nito sa kasuhan-kasuhan! Ano namang paki ko?! Siya ang dapat kasuhan dahil siya ang may ginawang kalokohan sa aming dalawa. Napakunot ang noo ko nang matawa ito at walang pakundangang tanggalin ang salamin niya. Tumitig ito sa akin habang ako naman ay napataas ang kilay sa kan’ya. “You know what?! We should not bother each other anymore! Kasi wala naman akong mapupulot sa iyo kun’di panlalait mo! I only want to have a peaceful and happy life but everytime you come– my dream to have a peaceful life vanishes! Thanks to your goddess attitude!” putol ko sa titigan competition namin. Mabilis na akong tumalikod sa kan’ya, hindi na ako nakarinig ng kahit anong salita galing sa kan’ya kaya naman nang mabuksan ko ang pinto ng unit ko ay hindi ko na ito nilingon pa at agad akong pumasok sa bahay ko. Hindi magiging healthy sa mental health ko kung lagi kaming magkakasagutan at lagi niyang lalaitin ang katawan ko. Hindi ko gustong magtaray o may makaaway dito dahil ang gusto ko lang talaga ay magkaroon ng maganda at tahimik na buhay na hindi ko naranasan noong nasa bahay pa ako. Ang plano ko naman talaga ay kahit paano ay maging kaibigan ang mga kapitbahay ko pero sa ginawa niya sa akin noong una kaming magharap ay hindi na talaga mababago ang unang impresyon ko sa kan’ya na mayabang siya at puro sarili niya lang ang iniisip niya. Ganon naman talaga ang tao, kailangan isipin natin ang sarili natin to the point na manlalait na tayo ng iba para lang itaas ang sarili natin which is I really don’t understand! Why do we need to step on others' lives and pride if we can achieve our dreams or goals without hurting others feelings! Without breaking their confidence! But actually, I am also sorry for what I said to him about his brain– I was just too blinded by my emotions kaya sinabi ko sa kan’ya ang ganon. I mean it but I should not let him hear it. Marahan kong ibinaba ang yakap-yakap kong package. May inaantay kasi talaga akong pakage from online shopping at alam ko nga ay ngayon ang dating non kaya alam kong akin ito tapos sasabihin niya pa na sa kan’ya iyon! Iniwan ko muna doon ang package ko at nagpalit muna ng damit para kumportable ako kapag sinubukan ko na ang mga kape ko. Bigla akong na-excite at mabilis na nawala sa isip ko ang nangyari kanina, napalitan na ng kape… mahilig ako sa kape dahil nga sa part-time ko ay lagi akong umiinom ng kape. Nandoon pa nga ang nagka-UTI na ako dahil sa kakakape ko. Hindi alam nila mommy iyon dahil wala naman silang pake-alam sa akin basta ko na lang ginamot ang sarili ko at panandaliang huminto sa pagkakape, meron pa na inacid ako dahil sa kape. But of course! Coffee is life! Palabas na ako ng kwarto ko nang biglang may magdoorbell sa unit ko kaya naman imbes na pumunta sa kusina ay mabilis akong naglakad papuntang pintuan para tignan kung sino iyon. Tinignan ko muna sa peephole kung sino iyon at nang makita ko na si kuya guard ay mabilis ko itong binuksan. Agad na bumungad sa akin si kuya guard na may hawak na box. Nagtataka man ay agad akong ngumiti sa kan’ya. “Hi, Ely! Nakalimutan kong sabihin sa iyo na may deliver ka kanina. Bayad naman na ito kaya iniwan na lang sa akin at hindi na inilagay dito,” usal niya habang inaabot sa akin ang box na iyon. “Ah! Ganon po ba?” usal ko habang marahan din na kinukuha ang box na iyon. “Salamat po, pasensya na rin po sa abala,” usal ko habang pilit nainingingiti ang mga labi. “Ay wala iyon! Sige na at bababa na ako, nakisuyo lang ako sa kapalitan ko para naman maihatid ito sa iyo,” paalam nito na siyang tinanguan ko. “Sige po. Salamat po ulit,” paalam ko sa kan’ya. Mabilis naman na umalis si kuya guard habang ako ay naiwan doon na medyo naguguluhan. Marahan kong isinara ang pintuan ko habang napapaisip. Kung eto ang package ko, kanino iyong package na nasa harap ng pinto ko kanina? “Sh*t!” bulaslas ko nang may marealize ako! Mabilis akong naglakad papuntang kusina at agad kong ibinaba ang hawak kong box. Agad kong kinuha ang box na hawak ko kanina at agad na hinanap ang waybill ng package na iyon! Nakakapagtaka na wala itong waybill pero may nakapentel pen lang ang nakasulat doon. Mabilis ko iyong binasa at napataas ang kilay ko nang mabasa ko ang pangalan ng lalaki. “We love you, Mr. Lux!” basa ko sa nakasaad doon. Kusa kong nasampal ang noo ko habang unti-unting nagsisink-in sa akin na para nga talaga ito doon sa lalaking mayabang! Mukhang siya si Lux at padala sa kan’ya ito! Pero bakit niya inilagay sa akin kung para pala sa kan’ya ito? Mabilis kong binuksan ang box na iyon at sobrang hirap niyang buksan! Kumuha pa ako ng kutsilyo para buksan ang tape na nakabalot sa package! Nang mabuksan ko na ay agad na bumungad sa akin ang sandamakmak na mga candies at chocolate! May panyo pa na hindi na ako nag-abalang tignan! Napailing na lang ako! This time, mukhang kailangan ko talaga magsorry sa lalaking iyon dahil sa ginawa ko. --------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD